M
E
N
U

Nathaniel- Angel Sa Lupa (5)

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Erotic Couplings, Mature, Romance · Tags:
Date: July 14, 2020 (2 months ago)


Binagalan niya ang pagpapatakbo ng motor niya upang makita kung anu ang gagawin ng mga ito. Nang maisakay na si Gabriel ay mabils na nag sakayan din ang mga dumakip dito.

Palihim niyang sinundan dahil hindi naman niya alam kung anu ang number ng police station.

Tumawag siya sa driver niya upang sabihin ang sitwasyon, sinabihan siya nito na huwag ng makialam at baka pati siya ay madamay pa sa kapahamakan. Pero hindi niya kayang gawin ito. Patuloy niyang sinusundan ang van ng pumasok ito sa isang madilim na kalsada.

Huminto muna siya dahil siguradong malalaman ito ng mga sakay ng van.

Sa di kalayuan ay nakita niya tumigil ang van at nagbabaan ang mga sakay. Iginilid niya ang motor niya at muling tinawagan ang driver.

Sumagot ito pero hindi na niya hinayaang mag salita, sinabi nalang niya kung nasaan siya.

Dali dali niyang pinatay ang CP niya at maingat na pumunta sa kung saan dinala si Gabriel.

Nang makita ang lugar ay humanap siya ng pwesto kung saan niya makikita ang kaklase. Madilim na at nasa loob lahat ng mga dumakip kay Gabriel.

Idinadalangin niya na mapuntahan agad sila ng mga pulis.

Humanap siya ng bagay na pede niyang gamitin kung sakaling magakaka-gipitan.

"Sige igapos nyo yan at maya maya tawagan na natin ang mga magulang para maipa tubos."

"Siguradong tabo tayo dito ,e ramsom na me bayad pa tayo kay bosing."

Sinundan niya kung saan pupunta ang inutusan, nakita niya na pumasok ito sa isang kwartong sa dulo. Humanap siya ng maiikutan para makita kung asan si Gabriel.

Nagulat siya sa nakita niya dahil nakatali na ito at puro pasa. Halos sarado ang mga mata nito.

Hindi niya alam ang gagawin, nakita niya na may isang pinto si gilid ni Gabriel kaya umikot pa siya ng konti upang malaman kung saan ang pintong nakita niya.

Nakita niya ang maliit na bintanang kasyang kasya lang ang isang tao. Madali niyang naakyat ang bintana at nakita niya sirang CR pala ito.

Nakababa siya sa loob para sumilip sa kinalalagyan ni Gabriel, may isang bantay pa. Tahimik siya nag iisip. Nakita niya na umiilaw ang CP niya, hind niya pedeng sagutin buti nalang nai-silent niya kanina dahil sa katatawag ni Louise.

Narinig niyang bumukas ang pinto lumabas ang bantay. Mabilis siyang lumabas ng CR at hinatak ang silyang kinatatalian ni Gabriel. Mainam na din na may pasak ang bibig nito kaya hindi nakapag salita.

Dali dali niya itong kinalagan, nanginginig siya sa kaba dahil kahit anung oras ay maaring dumating ang bantay nito.

"Wag ka na munang magtanung, mahabang kwento."

Pabulong na sabi niya dito na naintidihan naman ni Gabriel.

Inalalayan niya itong umakyat sa bintana, ng makababa si Gabriel ay siya naman ang mabilis nasumampa.

Saktong nakalayo na sila patakbo ng marinig nilang bumukas ang pinto.

"Nakatakas ang bata!" sigaw ng bantay nito.

"Dalian natin, nasa gawi dun ang motor ko."

Ngunit huli na dahil nakita na sila ng mga kawatan.

Pinaulanan sila ng bala, hindi na nila pinansin kungdi mas binilisan pa nila ang takbo.

Nang makarating na sila sa motor ay dali dali na niyang pinaandar para makalayo. Bago maka arangkadaang motor ay naramdaman niya ang balang dumaplis sa kanyang balikat. Hindi na niya pinansin kahit gumguhit ang sakit nito.

Nakita niya sa side mirror ang van na sumusunod sa kanila. Diretso lang sila mas binilisan niya ang patakbo. Umiisip siya ng paraan para mailigaw ang mga ito. Nang may makitang maliit na eskinita ay iniliko niya ang motor. Mabilis na pina arangkada.

"Gabriel kunin mo yung CP sa bulsa ko, patawagan yung driver namin," utos niya sa lalaking nakaangkas sa kanya.

Mabilis namang kinapkap ni Gabriel ang bulsa niya, dahil siguro sa pag mamadali ay hindi naiwasangang pagkalalaki niya ang nahawakan nito nakapaling sa kaliwa. Medyo napa urong ang kamay ni Gabriel ng maramdaman ang pagkalalaki ni Nathan.

Hindi nalang pinansin ni Nathan ang nangyari.

"Sa kanan kong bulsa Gab!" Sigaw niya dito para marinig.

Kumilos ang kanang kamay ni Gabriel upang kunin ang cellphone. Nahirapan siyang dukutin sa bulsa dahil sa sikip ng pantalon. Kahit hirap at asiwa ay napilitang gamitin ni Gabriel ang kanang kamay para matulungan sa pagkuha ng CP.

Hindi niya maiwasng madagi dagi ang alaga ng lalaking nagmamaneho. Maya maya pa ay nakuha na nito ang CP.

Sinabi niya ang password at saka ibinigay ang pangalan ng tatawagan.

Muli nakakita siya ng mas maliit na eskinita na tingin niya ay di pedeng pasukin ng van. Dali dali niyang iniliko ang motor papasok. Nakita niyang nagbabaan ang mga sakay nito. Pinaharurot nalang niya ang motor upang makalayo.

Nang malayo na ay saka lang siya nakahinga.

"Saan tayo ngayun? Kailangang makapag report tayo sa pulis."

"Wag na muna, sa bahay nalang muna tayo para masabi ko kila Mama at Papa."

"Sige, me alam ka bang daan na hindi tayo masusundan ng mga humahabol sayo. Baka kung sa daanan na alam ko tayo e siguradong maghihintay ang mga yun."

"Dun tayo sa safe house namin, kailangan ko lang malaman kung saan tayo para mabigay ang direction."

"Sige hanap tayo ng palatandaan."

Isang gas station ang nakita niya na pamilyar na.

"Iliko mo kanan, tapos diretso lang."

Sinunod lang niya ang instruction ni Gabriel.

"Nathan, salamat!" sabi nito.

"Mamaya ka na magpasalamat pag siguradong ligtas na tayo." Sagot naman niya.

"Puwede ba akong makatawag kila Papa para makapunta sila sa safe house?"

"Sige lang."

Diretso lang siya sa pag drive dahil di naman niya masyadong marinig ang usapan nila Gabriel hanggang makarating sa dulo na may malaking gate.

Bumaba si Gabriel kahit na hirap maglakad at nag enter ng password sa gate. Saglit pa ay bumukas at sinalubong sila ng mga security. Pinapasok sila habang ang ilan ay lumabas upang tingnan kung may nakasunod sa kanila.

Nang masigurong walang nakasunod ay pumasok nadin ang mga ito at isinarado ang gate.

Dinala sila sa isang clinic sa loob ng safe house. Nakita ng mga ito na may tama siya kaya pina hubad sakanya ang shirt na suot upang matingnan kung gaano ba kalalim ang bala. Si Gabriel naman ay pinahiga sa clinic bed upang mabigyan ng treatment dahil sa sugat at bugbog na natamo nito.

Walang pang isang oras ng dumating ang mga magulang ni Gabriel, nakita niya ang takot sa mga mata ng Mama ni Gabriel, ang Papa naman nito ay diretsong lumapit sa kanya upang tingnan ang kalagayan ng anak.

Matapos masuri at masiguradong maayos ay saka lang siya naipakilala ni Gabriel.

"Ma, Pa si Nathan po pala, classmate ko. Siya din ang nagligtas sakin."

Nilapitan siya ng Mama nito habang nakatingin naman ang ama sa kanya.

"Maraming salamat iho,baka kung wala ka ay mas malaking problema at kapahamakan ang nangyari."

"Wala anu man po Ma'am"

"Okay ka lang ba?" tanung naman ng Papa nito ng mapansin ang sugat niya sa balikat.

"Okay lang naman po, nadaplisan lang kanina nung hinahabol kami."

Hinayaan muna nilang mag pahinga si Gabriel dahil sobrang dami nitong pasa at sugat. Isinama naman siya ng mga magulang nito upang ilahad ang lahat ng pang yayari. Ikinuwento niya buhat sa oras na nakita niya itong isinasakay sa van hanggang kung paano niya ito na iligtas.

Humanga ang mga magulang nito sa katapangang ipinakita niya. Tinanung kung taga saan siya at sino ang mga magulang. Sinabi niya dito na galing siya sa ampunan at si Mama Joy ang kanyang guardian. Medyo natawa pa ang mga ito ng malamang nakatira siya sa isang bakla. Humingi naman ang mga ito ng dispensa ng makitang hindi siya natuwa sa inakto ng mga ito.

Kilala naman daw nila ang Mamay niya na hindi mapang abuso sa mga lalaki, katunayan ay partner pa nila ito sa isang business.

Nag paalam na din siya at baka nag aalala na ang Mamay niya. Hindi naman siya nakaalis agad dahil pinilit muna siyang pakainin.

"Kung may kailangan ka Nathan wag na wag kang mahiyang lumapit sa amin. Maraming salamat ulit sapag tulong kay Gabriel." Sabi ng Mama ni Gabriel habang yakap yakap siya.

Ipinahatid din siya sa ilang security nito, isinakay nalang ang motor niya sa pick-up.

Katulad ng inaasahan niya, naghihintay ang Mamay niya at alalang alala. Niyakap siya nito at sinuri kung ano ang lagay niya. Nang makitang may sugat siya ay gusto siyang dalin sa hospital pero tumanggi nasiya dahil okay naman na.

Ikunuwento din niya ang nangyari, sinabihan pa siya na wag munang pumasok ng ilang araw hanggang wala balita tungkol sa mga kidnaper ni Gabirel at baka natandaan siya.

Ipinagbawal din muna ang paggamit ng motor at baka nakuha ang plate number nito.

Matapos ang mahabang usapan ay pinaakyat na siya para magpahinga. Napaka palad talaga niya saMamay niya.

Hindi na siya gumising ng maaga kinabukasan dahil hindi na muna siya papasok. Nakalimutan nadin niyaang nangyari sa kanila ni Louise at natabunan ng nangyari sa kanila ni Gabriel.

Iniisip din niya kung anu na ang nangyari kay Gabriel kung kumusta na kaya ang lalaki. Anu kaya ang nasa likod ng pag kidnap sa kanya.

Kumain siya ng late breakfast dahil wala namang gagawin ay nag exercise siya at naligo para maginhawahan. Muli nalang siyang natulog upang manumbalik ang lakas. Hapon na ng magising siya, kumain ulit ng late lunch saka nanood ng TV.

Noon lang niya naalalang tingnan ang CP. Umakyat siya para tingnan kung me mga messages sa kanya.

Nakita niyang madaming missed calls na nakaregister. Ilan ang galing kay Louise, kay Anton, Mamay niya at ilang classmates. Pero merong dalawa missed calls na number lang.

May mga messages na sinagot niya lalot ang iba ay yung mga nag missed calls except kay Louise na hinayaan lang niya.

Sa huli ay minessage niya ang dalawang unregistered number na nag missed call.

Nang ma sent na ang mga messages ay hinanap niya ang charger dahil paubos na din ang battery ng cp.

Kakasaksak palang ng charger ng mag ring ang isang number na hind naka register.

"Hello!" sagot niya.

"Nathan si Gabriel ito." Boses sa kabilang linya.

"Oh Pre kumusta ka na? Kumusta na lagay?" agad na tugon niya.

"Pre okay naman ako, kanina pa ako tumatawag para personal na makapag pasalamat sa tulong mo."

"Ganun ba, nakatulog kasi ako. Hindi na din ako pumasok ngayun sabi ni Mamay."

"Pati ikaw tuloy nadamay."

'Wala yun pre, me reason bakit ako nandun nung oras nay un."

"Basta salamat ha, inspite of the things na ginawa ko nakakahiya dahil ikaw pa ang nakatulong sakin."

"Wag mo ng isipin, past is past."

"Salamat talaga, sana makabawi ako sa tulong na ginawa mo sakin at sa mga kalokohan ko."

"Naku mahirap ata yan haha. Ayoko namang makidnap para makabawi ka hahah."

Natawa nalang din ito sa tugon niya.

Madami pa silang pinag usapan, nag tatago na din daw yung mga kumidnap sa kaniya at pati ang nag utos dito.

Nakilala pala niya at mga tauhan pa ng Papa niya. Babalitaan nalang daw siya pag nahuli na.

Nang magpaalam si Gabriel ay itinuloy na niya ang pag charge at muling nag pahinga. Tatlong araw din siyang hindi pumasok sa school. Medyo na bored nadin siya. Buti nalang at madalas tumawag si Gabriel upang magbalita. Tumatagal ang usapan nila ng higit isang oras o minsan ay lumalagpas pa ng dalawangoras.

Biernes ng pumasok na siya dahil nahuli na daw ang mga kidnapper, naging maayos naman sa school bagamat kailangan niyang maghabol. Hindi na din niya pinansin si Louise kahit na lumalapit pa ito sakanya.

Hindi pa rin pumasok si Gabriel, after class ay muling lumapit sa kanya si Louise at nag sosorry, pero hindi niya pinansin. Ramdam niyang naiinis na ito sa kanya.

Back to norman life siya, Friday night ay sumama na ulit siya sa restobar. Medyo napaaga ang dating nila dahil me bagong banda daw na mag aauditon. Nagkataong nag seset up palang.

Nakatuwaan niyang kunin ang guitar kahit medyo matagal na din siyang hindi tumutugtog. Tinipa niyaang kantang "The Man Who Can't be Moved"

Nakatalikod siya sa stage kaya hindi niya alam na may mga tao na pala sa likod niya.

"The man who can't be moved, the man who can't be moved." Pagtatapos niya sa kanta.

Palakpakan ang mga tao sa likod niya na ikinagulat niya. Si Mamay ay tumakbo pa sa kanya at niyakap siya na para bang proud na proud.

"Grabe anak ang ganda ng boses mo parang boses ng angel. Buong buo pero nakakapangilabot."

Hindi niya alam kung bakit ganun ang sinabi nito samantalang hindi naman ganun ang timbre ng kanta.Alam niyang pulang pula siya sa hiya bagamat kita niya ang paghanga sa mga nanonood.

Binitawan na niya ang gitara at bumaba ng stage.

"Grabe Mama Joy, ang guapo na, yummy pa tapos ang ganda ng boses ng anak anakan mo ah."

Ngiti lang ang isinagot niya sa mga ito. Maraming papuri pa siyang narinig pero hinayaan nalang.

Maya maya pa ay pinag start nadin ang mga mag audition. Okay naman kaya lang medyo me sabit sa vocalista.

Hindi na niya hinitay ang mga sasabihin ni Mamay at lumabas na siya. Sakto pag labas niya ay may pumaradang sasakyan sa labas. Nagulat siya ng lumabas sa kotse si Gabriel.

"O pre, anu balita?" tanung niya ng salubungin ang dumating.

"Totoo pala ang sabi ni Louise na dito ka tumatambay pag Friday."

Medyo nairita siya ng marinig ang pangalan ni Louise, inignore nalang niya. Hind naman alam ni Gabriel ang nangyari sa kanila ng babae.

Napansin din niya na may kakaiba sa lalaki. Inaya niya ito sa loob since maaga pa para mag order kaya nag ask nalang siya ng something na pede nilang kainin.

"Hinanap talaga kita pre, para personal na magpasalamat."

"Ahahaha ilang araw ka ng nag papasalamat, baka maubos yan hehehe," sagot naman niya.

"Hindi ko lang kasi sukat isipin na ikaw ang tutulong sa akin sa kabila ng ginawa ko sayo."

"Sabi ko naman wag na natinisipin yun, past is past."

"Sabagay."

"Sige kain lang tayo, wala pang entertainment at masyado pang maaga ang pag bar natin hahaha."

"Ayus lang, gusto lang talaga kitang makita."

"Huh!?" nagulat na sa sagot niya.

"Ah eh, anu kasi diba since nung na kidnap ako dina tayo nagkita," kanda utal na sagot nito.

"Oo nga eh, pumasok na kasi ako kahapon."

"Kumusta sa school?" tanong nito.

"Okay naman, mukhang hindi naman alam sa school."

"Sabi kasi ni Papa wag na nga daw ipaalam, sa Principal nalang ata para ma contain ang issue."

"Ganun ba?"

Kapansin-pansin ang mag titig nito kay Nathan, bigla namang iiwas ng tingin pag nagtama ang mata nila.

Madami silang pinagkwentuhan, napansin ni Nathan na madaldal pala ito. Siya naman kadalasan at tango, oo, hindi or kaya ay basic lang ang sagot niya.

Nakita niya na umiilaw ang CP nito na nakapatong sa table, hindi ata napansin ni Gabriel.

"Pre me tawag ka ata?" itinuro niya ang cellphone nito.

"Ah si Mama, sagutin ko lang pre." Paalam nito.

"Sige lang," at tumayo ito ng konti para lumayo sa kanya.

Sandali lang naman kinausap ang Mama niya at bumalik na din.

"Pre hinahanap nako ni Mama, papaalam nadin ako." habang titig na titig ito sa guapong mukha niNathan.

"O sige, medyo gabi nadin naman, alam mo na nakaka phobia din yung nangyari," tumayo na din siya.

Dahil naka shirt at board shorts lang si Nathan kaya kita ang hubog ng katawan nito at pati ang binti niyang may pinong balahibo.

Nang tumayo si Nathan ay pasimpling inayos niya ang bukol sa harap na naipit sa matagal napagkakaupo.Hindi rin nakaligtas sa mata ni Gabriel ang malaking umbok nito sa board shorts ng kumambyo. Ilang beses siyang napalunok ng laway.

Alam niya sa sarili niya na lalaki siya pero sa totoo lang kaya niya binubully si Nathan dahil sa kakaibang naramdaman niya dito. Una akala niya ay insecurities na nalamangan siya sa maraming bagay. Pati kay Louise ay malapit ito samantalang sa kanya ay iwas.

Nalilito siya sa nararamdaman lalo na ngayun. Buhat nung iniligtas siya ng kaklase ay ibang tuwa ang naramdaman niya. Siguro gusto niya lang maging kaibigan si Nathan.

"Pre bago ka umalis pakilala kita kay Mamay." Lumakad na ito palabas habang nakasunod naman siGabriel.

Matapos mag paalam ay inihatid na niya ito sa sasakyan. Bago tuluyang sumakay ay humarap ito sakanya.

"Sige pre, salamat sa dalaw," sabi niya ng tahimik itong nakatingin sa kanya.

"Friends?" iniabot nito ang kamay sa kanya.

"Friends!" inabot naman ni Nathan ang kamay at hinila ito para yakapin siya.

Nabigla si Gabriel sa ginawa ni Nathan, napaakap nalang din siya dito. Natauhan siya ng marahan siyang itulak nito.

"Sige pre alis nako." Medyo awkward na sagot nito pero parang ayaw pang umalis.

"Sige pre, pano pasok nako sa bar ha, assist lang ako sa nag seset up na band."

Nuon lang ito tumaliko...

About the Author :

Joined: June 15, 2020 (3 months old)
Writings: 94
Bisexual  ·  Offline
Description:
Writing is a hobby, stories are expression of a persons creative ideas, readers are the inspirations... In here... dreams do come true...
13  ·  8  ·  15  ·  2,815
 · 

Comments
Mants
July 14, 2020 (2 months ago)

Thanks sa pag update sir. Nadagdagan na mga aabangan kong story. Ganda ng flow ka abang abang.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
diegomadara
July 14, 2020 (2 months ago)

Ayos ganda na ng story mo mahal na prinsipe,,, no idea lang ako sa kanta nya, mas maganda nx tym if Metallica or linkin park or creed naman kantahin ni nathan,, yun cgurado laglag panty ng mga girlas sa bar,

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
C
charles2700
July 14, 2020 (2 months ago)

Salamat sa update author...kinilig ako kina rizelle at nathan.....hehehehhe

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
B
beep108
July 14, 2020 (2 months ago)

maraming salamat s update otor
ang ganda ng kwento,sana masundan ng maaga

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Wildwest
July 15, 2020 (2 months ago)

Those days n ang sarap balik balikan, feeling teenager lng haha, gling mo lodi πŸ‘πŸ‘, thanks anyway

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
J
jpoy23
July 15, 2020 (2 months ago)

Ganda lodi ng kwento..bagong aabangan na nman..thanksπŸ˜…

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
D
denz1111
July 15, 2020 (2 months ago)

hmmm i smell something mukhang BL story to πŸ˜ŠπŸ˜πŸ‘πŸ‘

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
D
denz1111
July 15, 2020 (2 months ago)

aabangan ko tlaga to 😍😍😍

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Latest Writings
Recent Comments