M
E
N
U

Nathaniel-angel Sa Lupa (3)

Posted in
Story: True Story, Tagalog · Categories: Erotic Couplings, Taboo, Wife Lovers, Mature, Romance · Tags:
Date: July 12, 2020 (2 months ago)


Ito pala ang Mama Joy na sinasabi nito, kala nya ay babae. BINABAE pala.

Pero kung titingnan mo ay mukha itong babae, me mga features lang na mahahalata mo na lalaki pala ito.Medyo may idad na pero kagalang-galang pa din.

Nakangiti itong binati si Elmer.

"Mama Joy si Nathaniel po, pinsan ko." Pakilala sa kanya nito.

"Oh di nga! Me kamag anak pala kayo guapo hahaha." Malanding tawang sagot nito.

"Mama Joy grabe ka sakin ha, komo ba natikman mo na ko ganyan ka na sakin?" Pabirong sabi nito.

"Hoy! Hoy! Hoy! Baka maniwala ang pinsan mo ha!" nandidilat na sabi nito.

"Mama Joy!"

"Baka isipin ni Nathaniel wala akong taste hahaha," pahabol pa nito.

"Grabe ka talaga Mama Joy!" sagot naman ni Elmer.

"O siya anu bang kailangan?"

"Mama Joy naghahanap po kasi si Nathan ng trabaho baka naman pedeng maipasok sa resto bar mo?"

Tiningnan siya nito mula ulo hangang paa.

"Tumayo ka nga iho," sabi nito sa kanya.

Pinaikot siya nito at saka pinangiti. Parang natulala naman ito ng makitang pag-ngiti niya.

"Sigurado ka bang waiter ang papasukin mo?

"Kahit anu pong trabaho basta maayus ang pagkakakitaan."

"Sa tingin ko ay papasa ka naman sa itsura, kaya lang me experience ka na ba?" medyo double meaning ang sinabi nito.

"Po? Madali naman po akong matuto. Kahit ano po kakayanin ko." Sagot niya.

"Sige Elmer hindi ko na hahanapan ng requirements si Nathaniel ha, basta sagot nyo ni Aling Miling ito."

"Opo Mama Joy."

"Well mukha ka namang mabait, at sa totoo lang ang guapo mong bata ka, pede kang mag artista."

Napayuko nalang siya sa papuri nito.

"Kung bata bata lang ako hay ibabahay nalang kita hahaha." Dugtong pa nito.

Natuwa naman siya dahil kahit papano ay may phobia siya sa bakla mula sa naranasan niya kay Father Mike.

Nalungkot naman siya ng maalala ang posibleng kaharapin niya sa mga darating na araw.

"Kailan mo gustong mag umpisa?"

"Kahit bukas po pede na akong mag simula."

"Stay-in ang mga waiter ko dito pero may day off naman."

"Opo nasabi din ni Nanay Miling. Dala ko na nga din po ang mga gamit ko."

"Aba boyscout pala itong pinsan mo eh."

Napangiti nalang ulit siya at napakamot ng ulo.

"Naku wag kang nga gumaganyan at baka ma in love ako sayo."

"Mama Joy bakit ako kahit ilang kamot ko di ka ma inlove in love sakin hahaha."

"Kasi nga alam kong madami kang kuto at nalalaglag pa ang balakubak mo hahaha."

"Ang pangit pangit ko talaga hano." Malungkot na sabi nito.

"Naku ikaw naman napikon na agad. Alam mo namang guapo ka eh..." pa cute pang sabi nito na ikinangiti naman ni Elmer.

"Diba yan ang sabi ng Nanay mo hahaha." Dugtong nito na nakapag pasimangot ulit kay Elmer.

Kung titingnan ay di naman pangit si Elmer siguro ay ordinary lang ang itsura, karaniwang taas at laki ng katawan. Pag na improve siguro eh me laban din.

"O sige na papasamahan ko kayo kay Manuel sa kwarto mo para makapag pahinga ka na din at bukas ka na mag simulang mag training."

Nag dial ito sa landline at maya maya pa ay may pumasok na isang lalaking malaki ang katawan na parang goon.

"Manuel pasamahan si Nathan sa bakanteng room sa quarters. Bagong waiter natin, Pasabi nadin kay Manang Celia na paghanda na pagkain para makakain sila."

"Opo Ma'am," sagot naman ni Kuya Manuel.

"Nathan bukas nalang natin pag usapan ang details na trabaho pati ang sweldo at ibang benefits ha. Aalis kasi ako maya maya baka mid night nako makabalik."

"Opo Ma'am, wala pong problema."

Dinala na siya sa room kasama si Elmer.

"Nathan wag kang mag alala mabait iyang si Mama Joy, hindi pa mapag samantala. Siya ang nagbigay ng puhunan kay nanay para makapag tayo ng karinderya."

"Mabait palang tao."

"Oo sabi ni Nanay mahirap lang daw dati si Mama Joy, tinulungan lang ng isang bading din kaya ngayun me sariling business na."

Sa isip niya mabuti pa yung bading na tumulong kay Mama Joy may puso samantalang yung Paring bumaboy sa kanya ay walang puso.

Hindi mo talaga maaring husgahan ang isang tao dahil lamang sa panglabas na anyo. Katulad nalang ng Paring sumira sa kanya at ng taong tumulong kay Mama Joy. Kung pag tatabihin marahil at ikaw ay papipiliin, walang duda na ang Pari ang pipiliin mo. Pero wrong choice.

Hindi nadin nagtagal si Elmer kahit na sinabi ni Mama Joy ng kumain bago umalis dahil tutulong pa daw siya sa nanay niya. Biniro pa nga siya ni Mama Joy na baka me date lang.

Nang makaalis na si Elmer.

"Alam mo mabait ang mag-inang yan, iniwan sila ng tatay nila dahil sa hirap ng buhay. Wala namang balita kung sumama sa ibang babae o kaya ay kung buhay pa. Hindi ko alam kung alam mo yun" Kwentoni Mama Joy.

"Hindi po Mama Joy," sagot naman niya.

Dahil siguro sa likas na mabait at hindi nagsisinungaling ay hindi mapigilan ng binatilyong magtapat sa Boss niya. Parang ang gaan kasi ng loob niya at tipong mapagkakatiwalaan. Ayaw lang din siguro niyang me kinatatakutan bigla nalang lalabas tungkol sa kanya.

"Mama Joy, hindi ko po sila kamag-anak," mahinang sabi niya.

"Alam ko Nathan, tinawagan ko ang Nanay Miling kanina," sagot naman nito.

"Pasensya napo kung nag sinungaling ako kanina."

"Hindi mahalaga yun kasi nakita ko naman ngayun na tapat ka. Ikaw na mismo ang umamin sa akin."

Napaiyak nalang siya sa sinabi nito. Naging dahilan para i-kwento niya ang lahat lahat ng naranasan at buhay niya sa kumbento.

"Hindi ka ba natatakot sa akin e pareho pala kami ng Paring iyon?" tanung nito sa kanya.

"Ewan ko po, pero kanina palang parang ang gaan ng loob ko sa inyo. Saka iba po kasi eh."

"Paanong iba?"

"Kasi kayo po alam kong ganyan kayo, hindi ninyo itinatago. Samantalang siya di lantad pero napakababoy po."

"Halika nga dito," lumapit siya dito at inakap siya na parang anak.

"Buhat ngayun ay ako na ang magiging Mamay mo. Hindi kita kilalang lubusan pero alam kong mabuting bata ka."

"Salamat po Mama Joy, ipinapangako ko po na susuklian ko ang kabutihan nyo."

Nag usap pa sila ng kung ano ano, sinabihan din siya na hindi na mag waiter instead ay aasikasuhin ni Mama Joy ang kanyang mga papeles upang makalipat ng school.

Pakikibalitaan kung anu ang nangyari sa paring nasaksak niya.

Sinamahan na din siya ng Mamay niyang kumain at sinabing mag pahinga muna.

Pag dating sa kwarto ay nahiga muna at nag isip isip. Mapalad pa din siya na katulad ni Nanay Miling, Elmer at ni Mamay nya ang nakatagpo niya.

Hindi pa siya nagtatagal mahiga ay may kumatok sa pinto niya.

"Sir pinanapatawag po ni Mama Joy, dalin nyo daw po ang mga gamit nyo."

"Bakit daw po Manang?" tanung niya sa tumawag sa kanya.

May kaunitng pangamba dahil baka paalisin na siya nito sa bar.

"Duon po ata kayo sa bahay nya titira."

Gulat na gulat man ay sumunod na din siya. Pag dating sa opisina ay kinausap siya ni Mamay na duon nanga siya sa isang kwarto sa bahay titira.

"Mamay okay napo ako sa quarters, maayos naman po yung kwarto ko duon eh."

"Di ba ako na ang Mamay mo? Kaya dapat sa bahay ko ikaw titira. At ayoko ng makulit."

Nginitian niya nalang ito.

Umalis sila at sumakay papunta sa bahay ng Mamay niya. Pagdating ay tinawag niya ang isang kasamasa bahay.

"Manang pasamahan po siya sa room na pinalinis ko. Sige magpahinga ka na muna."

Sumunod nadin siya sa inutusan ni Mamay. Nagulat siya dahil malaki ang room kumpara sa quarters, may aircon, LED TV, Study table at my sarili ding CR.

Napakasarap humiga sa kama at parang pakiramdam niya ay ligtas na ligtas siya.

Binuksan niya niya ang TV kahit na natatakot dahil baka biglang lumabas ang balita sa ginawa niya sa kumbento.

Hindi niya namalayan na dahil sa pagod ay ngayun lang nakaramdam ng kapayapaan ay nakatulog napala siya. Alas onse na ng magising siya, nuon lang niya naisipang maligo at mag ayos ng gamit.

Kumpleto din ang gamit sa CR, sabon, shampoo, deodorant at kung ano ano pa. After maayos ang gamit ay muling binuksan ang TV upang manood ng balita, gusto niyang handa siya kung sakaling lumabas ang kasalanang ginawa niya.

Payapa naman siya dahil walang news tungkol sa ginawa niya.

Kinabukasan ay nadatnan na niya si Mamay sa lamesa na naka gayak.

"Nathan anak, pupunta ako sa kumbento ngayun para makibalita. Dito ka lang muna at wag kang lalabas." Bilin nito sa kanya.

"Mamay di nyo na po kailangang gawin ito, pero ngayun palang po nag papasalamat na ako."

"Una gusto ko tong gawin, pangalawa gusto kong makapag simula tayo agad para di ka matigil sa pagaaral," maayos na paliwanag nito. Sinabi din nito na may kakilala siya sa kumbento dahil sa madalas din siyang magkawang gawa duon.

Matapos ang agahan ay umalis na nga ito, dahil sa likas na maka Diyos ay ipinalangin pa niya bago umalis.

Maghapon siyang nasa bahay lang, walang ginagawa. Di naman siya makaalis dahil sa bilin ni Mamay. Bandang gabi ng dumating ang Mamay niya kaya excited siyang bumaba para salubungin ito.

Nagmano siya dito, kitang kita ang aliwalas sa mukha nito kahit bakas ang pagud.

"Mamay pahinga po muna kayo at ipapahanda ko lang kay manang yung table para makakain kayo."

"Wag na anak, kumain na ako sa daan. Excited ako sa mga ibabalita ko sayo. Sabihan mo nalang si manang na mag dala ng kape sa garden dun tayo magkwentuhan."

Dali dali siyang nagpunta sa kusina para humingi nga kape at sumunod kay Mama Joy sa garden.

Umupo siya sa tapat ng Mamay niya.

Nakangiti ito sa kanya.

"First, natutuwa ako kasi totoo lahat ng sinabi mo sakin, kahit nagtiwala nako sayo ay siempre kailangan ko pa ding makasiguro. Second, maganda ang pagkakakilala sayo ni Father Ado, naikwento niya kung anung kalseng bata ka." Mahabang sabi nito.

"Ngayun yung tungkol kay Father Mike, wala ka ng dapat ikatakot. Hindi mo napatay, malubhang nasugatan pero siguro nga ang masamang damo matagal mamatay hahaha," dagdag pa nito.

"Salamat naman po," sagot niya.

"They will contain the situation, you don't need to explain to them. May nakitang camera sa room mo naconnected sa room ni Father Mike at nakita ni Fater Ado yung ginawa sayo. Medyo matagal ka na palang sinisilipan ni Father Mike."

Nagulat siya sa sinabi nito, matagal na siya pinapanood ng Pari.

"Sabi ni Father Ado, i-didimiss nila sa serbisyo si Father Mike. Hindi pa lang nila alam kung sasampahan nila ng kaso. Now, ikaw ang tatanungin ko."

Tahimik pa din siyang nakikinig sa sinasabi ni Mamay.

"Pede tayong mag sampa ng kaso laban kay Father Mike ng hindi na niya magawa sa iba ang ginawaniya sayo, kukuha ako ng magaling na abogado. Siguradong habang buhay na pagkakabilanggo ang magiging hatol dun."

"Ganun po ba?"

"Pero nakikiusap naman si Father Ado na kung maari daw ay ang simbahan nalang bahalang magbigay ng nararapat ng parusa kay Father Mike para hindi na makaladkad ang kumbento sa kahihiyan. Baka maapektuhan din kasi ito lalo at madaming bata ang umaasa sa kanila."

Hindi lang siya kumibo.

"Nathan gusto kong malaman mo na nasayo ang desisyon, ano man ang gusto mong gawin ay susuportahan kita."

"Mamay ayoko napong mag demanda, ayoko napong makaladkad sa eskandalo, kawawa din po ang mga bata sa kumbento."

"Kung yan ang gusto mo ay sasabihin ko kay father, pero dapat maalis na sa pigiging Pari ang baboy nay un."

"Kayo na po ang bahala sa mga dapat gawin."

"Sige, kakausapin ko si Father Ado."

"Mamay yung mga video ko po if recorded, natatakot lang po ako baka magkaroon ako ng scandal."

"Wag kang mag alala, nakay Father Ado na ang video kaya safe ka. Kami lang dalawa ang nakapanood."

"PO!?" gulat na gulat na sagot niya.

"Hahaha, nakakatawa yang reaksyon mo!"

"Nakakahiya po kasi Mamay!"

"Anu nakakahiya e may ipagmamalaki ka naman hahaha."

"Mamay naman oh." Alam niyang pulang pula na siya.

"Joke lang, hindi na ipinakita ni Father sakin saka ayoko din naming makita. Mahirap na diba. Bakla pa din ako baka mamaya ma inlove ako sayo hahaha."

"Mamay talaga."

"Honestly, I want you to have a normal life after what you've experienced and I am past that age. I want to leave something worthy and admirable."

"Di ko po sasayangin ang trust na ibibigay nyo sakin."

"Okay, papahinga nako ha at medyo mahaba ang naging araw ko ngayun eh. Buti nalang at okay ang bar ngayun di masyadong busy dahil week day." Tumayo na sila at pumasok na sa bahay.

Ang sumunod na araw ay hindi nadin naging mahirap sa kanya, tinilungan siya ni Mama Joy para makapasok sa school kahit na tatlong buwan na din ang lumipas buhat ng mag start ang class.

Medyo nanibago siya kasi private school ang pinasukan niya at talagang mukhang mayayaman ang nag aaral.

Hindi niya alam kung kaya ba niyang makipag sabayan sa mga ito, bagamat sinabi naman ng Mamay niya na wag matakot at kaibigan niya ang director ng school kaya siya mabilis nakapasok.

Nalaman din niya na marami palang business si Mama Joy aside sa RestoBar. Siya ang may hawak ng pag didistr...

About the Author :

Joined: June 15, 2020 (3 months old)
Writings: 105
Bisexual  ·  Offline
Description:
Writing is a hobby, stories are expression of a persons creative ideas, readers are the inspirations... In here... dreams do come true...
7  ·  6  ·  7  ·  3,201
 · 

Comments
itchibitch69
July 12, 2020 (2 months ago)

Medyo malayo pa yung chapters na favorite ko.. Hahaha

Call me Tita Lyka

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
eroticprince27
July 12, 2020 (2 months ago)

Hahaha... aling part ba... mukhang kabisado mo na hehehe

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
S
sarahgee
July 12, 2020 (2 months ago)

nagsusulat din po ba kayo sa wattpad sir?

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
itchibitch69
July 13, 2020 (2 months ago)

Naku, hindi mo lang alam, superstar sya sa wattpad. Grabe ang dami ng readership nya!

Call me Tita Lyka

Like (0)  ·  Report
itchibitch69
July 13, 2020 (2 months ago)

Basta natatandaan ko yung ilang parts.. Huwag maging spoiler sa iba. Matutong maghintay at maexcite. Haha

Call me Tita Lyka

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
C
charles2700
July 13, 2020 (2 months ago)

Ganda ng story author walang masyadong hindutan......hehehhee...keep it up

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments