M
E
N
U

Ang Huling Sundalo-8

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: BDSM, Erotic Couplings, Taboo, Wife Lovers, Mature, Romance · Tags: ,
Date: July 5, 2020 (1 month ago)


"Ma saan ka galing?"

"Kakadating lang ng asawa mo, lasing na lasing kaya pinalitan ko ng damit at saka pinunasan ko na din at amoy suka."

"Ganun ba, sana ginising mo nalang ako Ma. Nakaka hiya ikaw pa ang gumawa ng dapat ay ako ang gumagawa."

"Okay lang anak, nakita ko kasi na tulog ka, alam ko din ang hirap ng pinag dadaanan mo kaya hindi na kita ginising."

"Salamat Ma, buti andito ka."

"Gusto mo bang pag usapan ang nangyayari sa inyo?"

"Saka nalang muna ma, gusto ko munang makarecover. Bukas Ma samahan mo ako sa sementeryo. Inilibing na pala si Baby Gaby hindi na ako sinabihan ni Titan."

"Bakit nga ba anak?"

"Mahabang story Ma."

"Sige anak pahinga ka na muna. Ibaba ko lang itong mga ginamit ko."

Humalik lang sa pisngi niya ang anak at umakyat na din. Siya naman ay nagtuloy sa kusina, uminom ng malamig na tubig para kahit papano ay maibsan ang init na nararamdaman.

"Lord tulungan nyo naman akong umiwas sa tukso, ayokong makadagdag pa sa dinadala ng anak ko." taimtim na hiling ni Sonia.

Umakyat na din pagkatapos, pilit iniwasang mapatingin sa kwarto ng manugang. Diretso na sa guests room kung saan siya naka stay.

Maaga din nagising si Sonia at tumulong mag handa ng umagahan, pag baba ni Titan ay nagulat pa ito na naduon siya.

"Good morning po!"

"Good Morning din, halika kumain ka na muna bago ka umalis."

Naupo naman si Titan, ipinaghanda niya ng plato at saka inilapit ang niluto nilang tapa, sinangag, bacon at itlog. Tahimik lang ito habang kumakain kaya siya na ang nag bukas ng usapan.

"Gabing gabi ka na naka-uwi."

"Medyo nag kaayaan sa opisina, kaya medyo nalasing din."

"Ganun ba, hinay hinay sa pag inom ha. Hindi maganda sa katawan yan."

"Pasensya na, subukan ko."

Hindi rin masyadong nakakain si Titan, inubos lang ang kape at tumayo na din.

"Male late nako, I have to go."

"Okay, mag ingat ka."

"Salamat!"

Sinundan niya ito palabas ng kusina, pagdating sa pinto ay humarap ito sa kanya.

"And salamat pala last night," sabay kindat ng may pagka pilyo.

Gustong lumubog ni Sonia sa sinabi ng lalaki, alam kaya nito ang ginawa niya kagabi.

Wala na ito ay nakatingin pa din siya sa pintong nilabasan ng manugang. Litong lito at inis na inis sa sarili.

"Ma."

Duon lang siya nahimasmasan. Lumapit siya sa anak na pababa ng hagdan.

"Anak, halika kumain na tayo. Nakaalis na ang asawa mo."

Inalalayan niya ang anak na medyo hirap pa ding maglakad.

Naupo sila sa hapag pero parehong tahimik, si Sonia ay guilty dahil sa ginawa sa asawa nito. Samantalang si Julia naman ay puno ng lungkot.

"Ayus na ba ang pakiramdam mo anak?"

"Medyo mommy, samahan nyo nalang ako mamaya sa sementeryo. Dadalawin ko si baby Gaby."

"Sige anak, pero uuwi na din ako after. Ilang araw na kasi akong nandito naalala ko na si Arkin."

"Sige po Ma, salamat sa pag aalaga sakin."

Matapos kumain ay umakyat na silang mag ina, pinagpahinga si Julia habang siya naman ay inayos ang gamit na dadalin. Nagpahinga na din siya matapos maligo. Hapon na ng pumunta sila sa sementeryo para hindi ganoon kainit.

Malinis na ang puntod ng bata, may fresh flower at kandilang mukhang kakamatay lang dahil malambot pa ang natunaw na wax.

Inalalayan ni Sonia ang anak makaupo sa damuhan saka tinabihan.

"Ma ang sama ko no?"

Kakasimula palang nitong mag salita ay bumuhos na ang luha, hinayaan lamang niya ang anak para maibsan ang dinadala nito sa dibdib.

"Sana nakinig ako kay Titan, sana sinunod ko nalang siya."

Matagal na pala siyang pinapatigil ng asawa sa trabaho dahil kaya naman silang buhayin ng marangyan. Pero matigas ang ulo niya lalo at healthy naman ang pregnancy nito.

Nag paalam siya na pupunta sila ni Amy sa Tagaytay, hindi pumayag si Titan kaya nang mangyari ang aksidente ay sobrang nagalit ito.

"Ma, hindi lang naman siya ang nawalan ng anak. Ma mas masakit sa akin dahil ako ang ina."

"Anak intindihin mo nalang muna, dadating ang time na siya naman ang makaka intindi sayo."

Bilang ina ay kailangan niyang palakasin ang loob ng anak, pero hirap na hirap siya dahil sa lihim na nararamdaman para sa manugang.

Madami pa silang napag usapan bago nag pasyang umuwi na dahil padilim na din. Pag dating sa bahay ay nagulat pa sila dahil nanduon na si Titan, nang makita sila ay tumayo ito na parang walang nakita. Medyo nabastos siya sa inasal ng manugang dahil kahit ano pa man ang pinag daraanan nila bilang mag asawa ay dapat igalang pa din siya bilang biyenan.

Dinala nalang niya sa kwarto ang anak saka tinungo ang mga gamit. Dala na niya ito ng masalubong ang manugang.

"Titan uuwi na muna ako at naalala ko si Arkin."

"Buti ka pa may pag aalala sa anak natin samantalang si Julia ay pinabayaan ang anak naming."

"Baka may makarinig sayo anu ba!"

Tinitigan lang siya ng lalaki, tumalikod nalang siya at tinungo ang kwarto ng anak para mag paalam.

Mahigpit niyang niyakap ang anak bago muling lumabas ng kwarto.

Nabigla siya ng makita sa baba ng hagdan si Titan may bitbit ding bag.

"Saan ka pupunta?"

"Dadalawin ko ang anak ko."

Iniikot niya ang mga mata baka may makarinig dito, ng masigurong wala ay mabilis na nilapitan ang lalaki.

"Nasisiraan ka ba, paano ang asawa mo?"

"Huh! Gusto kong makalimot, gusto kong makita ang anak ko. Kung ayaw mo e di wag, ngayun pa lang sasabihin ko na sa kanya na ako ang ama ni Arkin."

Nanghina siya sa sinabi nito, mukhang nasagad na ata ang lalaki. Hindi niya alam kung ano ang gagawin.

Ayaw niyang makasamang mag isa ang manugang, natatakot siya hindi dito kundi sa sarili. Pero ayaw din niyang sumabay pa sa problema ng mag asawa.

Hindi pa siya nakakapag salita ay kinuha na nito ang bag na ibinaba niya kanina at saka binuhat. Kukunin sana ulit niya ng mabilis na iniwas ito ng lalaki, naglakad palabas at isinakay sa CRV ang bag nila.

Binuksan ang pinto na para sa pasahero, ayaw sana niya pero parang wala na siyang pagpipilian. Nang maisara ang pinto ay sinigawan nito ang isang katulong sa bahay.

"Manang pasabi nalang kay Julia na inihatid ko ang Mama niya."

"Opo Sir!"

Umikot na ito sa driver's side at pinaandar ang sasakyan. Tahimik lang sila habang nasa sasakyan.

Inis na inis siya sa pang blockmail nito sa kanya, inis na inis siya dahil sa ginagawa nito sa anak niya, pero mas inis siya sa sarili dahil pumapayag siyang ganituhin ng lalaking ito.

Dahil sa nararamdaman ay biglang nalang niya itong inampas ng hinampas sa braso.

"Aray ano ba! Baka mabangga tayo sa ginagawa mo!"

Isang kamay nalang nito ang nakahawak sa manibela samantalang ang isa ay ginamit para pigilin siya. Nang marealized ni Sonia na delikado ang ginagawa ay itinigil na niya. Hinila ang kamay pero ayaw bitiwan ni Titan.

Tatawa tawa ito na parang sa loob ng ilang araw ay hindi nagawa.

"Ang cute mo palang magalit!"

"Busit ka! Ibaba mo ako kaya kong umuwing mag isa!"

"Hahaha, ang cute mo talaga!"

"Cute!"

"Bat ba kasi totoo naman."

"Alam mo ba ibig sabihin ng cute ha! Ha!"

"Cute? Meaning? Me iba pa bang ibig sabihin ang cute?"

"Oo!"

"Ano?"

"Ugly but presentable."

"Bwahahaha! Napatawa mo ko ng todo!"

Hindi na din napigilan ni Sonia ang mahawa sa pag tawa ni Titan.

Nang mahimasmasan ay biglang nagsalita si Titan.

"Salamat!"

"Salamat saan?"

"Dito, sa pagtawa. Patagal tagal na din akong buhat ng tumawa ng katulad nito."

Nagulumihanan siya sa sinabi ng manugang? Nalito! Ibig bang sabihin ay hindi ito masaya sa anak?

Marami siyang tanong pero isina-isang tabi nalang muna niya. Hayaan nalang muna niya para magaan ang pakiramdam nilang pareho.

"Di ba sundalo ka?"

"Oo dati, kulang isang taon nadin nung umalis ako sa serbisyo."

"Bakit?"

"Naksidente ang Dad ko kaya ako na ang nag manage ng company namin."

"Sorry to hear that!"

"Okay lang madali naman akong maka move on. Yung kay baby gabi makaka move on din ako."

Sa haba ng biyahe nila ay madami silang napagkwentuhan. Buhat nga ng maaksidente ang ama ay gusto nalang ng I enjoy ang buhay kaya madalas out of town kasama ang Mommy nito. Nag iisang anak kaya naman sabik siya sa pagkakaroon ng sariling anak.

Minsan lang palang may nangyari sa kanila ni Julia pero nagbunga agad.

"Shooter ka pala hihihi!" naisip kasi niya na parang sa kanila lang din minsan lang pero sapol agad siya.

"Kaya ingat ka!" sabay ngisi.

Alam niyang namula siya lalo at naisip kung ano ang ginawa niya kagabi sa lalaki. Saka lang niya napansin na malinis na pala ang mukha nito, nakapag ahit at bumalik ang fresh look.

Pinilit nilang hindi pag usapan pa ang nangyari sa kanila hanggang makarating na sa bahay. Nagulat ang magulang kung bakit kasama ang manugang gayung alam nila na namatay ang anak nito. Ipinaliwanag nalang nila okay naman na ang lahat.

Kinarga ang natutulog na anak at umuwi na sa bahay nila. Dahil kumain naman na sa biyahe ay matapos ayusin ang anak sa crib ay naligo na para makapag pahinga.

Pag labas sa banyo ay nagulat pa ng makita ang lalaki nakatunghay sa natutulog na anak.

"Sayang sana in few more week may kapatid ka na."

Bakas sa mukha at sa boses nito ang lungkot, hindi naman niya alam ang gagawin para ma comfort ang manugang.

...

About the Author :

Joined: June 15, 2020 (1 month old)
Writings: 56
Bisexual  ·  Offline
Description:
Writing is a hobby, stories are expression of a persons creative ideas, readers are the inspirations... In here... dreams do come true...
12  ·  13  ·  9  ·  5,141
 · 

Comments
R
rodel_esquivel1234
July 5, 2020 (1 month ago)

Thank you po Author....bukas po ulit next chapter please? Makakatulog na ako after reading ur story.

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
M
maceydrace
July 5, 2020 (1 month ago)

3xcited much... Love it otor...

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
eroticprince27
July 6, 2020 (1 month ago)

Di ko pa na experienced kaya di ko masulat ang 3some hahaha. Hanap ako na ka 3some para mas realistic.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
S
shygwapito
July 5, 2020 (1 month ago)

Thumbs up ๐Ÿ‘

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Gailoves
July 5, 2020 (1 month ago)

Feeling ko may relasyon si Julia at any.. ahahahah... Sana. Update agad... SinusubaybaAn ko talaga to๐Ÿ˜˜โค๏ธ๐Ÿ’–๐Ÿ’•

TRY ME!๐Ÿ˜‰

Reply  ·  Like (3)  ·  Report
genrose21
July 6, 2020 (1 month ago)

Ano kya ang twist sa storing ito.. meron kyang 3rd party maliban kay sonia?
ahhh waiting sa nxt ep..
sundan agad sir tnx....

"Were the Captain's of our own Soul. Were the Master of our own FATE".๐Ÿค—๐Ÿค—

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Chikay11
July 6, 2020 (1 month ago)

๐Ÿ‘Œ

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
O
otkep
July 6, 2020 (1 month ago)

mukhang iba ang ama ng dinadala ni Julia ah, may pag asa pa si Sonia

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
I
Illusionred
July 6, 2020 (1 month ago)

Pamilyar na ipost na po ba ito sa ibang site?ย ย Nagtatanong lang po sensya na hehehe

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
eroticprince27
July 6, 2020 (1 month ago)

Yeah. Dati sa Watpad. Kaya lang na delete ang account ko.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
I
Illusionred
July 6, 2020 (1 month ago)

Woah sabi na kaya pala pamilyar yung mga scene salamat author

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Weng2020
July 6, 2020 (1 month ago)

What tym the next chapter be posted, been anticipating it since this morning! Please. Thank u and more power to ur next story. GOD BLESS U.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
eroticprince27
July 6, 2020 (1 month ago)

Around 10pm. Medyo na delayed nakaligtaan ko kasi eh eh hehehe... salamat sa comment and sa support.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments