M
E
N
U

Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan - Chapter 35 - Reckless

Posted in
Story: Fiction, Taglish · Categories: Romance · Tags:
Date: June 30, 2020 (1 month ago)


Chapter 35

Pagkatapos ng isang mainit at matagal na paghihinang ng kanilang labi habang nakayakap sila sa isa't-isa, ay nagpaalam na si Dan kay Angela. Kailangan na niyang umalis at pumasok sa trabaho, may sapat na pagkakataon pa naman siya. Kailangan niyang sulitin ang lahat ng maaaring pagkunan ng salapi dahil sa nalalapit nilang pag-alis ni Angela. Sa Lunes na niya kakausapin si Christine upang makapaghanda din naman ang isang dalaga.

Nakaplano na ang lahat sa isipan ni Dan, at naghahangad na ang mabuting kapalaran ay umayon sana sa kanila. Sa sandaling ito ay natutunan ni Dan, na minsan sa buhay ng tao ay dumarating ang pagpapasya, na kailangan mong pumili ng mali upang maging masaya.

Bahagya niyang inilayo sa kanyang katawan si Angela at hinawakan ang magkabila nitong pisngi habang buong pag-ibig na nakatingin sa nangingislap nitong mata.

"Angela, kailangan ko ng umalis, magkita na lang tayo sa Lunes. Huwag kang mag-alala, hindi magtatagal ay makakapiling mo na ulit ako. Makakaalis din tayo sa lugar na ito Angela, malapit na." si Dan na hindi inalis ang tingin sa mata ni Angela.

"I trust you Dan, maghihintay ako." ang naluluha namang sagot ni Angela, kinakabahan man ay masaya siya. Hindi na magtatagal ay magkakasama na silang dalawa.

Kumalas na si Dan mula sa pagkakayakap sa kanya ni Angela kahit ayaw pa ng kanyang katawan. Kaunting panahon na lamang naman at lalayo na silang dalawa. Ngunit nag-aalala siya kung paano tatangapin ni Angela ang tungkol sa gagawin niyang pagsama din kay Christine. Umasa na lang si Dan na sana ay maunawaan ni Angela ang sitwasyon at pumayag na kasama nila si Christine, dahil alam din naman ni Angela ang gagawin ni Christine kapag nalaman ng dalaga na umalis sila ni Angela at iniwan itong mag-isa.

"Dito ka na lang Angela, magpahinga ka na at wag ka ng mabahala pa. Gusto kong nasa maaayos kang kalagayan sa sandaling lumayo na tayo. Alam mong tiyak na hahanapin tayo ng mga magulang mo kaya sa malayong lugar tayo pupunta. Sa lugar na hindi nila mahahanap tayo magsisimula." ang sabi ni Dan na muling hinaplos ang buhok ng lumuluhang dalaga. Alam naman ni Dan na masakit din kay Angela ang gagawin nitong palihim na pag-alis sa bahay ng mga magulang upang makasama siya.

"D-Dan, my chest hurts, nasasaktan ako now. It pains me so much na iiwan ko na ang parents ko pero gusto kong kasama na kita. " ang matapat na pag-amin ng dalaga, patuloy sa pagpahid ng mga luhang ayaw mapatid mula sa kanyang mga mata.

Dahil sa nakikita ay muling niyakap ni Dan ang kasintahan at patuloy na hinaplos ang mahaba nitong tuwid na buhok.

"Huwag kang mag-alala Angela, babalik din tayo dito. Kapag lumipas na ang panahon ay baka sakaling matanggap na din tayo ng Daddy mo." ang sabi ni Dan upang pakalmahin ang kasintahan.

"Promise me Dan ha, na babalik tayo ulit, it doesn't matter naman kung kailan. Because I really love my parents too. But I love you more kaya magtitiis muna ako." ang pakiusap ng dalaga na nakayakap ngayon kay Dan habang nakatingin sa mata ng binata.

"Promise Angela, ibabalik din kita dito kapag sa tingin ko ay dumating na ang tamang panahon. Maaaring aabutin iyon ng mga taon Angela, matagal na panahon ang kailangan natin. Kaya kung may pag-aalinlangan ka at parang ayaw mo ng ituloy ang pag-alis natin ay sabihin mo sa akin ngayon." ang paniniyak ni Dan sa kahandaan ng kasintahan sa kanilang gagawing paglisan.

Malungkot namang ngumiti si Angela kay Dan.

"No, umalis na lang tayo, I love my parents Dan. B-But I'm more scared sa kung anong gagawin ni Daddy sayo upang maghiwalay tayo. If I lose you Dan, then wala ng meaning ang life ko. Kaya umalis na lang tayo, I-I'm ready naman sa life na ibibigay mo sa akin." ang matapat na sagot ni Angela, dahil kahit masakit sa kanyang dibdib na iwan ang mga magulang ay mas masakit sa kanya kung may mangyayari sa pinakamamahal niyang kasintahan at kung sapilitan silang paghihiwalayin ng kanyang ama.

"Thank you Angela. Sa pagpili mong sumama sa akin sa kabila ng mga haharapin nating pagsubok at suliranin."

Umiling naman si Angela.

"No, I thank you Dan, because you still love me sa kabila ng mga hardships na dadanasin mo dahil sa akin. That's why as long as I'm with you, kaya kong tiisin ang lahat. I will support you in anyway na kaya ko Dan." ang sabi ng nakangiting si Angela kahit puro luha pa din ang kanyang mga mata.

At muling naghinang ang kanilang labi bilang pamamaalam sa isa't-isa, naroon ang hindi maitagong lungkot at ang pag-ibig nila sa isa't-isa. Ngunit kapwa sila nakahanda ng dalawa sa anumang panananlatang ibibigay pa ng unos sa kanila.

Kumalas na si Dan kay Angela at minsan pang hinaplos ang buhok ng dalaga.

"Magpakatatag ka Angela, nasa simula pa lang tayo. Mas mabibigat pa ang dadanasin natin sa hinaharap. Ngunit magkasama tayong dalawa, yun ang mas mahalaga sa akin."

Tumango naman ang humihikbing dalaga.

"I will be strong and ready Dan, para sayo at sa future nating dalawa, nakahanda akong tiisin ang lahat ng hirap sa piling mo." ang nakangiting sabi ni Angela kahit banaag sa mukha ng dalaga ang hindi maitagong lungkot at pag-aalala.

Minsan pa silang nagyakap na parang ayaw ng maghiwalay pa. Isang huling banayad na halik sa labi ang ibinigay ni Dan sa kasintahan bago siya tuluyang lumabas sa kwarto ni Angela.

*****

Pagkatapos makita ang gumuhit na sugat sa mukha ni Dan ay mabilis na lumabas si Alice sa kwarto ng anak. May galit sa kanyang dibdib at kailangang harapin niya ang asawa. Hindi niya matanggap na pagkatapos ng maglakas-loob ng binata na alamin ang kalagayan ni Angela ay sa ganitong paraan susuklian ni Anton ang katapatan ng pag-ibig ni Dan kay Angela. Nasa loob na si Alice loob ng munting bar ng asawa at naglakad siyang diretso ang tingin sa mga mata ni Anton. Ngunit natigilan siya ng makita ang makapal na sobre na nasa sahig. Pinulot niya iyon at mahigpit na hinawakan sa kanyang mga kamay. Alam niyang iyon ang itinumbas ni Anton sa pag-ibig ni Dan kay Angela.

Nasa bungad pa lang ng pinto papasok sa munting bar na kinaroroonan ni Anton ay nakita na agad niya ang galit na mukha ng asawang si Alice. Nakaramdam siya ng bigat sa dibdib. Napakatagal na ng huling sandaling nag-away silang mag-asawa na iniiwasan niya palaging mangyari. Mahal niya si Alice katulad ng pagmamahal niya kay Angela. Ngunit bilang isang ama na naghahangad ng magandang bukas para sa anak ay tama lamang ang kanyang naging pasya. Wala siyang ginawang masama at mali, iniingatan lamang niya ang sarili niyang pamilya. Ito ang pinaniniwalaan ni Anton na laman ng kanyang isipan habang patuloy na umiinom ng alak.

Inantay ni Anton na makalapit ng husto ang asawa na hawak ang makapal na sobre bago siya nagsalita.

"Are you sure you want to do this? Nang dahil lang sa isang lalakeng hindi mo kilala ay mag-aaway tayong dalawa?" ang malamig na tanong ni Anton sa asawang galit na nakatingin sa kanya.

Napansin naman ni Alice ang nabasag na baso sa sahig at dito na nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Sa isip niya ay naglalaro ang mapait na sinapit ni Dan sa harap ng asawa. Patuloy na lumapit pa ng husto si Alice kay Anton na hindi inalis ang tingin sa mga mata nito. Ngayon ay nasa gilid na siya ng lamesa at ipinatong ang sobre malapit kay Anton.

"So, this kind of cruelty is your way of showing love to our only child." ang malungkot na bungad ni Alice.

"This is not cruelty Alice at alam mo yan." ang malamig na sagot ni Anton.

"Kailangan mo pa bang gawin ito? Ang saktang ang damdamin nilang dalawa na walang masamang ginawa kung hindi ang umibig sa isa't-isa." ang patuloy ni Alice.

Napangisi naman si Anton, uminom saglit ng alak at saka siya sumagot.

"Love? Nakakatiyak ba tayong si Angela lang ang minahal niya at hindi kasama ang magandang kapalaran ng anak natin?" nasa tinig ni Anton ang pang-uuyam, hindi para kay Alice kung hindi para kay Dan.

Saglit na tumigil si Alice, huminga ng malalim at saka nagpatuloy. Alam na niya noon pa ang magiging pagtutol ni Anton sa relasyon ng anak kay Dan ngunit hindi niya lubos maisip na sa ganitong pangyayari aabot ang lahat.

"You breaks her heart Anton, kung nakita mo lang sana kung paano mo sinaktan ang damdamin ng anak mo dahil sa treatment na ginawa mo sa nobyo niya."
ang malungkot na sabi ni Alice, at tuluyan ng nalaglag ang luha ni Alice ng maalala ang pagluha ng anak habang nakayakap kay Dan.

Nais sanang yakapin ni Anton ang asawa at palisin ang luha nito sa mga mata na ayaw niyang nakikita. Ngunit pinili niyang mas maging matatag, siya ang nasa tama at wala siyang pagkakamaling ginawa.

"That man doesn't deserves your tears Alice. To think na lumuluha ka ngayon dahil sa kanya ay nakakainsulto sa akin Alice." ang malamig na patuloy ni Anton.

"It's not an insult to you Anton. Because I know he loves Angela so much Anton, at ang mga luha ko ay kulang pang kapalit sa alam kong sinapit niya sayo."
ang malungkot na patuloy ni Alice, umaasang mapaglulubag ang kalooban ng asawa.

Lalong bumigat ang dibdib ni Anton, hindi lang ang puso ng anak ang nakuha ni Dan kung hindi maging ang kalooban ng asawa.

"Open your eyes to the truth Alice! Gagamitin lang niya sa sarili niyang interes at kapakanan ang anak natin para sa madali niyang pag-angat sa buhay."
si Anton na medyo tumaas ng ang boses, hindi na niya nais ang kanyang nakikita at naririnig.

Natigilan naman si Alice hindi dahil sa nakitang galit ng asawa kung hindi dahil sa panghuhusgang ginawa nito sa kasintahan ng anak. Bumigat ang kanyang dibdib, dahil iba ang kanyang nararamdaman na ayaw niyang sabihin kay Anton.

"Paano mo nalaman Anton? Dios ka bang nakakabasa ng puso ng tao? Nang dahil ba sa kahirapan ni Dan ay isa na agad siyang manggagamit. They truly love each other Anton. Can't you see that?" ang sumbat na mga tanong Alice sa asawa. Alam niyang sa kabila ng mga ginawa ni Anton ay naroon pa din ang puso nito para sa kanya at kay Angela.

Napahigpit ang kapit ni Anton sa basong nasa kanyang kamay. Ayaw man ay napilitang galit na tumingin sa asawa upang matapos na ang pag-uusap nilang dalawa.

"Alice, wag mong kampihan ang lalakeng iyon! Pati ba naman ikaw ay nabulag ng maamo niyang mukha. I'm doing this because of Angela, to protect her future! To protect our family!" may galit na sa tinig ni Anton at malakas na ang kanyang boses.

Ngunit hindi natinag si Alice, alang-alang sa anak, ipaglalaban niya ang kaligayahan ni Angela.

"Are you really doing this to protect the future of Angela and to protect our family? O dahil sa ayaw mo lamang mapunta sa isang katulad ni Dan ang lahat ng nasa sayo sa sandaling magpakasal sila ni Angela? Are you not ashamed of yourself Anton? Alalahanin mo sana, bago ka nalagay sa sa kinatatayuan mong pedestal ay isa kang tao Anton. Sana ay nagpakatao ka muna na siyang dapat mong dapat sanang ginawa." ang huling sumbat ni Alice sa asawa.

Dahil sa impluwensya ng alak at mga narinig ay hindi na nakapagtimpi si Anton, tumayo siya at hinawakan sa bisig ang asawa. At saka ubod lakas na sinampal ang mukha ni Alice.

("PAK!")

"Huwag mo ang akong pangaralan Alice. Pinulot lang kita sa putikan. Maaari kitang ibalik dun kung gusto mo." ang galit na sabi ni Anton habang galit na nakatingin sa mukha ni Alice.

Muling ibinaling ni Alice ang paningin sa asawa at saka siya mapait na ngumiti. Ang luha ay hindi na nawala sa mga mata ni Alice.

"I'm sorry Anton. Nakalimutan ko kung saan ako nanggaling, isa nga lang pala akong bayarang kolehiyala bago mo ako nakilala." ang hiniklas ni Alice ang bisig mula sa pagkakahawak ni Anton.

Natigilan naman si Anton, nakaramdam ng pait dahil sa sinabi at ginawa sa pinakamamahal niyang asawa. Sa buong buhay niya ay ngayon lamang niya napagbuhatan ng kamay ang asawa. At ngayon lang din, pagkalipas ng maraming taon ng masaya nilang pagsasama ay ipinaalala niya sa asawa ang mapait nitong nakaraan. Labis na nagsisi ang kanyang kalooban ng dahil sa galit na nararamdamam ay saglit niyang naiwaglit ang sarili sa katinuan.

"Kung nais mo akong ibalik sa pinanggalingan ko Anton ay gawin mo. I am just wondering Anton, kung talaga bang tunay mo akong minahal sa nakalipas na mga taon ng pagsasama nating dalawa." at saka muling sumilay ang isang mapait na ngiti sa labi ni Alice at ang labis na lungkot ay nasa kanyang mukha.

Nagbago namang ang ekspresyon sa mukha ni Anton.

"Alice..." ang masuyong pagtawag ni Anton sa pangalan ng asawa at nagtangkang muling hawakan ni Anton ang asawa ngunit umiwas na ito sa kanya.

Isang malungkot na tingin ang huling ibinigay ni Alice sa asawa at mabilis siyang lumakad na palabas sa bar. Naiwan si Anton na gulong-gulo ang isipan, labis na nagalit sa binatang kasintahan ni Angela. Malakas na sinuntok ang lamesang nasa harapan at hindi ininda ang sakit na ngayon ay nasa kanyang kamay.

"Damn you Dan! Nang dahil sayo ay nadamay pati ang asawa ko." ang galit na sabi ni Anton.

*****

Nakalabas na si Dan sa bahay nina Angela ng marinig niya ang pagtawag sa kanya ng kasintahan.

"Dan..."

Tumigil siya sa paglalakad at pumihit paharap sa humahangos na dalaga. Nakangiting iniabot sa kanya ni Angela ang dalawang larawan ng tuluyan na itong nakalapit na sa harap niya.

"Take this with you." ang masayang sabi ng dalaga.

Nakangiting kinuha naman ni Dan mula kay Angela ang dalawang larawan na nasa kamay nito. Isang larawan na kuha ni Angela na suot ang maganda nitong gown sa nakaraang debut ng dalaga, at isang larawan ng si Angela ay nag-aaral pa sa mataas na paaralan. Malinaw niyang nakikita ang dalawang larawan dahil sa munting poste ng ilaw na nagbibigay ng liwanag sa kanila.

"Salamat Angela, iingatan ko talaga ang mga ito at gagawin ko yung sinabi mo." ang masayang sabi ni Dan habang nakatingin sa dalawang larawan.

"Dan, remember, may sinabi na ako sayo, you have to do it the way I want it ha. Para palagi mo akong naaalala, lalo na kapag mag-sleep ka na." ang naglalambing na si Angela.

Binuksan ni Dan ang kanyang bag na nakasabit sa kanyang balikat. Kinuha ang kanyang kwadernong cattleya, at sa nasa huling bahagi na kulay asul na booklet ay inilagay ang dalawang larawan ni Angela. Ibinalik sa loob ng bag ang kanyang kwaderno at saka yumakap kay Angela na yumakap din sa kanya.

"Dan, treasure those photos of mine more compare sa picture ni Christine." ang sabi ni Angela ng maalala ang larawan ni Christine na iniingatan din naman ni Dan. Nabawasan ang lambing sa boses ni Angela at nahaluan ng pagtatampo.

"Iingatan kong mabuti Angela, at babaunin ko sa pag-alis natin." ang nakangiting si Dan at saka hinigpitan ang pagkakayakap kay Angela upang mawala ang nararamdamang pagtatampo sa dalaga.

Dahil sa pag-alala kay Christine ay nakaramdam ng pagkabahala si Angela.

"Dan.."

"Hm.."

"How about Christine? Remember what she said last time kapag iniwan mo siya." ang nag-aalalang si Angela.

Ayaw pa sanang sabihin ni Dan ang balak na isama si Christine sa kanilang pag-alis ngunit wala ng magagawa pa si Dan. Dahil ang tanong ay naibigay na sa kanya ng kasintahan at kailangan niyang maging matapat.

"Kaya mo ba Angela na dalhin ang bigat ng gagawin ni Christine kapalit ng paglisan nating dalawa. Dahil nangako ako sa kanya at hindi pa siya handa Angela." ang pagsusumamo ay nasa tinig ni Dan. Nais niyang isama si Christine, ngunit nais niyang gawin iyon ng biglaan upang hindi na makatanggi si Angela na tatlo silang magkakasama. Ngunit dahil sa tanong ng kasintahan ay wala na siyang pagpipilian kung hindi sabihin na ngayon kay Angela ang totoo.

Umiling naman si Angela, naaala ang paghihirap ng kalooban ng Christine maging ang mabigat nitong banta. Ayaw man niya ay kailangan nilang isama si Christine. Hindi sila magiging maligaya ni Dan kapag may nangyari kay Christine ng dahil sa kanila.

"Explain the situation to Christine, at kung willing pa din siya. I-Isama natin siya Dan." ang malungkot na sabi na lang ni Angela. Tanggap na niyang may kahati pa din siya kay Dan sa kabila ng kanilang gagawing paglayo, ngunit ang mahalaga ay magkasama pa din silang dalawa. Hindi na mahalaga kung naroon man si Christine.

"Thank you Angela, hindi ko rin kayang may mangyari sa kanya dahil sa akin. Tandaan mo na lang na ikaw ang mas mahal ko." ang masuyong sabi na lang ni Dan, alam niyang nagiging makasarili siya ngunit higit na itong mabuti kasya may lumuha at masaktan na isa sa kanilang tatlo.

Nakaramdam naman ng saya sa puso si Angela, siya pa din naman ang mas matimbang at mas mahal ni Dan.

"Dan ha, basta mas madalas na ako ang katabi mo sa pagtulog, or else, magagalit ako sayo. I already give in na isama natin siya." ang muling naglalambing na si Angela.

Napilitan ng pumayag si Dan ngunit sa kanyang isipan ay tiyak na hindi papayag si Christine. Saka na niya bibigyan ng solusyon ang napakasarap niyang suliranin sa kama kapag nakaalis na silang tatlo.

"Okay Angela, mas madalas na ikaw ang katabi ko." ang nakangiting sabi na lang ni Dan.

Saglit silang nagkatitigan. Nakailang halik na din si Dan sa labi ni Angela mula pa kanina at nasa labas na sila ngayon. Nag-aalangan na siya kahit sa katotohanan ay muli't-muling niyang nais na halikan ang malambot at mapulang labi ng kasintahan ng walang kasawaan.

Napansin naman ni Angela ang alinlangan sa mukha ni Dan at isang matamis na ngiti ang sumilay sa kanyang labi.

"Dan, I'm going to get angry talaga kapag hindi mo ako hinalikan after mong ma-recieved ang mga pictures ko." ang patuloy sa paglalambing na sabi ni Angela habang nakatingin sa mata ni Dan. Muling nasasabik sa halik ng kasintahan na tulad ni Dan ay wala din siyang kasawaan.

Ngumiti naman si Dan, at habang magkayakap silang dalawa ay muli na namang naghinang ang kanilang labi ng mainit at matagal. Saglit na nawala sa kanilang isipan ang mga alalahanin at pangamba nila. Kung hindi ang walang-hanggang pag-ibig nila sa isa't-isa ang namayani sa kanilang puso at isipan ng mga sandaling iyon. Ang pagmamahalan ng dalawa ay malinaw na nakikita dahil sa liwanag na nag-iilaw sa kanila. At mula sa kalayuan malapit sa mga ilang nakaparadang sasakyan ay masaya si Mang Lando para kay Dan at Angela. Dahil kanyang nasasaksihan ang paglapit ng langit sa lupa na para bang magkapantay ang dalawa. Mula naman sa bahagyang nakabukas na pinto sa salas ay tahimik lang na nakatingin si Yaya Meding. Sa kanyang puso ay naroon ang takot para sa pag-iibigan ng dalawa. Dahil ang langit at lupa ay tunay na magkaiba.

Ihinatid pa ni Angela si Dan hanggang sa kanilang gate at masayang bumalik sa loob ng bahay ang dalaga. Labis ang saya na kanyang nararamdaman habang naglalakad. Ngunit ang kaligayahan ng dalaga ay mabilis na naputol ng nasa loob na siya ng kanilang bahay. Dahil nakasalubong niya ang ina na hawak ang namumula nitong pisngi. Maagap niyang nilapitan ang ina at tumigil sa tapat nito.

"M-Mom..." ang nag-aalang nasabi na lang ni Angela.

"I'm fine Angela. Come, let's go back upstairs. Nais kong magpahinga ka muna Iha." ang nakangiting sabi na lang ni Alice.

"B-But Mom.."

"Angela, don't be stubborn, you have rest to regain your strength. I'll tell Dan na ayaw mong makinig sa akin."
ang paglalambing ni Alice sa anak sa kabila ng sakit sa pisngi at pait sa dibdib na nararamdaman.

Wala na din namang nagawa si Angela kung hindi ang sumunod sa ina. Kaya pinilit niyang mahiga habang nag-uusap sila ng kanyang ina.

"I'm sorry Mom, ng dahil sa amin ay nag-away kayo ni Dad." ang malungkot na sabi ni Angela na may pangingilid ng luha. Dahil ngayon lamang niya nakitang sinaktan ng kanyang ama ang kanyang ina.

"It's not your fault Iha, hindi din kasalanan ni Dan. It's just that your father is not ready yet, we have to give him some time Iha." ang nakangiting sabi ni Alice. Naniniwala pa din siyang darating ang araw na matatanggap ni Anton ang relasyon ng anak at ng kasintahan nito.

Tumango naman si Angela at nakatingin lang mata ni Alice.

"Angela, just remember, no matter wat happens. Lagi mong pakinggan ang sinasabi ng iyong puso at wag mong pagtataksilan ang iyong nararamdaman. Because once you do that, you'll never be truly happy. Laging naroon ang guilt at ang regrets. At ayaw kong makaramdam ka ng ganoon, ang nais ko ay maging masaya ka sa buong buhay mo Iha sa piling ng lalakeng mahal mo." ang masuyong sabi ni Alice sa anak. Nais niyang ipaalala sa anak na huwag itong sumuko sa kabila ng lahat.

Bumangon naman si Angela mula sa kanyang pagkakahiga at yumakap sa ina.

"Thanks Mom. I'll do that and I promise to you Mom, I'll never betray my own heart." ang naluluhang sabi naman ni Angela habang nakayakap sa kanyang ina.

Hinaplos-haplos naman ni Alice ang likod ng anak. Habang humiling siyang sana ay maging matatag ang pagmamahalan ni Dan at Angela at malampasan nila ang nararamdaman niyang ibibigay na pagsubok ni Anton sa dalawa.

*****

Pagkatapos ng matagal din nilang pananatili sa loob ng resto-bar ay nagpasya ng umalis ang magkaibigang si Brandon at Lance. Hindi naman marami ang kanilang naiinom sa tuwing nasa lugar na iyon. Dahil mas nais nilang mag-usap lamang ng kung ano-anong bagay kapag magkasama sila ng kaibigan. Sinenyasan ni Brandon si Alex na dalhin ang kanilang bill dahil hindi niya makita ang waiter na nagsilbi sa kanila kanina. Hindi naman nagtagal ay dala na ni Alex ang bill at ibinigay iyon kay Brandon. Naglagay si Brandon doon ng sobrang halaga at sinabihan si Alex na bigyan din ng parte ang naunang nag serve sa kanila. Tumango naman si Alex at nagpasalamat, ngunit hindi pa siya nakakatalikod ng magtanong si Brandon.

"Parang wala si Dan? Absent ba Alex?" ang kaswal na tanong ni Brandon.

"Wala pa po Sir, baka po hindi papasok. May kailangan po ba kayo sa kanya?" ang magalang na ganting tanong ni Brandon.

Umiling naman si Brandon, wala naman siya talagang nais na itanong kay Dan. Bigla lang pumasok sa isipan niya si Dan dahil sa tuksong naglaro sa kanyang alaala ang paglalarong ginawa sa kanya ni Christine.

"Nothing. Forget it Alex." ang nasabi na lang ni Brandon.

Magalang na yumukod si Alex sa dalawa at nagpunta na ito sa counter upang dalhin kay Mika ang bill kasama ng bayad ng mga ito. Magkasunod na lumabas ang dalawang magkaibigan at lumapit sa kani-kanilang sasakyan.

Pagkababa ni Dan ng sasakyan ay mabilis siyang naglakad patungo sa resto-bar. Kahit latag na ang gabi ay malinaw niyang nakilala sina Lance at Brandon dahil sa mailaw na disenyo ng labas ng resto-bar. Muling bumalik sa kanyang ala-ala ang isinalaysay sa kanya ng Mommy ni Angela. Ang mapait na dinanas ng kanyang kasintahan sa kamay ni Lance. Ang inaakala niyang mabuting pagkatao ni Lance ay mali pala. Nag-init ang kanyang pakiramdam at napuno ng galit ang kanyang dibdib. Nakakuyom ang kanyang kamao ng lumapit kay Lance. Alam niyang dapat siyang magkaroon ng malinaw na pag-iisip upang hindi mapasok sa isang malaking gulo. Ngunit kanyang iniwan ang mga alalahanin na tulad ng maaaring pagkawala ng trabaho at ang pagdating ng asunto. Ang laman ng kanyang isipan ng sandaling iyon ay iisa lamang. Ang masidhing pagnanais na iganti si Angela dahil sa muntik ng pagkasira ng dangal ng kasintahan sa kamay ni Lance.

Natigilan naman sa pagpasok sa kanilang sasakyang ang dalawa ng mapansin ang paglapit ni Dan na tumigil sa tapat ni Lance. Nakakunot ang noo ni Lance, mabigat kanyang pakiramdam at wala siyang balak na magsayang ng oras sa mga katulad lang ni Dan. Ngunit lalong nakaramdam ng pagkainis si Lance dahil sa matiim na pagkatitig sa kanya ni Dan.

"Look here, I'm not really in a mood right now. So kung may kailangan ka ay sabihin mo na agad at wag mong sayangin ang oras ko." ang madiin na sabi ni Lance.

Napaismid lang si Dan sa sinabi ni Lance na lalong nagpagalit sa nararamdaman nito. Si Brandon naman bagaman nagtataka ay tahimik lang na nakikinig at nakatingin sa dalawa.

"Masarap ba Lance?" ang unang tanong ni Dan.

"Masarap ang alin? Be clear sa mga sinasabi mo working student at hindi na ako talaga natutuwa." ang inis na sabi ni Lance.

"Masarap bang saktan at pagsamantalahan ang isang babaeng mahina at walang kalaban-laban? Na labis na nagtiwala sayo upang gawan mo lang ng kasamaan, at bigyan ng takot at mapait na karanasan." ang madiin na tanong at sabi ni Dan, pigil ang damdamin habang galit na nakatingin sa mata ni Lance.

Dahil sa narinig ay kapwa natigilan ang magkaibigan. Kapwa nagtataka kung paanong ang isang tulad ni Dan ay nalaman ang tungkol sa pangyayaring iyon.

"How do you know that? Sinong gago ang nagsabi sayo?" ang galit na magkasunod na tanong ni Lance kay Dan. Labis siyang naguguluhan kung paano nakarating kay Dan ang pangyayaring iilang tao lamang ang nakakaalam.

"Narito ako Lance, ako ang harapin mo. Hindi yung mangdadahas ka ng babaeng hindi ka gusto." ang madiin na muling sabi ni Dan.

Dahil sa mga narinig ay lalong nag-alab sa galit ang damdamin ni Lance. Dahil naaalala ang ginawa niya kay Angela na pilit niyang inaalis sa kanyang isipan.

"What the hell are you talking about? Bakit ikaw ang haharapin ko? Sino ka ba sa buhay ni..." hindi na naituloy na ni Lance ang sasabihin. Unti-unting maayos na rumehistro sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Dan. At bumalik sa kanyang alaala ang ikalawang beses nilang pagkikitang dalawa, sa loob ng pamantasan habang kasama niya si Angela.

Ngayon ay matiim din na nakatingin si Lance kay Dan. Ayaw tanggapin ng kanyang puso at isipan ang katotohanang malapit ng sumampal sa kanyang mukha.

"Ikaw ba ang secret boyfriend ni Angela? Ikaw na isang waiter lang?" ang mainit na tanong ni Lance habang nakatingin sa mata ni Dan.

Dahil sa narinig na tanong ni Lance ay naliwanagan si Brandon sa mga tanong at sinabi ni Dan ngunit ayaw pa niyang tanggapin ang realidad na iyon.

"Bakit Lance? Masakit at mahirap bang tanggapin, na sa kabila ng mga katangian mo ay ako ang nagmamay-ari sa puso ng dalagang mananatiling pangarap na lamang sayo." ang madiin na sabi din ni Dan, nais na sugatan ng malaki ang puso ni Lance na nagbigay ng mapait na karanasan sa kanyang kasintahan.

At tuluyan ng naging mabigat ang damdamin ng dalawang magkaibigan. Ngunit mas higit kay Lance dahil iniibig niya si Angela, kapwa hindi makapaniwala ang magkaibigan na ang binatang nasa kanila ngayong harapan ang nobyo ni Angela. Ngunit ang mga sinabi ni Dan ay sapat ng batayan upang ito ay maging katotohanan. Dahil sa lalake lamang ay nakaramdam ng inggit si Brandon kay Dan sa isiping ito ang lalakeng nagmamay-ari sa magandang dalaga na may napakaamong mukha. Lalo na ang isipin na nakuha na ni Dan ang babaeng pangarap ni Lance. Si Lance naman ay napuno din ng galit sa dibdib dahil sa nalaman. Hindi niya kayang tanggapin na siya, na mas higit ang katangian sa lahat ng aspeto kung ikukumpara kay Dan ay nabigo sa puso ni Angela dahil lamang kay Dan. At masakit mang alalahanin ay muling bumalik sa kanyang isipan ang ginawang pag-amin ni Angela na ang katawan ng dalaga ay naibigay na nito sa binatang nasa kanya ngayong harapan.

Dahil dito ay si Lance ang hindi nakapagpigil dahil sa kanyang nasaktang pride bilang lalake. Mabilis niyang sinugod si Dan at inundayan ito ng mga bara-barang suntok na naiwasan naman ni Dan. At ng si Dan naman ang nakakuha ng pagkakataon ay ilang mabibilis na pagbigwas din ang kanyang ibinigay kay Lance. Isa ang dumaplis ngunit dalawa ang tumama. Nais sanang makialam ni Brandon ngunit pinabayaan na lang ang dalawa. Sa isip niya ay mabuting mailabas ng dalawa ang kinikimkim nilang galit sa isa't-isa. Maaari naman niyang tulungan si Lance ngunit ayaw ng kanyang pagkatao. Laban ito ni L...

About the Author :

Joined: April 21, 2020 (3 months old)
Writings: 55
Male  ·  Online
Description:
I'm a writer who tells stories about love, lust and life lesson.

In my real life, I have a lots of regrets and painful decisions, and I live in my cold and lonely world. So I create different worlds, where my imagination can run wild and be as vivid as I want it to be , where desires and fantasies happens.

These are my worlds, and I am The Master.

Author of:

Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan
Ako Si Diana
Wedding Anniversary
Websites: Signature Text:
These are my worlds, and I am the Master.
24  ·  71  ·  28  ·  6,322
 · 

Comments
L
lonereadervc
June 30, 2020 (1 month ago)

isipin mo yun, nakaisa pa si arcell, mabuntis sana siya ni dan, para makita natin kung ano gagawin niya. thanks otor..

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 30, 2020 (1 month ago)

well, tingnan natin sir, di natin sure kung napuruhan ba siya ni dan

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
B
bog_mali69
June 30, 2020 (1 month ago)

haha, ang unlimited na salitang last na talaga at huli, tapos bukaka naman ulit yan kay dan, mabuntis ka sana arcelle ni dan

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 30, 2020 (1 month ago)

ganun naman kasi talaga, madaling sabihin na ayaw mo na, pero dahil sa tukso, kahit ayaw n talaga, nauulit ang minsang masarap na pagkakamali

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
J
Jhaaaaaammmmessss
June 30, 2020 (1 month ago)

Thanks sa update boss van.
Mukhang mag ex pa ata talaga ang tatay ni dan at si alice?

What a shocking revelation, kaya pala likas na mabait din si Alice. Sanay mapalambot nito ang puso ni anton. Ipaalala saknya kung pano sila nag simula.
Pano kaya malalampasan ng team dangela na sila lamang hanggang sa huli?

Reply  ·  Like (3)  ·  Report
Van_TheMaster
June 30, 2020 (1 month ago)

thanks din, sinong makakapagsabi, since wala pa tayong mga flashbacks na story or chapter, kaya alam ni alice ang pakiramdam ni dan, lets hope na sana ay matauhan si anton ng maaga,

sa ending ng story, 1 o 2 ang matira, o wala ni isa?

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Mants
June 30, 2020 (1 month ago)

Iba talaga ang agimat ni Dan. Lahat nalang nahuhumaling saknya lodi!.

Kulang pa yan lance mejo mabait pa si dan niyan sayo, yan lang ang inabot mo. Ano kaya ang maramdaman ni brandon pag nalaman niya na si dan din ang kinahuhumalingan ni christine?

Nakakagulat naman ang revelation sa chapter na ito sir van, bayarang babae dati si alice. Ano kaya ang hakbang at gagawin niya para masuportahan ang anak. Mukhang may lungkot at pagsisisi sa tinig ni Alice, baka nga ex niya tatay ni dan or may ibang mahal bago sila nagkilala ni anton.

Lalambot na ba o magmamatigas padin si anton sa pag iibigan nila dan at angela?

Thanks sir more power to you and Godbless!

Team Angela

Reply  ·  Like (3)  ·  Report
O
otkep
June 30, 2020 (1 month ago)

I think Alice past is solely that, that she needs to “work” in order to survive and study. Mas magandang isipin na nuong kabataan ni Anton, eh kinaya din nitong bumaba sa pedestal pra sa kanyang pag-ibig, at nabubulagan lamang siya ngayon ng pag-iintindi at pag-iingat sa kanilang kayamanan. i mean he may be just like Angela when it comes to love back then, na hahamakin ang lahat para kay Alice.

Reply  ·  Like (3)  ·  Report
Mants
June 30, 2020 (1 month ago)

Yup, bayarang babae it doesn't mean she is working in a night club or whatever it is in order to strive. Im expecting in my previous chapter that alice' family was on the same level like anton.

Im just wondering only, what if tatay pala ni dan ay naging si alice. Like to the speculation of other reader here. Again whatever it is kung ano man ang isipin natin ay nasa kamay na ni sir van paano ilatag ang magandang storya na ito.
Ano pa ba ang mga magaganap sa gathering like magkakabukingan na ba?
Lalambot na ba puso ni anton or magmamatigas parin
And after that may pagtatanan kayang magaganap?

Team Angela

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
J
Jhaaaaaammmmessss
June 30, 2020 (1 month ago)

Yan din ang naglalaro sa isipan ko boss what if mag ex tatay ni dan at angela? Or kaya nanay naman ni christine at tatay ni dan?
Pero again nakay boss van nayan if pano niya ilatag ang magandang kwento ni dan.
Anu-ano kaya ang mga magaganap? Nakaka excite na next chapter saturday night.

Like (3)  ·  Report
O
otkep
June 30, 2020 (1 month ago)

i hope that "tatay ni Dan" won't come into play, kasi i feel it will unnecessarily complicate the story, eh parang magiging tipikal pinoy telenovela na, kung saan wala katapusan ang kumplikasyon sa istorya, hahaha, of course opinyon ko lang naman iyon. hehe

pero umasa tayo that Anton will come into his senses, para wala muna pagtatanan at makatapos pa sila ng pag-aaral, para maraming pang kasunod ang serye na ito.

Like (2)  ·  Report
Van_TheMaster
June 30, 2020 (1 month ago)

yes , hindi nmn sa night club nagtatrabaho si alice, maraming gumagawa ng ganoon kahit ngayon makapagtapos lang

di ko rin sure, baka history repeat itself at naging mga nobya ng tatay ni dan alinman kina alice or ang mama ni christine, bakit nga kaya hindi ko nilagyan ng name ang mga magulang ni christine, siguro since ng nagsimula ako ay hindi ko naiisip na magkakaroon sila ng malaking papel sa story, hirap ng freestyle, yung walang plan, pero try ko i-edit mula sa simula kapag may time ako, dapat may name yung mag-asawa

alam kong maninibago kayo, pero hayaan na natin since madalas naman silang wala sa eksena

These are my worlds, and I am the Master.

Like (3)  ·  Report
Van_TheMaster
June 30, 2020 (1 month ago)

@ jhames - tingnan natin, wala din akong maisip pa na complete scenario or setup tungkol dun, about sa gathering , konti pa lang ang ideya ko

@ otkep - sa book na ito, malabo ng mangyari siguro, masyado na late sa tingin ko, tungkol naman kay, tingnnan natin

These are my worlds, and I am the Master.

Like (2)  ·  Report
Mants
June 30, 2020 (1 month ago)

Im expecting in previous chapter .....

Reply  ·  Like (3)  ·  Report
Van_TheMaster
June 30, 2020 (1 month ago)

True, sa gaanon paraan lang, silent and discreet, since kailangan niyang mag-aral, then niligawan siya ni anton not knowing na may ganoon siyang ginagawa dahil kailangan, the rest of their history... let's keep it a secret muna

sana nga ay ganoon ang mangyari, ang tanggapin ni anton kung paano sila nagsimula

like father like daugher sana ang mangyari

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
B
beep108
June 30, 2020 (1 month ago)

sir van,tama lang na wala pa name parents ni christine, kahit si dan din naman kasi alam ko na lahat sila connected from the past, hula ko lang dahil sa  conversation ni christine at mommy nya, baka boyfriend nya dati si gabriel na tatay naman ni dan at nagsumikap na yumaman,,sensya na sir van baka nagiging spoiler nako

Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 30, 2020 (1 month ago)

@ beep - yung name ng parents ni Dan ay less relevant sa ngayon since wala sila talaga sa actual na story, pero need ko ng lagyan ng names yung parents ni Christine, since intregral na sila

These are my worlds, and I am the Master.

Like (0)  ·  Report
Van_TheMaster
June 30, 2020 (1 month ago)

@ beef - yung name ng parents ni Dan ay less relevant pa sa ngayon pero yung names ng parents ni Christine ay dapat ng lagyan since parang integral na din sila sa story

These are my worlds, and I am the Master.

Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 30, 2020 (1 month ago)

iba ang agimat talaga ni dan, pero yung agimat ni van, unti-unti n atang nawawala ^^

pero tuloy pa din si van kahit halos wala na siyang maisip n pangsunod, tatapusin natin ang kwento na ito

ang tanong? talaga kayang ok lang si lance?

let's see n lang kapag nalaman ni brandon ang totoo, kay angela p lang na hinidi niya talaga iniibig ay nakaramdam n siya ng inggit kay dan, what if malaman niya ang totoo about christine and dan

tingnan natin kung ano pa gagawin ni anton

thanks

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Mants
June 30, 2020 (1 month ago)

Nasa kalagitnaan na ba sila ng unos sir.? Di naman na siguro gagawa ng reckless move si lance. Kasi galit saknya family ni angela. Kumabga nag iingat na and threat saknya si anton, ewan nalang pagdating kay dan if he has something on his mind.

Pero nakaka believe na si Dan dito, atleast naipaglaban niya si angela di nagtatago. Same with brandon di kunsitidor na kaibigan. Pano niya kaya haharapin pag nalaman na si dan ang kinahuhumalingan ni christine, knowing that angela and dan has a relationship?

Ano kayang pagsubok ang ibibigay ni anton mapaghiwalay lang ang dalawa? Malapit na 5 more chapter to go, tapos na ang book 1.

Rest lang and take your time para ma refresh ang agimat mo sir van.^^

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Van_TheMaster
June 30, 2020 (1 month ago)

isang hagupit na lng ng unos at matatapos na ang lahat, kung makakabaya nilang tatlo ang huling pagsubok na ito ay tanging ang tadhana lamang ang nakakaalam

dahil ang bawat hiling at pag-usal ay nadirinig ng Maykapal, ngunit hindi lahat ay napagbibigyan

These are my worlds, and I am the Master.

Like (1)  ·  Report
B
beep108
June 30, 2020 (1 month ago)

thanks sir van sa update...ang galing...nakakapanabik

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 30, 2020 (1 month ago)

thanks din, continue lang tayo, lapit n matapos ^^

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
I
Icarus
June 30, 2020 (1 month ago)

Yown, ang ganda na naman ng update. Mahaba pa ang araw, meron pang Sabado, magkikita pa sina Dan, Christine at Brandon.

Marami pa pwedeng mangyari, bago dumating ang araw ng lunes.

Maraming salamat uli sa napakagandang update Sir.

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Van_TheMaster
June 30, 2020 (1 month ago)

well, maapit ng matapos ang araw ng friday, at papasok n tayo sa Saturday ng umaga, maraming pangyayari p kaya ang magaganap? mula sa umaga hanggang sa gabi?

tapos ang araw ng lunes, ang plano at ang pagyayakag?

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
I
Icarus
July 1, 2020 (1 month ago)

Oo Sir, mag Sabado na ng umaga, tapos paggising ni bida ay "Isang panaginip lang pala"

Maraming salamat uli

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 1, 2020 (1 month ago)

haha, iniisip ko pa lang, ano kayang aabuti ng inbox ko at comment kung ang ending ay isang panaginip lang ang lahat.

at nagising si Dan na nakasandal sa puno, kinuha ang kanyang makapal na salamin at iginala ang paningin sa paligid

napangiti siya ng masilayan ang dalawang kaklaseng sina Angela at Christine na naglalakad na lumampas lang sa kanya na hindi siya pinag-aksayahan ng panahon na tingnan

muli siyang napangiting mag-isa, sa napakasarap at mahaba niyang panaginip...

naglalakad na siya ng may tumawag sa kanya, at napangiti ulit siya...

"Hi Kuya Dan! Sabay na tayong umuwi"

-Wakas-

These are my worlds, and I am the Master.

Like (1)  ·  Report
I
Icarus
July 2, 2020 (1 month ago)

Pambihira, sa akin nagsisimula ang "panaginip lang ang lahat", ngayon ko naisip, parang dudugo isip ko na sa lahat ng emosyon  na naramdaman ko dito, eh mabalewala dahil panaginip.

Hahahhaa.

Maraming salamat uli Sir. Talagang napakaganda niton kwento mo.

Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 2, 2020 (1 month ago)

Ang story ni Dan ay nakalipas na, pero hindi ito isang panaginip lamang kung hindi totoong ngyari sa alaala nilang tatlo. Kung sino ang naglalahad ng pangyayaring ito ay malalaman natin sa pagtatapos ng kwento.

These are my worlds, and I am the Master.

Like (1)  ·  Report
C
charles2700
June 30, 2020 (1 month ago)

Salamat sa update sir...Grabe na shook ako sa mga nalaman ko...keep it coming....god bless

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Van_TheMaster
June 30, 2020 (1 month ago)

Thanks din, well, ganoon , always expect the unexpected, ganyan din naman kahit sa totoong buhay. Godbless to you as well.

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Jhong54321
June 30, 2020 (1 month ago)

nice otor... lalong gumaganda, its more of a love story than lust story.. 2 thumbs up, bro.. hanggang sa muling pagbabasa ng susunod na kabanata.. (matiyagang naghihintay...

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Van_TheMaster
June 30, 2020 (1 month ago)

thanks din, yun naman talaga ang focus, more on story of love than lust, dahil marami nang magaganda at maiinit na kwento sa FSS na talagang magpapaalab sa inyong katawan

kaya sinubukan kong ibigay sa inyo ang story ni Dan, baka sakaling may mabago ako sa inyong araw araw na dahilan para magpunta at magbasa ng mga kwento sa FSS

malapit n tayo matapos,  keep waiting lang sa update

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (3)  ·  Report
K
Kunimitsu00
June 30, 2020 (1 month ago)

Ayun oh may update n ulit thanks author... We will keep on waiting for more ❤️❤️❤️

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 30, 2020 (1 month ago)

salamat din sayo at nakakataba sa puso ang pm, to think na mayroon sa inyong katulad mo na napasaya ko ng husto

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
P
palaiyouth
June 30, 2020 (1 month ago)

Salamat sa update sir,as usual ang ganda ng kwento at mas lalong gumanda...iba ka talaga idol!ulit salamat sa update sir😊

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 30, 2020 (1 month ago)

thanks, i'm hoping na patuloy nyong magugustuhan ang mga mangyayari pa, im not sure about sa ending na gusto ko, pero tuloy lang tayo since malapit n tayong matapos

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
O
otkep
June 30, 2020 (1 month ago)

interesting developments, lalo na for the saturday gathering event. magkikita ulit si Brandon and Dan, alam na din ni Brandon ang relasyon nila ni Angela. paano siya magre-react kapag nalaman naman niya na ang pinaka mimithi nyang puso at katawan ni Christine ay nakuha na din ni Dan. How would Dan react knowing that Brandon saved Angela?

Abangan!

Pahabol: na-sad naman ako for Mika sa chapter na ito, hehe.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 30, 2020 (1 month ago)

im hopeful din sa pagkikita ang pagkakaalamang ito, ano ang gagawin ng bawat isa?

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
KusinerongMarinero
June 30, 2020 (1 month ago)

Thanks sa updates boss.Exciting as usual.More power sayo boss. Team Angela...

Life begins at sea

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 30, 2020 (1 month ago)

thanks din , patuloy lang tayo, ilang chapters na lang siguro

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
S
Seryo
June 30, 2020 (1 month ago)

Salamat sa update sir van..sana masundan agad..

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 30, 2020 (1 month ago)

thanks din, we'll see sir, since marami ding pinagkakaabalahan ang author at medyo nauubusan na talaga ng agimat

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Stalker_Eyes
June 30, 2020 (1 month ago)

Kung tinanggap na lang sana ni Anton na si Dan talaga ang para kay Angela. At nagawa pang saktan si Alice? Kagigil!

At si Dan na ang bagong comeback king. The way he reminds Lance of his wrongdoings. So smooth!

Thanks sa update sir. Good read.

Our LIFE is like a river - it cannot be reversed.

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Van_TheMaster
June 30, 2020 (1 month ago)

kaya nga sir, pero ganun talaga, iba tlaga kapag nakainom at ama-pride

ok din yun,  atleast naibawi ni Dan si Angela kahit papano

thanks din sir author sa patuloy na pagbabasa

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
R
Rafael3106
June 30, 2020 (1 month ago)

Kahit sinong ama ay ganun din ang gagawin, lalo na at di nila kilala ang bf ng kanilang anak. At saka kung kayo ang ama ok lang na ganun, na malalaman nyo na nakuha ng ganun lang ang ank nyo na di pa napapakilala sa inyo. Isa lamang naman ang nais ng mga ama na mapunta sa ayos ang kanilang anak. Ang ganda ng bawat chapter. Salamat author.

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Van_TheMaster
June 30, 2020 (1 month ago)

tama ka sir, sa point of view ni anton, tama ang kanyang ginagawa, hindi madali sa isang ama lalot nasa mataas n antas kayo ng lipunan ang tumanggap sa isang taong hindi mo naman kilala

#respect

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
B
beep108
June 30, 2020 (1 month ago)

alice loves anton so mas tugma na ang mama ni christine ang may ugnayan sa tatay ni dan na di nagkatuluyan,,hindi kay an tatay ni dan ay si ang mayaman at mabait na si gabriel at nanay nya si diana

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 30, 2020 (1 month ago)

interesting insight, yung i-crossover yung story ni diana sa story ni dan, who knows, kung sino ang lola ni ganito diba

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
C
charles2700
June 30, 2020 (1 month ago)

Teka naguguluhan ako sino si Diana at gabriel author? Yun ba yung story mo na iba na nirepost mo?Pakiexplain...hehehheheh

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 30, 2020 (1 month ago)

Ang aking unang naisulat na series ay ang "Ako Si Diana", isang kwento ng nagdadalaga na maagang namulat sa kamunduhan at naging alipin nito. At ang kanyang nakaraan ay naisulat niya sa isang "magandang kwaderno".

At ang "kwadernong" ito ang naging inspirasyon ko sa istorya ni Dan.

Magandang Kwaderno ni Diana

Kwadernong Cattleya ni Dan

These are my worlds, and I am the Master.

Like (0)  ·  Report
R
Ranniboy
June 30, 2020 (1 month ago)

Sana di na humantong sa pag tatanan nilng tatlo at Sana matanggap na Ng pamilya ni angela c dan o kaya c Christine Kung sila man idol sa huli... Ganda kaabang abang lagi Ang storya good job idol.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 30, 2020 (1 month ago)

tingnan natin kung matutuloy ba sila, depende sa kanilang pagpapasya at kung ano ang inilaan ng tadhana na magiging kapalaran nilang tatlo

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
K
kuatog
June 30, 2020 (1 month ago)

aantabayanan ko ang pagiisamg katawan ni anton at alice 😁😁...salamat sir author..sana maagang update ang susunod ..salamat po

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 30, 2020 (1 month ago)

haha, mukhang mahihirapan ako dun ah, haha

sa update naman, i'll try my best sir

thanks

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
L
lonereadervc
June 30, 2020 (1 month ago)

the best here in FSS, ganda talaga ng pagkakasulat kada chapter nito, mahusay ang author

#respect

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 30, 2020 (1 month ago)

thanks

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
K
koko1234
June 30, 2020 (1 month ago)

Wow sarap ulit ulit ang kwento di nakakasawa at kabang abang talaga

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 30, 2020 (1 month ago)

salamat sa suporta sir, tuloy lang po tayo ng pagbabasa

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
J
jhessvhince21
June 30, 2020 (1 month ago)

Ang ganda sigurong Turn around nang story kung sakaling sumama kay dan yung dalawa ay mabibigla sila sa rangya nang pamumuhay ni dan na iniwan niya
for some reason haha
wala pa kasing flashback sa side ni dan in terms of parents

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 30, 2020 (1 month ago)

Parang Fairy Tale ^^

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
L
lonereadervc
July 1, 2020 (1 month ago)

sana hindi mayaman si dan, kasi parang papangit ang story, isipin mo na nagtitiis siya ng hirap gayung mayaman pala siya eh nasa risk n nga buhay niya , sana di mangyari, haha

Reply  ·  Like (3)  ·  Report
K
Kaplog69
July 1, 2020 (1 month ago)

Galing mo tlaga idol dan next na 3some angel at christine...😗😗

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
L
lonereadervc
July 1, 2020 (1 month ago)

hanggang pantasya ka na lang sir kaplog, ilang beses na cnabi ni otor na walang 3some na mangyayari

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 1, 2020 (1 month ago)

Thanks, pero about dun sa 3some, well, I'll let your imaginations handle the rest. ^^

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
missbianca
July 2, 2020 (1 month ago)

Sa wakas, nagka-oras na din akong basahin itong update mo sir Van. As always.. very very nice update. Inis ako kay Anton.. Gusto ko rin siyang sampalin!  

Grabe yung agimat ni Dan.. hahaha

Follow me on Twitter @iammissbianca

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 2, 2020 (1 month ago)

Thanks for dropping by missbianca. Well, sa stand ni Anton ay nakakagalit talaga, pero sa kanyang point of view ay fair at tama lamang ang kanyang pasya, dahil mahirap talagang tanggapin ang sitwasyon ng anak niyang si Angela.

Matindi ang agimat ni Dan, pero ang inaalala ko si Van, malapit ng maubos yung sa kanya at baka magretiro na siya ng maaga.

Salamat missbianca.

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
kiteksmagic36
July 3, 2020 (1 month ago)

From silent reader to 1 comment!

Ganda! Its a pure story from best author in the making dito sa fss..Hmmm..waiting for the breakdown of mika.it will hurt so bad..thanks sa magandang update

properties dont matter, but performanced is really much better

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 8, 2020 (1 month ago)

thanks din, lets see sa mga susunod pang chapters ^^

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
renpoul09
July 5, 2020 (1 month ago)

Ganda boss van kaabang abang hehe bitin ako chap 36 plss hehehehe

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 8, 2020 (1 month ago)

thanks, the next chapter is ready.

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments