M
E
N
U

Author's Note: This story is entirely fictional. Any events and names in this series that resembles real life is purely coincidental. This series is brought to you by Balderic and is a free to read story. Sharing of this story is allowed only with permission and credits to the author.

Episode 9
Mark of Death
By: Balderic

"GGRRRRROOOOOOOOOHHHHHH!!!!!" Binalibag ni Thanatos ang isang Brutalist sa gilid ng pader. Wasak ang konkretong bakod nang bumagsak ang katawan ng halimaw.

Tumayo itong muli at isang malakas na uppercut ang tinanggap ng Brutalist. Sumabog ang ulo nito sa lakas ng impact at bumagsak ito sa lupa. Inapakan ito ni Thanatos at sumigaw ng napakalakas.

Napapalibutan si Thanatos ng napakaraming infected. Ang ingay na dinulot ng kanilang laban ay nagtawag sa mga patay. Subalit walang ginagawa ang mga ito kundi ang maglakad nang walang patutunguhan dahil wala silang nakikitang buhay.

Ipinatong ni Thanatos ang kamay nya sa likod ng bumagsak na Brutalist. Lumitaw ang ilang uod at kumonekta ito sa katawan ng napatay na halimaw. Dahan-dahan ay sinisipsip ng mga uod ang laman at katas ng Brutalist bago pa ito malusaw. Ang naturang gawain ay nag epekto ng mabilis kay Thanatos. Umugat ang malaki nitong braso. Ang ilang pinsala nya mula sa mga laban ay naglaho at napalitan ng ilang bumubukol na mga laman at mas dumoble pa ang laki ng kanyang katawan.

"HHOOUURRRRAAAAAAAAARRRGGHH!!!"

"Ano yun?" naalimpungatan ang isang bantay ng kampo ni Andrea. Tila may dalang sigaw ang ihip ng hangin sa madilim na gabi. Isang babala para sa mga mamamayan ng compound. Kinibit-balikat na lamang ito ng nakatokang bantay at bumalik sa pagkakatulog.

----------

By: Balderic

Kimabukasan ay naging isang normal na umaga ang sumalubong sa survivors camp. Naglalakad ang magandang si Erich at naabutan nito si Jeric na kausap si Sheryl sa labas ng isang gusali. Napangiti ang dalaga at nilapitan ang dalawa.

"Ahahaha! Ganyan nga talaga si Danny, sa pagkakatanda ko ha." Bigkas ni Sheryl at halatang masaya itong kausap si Jeric.

"Hello guys. Mukhang ang saya-saya nyo ngayon ah. Anong meron?" singit naman ni Erich. Nawala ang ngiti ni Sheryl pero nakangiti parin ito na sinalubong ang kaibigan.

"Oh Erich kamusta umaga mo?" bati ni Jeric.

"Hay naku kainis. Sinabihan ko na si Ate na kumuha ng mga gulay kahapon para sana kanina may maipaghanda akong almusal, aba mantakin mong wala na sa bahay at nandun na sa lalake nya."

"Ha? Sinong lalake?" tanong naman ni Jeric.

"Si kuya Harold yun Jeric. I think mag on na sila ni ate Michelle eh." Sabat naman ni Sheryl. Umiiling naman si Erich.

"So di ka pa ba naka-almusal? Eto may nakuha akong bayabas kanina. Try mo." Sabay alok ni Jeric. Tinignan lang ito ni Erich na tila diring-diri sa prutas.

"Hinog yan at matamis." Dagdag pa ni Jeric.

"Um di ba matigas kagatin yan?"

Nag roll naman kaagad ang mga mata ni Sheryl sa pag iinarte ni Erich.

"Malambot yan ano ka ba. Eto nga kinakain ko rin yun isa." Pinakita ni Sheryl ang bayabas na hawak nya.

"Sige lang hihi okay na ako. Mamaya nalang. Di pa naman ako ganun kagutom eh."

"Ay sis, matanong nga kita, totoo ba yung mga naririnig ko sayo?" diretsahang tanong ni Sheryl.

"Yung alin?"

"Jeric pwede ko ba muna kausapin sandali si Erich?"

"Ah sige. May pupuntahan rin naman ako eh. See ya guys." Sinundan ni Erich ng titig si Jeric na umalis at bakas sa mukha nya ang pagkadismaya.

"Ano bang itatanong mo? Umalis tuloy si Jeric."

"Totoo bang nagba gangbang ka sa tropa ng anak ni mang Marcelo?"

"What!? At saan mo naman nakuha yan!?" halatang nagulat si Erich at halos mabilaukan ng laway.

"Wala, dinig ko lang na usapan dyan sa tabi-tabi."

"As if naman gagawin ko yan? Ano tingin mo sakin, cheap!? Jusko naman Sheryl magpapaniwala ka sa mga chismis. Sa panahong ito may oras pa ba akong maglandi?"

"Sa titig mo palang kay Jeric eh halos tunawin mo na yung tao eh."

"Hoy, di ako ganun ha. Although inaamin ko crush ko si Jeric pero di ako ganun kababaw. Hmph dyan ka na nga." iniwan nito ang kaibigan at tila nainis sa usapan nila.

"Loko-lokong mga lalake yun, naka isa na nga, pinagkalat pa! Fuck! Mga walang hiya! Arrgh! Ang sarap pumatay ng mga hayop!! " bulong ni Erich sa sarili at galit na galit ito sa nangyari. Tila nagsisi rin ito at nagpa pila balde sa kalalakihan dahil lamang sa tawag ng laman.

Habang patuloy sya sa paglalakad, naabutan nya si Jeric na kausap naman si Bea. Naglalakad ang dalawa habang nag uusap. Dahil walang magawa si Erich, nagpasya itong sundancang dalawa. Maingat itong sumunod hanggang naka abot sila sa likod ng compound. Malapit lamang ito sa clinic ni Andrea kaya nakita nya ang ilang mga pasyente ng doktora na nakapila na. Nang lingonin nya sina Jeric ay nawala na ito sa paningin nya.

"Dito boss tignan mo." Wika ni Bea nang huminto sila sa isang pader na gawa sa kahoy, plywood, yero at mga gulong. Katabi lamang ito ng generator nila. Maingay ang generator kaya hinde nila marinig ang kung sino man ang nasa paligid.

Kinapkap ni Bea ang isang parte ng pader. Biglang bumukas ang isang secret door sa pader na ikinagulat ni Jeric. Gawa ito sa kahoy at hinde masyadong napapansin dahil natatabunan ito ng mga sako.

"Alam kaya ni Andrea ito?"

"Di ko sure boss pero wala kasing bantay dito so most likely secret door ito."

"Kailangang malaman ito ni Andrea."

Umalis ang dalawa upang puntahan si Andrea habang lihim naman itong nakita ni Erich na nagtatago sa kabilang bahagi ng lugar.

Ipinagbigay alam ito kaagad ni Jeric kay Andrea na sya namang ikinagulat ng doktora. Kaagad nila itong binalikan. Natuklasan ni Andrea na isa nga itong pintong dinadaanan dahil ang gilid ng bukasan ay medyo gasgas na ng pinto na indekasyong ginagamit ito ng malimit.

"Di ko alam kung sino ang gumagamit nito." Wika pa ni Andrea.

"It seems may ilang tao ditong lumalabas ng hinde nagpapa-alam." Sagot naman ni Bea.

"Okay pero sino? At anong pakay nilang aalis ng walang dahilan?"

"Mas mabuti pang ilihim muna natin ito at bantayan kung sino ang gagamit. Maliban sa amin, sino pa dito ang mapagkakatiwalaan mo Doc?" tanong naman ni Jeric.

"Mahirap maghusga Jeric. Pero siguro tama ka. Kailangang mabantayan ito. Kakausapin ko si Mang Marcelo para magtalaga ng ispiyang magbabantay dito ng pasekreto."

"Mainam nga yan para mahuli natin ang gumagamit ng pintong ito."

Sa loob naman ng isang gusaling ginawang event hall ng survivors camp, nagsasanay si Elza at Danny. Nag sparring ang dalawa habang nanunood ang ilang kabataan at survivors na tila namamangha sa kanilang liksi at dunong sa pakikipaglaban. Sa loob ng mga panahong magkasama si Danny at Elza ay sinanay ng huli ang binata upang mas lalo pa itong maging magaling sa pakikipaglaban sa mga infected. Kakaibang martial arts ang ipinapakita nila. Ang mga atake ng kanilang mga paa ay nakasentro sa pagpapatumba kaagad ng kalaban. Malaking bagay ito para mapigilan ang mga infected. Ang mga kamay nila ay hinde lang mabilis sa mga suntok at atake kundi mabibilis rin sa pagtanggal ng iba-ibang klaseng pag hawak at grapple. Tila isang mix martial arts ang kanilang skills.

"You're getting much faster Daniel." Wika ni Elza matapos ang kanilang pagsasanay. Parehong pawisan ang dalawa. Dumating si Mang Marcelo.

"Maghanda kayo Danny, aalis tayo mamaya. Makikipagkita si Doc sa pinuno ng Bagong Bukas."

"Ngayon na ba yun?" tanong ni Danny.

"Oo, kaya maging alerto kayong dalawa."

"Okay manong."

"Kuya Danny pwede mo ba kaming turuan ng karate mo?" wika ng isang binatang napahanga ni Danny.

"Next time na. May lakad kami mamaya."

"Ayos hehe."

"Kuya Danny, close ba kayo ni ate Erich?" tanong naman ng isa.

"Ha? Bakit?"

"Ah wala naman hehehe."

"Tumahimik ka nga dyan. Pinapahiya mo tayo kay kuya idol eh. " binatukan nito ang tropa. Napa iling naman si Danny at hinayaan na lamang ang tanong.

Umuwi si Erich na tila nagtataka parin sa kanyang natuklasan. Naabutan nito si Michelle at Harold na magkausap sa sala ng bahay nila.

"Wow ang aga-aga harutan agad ah!"

"Erich pwede ba. Nakapaghanda na ako ng makakain mo. Kumain na kami." Sagot naman ni Michelle.

"Wala ako sa mood." Tinignan nito si Harold pero umiwas ng tingin ang lalake. Dito nainis si Erich.

"Harold bakit ang suplado mo na sakin ngayon? Sawa ka na ba sakin? Hihihi." Pang iinis ni Erich.

"Erich ano ba? Di ka ba titigil?" sabat naman ni Michelle.

"Aalis na muna ako mahal."

"Sige mahal, mamaya nalang."

"Wow, mahal! Hahahaha! Magaling!"

Umalis si Harold upang makaiwas ng gulo. Matapos isara ni Michelle ang pinto, hinarap nito ang nakababatang kapatid.

"Anong problema mo? Nagkakaseryosohan na kami ni Harold, di mo ba nakikita? At least man lang sana maging masaya ka pa para sakin eh. "

"Masaya para sayo!? Wow! Ikaw lang ba ang dapat sumaya? What about me!? Di mo man lang ba tatanungin kung masaya ako!? Ha? Ano?"

"What the fuck is your problem ba!?"

"Hinde pa ba malinaw ate!? Mahal ko rin si Harold!"

Natahimik si Michelle. Napahawak ito sa ulo nya at kinuskus nya ito. Hinde malaman kung ano gagawin.

"Erich hinde mo ba nakikita? Ako ang mahal ni Harold. Kung ikaw ang pinili nya, tatanggapin ko yun kasi kapatid kita. Pero iba eh. Ako ang pinili nya, kaya sana naman kahit ngayon lang, irespeto mo naman ang buhay ko."

"Hinde pa ba sapat sayo na palagi akong nasa likod mo ate? Hinde ba kita nirespeto? Yan ba ang tingin mo sakin? Dahil kung susukatin natin ang lahat, hinde kita sinukuan kahit noon pang hinde pa nagkaletse-leche ang mundo!"

"Erich, isang beses lang. Ito lang naman. Ayoko ng gulo. Lalo na kung ikaw lang naman ang makaka-away ko. Tama na."

"Okay fine. Para matapos na ito, hindeng hinde na kita guguluhin pa. Never." Lumabas muli si Erich at napabuntong hininga na lamang si Michelle. Mabigat ang loob netong makaaway ang nakababatang kapatid. Ito lamang ang natitira nyang mahal sa buhay at ayaw nyang magka-away pa sila dahil lamang sa iisang lalake.

Samantala, nakapaghanda naman si Danny ng kanyang dadalhin. Nauna nang lumabas si Elza at dumiretso na ito sa gate kung saan sila magkikita-kita. Pagkalabas ni Danny ay nakasalubong nya si Pablo. Kilala nya ito at hinde nya magawang kalimutan ang pagmumukha ng lalake.

"Pwede ba kitang makausap Danny?"

Napatingin si Danny sa paligid at mabigat ang paghinga nito pero tumango ito. Umupo si Danny sa gilid ng pinto habang si Pablo naman ay nakatayo lang sa harapan nya.

"Anong gusto mong pag usapan natin?"

"Alam kong nasaktan kita Danny. Alam ko rin na dahil sa akin naging magulo ang relasyon nyong dalawa ni Andrea. Pero Danny, nandito ako para makiusap sana sayo… .na sana… .ipaubaya mo na sa akin si Andrea. Tulad mo, mahal ko rin sya. Sa katunayan nyan, matagal ko nang iniibig si Andrea. Simula pa noong nasa Camp Aguinaldo pa tayo, hinde ko na mai-alis ang isipan ko sa kanya. At ngayong nagkaroon ako ng pagkakataong patunayan sa kanya ang bukal kong pagmamahal, ibinigay ko ang makakaya ko para mapaligaya ko sya sa piling ko. Kaya sana, kung mamarapatin mo… ipaubaya mo na sya sa akin. Tatanawin kong malaking utang na loob ito sayo." Mahinahong paliwanag ni Pablo. Hinde kaagad nakasagot ang binata. Umabot pa ng ilang minuto bago ito magpasyang sagutin si Pablo.

"Mabigat sa loob ko ang nangyari mang Pablo. Para akong sinaksak sa puso. Kung kilala mo ako, malalaman mong hinde na ako bago sa isang lalakeng binigo ng pag-ibig. Bago ko pa nakilala si Andeng, may minahal rin akong babae pero pinagpalit nya lang ako sa isang walang kwentang tao. Kaya kung iisipin mo, mahirap sa akin ang kahilingan mo. Mahal na mahal ko si Andeng. Alam nya rin yan. Kaya kung ako sayo, hihintayin ko nalang ang desisyon ni Andeng. Kung sino man ang piliin nya sa atin, irerespeto ko yun. Sana maintindihan mo rin ako mang Pablo. Dahil hinde lang ikaw ang umiibig. Ako rin." Iniwan ni Danny si Pablo na hinde pa nakakasagot. Napayuko ang lalake sa sagot ni Danny. Hinde sya sigurado kung sino ang pipiliin sa kanila ni Andrea.

Nag ipon-ipon na ang lahat na sasama sa meeting place. Si Andrea, si Mang Marcelo, si Danny, si Elza at Jeric. Pina-iwan ni Jeric si Bea upang sumama sa magbabantay ng compound.

"Ingat ka boss ha."

"Bea pwede ba, Jeric nalang itawag mo sakin. Wala na tayo sa Shard."

"Um.. okay hihi.. nakakahiya naman kasi. Parang napaka-close natin." Tila nagblush ang dalaga subalit biglang bumilis ang pintig ng puso nya ng bigla syang yakapin ni Jeric.

"Close lang naman ang pag-uusapan eh ganito tayo ka close Bea."

"Ah.. bo.. boss! I mean… Je.. Jericcc wag naman.. ganyan.. nakakagulat ka naman!" kumalas si Bea sandali at mas namula ang mukha nito.

"Ayan tuloy nag blush na alalay mo idol Jeric hahaha!" kulit naman ng isa sa mga nagbabantay sa gate.

"Che! Tumahimik nga kayo!" hiyang hiya naman si Bea sa nangyari. Natigilan ito ng ipatong ni Jeric ang kamay sa ibabaw ng ulo nya.

"Relax, wala namang masama sa ginawa ko. Plus, parang kapatid na rin naman kita eh haha!"

"Ka.. kapatid… .ahe.. he.. hehe… "

"Ouch! Hahahaha! " sabat ulit ng isang bantay sa gate.

"Isa pa! Sige, babatuhin talaga kita ng sapatos ko!"

"Hihi ang cute mo naman mahiya Bea." Wika naman ni Andrea.

"Eeehhhh doc naman ehh!! Ayoko na! Bahala na nga kayo dyan!" naglakad ito palayo.

"Hoy bumalik ka nga rito! " tawag naman ni Jeric.

"Di na! Ayoko na! Pinaglalaruan nyo ako eh!"

"Walang nangloloko sayo dito. Balik na."

"Well handa na ba kayo lahat?" tanong ni Andrea.

"Handa na kami doc." Sagot naman ni Jeric.

"Okay let's go."

Sakay ang isang pickup truck, bumiyahe na ang grupo. May apat pang kasama sina Jeric na mga bantay rin ng gate pero pinasama ang mga ito ni Marcelo.

----------

By: Balderic

Isang abandonadong basketball gymnasium ang napag usapang pupuntahan ng magkabilang grupo. Magulo ang itsura ng building. Nagkalat ang mga gamit. Ang pintura ng mga dingding ay natutuklap na rin. May mga abandonadong sasakyan sa paligid pero kapansin-pansing walang infected na umaaligid.

Dumating ang grupo nina Andrea sakay ang pickup truck. Unang bumaba si Jeric at naglabas kaagad ng sandata. Sumunod sa kanya si Danny at dalawa pang lalake na sakay sa likod. Kasama naman ni Andrea si Marcelo at ang natitira pang dalawang lalake.

"Dito muna kayo Andrea, at kayong dalawa samahan nyo si mang Marcelo at Andrea. " utos ni Jeric. Tumango naman ang mga ito.

"Elza, stay here with them." Wika naman ni Danny.

"Okay, be careful."

Pumasok si Jeric kasama ang grupo sa loob ng gusali. Naamoy kaagad nila ang mabahong simoy ng hangin. Masangsang ito at nabubulok. Napansin nila ang ilang nakahandusay na mga bangkay. Mukhang matagal na ang mga ito at ang itsura ng kanilang katawan ay tila nilapa ito. Lumapit ang isang lalake sa isang bangkay na nakatihaya at putol ang katawan mula sa bewang. Warat ang lamang loob nito.

"Hunnghh.. " bigla itong gumalaw at sinubukang abutin ang lalake.

"Ahh buhay pa!" sigaw nito sa takot. Lumapit si Danny at kinuha ang itak nya. Inapakan nya ang mukha ng infected at tinaga nya ang leeg nito hanggang maputol.

"Matagal maagnas ang katawan ng isang infected. Mag ingay kayo at wag kayong lalapit sa mga ito. Nagbabantay lang ang mga yan at aatake nalang bigla." Paliwanag pa ni Danny.

"Magaling!" malakas na salita ng isang lalake mula sa kabilang dulo ng basketball court. Napatingin ang grupo. Nakita nila si Fr. Danny, kasama si Gardo at lima pang mga lalakeng armado rin.

Lumapit si Jeric at sumunod naman ang mga tropa nya. Sa wakas ay nagkita na rin ang magkabilang grupo. Nakangiti si Father Danny sa mga ito. Itinaas ang kanyang mga kamay.

"Please… maging sibilasado tayo dito. Ako si Father Danny. Ang pinuno ng Bagong Bukas. Ito nga pala si Gardo ang driver ko at ang iba ay ang mga kasamahan kong naglilingkod lamang sa aming hamak na community. Sino sa inyo ang pwede kong makausap?"

"Bago ang lahat, mas mabuti siguro kung ibababa nyo muna ang mga sandata nyo." Wika naman ni Danny.

"Haha! Ulol!" sabat naman ng isa sa mga tauhan ni Fr. Danny. Muntik pang magtutukan ng mga baril ang magkabilang grupo pero sumenyas kaagad si Fr. Danny at huminto ang mga ito. Tinitigan ni Fr. Danny ang binata.

"Anong pangalan mo iho?"

"Danny."

"Aba, magkatukayo pala tayo iho. Pwes, mas mainam naman siguro kung magsisimula tayo sa isang magandang paghaharap na walang bahid ng karahasan. Pwede ba yun?"

"Depende yan kung ibababa mo ang mga armas ng mga aso mo Father." Sagot naman ni Danny.

"Ang lakas ng loob mo boy!" sabat muli ng isang tauhan ni Fr. Danny.

"It's okay. Sige ibaba nyo ang mga sandata nyo."

"Pero Father."

"Sige na. Ibaba nyo na."

Sumunod naman ang mga ito at inilapag sa sahig ang kanilang mga baril.

"See, sumusunod kami. Kayo ba, pwede nyo ring ibaba ang mga baril nyo?"

Ibinalik nina Danny at Jeric ang mga baril sa holsters nila. Tumaas lang ang kilay ni Fr. Danny at tumango.

"Bueno, mga bata kunin nyo ang isang lamesa dun sa dulo at mga upuan. Mabilis." Utos ng pari. Kumilos ang dalawa at nang akmang pupulutin nila ang mga baril, mabilis hinugot ni Danny ang shotgun nya.

"Ang utos ng amo nyo ay kumuha ng mga upuan at isang lamesa. Anong gagawin nyo sa baril?" wika ni Danny habang nakatutok ang shotgun sa mga ito. Tumingin ang dalawa kay Father Danny at nang tumango ang pari ay sumunod naman ang dalawa at kinuha ang mga pinag uutos ng huli.

"Tawagin nyo dito si Andrea. Pero iwan nyo ang iba sa labas." Utos naman ni Jeric. Tumango ang isa at tumakbo palabas.

"May mgs kasama pa pala kayo sa labas?" tanong naman ni Father Danny.

"Naniniguro lamang kami Father. Mahirap na sa panahon ngayon."

Dumating si Andrea. Nakasuot ito ng white shirt at black pants pati combat boots. May dala rin itong baril na nakasabit sa holster ng belt nya. Nakalugay ang medyo curly nitong buhok. Namangha ang mga kasama ni Father Danny sa kagandahan ni Doc Andrea.

"Totoo nga ang sinasabi ni Gardo sakin. Maganda nga ang pinuno nyo." Wika ni Fr. Danny.

"Ikaw si Father Danny?"

"Yes ako nga."

"Ako si Doc Andrea."

"Aba isang doctor? Mabuti at mukhang magiging maayos ang usapan natin."

"Ayokong magtagal dito Fr. Danny. Alam mo ang kailangan namin."

"Mabilis ka sa usapan Doc. Alam mo, walang problema sa akin ang hinihiling mo pero sana makinig ka muna sa mga sasabihin ko." Tumango naman si Andea.

Inilatag ang lamesa sa gitna ng grupo at umupo si Fr. Danny at sa kabila naman ay si Andrea.

"Alam mo doc, ang sa akin lang naman ay mas mainam kung magsasanib pwersa na lamang tayo. Ikaw at ako ang magmamando ng grupo at nang magkaroon tayo ng mas matibay at mas ligtas na komunidad. Sa tingin ko, pagdating ng panahon ay tayo ang magbibigay ng panibagong simula sa makabagong mundo. Ano sa tingin mo?"

"Magandang pangarap yan Father pero sa mga naririnig ko sayo at sa mga kasama mo, tatanggihan ko ang alok mo. Ayokong magtiwala sa taong may mga tinatagong kalokohan. I think alam mo naman siguro ang tinutukoy ko."

"Naku doc, wag ka agad magpapaniwala sa mga naririnig mo. Ang mga yan ay pawang kasinungalingan. Walang patunay sa mga inaakusa mo sa akin."

"Kung ganun, ipakita mo dito ngayon sina Arvin at Ayesha. Gusto ko silang makausap."

"Paumanhin Doc. Hinde ko sila dinala dito dahil gusto ko munang makasiguro na maayos kayong mga tao. Napag-alaman kong tumakas lamang ang dalawang yun mula sa grupo nyo at naisip ko, bakit umalis ang dalawang ito at tinaya pa ang buhay nila sa paglalakbay papunta sa aming pamayanan? May dahilan yan. At sa asal ng mga kasama mo, mukhang masyado kayong agresibo doc. Baka naman kayo talaga ang dahilan kung bakit tumakas ang dalawang yun."

"Wag mo kaming paikutin Father. Nasa pangangalaga ko ang dalawang batang yun. Hinde aalis ang mga yun ng walang dahilan. Ang tunay na dahilan ng pag alis nila ay dahil nakokonsensya si Arvin sa nangyari ng aksidente nyang mapatay ang isa naming kasamahan na si Pat." Napatingin si Jeric at Danny kay Andrea. Umiling lang ang doktora.

"At bakit naman nya napatay ang Pat na ito?" tanong pa ni Fr. Danny.

"Sa isang misyon. Hinde ko sinisisi ang bata. Hinde pa nya alam ang ginagawa nya."

"Kung ganun, anong ginagawa nya sa isang misyon kung hinde pa sya handa? Hinde mo ba nakikita doc? Ikaw mismo ang nagpadala sa kanya sa labas kahit alam mong wala syang kakayahang makipaglaban. Ngayon nakapatay sya ng kasamahan nyo. Dumating sya sa amin at malungkot. Walang direksyon ang buhay nya. Ako ang kumopkop sa kanilang dalawa at kami na ang nangangalaga sa kanila. Pero kayo anong ginawa nyo? Ni hinde nyo yata hinanap yung mga bata eh."

"Wala ka sa husgado para magpaliwanag Fr. Danny. Malinaw sa amin ang ginawa nyo. May dumating din sa aming mga babaeng nagsabing hinahalay nyo ang mga katulad nila at ginagawa nyo silang parausan." Sabat naman ni Jeric.

"Sa tingin mo ba tatagal ng ganito ang usapan natin kung ganun akong tao? Nakita mo namang sumunod ako sa kahilingan nyo hinde ba? Ibinaba ko ang mga baril ng mga tao ko kahit pa pwede nyo kaming pagbabarilin. Alagad ako ng simbahan at Diyos iho. Hinde ako isang pusakal na kayang gawin ang mga sinasabi nyo. Tulad ng nauna, wala kayong ebidensya dito. Pero malinaw sa usapan base sa ginawang kwento ni Doc Andrea na nagkulang kayo sa dalawang kabataan kaya sila umalis."

Nakatambay sa labas sina Marcelo at Elza. Habang naka upo naman sa likod ng pickup truck ang dalawa pang kasama nilang mga lalake nang may dumating na dalawang sasakyan. Isang kotse at isang multicab....

About the Author :

Joined: December 3, 2015 (4 years old)
Writings: 214
Male  ·  Offline
Description:
Isang lalake na mahilig sa hot wife, taboo, cheating, cockold, action, comedy, horror, love, at young girls stories. Isa akong author na baguhan at natututo rin dahil sa inspiration ko. Sana basahin nyo story ko at mag komento kung ano ang reaction at ideas nyo. Salamat po.
Signature Text:
Destiny is an illusion created by people who has no dreams in life.
10  ·  34  ·  15  ·  3,653
 · 

Comments
peejaytetz9693
June 26, 2020 (9 days ago)

Pers comment!! Salamats sa update otor!!🤘

peejaytetz9693

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Balderic
June 27, 2020 (8 days ago)

No probs ☺️

Destiny is an illusion created by people who has no dreams in life.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M
m0b1d1ck
June 26, 2020 (9 days ago)

Anyare Danny boy????

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Balderic
June 27, 2020 (8 days ago)

🙊 it happens

Destiny is an illusion created by people who has no dreams in life.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
B
Booglee
June 27, 2020 (9 days ago)

Salamat author sulit kahit matagal comment muna bago basa.keep safe

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Balderic
June 27, 2020 (8 days ago)

Busy kasi kaya natagalan

Destiny is an illusion created by people who has no dreams in life.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
kanton123
June 27, 2020 (9 days ago)

Nice update boss

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Balderic
June 27, 2020 (8 days ago)

Working on it

Destiny is an illusion created by people who has no dreams in life.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
blacksun20
June 27, 2020 (9 days ago)

Wow salamat sa update sir tagal hinintay iang next update nyo pero sad kase ang bida mamatay pa yata? Hinde kaya magsakripisyo si elza dahil may alam sya pra iligtas si danny, wag naman sana gusto ko un tandem nila sana wag mo silang patayin. Salamat ulet sir stay safe and healthy Godbless

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Balderic
June 27, 2020 (8 days ago)

We shall see what happens next ☺️

Destiny is an illusion created by people who has no dreams in life.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
brugzkie
June 27, 2020 (9 days ago)

Sir balderic wag mo nman patayin si danny..lalong tumatagal lalong gumaganda ang takbo ng story. Salamat sa pag update sir hehehe..ingat ka lage sir at sa family mo..more story to come sir..

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Balderic
June 27, 2020 (8 days ago)

Thank you, ingat ka rin at family mo 😃👍

Destiny is an illusion created by people who has no dreams in life.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
diegomadara
June 27, 2020 (9 days ago)

Oh no!.... madadali pa si dany boy,,, wag naman sana mabawasan nang isang bida Sir Balderic... wla pang danny elsa love scene ang pinakahintay namin

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Balderic
June 27, 2020 (8 days ago)

Actually meron na haha

Destiny is an illusion created by people who has no dreams in life.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
Ranniboy
June 27, 2020 (9 days ago)

Syang idol Kung mamamtay Ang bida.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Balderic
June 27, 2020 (8 days ago)

It is survival afterall

Destiny is an illusion created by people who has no dreams in life.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
G
gainax_jin
June 27, 2020 (8 days ago)

Hala ano na mangyayari kay danny.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Balderic
June 27, 2020 (8 days ago)

We shall see

Destiny is an illusion created by people who has no dreams in life.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Kilbo
June 27, 2020 (8 days ago)

Salamat at may update na, tagal q nag hintay d2.

1. Cnu kya ang taong nakita ni erich? Isa kya ito sa grupo ni andrea?
2.i think hnd pa katapusan ni danny dhl may paraan pra maligtas sya. We will see it nxt chap
3.hmm may chemistry si bea at jeric you will see it sa biruan nila. Pro bitin sa sex scene hehe
4. Pablo? Naku naman  tawag lng ng laman ang habol sau ni andeng  haha
Paano matalo si thanatos?
1st. Jeric needs to learn the zero point focus tech 😂
2. He need to use thousand fist at the raging heaven final form againts thanatos
3. Repeat the # 2 😂😂

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
B
Booglee
June 27, 2020 (8 days ago)

Hahahaha hnd naman si gab gab si jeric

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Balderic
June 27, 2020 (8 days ago)

It got me there 😃😝

Destiny is an illusion created by people who has no dreams in life.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Balderic
June 27, 2020 (8 days ago)

I liked that guide though lol

Destiny is an illusion created by people who has no dreams in life.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
B
bebok
June 27, 2020 (8 days ago)

maraming salamat sa update idol....sobrang galing nyo talaga...about Danny malamang gagawan yan ng paraan ni elza dahil isa syang buhay na vaccine laban sa mga zombies hehehe at ang maganda dito baka magiging alpha din sya at magkakaroon ng sapat na lakas na pwedeng sumabay kay thanatos hehehe....more updates to come soon hehehehe...👏👏👏👍👍👍🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Balderic
June 27, 2020 (8 days ago)

So many possibilities I guess

Destiny is an illusion created by people who has no dreams in life.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
O
otkep
June 27, 2020 (8 days ago)

aw poor ayesha... dapat nang maputol ang kahayupan ni Pader Dani.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Balderic
June 27, 2020 (8 days ago)

I could agree more

Destiny is an illusion created by people who has no dreams in life.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
S
SisigAdobo
June 27, 2020 (8 days ago)

nasa nooker karin ba boss balderic? lagi ko inaabangan to story mo the best talaga worth the wait

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Balderic
June 27, 2020 (8 days ago)

Yes pero wala pa lahat ng stories ko dun

Destiny is an illusion created by people who has no dreams in life.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
axl.blq
Monday, 29 June 2020 (6 days ago)

Wow, best development to date! Sulit ang paghihintay.. looks like isang bagong character na taga kampo ni Andeng or isang recurring name ang mysterious fella... at mukhang may kinalaman sya sa plague. Mukhang we'll now have a "hybrid" fighter soon too... All the best sa current endeavor mo at stay safe as always Boss B.

PS: MABUHAY KA BEATOT, NADALE MO RIN!!! Attagurl, bang!

Karen Babaylan's Not-so-secret Fanboy

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Balderic
Tuesday, 30 June 2020 (5 days ago)

Major breakthrough hehe

Destiny is an illusion created by people who has no dreams in life.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
rr5983bgk47
Thursday, 2 July 2020 (4 days ago)

so many possibilities,,,lets just wait and see next chapter,,,stay safe Boss idol Bal,,,

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Balderic
Friday, 3 July 2020 (2 days ago)

You too

Destiny is an illusion created by people who has no dreams in life.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Karxz
Thursday, 2 July 2020 (3 days ago)

Boss balderic napakasarp basahin ng mga stories mo d lng basta labanan sa kama   hehe may drama at action at aral din pansin ko lng po kasi first time ko po mabasa itong agnas na series medyo parang inspired po siya sa resident evil,walking dead at yun game na prototype ah pero basta  ganda pi ng stories nio more power keepsafe po palagi 😇☺

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Balderic
Friday, 3 July 2020 (2 days ago)

Yes inspired sa iba't ibang zombie subgenres

Destiny is an illusion created by people who has no dreams in life.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments