M
E
N
U

Sexual Hidden Desire 9

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Erotic Couplings, First Time, Taboo, Wife Lovers, Romance · Tags: , , , ,
Date: June 26, 2020 (9 days ago)


Nagising ako dahil sa ingay ng cellphone na nagriring sa tabi ko. Napadilat ako at napahawak sa ulo ko. Hindi. Hindi lang ulo ang masakit sa akin kundi pati buong katawan ko. Napasobra yata ang ginawa sa akin ni Jake. Naiiling na napatawa nalang ako.

Muli akong napatingin sa bed side table kung saan doon nakalagay ang bag ko. Bumangon ako at kinuha ko iyon. Si Mama ang tumatawag kaya naman sinagot ko iyon.

"Hello, Ma."

"Trish, nasaan ka?"

"Im at friend's house Ma. Bakit po?" Pagsisinungaling ko. Sorry Ma.

"Andito ako sa labas ng bahay nyo kanina pa. Kanina pa ako tumatawag sayo."

Masakit ang katawan ko pero bigla ako napatayo dahil sa sinabi ni Mama, nalaglag ang kumot na nakatakip sa hubad kong katawan. Bigla ako kinabahan sa sinabi ni Mama. Kelangan ko umuwi dahil baka tawagan ni Mama ang lahat ng kakilala nyang kaibigan ko. Baka mahuli nya akong nagsisinungaling.

"Hello. Trish.."

"M-Ma.." Utal na sagot ko.

"Kaninong bahay ka naroon, susunduin kita."

"Ha? Ah.. Ma, no. No. Pauwi na din ako. Dala ko ang kotse ko. Hintayin mo nalang po ako. Sige na po magdrive na ako."

Matapos ni Mama na magsabi ng drive safely ay agad na nitong binaba ang telepono. Ako naman ay agad na hinanap ang mga damit ko. Nakasuot ako ng panty pero hindi ito ang suot ko kanina pero hindi na yun mahalaga. Nagmamadali ako. Sakto naman na pumasok si Jake sa kwarto.

"Mommy gising kana pala. Halika kumain na tayo." Nakangiti nyang sabi.

"Jake.. Jake saan ang mga damit ko?" Aligaga kong tanong sa kanya habang hinahanap ang sapatos ko .

Napakamot ito ng ulo sabay ngisi. "Ah mommy kasi.. Nasira ko ung mga damit mo at...-"

"Ano?? Bakit mo sinira? Ano ng susuotin ko ngayon? Paano ako aalis?" Naiinis na sabi ko sa kanya.

"Aalis kana? Akala ko dito ka matutulog." Malungkot na sabi nya. Kinalma ko ang sarili ko at saka lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang kamay nya at saka niyakap sya. Kinakabahan ako kanina pa at alam ko na naghihintay na si Mama sa akin sa bahay pero ngayon na yakap ko si Jake parang bigla nawala ang lahat ng alalahanin ko.

"Daddy sorry. Akala ko din dito ako magdamag. Si Mama nasa bahay kanina pa at hindi sya makapasok. Kelangan ko umuwi."

Bumuntong hininga sya at saka ako pinaharap sa kanya. Ngumiti sya at saka ako hinalikan sa labi.

"Kain muna tayo." Umiling ako.

"Sorry Daddy, next time promise. Kelangan ko na talaga umalis ang kaso wala ako damit sinira mo." Napanguso ako at saka naupo sa kama. Sya naman ay lumakad sa closet nya at may kinuhang dress na kulay light green. Ibinigay nya iyon sa akin kasama ang bra.

Kunot noong nagtatanong na tumingin ako sa kanya.

"Next time mo na itanong. Sige na magbihis kana. Baka magalit na si Mama mo."

Tumango ako at saka mabilis na nag ayos sa CR. Matapos nun ay agad ko ng kinuha ang bag ko na mabuti nalang at inayos na ni Jake at saka mabilisan syang hinalikan sa labi. Sinabi ko nalang na tatawagan ko sya mamaya pag nasa bahay na ako.

Masakit pa din ang katawan ko pero hindi ko na iyon pinansin dahil nagmamadali na ako. Mabuti nalang at walang gaanong traffic kaya naman 7:15pm ay nakarating na ako sa bahay. Nakita ko ang kotse ni Mama sa labas ng bahay nakapark at agad syang lumabas nang makita akong paparating.

Bumukas ang gate at sabay na pumasok ang kotse namin sa loob.

"Saan kaba galing? Tinawagan ko lahat ng kilala kong kaibigan mo pero sinabi nilang hindi ka naman daw doon galing." Agad na bungad sa akin ni Mama matapos naming makapasok sa loob ng bahay.

"Ma, madami po ako kaibigan. Kasama ko po yung highschool ftiend ko. Biglaan lang po pagkikita namin."

Mabuti nalang at hindi na nagtanong pa si Mama at tumango nalang. "Bat po pala kayo andito?" Tanong ko sa kanya.

"Tinawagan ako ni Ryan at sinabi nyang nasa Singapore ulit sya. So, naisip ko na wala ka na namang kasama kaya nagpunta ako dito. Baka kasi nalulungkot kana naman anak." Malambing na sabi nya.

"Ma, salamat po. Pero malaki na ako. Saka ilang beses naman na ako iniiwan ni Ryan mag-isa dito sa bahay. Konting shopping lang Ma okay na po ako. Isa pa tumatawag naman si Ryan kada isang oras." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Alam ko naman yun anak pero mas maganda pa din na may kasama ka. Mamaya masanay ka ng walang kasama. Kaya naman andito ako, sasamahan kita hanggang sa bumalik sya." Napangiti ako kay Mama at saka yumakap sa kanya.

May guilt na nararamdaman sa puso ko dahil sa ginagawa kong panloloko sa asawa ko. Ganito pa din kaya si Mama sa akin maglambing kapag nalaman nya ang totoo? Malamang hindi. Baka itakwil nya ako at kamuhian dahil sa kalandian ko.

"Kumain na po ba kayo?" Tanong ko pagkatapos kong bumitaw sa kanya.

"No baby, may dala akong mga lutong pagkain. Initin nalang natin anak."

"Okay Ma, ako nalang po ang gagawa. Magbihis na muna kayo." Tumango sya at saka umakyat na sa taas. Ako naman ay agad na nagpunta ng kusina. Inilagay ko sa microwave ang mga ulam.

Habang hinihintay na mainit ang ulam ay kinuha ko ang cellphone. May limang message doon galing kay Jake at isa galing kay Ryan.

Una kong binuksan ang message ng asawa ko. Sabi lang nya na nasa airport na daw sila at tatawag after 3 hours. Nagreply ako ng okay and take care sa kanya.

Tapos ay binuksan ko na ang message ni Jake.

Jake: Mommy, nakauwi kana ba? Ano? Kamusta ka?

Jake: Nagalit ba Mama mo dahil pinaghintay mo sya?

Jake: Mommy, text ka po kapag nakauwi kana. Drive safely, I love you.

Jake: Mommy ang lungkot ko ulit akala ko makakasama kita ng magdamag ngayon. Kinakain ko na po ang dala mong pagkain. Salamat Mommy.

Jake: Mommy. I miss you.

Ewan ko pero mas natuwa ang puso ko sa mga mensahe ni Jake kesa sa asawa ko. Feeling ko tuloy nagdadalaga na naman ako.

"Ayos na ba anak?" Nagulat ako sa pagdating ni Mama kaya naman agad kong inilagay ang cp ko sa bulsa ko. Saka naman natapos ang iniinit kong ulam. Ngumiti ako kay Mama at sinabing maupo na sya.

Matapos naming maghapunan ni Mama ay agad na syang umakyat sa guest room. Medyo pagod daw sya at mauuna nang matulog. Nag goodnight lang ako sa kanya at iniwan na nya ako sa sala mag isa. Saka ko inilabas ulit ang cp ko at tinext si Jake.

Ako: Daddy?
Jake: Mommy?
Ako: Sorry ha biglaan po eh.
Jake: Okay lang Mommy. Mama mo po yan eh. Pero miss na kita. Andito ako sa kwarto at naiwan dito amoy mo mommy. Lalo kita namiss.

Hindi ako nagreply sa kanya. Umakyat na ako sa kwarto at saka nag half bath muna. Pagkalabas ko ng CR ay sya namang tunog ng...

About the Author :

J
2  ·  3  ·  2  ·  3,495
 · 

Comments
Nitz001
June 26, 2020 (9 days ago)

wow.. as usual. hehehehe.
last na po to?? ohhhhhh.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
richvill
June 26, 2020 (9 days ago)

next agad author

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
O
otkep
June 28, 2020 (7 days ago)

ang swerte naman po ni Jake! hehe

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments