M
E
N
U

Kakaibang Langit Naabot Ni Sky (Kabanata 5)

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Erotic Couplings, Romance · Tags: , , ,
Date: June 25, 2020 (13 days ago)


Author's Note: Fiction. Ito po ay kathang-isip lang. Kung may pagkakahawig sa mga pangalan ng tao, hindi po sinasadya. Pwedeng ishare kung may credits sa author at magpapaalam. Ito po ang first story ko dito. First time ko rin magsulat ng erotic stories. Sana maenjoy nyo.

KAKAIBANG LANGIT NAABOT NI SKY
Kabanata 5: Sex Scandal
By: freyacutie

Naging maayos naman ang unang linggo ko sa trabaho. Marami palang reports na ginagawa. Mabuti na lang mabait naman si Ate Nina kaya matiyaga niya naman akong tinuruan.

Sumunod na linggo ay bumisita na kami sa mga barangay.

"Ikaw na umangkas sa gitna Sky. Baka mahulog ka pa sa dulo." Sabi ni Ate Nina nang paalis na kami Myerkules ng umaga, sumunod na linggo.

Tumikhim ako at sumulyap ng bahagya kay Marlon. Nakasakay na siya sa kanyang motor. Nakangisi at tila nang-aasar.

Sumakay na nga ako sa likod ni Marlon.

"Urong ka pa Sky. Maliit na lang space sa likod eh." sabi Ate Nina.

Wala na akong nagawa kundi idikit ang katawan sa likod ni Marlon. Medyo may katabaan kasi si Ate Nina kaya't nakakahiya ding mag-inarte, baka siya pa ang mahulog sa likod.

Lapat ang suso ko sa likod ni Marlon. Dikit din ang mga hita ko sa magkabilaang hita niya. Nasa kanang hita ko pinatong ang backpack na may lamang mga damit na pamalit para sa pagtulog namin sa barangay.

Pagsakay ni Ate Nina ay mas lalong dumikit ang katawan ko sa likod ni Marlon. Napasipol siya.

"Ayos na Ate Nina?" Tanong ni Marlon at bahagyang lumingon. Dahilan para halos magdikit ang mukha namin. Umurong naman ako at sa kabilang side bumaling para maiwasan ang mukha niya.

"Oo. Tara na. Medyo mataas na ang araw."

Kinakausap ako ni Ate Nina habang nasa byahe kami papunta sa isang barangay. Pero hindi ako mapakali sa init na dala ng pagkakadikit ng katawan namin ni Marlon. Hindi ko rin mawari kung sa init lang ba ng panahon. Pero ang utong ko ay unti-unting tumigas. Naisip ko na lang na sensitive siguro kasi magkakaroon na ako.

Ang kalsada papasok sa unang barangay na assigned ako ay malubak. Mula sa konkretong main road ay lumiko na kami pakanan at simula nga doon hanggang sa barangay mismo ay puro rough road na.

Nakakapit si Ate Nina sa balikat ko. Nang may isang lubak na malalim ay medyo nahila nya ang katawan ko kaya napakapit ako sa katawan ni Marlon. Ang kaliwang kamay ko ay pumulupot sa bewang niya. Ang kanang kamay ko ay nakahawak pa rin sa bag. Siguro dahil sa kaba at first time ko sumakay sa motor na dalawa ang angkas, kinabahan din ako na baka madisgrasya kami. Hindi ko na naalis sa pagkakayakap sa bewang ni Marlon ang kaliwang braso ko.

30 mins pa ay nakarating din kami sa barangay. Sinalubong kami ng mga barangay officials at ilang mga elders sa komunidad na kausap na ni Ate Nina.

Pagkababa sa motor ay dumiretso agad si Ate Nina sa mga nag-aabang na tao. Bumaba din ako sa motor. Narinig kong tumikhim si Marlon kaya't nilingon ko siya.

"Pakisabi na lang Sky kay Ate Nina na babalikan ko na lang kayo sa Byernes ng hapon." Nakangiting sabi niya sa akin.

"Okay. Salamat. At ingat ka"

Pina-andar na niya ang motor kaya't tatalikod na sana ako.

"Syangapala Sky."

Bumaling muli ako sa kanya.

"Ansarap. Malaki." Bulong ni Marlon at ang kaliwang kamay ay inihaplos sa likod niya kung saan napadikit ang suso ko kanina.

Uminit ang pisngi ko. Sisigawan na sana ang kaharap sa kabastusan ngunit pinaharurot na ang motor at umalis.

Pinakilala ako ni Ate Nina sa mga tao sa barangay. Nag-observe din ako sa kanya sa meeting at kung pano sya makisalamuha sa mga tao.

Sa bahay nung isang community leader kami makikitulog. Si Nay Celia ay senior citizen pero aktibo sa mga gawaing pambarangay. Marami din ang mga taong tumitingala sa kanya dahil sa dati itong kagawad sa barangay at dati ring guro. Kaya't isa siya sa mga kinikilalang community leader dito kahit pa ilang taon na rin siyang nagpahinga sa pulitika.

"Pasok kayo mga madam."

Ang bahay ni Nay Celia ay semi-concrete. Ang dingding hanggang sa ilalim ng mga bintana ay konkreto. Sawali naman ang karugtong noon. Yero ang bubong. Purong kawayan ang karamihan sa kanyang mwebles. Maliit na bungalow-style ang bahay. May maliit na balkonahe sa harap kung saan naroon ang mga kawayan na sofa set at may tumba-tumba. Napapaligiran din ng mga puno ang bahay kaya't maaliwalas.

Napabuntong-hininga ako nang umihip ang sariwang hangin. Haaaay. Ito talaga ang masarap sa mga baryo. Sariwa ang hangin at walang mga ingay ng sasakyan o ng iba pang ingay ng metro.

Naupo kami sa kawayang sofa. Magtatakip-silim na. Binuksan ni Aling Celia ang mga ilaw. Napansin ko na abot pa nga ng elektrisidad dito, hindi pa ganoon kaliblib kahit na malayo sa bayan at mahirap ang daan.

"Magpahinga muna kayo Madam, at ako'y maghahanda ng hapunan natin." Ani Aling Celia, kay Ate Nina nakaharap.

"Naku Nay Celia tulungan na kita. Sky pasok mo na lang ang mga bag natin."

Mag-isa lang si Nay Celia dito. Ang nag-iisang anak niya ay nurse at sa Maynila umano nagtatrabaho. Matagal na ring yumao ang asawa ni Nay Celia kaya mag-isa na lang siya na nakatira sa kanyang bahay. Mabuti na lang ay marami din namang mga katabing bahay dahil malapit sa sentro ng barangay ito.

May tatlong kwarto sa bahay. Nasa kanang bahagi pag pasok sa bahay. Sa kaliwang bahagi, may mini-sala set na gawa rin sa kawayan. Ang hapag-kainan ay nasa likod ng mini-sala. Para makarating naman sa kusina ay papasok sa pintuang katapat din ng main door. Doon din ang daan sa palikuran.

Maayos ang naging gabi namin doon. Namiss ko tuloy ang Mama ko. Napakabait ni Nanay Celia at maasikaso sa mga bisita.

Magkatabi kami ni Ate Nina sa iisang kama. Ito ang kwarto na pinapagamit sa kanya ni Nay Celia. Alas kwatro nang magising si Ate Nina at nagisingan nya akong pabaling-baling. Hindi ako nakatulog ng diretso, siguro dahil na rin sa paninibago.

"Masasanay ka rin Sky." Sabi ni Ate Nina.

"Opo Ate. Pasensya nagising kita."

"Ay hindi. Ganitong oras talaga akong nagigising."

Sumama na rin ako sa kanya pagbangon niya. Tulog pa si Nay Celia. Nagtimpla kami ng kape at naupo sa balkonahe.

---------------------------------------------------------
KAKAIBANG LANGIT NAABOT NI SKY
By: freyacutie
--------------------------------------------------------

"Maiba nga pala ako Sky. Napapansin ko ang mga pasaring sayo ni Marlon."

Halos mabilaukan ako sa ininom na kape sa narinig.

"Naku mag-ingat ka lang. Playboy yang si Marlon. Marami ng babaeng natuhog yan." Natatawang sabi ni Ate Nina.

"Ay hindi ko naman po papatulan Ate. May boyfriend na po ako." sagot ko naman.

"Naku Sky, may kasabihan nga, the nearest is the dearest. Kaya magpakatatag ka at madaling matukso kung malapit lang at palaging lumalapit ang tukso."

"Salamat sa payo Ate. Pero di ba may girlfriend na po si Marlon?" Tanong ko nang makabawi sa pagkabigla sa tanong.

"Oo meron pero malayo naman yon. Noong hindi pa yon nag-abroad, nasa Maynila lang siya. E apat na beses lang sila magkita sa isang taon, kung may meeting lang tayo every quarter nakakaluwas si Marlon. Matinik yan si Marlon. Ang chismis sa office e natikman na ang mga bata-batang kasamahan natin." Mahabang litanya ni Ate Nina.

Si Patricia, Bell, at Kat? Kaya ba masama ang tingin nila sa pagdating ko pa lang?

"Ito ha. Ikukwento ko na sayo para alam mo. Para hindi ka pagselosan ng mga kasama dyan. Alam mo masaya itong trabaho natin. Pero minsan mas mahirap pakisamahan ang katrabaho kesa dito sa mga tao sa barangay. Kaya ako madalas nasa barangay lang at tuwing lunes lang ako tumatambay sa opisina."

Tumango-tango naman ako. Hindi naman siguro siya magsisinungaling. Wala na ring dahilan para siraan ang mga kasama at paalis na rin siya. May punto rin siya sa sinabing mas mahirap pakisamahan ang mga katrabaho, minsan kasi nasasamahan yan ng inggit.

"Yang si Oscar at si Bell, may relasyon yan." Panimula ni Ate Nina.

Hindi na ko nagulat dahil alam ko na yon. Tumuloy lang ako sa paghigop ng mainit na kape.

"Yang si Patricia at si Kat minsan na yang nag-away noon. Hindi sila umamin pero pihado kong dahil din kay Marlon. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung sino sa dalawang matanda ang karelasyon ni Patricia."

"Ha? Pano nyo po nasabi?"

"Noong nandun pa ako sa staff house, hindi lang miminsan kong nahuli na paalis ng staff house sa madaling araw ang dalawang matanda. Magkaibang araw naman. At noon kumpleto pa kami, nandun kami lahat ng staff na babae kasama si Lenny at Esca. Kaya hindi ko rin masiguro." Esca ang tawag ni Ate Nina kay Ate F. Pero siya lang ang tumatawag kay Ate F ng ganun. Siguro matagal na silang magkasama sa trabaho o mga dating magkakilala na.

"Baka nagkataon lang Ate?"

"Alam mo bata ka pa nga. Inosente ka pa. Pero kaya ko ito sinasabi para alam mo na at makaiwas ka sa issue."

"Sa lahat ng kasama, ang hindi ko pinagdududahan na may nakarelasyon sa kasama ay si Dennis at si Esca. Talagang kita ko ang dedikasyon ng mga yan sa pamilya nila."

"Mukha nga pong mabait sila."

"Mabait naman karamihan sa katrabaho natin, kung sa mabait lang. Maliban lang doon kay Kat at Patricia na may pagka maldita. Pero syempre may mga tinatagong kulo din ang bawat isa."

"Pero hindi po ba nagagalit si Ate F kung nalalaman nya ang mga relasyon?" Manghang tanong ko. Team leader si Ate F at may karapatan syang magrekomenda na alisin ang isang tao sa grupo niya kung nakakaapekto sa trabaho.

"Mabait kasi yang si Esca. Basta kaya nilang gampanan ang trabaho nila, wala na syang pakialam sa mga personal nilang issue. Kumbaga output-based siya. Pero kung ako ang team leader, ayaw ko ng ganyan. Kasi kahit anong sabihin, dadating sa punto na madadala nila sa trabaho ang personal nilang issue."

"Ahh. Ganun po pala."

"Pero kahit ganun,...

About the Author :

Joined: June 9, 2020 (29 days old)
Writings: 7
Female  ·  Offline
Description:
Isang babaeng wild ang imagination pero mahiyain sa totoong buhay.
Mahilig ako magbasa ng mga erotic stories. Magtatry magsulat din dito sa FSS.
Signature Text:
Imagination is the limit to your pleasure.
6  ·  0  ·  3  ·  2,296
 · 

Add New Comment
M E N U
Recent Comments