M
E
N
U

Ang Diary Ni Grace: Part 2

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Exhibitionist and Voyeur, Romance · Tags:
Date: June 14, 2020 (21 days ago)


March 25, 2008

Dear Diary,

Tahimik ang gabi na para bang nagluluksa sa unang pagkakataong nahiwalay ako sa aking mga magulang. Naririnig ko ang garalgal ng mga sasakyang madalang na dumadaan sa harap ng bago kong apartment. Nasasagap ng aking pandinig ang lagaslas ng maliit na estero na nasa likuran ng bahay na magsisilbing tahanan ko sa susunod na isang taon.

Hindi ako sanay na mahiwalay kina mommy at daddy, I am a daddy's girl pa naman. Pero, ikinuha nila ako ng apartment na walking distance sa review center na papasukan ko sa April para sa board exam ko sa November. Gusto nilang masanay ako sa lugar at sa pamumuhay mag-isa kaya naisipan ng mga magulang ko na lumipat ako agad, kahit halos dalawang linggo pa bago magsimula ang review. Sabi naman nila, dadalawin nila ako lagi. Pumayag na din ako, kahit alam kong mahirap para sa akin ang mag-isa sa bahay. Inisip ko na lang na kailangan masanay din ako dahil hindi naman habangbuhay na dapat akong umasa kina mommy at daddy.

Maganda naman ang lokasyon ng apartment. Tabi ng maliit na kalsada at isang kanto lang ang layo sa main road. Pwede kong lakarin papunta sa review center at pwede din namang mag jeep or tricycle. Tahimik at wala masyadong bata na naglalaro sa labas kahit kaninang umaga. May mga malapit na karinderya at fast food na pwede kong bilan ng pagkain kung hindi ako sipaging magluto.

Si Mang Leo ang sumalubong sa akin. Siya ang may-ari ng apartment. Matanda na siya, tingin ko mga malapit na maging seior citizen. May katangkaran si Mang Leo ngunit payat at madami nang puting buhok. May kalakihan ang kanyang mga mata at matangos ang ilong kumpara sa karamihan ng mga kakilala ko. Manipis ang kanyang bigote at wala syang balbas. Malalim ang kanyang boses na may pagka-garalgal, dala siguro ng madalas nyang paninigarilyo.

Nakakwentuhan ko sya sandali, at kahit alam kong may kaya sya sa buhay, simple lang sya at walang yabang sa katawan. Base sa kwentuhan namin, galing sya sa probinsya at nakipagsapalaran sa dito sa Maynila. Bente anyos pa lang daw sya nung napilitan syang lumuwas dahil sa hirap ng buhay. Nakapagtrabaho daw sya sa isang sikat na department store habang tinatapos ang vocational course na electrician. Tapos nakasakay ng barko, sinwerte, nakapagpundar ng simpleng apartment na may limang pinto at ang pang-anim at pinakamalaking unit ay kanya.

Wala daw syang anak dahil hindi na sya nakapag-asawa. Siguro isinubsob ang sarili sa trabaho para makaahon sa hirap ng buhay. Mga pamangkin nya at pinsan ang kasama nya sa bahay dahil ayaw daw nyang mag-isa lalo't matanda na sya. Pinaalala nya sa akin ang mga house rules, payment schedule at iba pang mga dapat tandaan para daw hindi kami magkaproblema sa apartment. Ibinigay din nya ang number nya para kung sakali daw na may emergency or may kailangan ako, tawagan ko lang daw sya.

Ngayon lang ako nakapunta dito dahil busy ako sa mga post graduation errands at pag-aasikaso ng mga kailangan para sa review. Maganda ang nakuha nilang unit. Si mommy ang nakahanap nito, tapos si daddy naman ang namili ng mga gamit tulad ng study table, sofa, at ang malambot na kamang hinihigaan ko ngayon. Maliit lang ang living room pag pasok ng bahay, hindi ako nagpalagay ng TV kaya study table ang makikita sa gawing kaliwa pagpasok ng pinto. Sa tapat ng study table ay isang maliit na sofa, at nasa likod ng sofa ang isang pang-dalawahang dining table. Nasa tapat naman ng mesa ang lababo, sa gawing kanan pagpasok ng bahay. Mga dalawang hakbang lang ay ang pinto ng CR sa kaliwa, at ang kaderechuhan ay pinto ng aking kwarto.

Maliit lang din ang kwarto sakto lang ang isang kama. Kahoy ang dingding at may nakadikit na wallpaper na kulay dilaw. Ayoko ng kulay, masakit sa mata lalo kapag bukas ang ilaw, kaya naubos ang araw ko kan...

About the Author :

R

Joined: November 27, 2012 (7 years old)
Writings: 17
Male  ·  Offline
5  ·  5  ·  3  ·  3,916
 · 

Comments
I
Icarus
June 14, 2020 (21 days ago)

Ganda ng build up sir, abang abang ang susunod na kabanata

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
R
robinhud
June 14, 2020 (21 days ago)

Thank you :)

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
W
willieB
June 14, 2020 (21 days ago)

sundan agad sir idol...

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
KusinerongMarinero
June 14, 2020 (21 days ago)

Sundan na yan boss

Life begins at sea

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
L
LuckyCJ
June 14, 2020 (21 days ago)

Mukhang may panibago na naman  akong aabangan na story ah. Salamat lodi

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments