M
E
N
U

Kapalit (Kabanata I)

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Erotic Couplings, Fetish, Taboo, Wife Lovers, Mature, Romance, Toys and Masturbation · Tags: , , ,
Date: June 12, 2020 (2 years ago)


Kabanata I

She will live on in the hearts of everyone who loved her

Malungkot na binasa ni Mari ang nakasulat sa lapida ng namayapang kapatid. Unti/unting bumuhos ang mga luha na kanina niya pa pinipigilang pumatak simula ng pagkapasok nila sa private cemetery.

'Paano na ako'

'Saan ako pupunta'

'Bakit ninyo ako iniwan'

"Mari." Napatalon sa gulat ang dalaga nang hawakan siya sa braso ng asawa ng namayapang kapatid. "Hinihintay ka na ni Anna sa sasakyan" Tinutukoy nito ang pitong taong gulang na bata na anak ng kaniyang ate.

Mabilis na pinunasan ng dalaga ang mga luha at marahang tumango.

"Sige kuya Carlo susunod po ako" Sagot niya sa lalake ngunit parang wala itong narinig at mariin pa ring nakatingin sa kaniya. Hindi pa rin nasasanay si Mari sa nararamdamang kaba kapag nasa malapit lang ang lalake.

Isang taxi driver si Carlo at isa namang elementary teacher ang Ate May niya. Nagkakilala ang mga ito nang isang araw ay naging pasahero ni Carlo si May at nagkagaanan ng loob sa biyahe.

Tandang-tanda pa ni Mari ang araw na ipinakilala ni May sa kanilang pamilya si Carlo pitong na taon na ang nakakalipas.

Muntik nang mahimatay ang kaniyang ina nang malaman na magpapakasal na ang panganay na anak sa lalakeng kakapakilala lang nito noong araw ring iyon.

"Sigurado ka na ba sa kaniya Ate?" Mahinang tanong ni Mari sa ate niya habang naghuhugas ng mga pinagkaina nila kanina.

"Oo naman Mari. Mahal namin ang isa't-isa at nasa tamang edad na rin naman kami diba?" Nakangiting tugon ng ate niya pagkatapos ay tinuon ang tingin nito sa lalakeng iniibig na masinsinang kinakausap ng kanilang ama sa sala.

Nilingon niya ang kapatid at nakita niya rito ang kakaibang saya sa mukha habang tinitingnan si Carlo.

Maganda ang Ate May niya. May taas na 5'5" at may balingkinitang katawan. Namana nito ang malaporcelanang kutis ng kanilang ina. Lagi rin itong hinihikayat ng mga kakilala na sumali sa mga beauty contest dahil sa natatangi nitong ganda ngunit alam niyang walang hilig ang nakakatandang kapatid sa mga ganoong bagay. Pagbabasa at pag-aaral lang...

About the Author :

lisa23's Profile Picture

Joined: April 27, 2020 (2 years old)
Writings: 4
Female  ·  Online
Description:
just.
17  ·  12  ·  16  ·  8,421
 · 

Comments
M
Mr.M
June 12, 2020 (2 years ago)

πŸ‘Waiting for next chapter

Minsan na namatay pero muli nabuhay

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
lisa23's Profile Picture
lisa23
June 12, 2020 (2 years ago)

Thanks for reading po.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
I
Icarus
June 12, 2020 (2 years ago)

Thumbs up, abangan ang susunod na kabanata

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
lisa23's Profile Picture
lisa23
June 12, 2020 (2 years ago)

Thank you. Hoping for your support in this series. Just new here lol. Didnt know na you need to wait for 24 hrs to post another story.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
watchingoverme's Profile Picture
watchingoverme
June 12, 2020 (2 years ago)

'Yon! Hipag at bayaw.

Mr. WOM

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Packz's Profile Picture
Packz
June 12, 2020 (2 years ago)

Mukhang maganda tong istorya. Keep it up.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
B
Babylot
June 12, 2020 (2 years ago)

Maganda' sana masundan agad...

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
KusinerongMarinero's Profile Picture
KusinerongMarinero
June 12, 2020 (2 years ago)

Next please.....

Life begins at sea

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
R
rgg323
June 12, 2020 (2 years ago)

nice one.... huwag mong gawing over acting ... baka ipa gang bang mo rin karulad ng iba....
keep it up

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
M
Mhel2006
June 13, 2020 (2 years ago)

nice story ka abang abang

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
peejaytetz9693's Profile Picture
peejaytetz9693
June 13, 2020 (2 years ago)

Sana love story dn ito!❀️

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
N
narcom
June 13, 2020 (2 years ago)

Sundan agad bitin

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks β€˜n Conversations
Recent Comments