M
E
N
U

Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan - Chapter 29 - That Day - Part 1

Posted in
Story: Fiction, Taglish · Categories: Romance · Tags:
Date: June 11, 2020 (21 days ago)


Chapter 29

Nagmulat na ng mata si Dan ay mahimbing pa din ang tulog ni Mika. Tiningnan ni Dan ang natutulog na nakahubad na dalaga sa tabi niya. May bakas pa ng luha sa magkabilang pisngi nito. Alam na ni Dan kung bakit tinanghali ng gising si Mika, matagal itong umiyak kagabi habang natutulog siya. Maingat niyang inalis sa kanyang dibdib ang kamay ng dalaga. Hinalikan sa buhok ang natutulog na si Mika at saka siya tuluyang bumangon sa kama. Kinuha ang mga pamalit na pamasok at ang nakasabit na twalya, saglit pang tiningnan ang himbing na dalaga at saka si Dan pumasok na sa banyo upang maligo. Kailangan niyang pumasok ng maaga at marami pa siyang dapat na tapusin na gawain sa pamantasan. Mamayang hapon naman ay ang makakapiling niya si Angela sa kwartong ito. At si Angela naman ang ihihiga niya sa kamang kinaroroonan ngayon ni Mika. Nakaramdam siya ng lungkot dahil mas nauna pa niyang naihiga si Mika ngunit pagdating naman ng tamang panahon ay kay Angela na lang ang kamang iyon.

Ilang pagbuhos pa ng tubig ang narinig ni Mika at nagising na din siya. Tiningnan niya ang orasan, pasado alas-sais na pala. Alam nyang naliligo na ngayon si Dan at parating na din ang Ate Ella niya. Dahil sa matagal na pag-iyak kagabi ay napuyat siya. Hindi pa naman siya iiwan ni Dan, may panahon pa sila, may pag-asa pa din na mangyari ang pangarap niya. Nagsimula ng magbihis si Mika at lumabas na ng kwarto ni Dan. Bumalik sa kwarto nilang magkapatid at saka mabilis na naghanda ng agahan.

*****

Pagbaba ni Angela sa may salas ay nabungaran niyang naroon na si Lance. Nakaramdam siya ng matinding kalungkutan, ngayon ang araw ng Huwebes na usapan nila ni Dan. Ngayong narito si Lance sa umaga ay tiyak na maghihintay ulit ito sa kanya sa hapon sa may pamantasan. Hindi na sila matutuloy ni Dan dahil tiyak na sasabihin ni Lance sa kanyang ama ang pagkawala niya ng ilang oras sa hapon. Pinalis niya ang lungkot sa kanyang isipan, magiging magkapiling din sila ni Dan. Hindi mang ngayong araw ay sa panahong darating. Lumapit si Angela kay Lance na nakatingin sa kanya. Bagaman ito ang dahilan ng kanyang kalungkutan ay ayaw na niyang maging malamig sa binata. Nasabi na niya ang nais niya, na kay Lance na ang pagpapasya kung paano nito tatanggapin ang katotohanan na may iniibig siyang iba.

Habang pababa si Angela sa hagdan ay nakatingin na agad si Lance sa maganda at maamong mukha ng dalaga. Nakasuot lang si Angela ng isang asul na blouse at maong na pantalon. Simple lang talagang mag-ayos ang dalaga ngunit lutang pa din ang kagandahan ni Angela at ang mahubog nitong katawan. Naalala pa niya ang bawat sinabi ni Angela kahapon sa kanya. Ang mga pagsamo at pakiusap nito na lubhang mahirap sa kanya ang tanggapin. Hindi pa niya kayang isuko si Angela lalo't hindi pa niya nakilala ang lalakeng nagmamay-ari sa puso ng dalaga.

"Lance..." si Angela habang nakatingin sa binata.

Tumayo naman si Lance. Nagpatuloy na si Angela sa kusina at kasunod ang binata. Tahimik silang kumain kasabay ang mga magulang ni Angela. Pagkakuha ng gamit ni Angela ay lumapit sa kanyang mga magulang na nasa kusina pa. Humalik sa pisngi ng kanyang ama at ina at saka nagpaalam na.

"Bye Mom..."

"Bye Dad..."

Nakatingin naman sa kanyang ang mga magulang. Kahapon lamang sila hindi nakaranas ng halik mula sa anak ay parang napakatagal na panahon na agad ang lumipas.

"I love you both." ang nakangiting sabi ni Angela sa mga minamahal na magulang.

Iba ang naramdaman ni Alice sa mainit na halik ng nag-iisang anak na may kasamang deklarasyon ng pagmamahal sa kanila.

"Iha, is everything ok?" ang nag-aalalang tanong ni Alice, bagaman masaya sa ginawa ng anak ay may ibang pakiramdam siya.

Tumango naman si Angela at ngumiti ulit sa ina.

"I'm fine Mom. I'm going na po."

"Go ahead Iha, Lance is waiting." ang huling sabi ng ama ni Angela bago lumayo ang dalaga.

Tumalikod na si Angela at nagtuloy na palabas. Naiwan si Anton na labis na nag-iisip. May kakaibang siyang nararamdaman sa anak mula pa kahapon na hindi niya matukoy o maipaliwanag. Bakit ganun na lamang ang pagtanggi ng anak kay Lance at sa plano nilang kasal ng dalawa? Hindi naman bago ito kay Angela at noon pa nalalaman ng anak ang posibilidad na ito. May iba pang mabigat na dahilan na hindi sinasabi si Angela sa kanila. Umusal si Anton sa sarili na sana ay mali ang iniisip niya, kung hindi ay makakagawa siya ng hakbang na alam niyang ikalulungkot ng nag-iisa niyang anak.

*****

Tahimik silang dalawa habang nasa loob ng sasakyan. Nais magsalita ni Angela ngunit hindi niya alam ang sasabihin kay Lance. Alam niyang malungkot pa din ito at mabigat ang nararamdaman.

"Lance..." ang mahinang tawag ni Angela habang nakatingin sa binata.

Hindi sumagot si Lance, ayaw nyang magsalita. Dahil sa sandaling magsalita siya ay tiyak na masasaktan lang niya ang damdamin ni Angela. Hindi niya kayang isuko pa si Angela. Kung hindi siya mahal ng dalaga ay hindi na mahalaga sa kanya. Matututunan din siyang mahalin ni Angela kapag mag-asawa na silang dalawa at sa iisang tahanan na nakatira. Ito ang nasa isip ni Lance na ayaw niyang mabago pa ng mga pakiusap at sasabihin ni Angela.

Ipinaling na lang ni Angela ang paningin at malungkot na tumingin sa labas. Pagdating nila sa pamantasan ay saka nagsalita si Lance bago makababa si Angela.

"Angela... Stay for a while. I have something to say." ang sabi ni Lance na nakatingin sa dalaga.

Nakaramdam naman ng pagkailang si Angela, lalo na ng makita niyang maraming estudyanteng dumadaan ang napapatingin sa kanila.

"Angela..."

Napilitan siyang lumingon sa binata.

"I'll wait for you here at three. Nakausap ko na ang daddy mo at sinabi ko na gusto kong lumabas tayo ngayong hapon. He already gave his permission Angela. Let's have a date this afternoon, we'll start there, ok." ang madiin na sabi ni Lance, sa ayaw o gusto ni Angela ay mapipilitan din itong sumama sa kanya. Lihim siyang natuwa, nasa kanyang palad pa din naman si Angela.

"Lance, please. Don't do this. Ayaw na kitang saktan." ang pakiusap ng dalaga dahil alam nyang labis na ding naghihirap si Lance dahil sa kanya.

Mapait namang ngumiti si Lance, mabilis na napalitan ng lungkot ang saglit na saya na naramdaman.

"Kung ayaw mo talaga akong masaktan Angela, then please love me and be mine." ang pakiusap ni Lance habang nakatingin sa mata ni Angela.

Malungkot na tumingin lang si Angela sa mukha ni Lance.

"I'm sorry Lance. But that is something na hindi mangyayari kailanman." ang matapat na sagot ni Angela.

Lalo namang bumigat ang pakiramdam ni Lance.

"Why Angela? You don't even know him for a long time. Mas matagal na tayong magkakilala." nasa tinig ni Lance ang hindi maitagong lungkot, na sa ilang buwan lang na nakalipas ay labis ng inibig ni Angela ang kasintahan nito.

"Because I feel that I already belong to him bago pa kami nagkakilala Lance. At kung may susunod pa akong lifetime Lance, alam kong sa kanya pa din ang pag-ibig ko at para pa din kami sa isa't-isa." ang buong pag-ibig na sabi ni Angela, walang pakialam may makapansin man sa labas sa pagtulo ng luha mula sa kanyang mga mata. Dahil iyon ang tunay na nararamdam ng dalaga. Na para bang matagal na silang magkakilala ni Dan at nabuhay na silang dalawa sa mga nakalipas na panahon. At paulit-ulit lamang nilang nararanasan ang kanilang pagmamahalan. Dahil sa pangako ng walang hanggang pag-ibig at kaligayahan sa piling ng bawat isa.

Muling ngumiti ng buong pait si Lance dahil sa sinabi ni Angela na humiwa ng malalim sa kanyang puso at damdamin.

"Then let's put your love to the test Angela." ang hamon ni Lance.

"Do it Lance, with all your might. At pagkatapos mong gawin ang lahat ng gusto mo. Then I'll wish na you'll find someone that will finally give you true happiness."

Pinalis ni Angela ng panyo ang mga luha na kanina pa nagsimulang gumuhit sa kanyang magkabilang pisngi.

"I'm going to hurt you Angela at iniisip mo pa din ang kaligayahan ko. Why?" ang malungkot na tanong ni Lance.

"Because you deserves it..., dahil minsan sa aking buhay, you were there for me too. A wish is the least I can do to make you happy Lance." ang patuloy ni Angela habang nagpapahid pa din ng mga luhang ayaw tumigil mula sa kanyang mga mata.

Nakuyom ni Lance ang mga palad. Nagtatalo ang damdamin sa nais at dapat niyang gawin.

"Goodbye Lance." ang malungkot na paalam ni Angela at lumabas na siya sa sasakyan ng binata.

Pagkababa na ni Angela sa sasakyan ay mabilis na umalis si Lance at nagpunta sa isang tahimik na lugar at doon hinayaan na pumatak ang mga luhang ayaw niyang makita ng iniibig na dalaga.

*****

Maagang pumasok si Alyssa ng araw na iyon. Nais niyang makausap si Dan tungkol kay Christine. Mahal at mahalaga sa kanya si Angela na kanyang kaibigan. Ramdam niyang tunay na nag-iibigan sina Angela at Dan ngunit kailangan pa din niyang malaman ang totoo. Kaagad na nagtungo si Alyssa sa loob ng library at hinanap si Dan. Mabuti na lamang at iilan lang ang mga estudyante sa loob ng malaking library ng umagang iyon. Nakita niya ang binata sa pinakadulong parte na abala sa ginagawa nitong pag-aaral habang may ilang libro na nakabukas sa harapan nito. Alam nyang mali at hindi dapat ngunit buong pag-ibig pa din niyang pinagmasdan si Dan. Mahal pa din niya ang binata sa kabila ng pagsuko niya dito para sa kaibigang si Angela. Wala naman siyang ginawang masama dahil ang hindi niya kayang utusan o pigilan ang puso na huwag umibig kay Dan. Sana lamang ay lumipas ng mabilis ang mga araw na makalimot na agad ang sawi niyang puso.

Natigil sa pagsusulat si Dan ng marinig niya ang pagbati sa kanya ni Alyssa malapit sa kinauupuan niya.

"H-Hi Dan." ang nakangiting bati ng dalaga pero may pag-aalinlangan, dahil hindi niya alam ang magiging reaksyon ni Dan sa nais niyang malaman.

Nagtaas ng paningin si Dan.

"Alyssa." si Dan na ngumiti din sa dalaga.

"Pwedeng maupo Dan."

"Hindi ako ang may-ari ng library Alyssa." ang nagbibirong sabi ni Dan at saka nagsenyas na maupo ang dalaga.

Nakatingin sila ngayon sa isa't-isa. Nag-aalangan si Alyssa sa nais niyang malaman, baka lumabas na masyado na siyang nanghihimasok sa relasyon ng dalawa. Ramdam naman ni Dan na may gustong sabihin si Alyssa.

"Alyssa..." ang malumanay na sabi ni Dan.

Huminga ng malalim muna si Alyssa bago nagsalita.

"Dan, I hope you don't get mad at me for asking pero kaibigan ko si Angela at alam mo yun." ang panimula ni Alyssa.

"Sige Alyssa, tuloy mo."

Tungkol dun sa picture Dan. Kayo ni Angela ang may relationship pero bakit picture ni Christine ang nasa wallet mo?"

Natigilan saglit si Dan, ngayon ay kilala na din ni Alyssa si Christine, noon pa niya naisip ang posibilidad na mangyayari ito ng makita ni Alyssa ang picture na nasa wallet niya at naging kaibigan nito si Angela.

Inilabas ni Dan ang kanyang wallet, binuksan at ipinakita kay Alyssa.

"Inalis mo na?"

Tumango naman si Dan.

"Isang pagkakamali ko yun Alyssa." ang pag-amin ni Dan.

"Sino si Christine sayo Dan?"

Tiningnan muna ni Dan si Alyssa, at saka kinuha mula sa kanyang bag ang kanyang cattleya. Ipinabasa kay Alyssa ang kulay rosas na booklet. At pagkatapos ay ang kulay asul naman.

Habang binabasa ni Alyssa ang mga naisulat ni Dan para sa dalawang dalaga ay ramdam niya ang bawat salita sa kanyang paningin. Napakainit ng kanyang pakiramdam dahil damang-dama niya ang pagpapahalaga at pagmamahal ni Dan kay Christine at pag-ibig naman nito kay Angela. Halos ang lahat ng mga pangyayari ay nakadetalye doon. Marahan niyang isinara ang kwadernong cattleya ni Dan at ibinalik iyon sa binata. At pagkatapos ay nagpahid ng butil ng luha sa kanyang mata. Kaysarap pa lang umibig ni Dan. Hindi na siya magtatakang kapwa labis na nahulog ang loob nina Christine at Angela kay Dan.

"Alyssa, wag mo sanang sabihin ang tungkol dito kahit na kanino." ang pakiusap ni Dan.

Tumango naman si Alyssa.

"Salamat Alyssa."

"Pero Dan, kailangan mo ng pumili. Hindi mo sila maaaring mahalin pareho. Mahal mo si Christine pero mas mahal mo si Angela. Unfair sa inyong tatlo ang sitwasyon nyo ngayon. Kay Christine na umaasa sayo, at sa inyong dalawa ni Angela na dapat ay malaya sa relationship nyo."

"Alam ko Alyssa, hindi mo lang alam kung gaano ako nahihirapan sa sitwasyon namin ngayon. Dapat na akong mag-desisyon para matapos na lahat ng ito pero kailangan ko lang ng kaunting panahon pa. Hindi ko din alam kung paano ko ito sasabihin kay Christine." nahihirapan na din si Dan, paano niya haharapin si Christine at ipagtatapat dito ang tungkol sa kanila ni Angela.

Nakita naman ni Alyssa ang paghihirap ni Dan, nakaramdam siya ng awa sa binata.

"D-Dan, nakahanda ka ba?" ang nag-aalalang tanong ni Alyssa.

Natamik naman si Dan, sa isipan niya ay alam na niya ang isusunod ni Alyssa.

"Sa posibleng balik sayo ng lahat ng ito. Christine and Angela are very different to us, nasa mundo sila na iba sa atin. May mga magulang sila at nakakatiyak akong may mga lalake ding naghahangad sa kanila. Hindi madali para sa kanila ang tanggapin ka at ang relasyon mo sa kanilang dalawa. At kapag pinili mo na si Angela, nakakatiyak ka ba na papayag si Christine ng ganun na lang. And, Angela's parents Dan, alam kong alam mo ang magiging pagtutol nila sayo."

Isang tipid na ngiti muna ang ibinigay ni Dan kay Alyssa bago siya sumagot.

"Hindi ko masasabing nakahanda ako sa lahat Alyssa. Dahil hindi ko naman nakikita ang mga mangyayari sa hinaharap. Ngunit isa lang ang natitiyak ko, para sa kaligayahan at pagmamahal ni Angela ay handa kong gawin ang lahat. At nagsisimula na ako Alyssa. Alam kong marami akong pagbabayaran ngunit ngyari na ang mga iyon at tapos na ang nakalipas. Haharapin ko na lang ang mga ibibigay sa akin ng kasalukuyan at aasa na may pag-asa pa ako sa kinabukasan. Wala namang akong magagawa na Alyssa, ngyari na ang lahat ng ito sa amin dahil sa akin. Kung may isang kailangang magdusa at magbayad ng lahat. Ako ang tatanggapap ng mga kabayarang iyon." ang malungkot na sabi ni Dan, dahil malaki naman talaga ang posibilidad na maaaring mangyayari ang sinabi ni Alyssa.

Natahimik lang si Alyssa, napapikit ng mata at napaluha para kay Dan. At umasa na sana ay malampasan lahat ni Dan ang mga pagsubok na tiyak na darating sa buhay ng binata dahil sa dalawang dalagang minahal nito ng sabay.

*****

Maaga ding pumasok si Christine ng araw na iyon. Nais niyang makausap si Alyssa, may alam ang dalaga na hindi niya alam. Kailangang mag-usap silang dalawa. Nakita niyang pumasok si Alyssa sa loob ng library, sinundan niya ang dalaga doon. Malayo pa lang ay nakita na niya si Dan. Nakaramdam siya ng saya. Ngunit naglaho ang kanyang ngiti sa labi ng umupo si Alyssa sa harap ni Dan. Maingat siyang lumapit, sa isang nakatalikod na lagayan ng libro. Tahimik siyang nakinig sa pag-uusap ni Dan at Alyssa. At ang mga luha ay mabilis na dumaloy mula sa kanyang mga mata ng malaman ang tungkol kay Dan at kay Angela na may relasyon na din pala. Maging ang pag-alis ni Dan ng picture na ibinigay niya sa wallet ng binata. Isang pagkakamali lang ba siya kay Dan? Sa binatang labis niyang inibig at minahal. Nasaan na ang mga pangakong binitawan ni Dan sa kanya kapag magkasama silang dalawa?

Natigil ang dalawa na parang may binabasa si Alyssa. Nang muling nagpatuloy na mag-usap ang dalawa ay lalong naghirap ang damdamin niya.

Mas mahal ni Dan si Angela kaysa sa kanya. Pagkatapos ng lahat ng mga namagitan at pag-ibig na ibinigay niya kay Dan ay sa ganito siya gagantihan ng binata. Ang lahat ng ito ay halos dumurog sa puso ni Christine. Tahimik siyang umiyak na lamang ng dahil sa mga nalaman. Nakaramdam siya ng galit kay Dan at kay Angela na kapwa nagsisinungaling pala sa kanya. Humigpit ang kanyang palad at lumapit sa nakaupong dalawa.

"D-Dan...." si Christine na hindi na nagawang itago ang luha sa kanyang mga mata.

Sabay na napatingin sina Alyssa at Dan kay Christine. Namutla at labis na kinabahan si Alyssa. Malungkot namang ngumiti si Dan. Dumating na ang araw na kinatakukutan niya.

"S-sa rooftop tayo Dan. Now." ang madiin at malamig na sabi ni Christine.

Nagpahid ng luha si Christine sa kanyang mga mata at mukha at saka nagsimulang lumakad palabas.

Naiwan namang nakaupo pa din si Alyssa na kinakabahan habang humikbi. Si Dan naman ay nagsimula ng ayusin ang mga gamit na nasa harapan.

"I-I'm so sorry Dan. Hindi ko alam na narito pala siya." ang malungkot na sabi ni Alyssa habang nagpapahid ng luha sa mga mata.

Isang malungkot na ngiti ang ibinigay ni Dan kay Alyssa.

"Wala kang kasalanan Alyssa, concern ka lang kay Angela dahil kaibigan mo siya. At alam ko namang darating din ang araw na ito." ang malungkot na sabi na lang ni Dan. Mabigat ang kanyang pakiramdam at nanlalamig siya.

Pagkatapos mag-ayos ng kanyag mga gamit at ay marahan niyang tinapik sa balikat si Alyssa.

"Una na ako Alyssa."

Mabigat ang mga hakbang ni Dan habang naglalakad papunta sa rooftop. Alam niyang nasaktan niya ng labis ang damdamin ni Christine, at ngayon ay kailangan niyang harapin ng tapat ang lahat ng gagawin at sasabihin nito sa kanya.

Nang nakalabas na sa library si Christine at Dan ay nagpasyang sumunod si Alyssa. Siya ang may kasalanan kung bakit nangyari ito kay Dan sa panahong hindi inaasahan ng binata. Tahimik siyang sumunod ng naka-distanya sa dalawa. Kinakabahan siya sa maaaring maging pag-uusap ng dalawa. Natigil siya sa paglalakad ng may tumawag sa kanya.

"Alyssa..." si Angela na tipid na ngumiti sa kaibigan, nasa mukha pa din niya ang lungkot na nadarama.

Pagkakita ni Alyssa kay Angela ay mabilis niyang niyakap ang kaibigan. Nailang naman si Angela dahil nagsimulang magtinginan ang ilang mga estudyante sa kanila.

"A-Alyssa, what's wrong? Ok ka lang ba?" ang nag-aalalang tanong ni Angela sa humihikbing kaibigan.

Umiling naman si Alyssa habang nagpapahid ng luha na kanina pa hindi mapatid sa paglabas.

"Magkasama ngayon sina Dan at Christine sa may rooftop ng building na yun. I'm sorry Angela, dahil sa akin nalaman ni Christine ang tungkol sa inyo ni Dan. I'm really sorry." ang naluluha pa ding si Alyssa.

Kinabahan naman si Angela dahil magkasama ngayon sina Dan at Christine. Ngunit naguguluhan pa din siya kung paano nalaman ni Alyssa ang tungkol sa lihim na relasyon ni Dan at Christine.

"Please calm down Alyssa. Sabihin mo sa aking lahat para maunawaan ko." ang pakiusap ni Angela.

At nagsimula ng sabihin ni Alyssa ang lahat ng kanyang nalalaman at buong pangyayari na naganap sa library kanina lamang.

Nasa rooftop na si Dan. Huminga siya ng malalim bago binuksan ang pinto. Nakita niyang nakasandal ang likod ni Christine sa pader habang nasa ilalim ng shade. Lumapit siya sa umiiyak na dalaga at humarap dito.

"Christine..." ang mahinang pagtawag ni Dan.

Nagtaas ng mukha si Christine at nakita ni Dan ang magkahalong lungkot at galit sa magandang mukha ng dalaga.

"Dan. Clenched you teeth." ang madiin na sabi ni Christine.

Ihinanda naman ni Dan ang sarili.

("PAK!")

Pagkatapos ng isang malakas na sampal ay muling tumingin si Dan sa malungkot na mata ni Christine.

("PAK!")

Muling hinarap ni Dan si Christine, kailangan niyang tanggapin ang lahat ng mga ito.

("PAK!")

Sa bawat malalakas na sampal ibinigay ni Christine kay Dan ay nasasaktan din naman siya. Dahil sa sarili niyang palad ay namumula na ngayon ang pisngi ng binatang pinakamamahal niya. Ngunit ang hapdi at galit na nasa loob ng kanyang dibdib ay kailangang maibsan kung hindi ay baka mabaliw siya dahil sa matinding sakit na nararamdaman. Isang huling sa...

About the Author :

Joined: April 21, 2020 (2 months old)
Writings: 56
Male  ·  Online
Description:
A Writer who loves to tells a story about love, lust and life lesson.

In my real life, I have a lots of regrets and painful decisions, and I live in my cold and lonely world.

So I create different worlds, where I can do whatever I like and whatever I please, where my fantasies happens.

These are my worlds, and I am The Master.


Author of:

Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan

Ako Si Diana

Wedding Anniversary
Website: Signature Text:
My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan
35  ·  111  ·  33  ·  5,699
 · 

Comments
B
bog_mali69
June 11, 2020 (21 days ago)

ganda boss, kalungkot naman yung kay christine, sana mahaba pa ito.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 11, 2020 (21 days ago)

sana nga mapahaba ko pa ito, i really love this story.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Johndave
June 11, 2020 (21 days ago)

Lods sana naman hahaba pa po Hindi kasi ako makatulog sa kakahintay ng story mo eh hhehee real talk ton lods

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 12, 2020 (21 days ago)

Haha, try nyo din magpahinga. Ako pagod na talaga. At saka kahit matapos ito, mananatiling open ang story ni Dan sa iba pang libro. Dahil ang tukso sa buhay ng tao ay kadalasang palaging dumadating sa panahong hindi mo inaasahan. Sa school o sa trabaho o kahit saan pa. May GF/BF ka or may asawa, ang tukso ay nariyan na laging nakaabang.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Like (5)  ·  Report
S
SisigAdobo
June 11, 2020 (21 days ago)

ang aga ata update boss? mostly lunch haha

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 11, 2020 (21 days ago)

Now ko lang natapos, ang hirap mag-isip. 9PM na dito sa akin now, 1AM sa pinas.ย ย Dapat kanina pa ito, nakailang kape na ako ay halos kakaunti pa lang din ang naitype ko.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
S
SisigAdobo
June 11, 2020 (21 days ago)

possible ba magkaron ng book 2 right after ng ending? or pahinga mode kana boss? ganda kasi ng story mo all readers are expecting too much for this lalo na more time to read dahil sa covid may pagkakaabalahan kami so youre on the top list of our favorites. keep it up idol!!

Reply  ·  Like (3)  ·  Report
Van_TheMaster
June 11, 2020 (21 days ago)

Hindi lang malaki kung hindi NAPAKALAKI ng possibility. Pero right after siguro ng isang mini-series, like 6 to 8 chapters, para naman may interval ang isip ko sa mundo ni Dan.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Like (5)  ·  Report
E
eilchar123
June 11, 2020 (21 days ago)

maslalong complicated ang sitwasyon ni dan, how much more malaman pa ng daddy ni angela, eh di si angela na naman magpaka matay nito.

hmp, i think CHRISDAN ang magwawagi..

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Van_TheMaster
June 11, 2020 (21 days ago)

The ending in mind is already in place, nakapili na din ako ng isa sa tatlo.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (3)  ·  Report
R
ricocruel
June 11, 2020 (21 days ago)

Great.
Thks for update master! ๐Ÿ‘

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 11, 2020 (21 days ago)

Thank you din sa patuloy na pagbabasa. Malapit na siguro matapos ito. Makakapagpahinga na din ako ng matagal-tagal. Vacation muna ako habang nag-iisip ng kasunod.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
R
ricocruel
June 11, 2020 (21 days ago)

Its deserve to u.congrats.
Gl sa mga susunod mong project parang nakikita ko ang panibagong paulito or supertoyantz.

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Van_TheMaster
June 11, 2020 (21 days ago)

Thanks kahit hindi ko kilala yung mga author na nabanggit. But still, I'm a rookie writer na kailangan pa ng maraming experience at writings para maikumpara sa magagaling at beterano talaga. Nasa ikalawang buwan pa lang naman ako sa FSS, Im hopeful na marami pa akong story na ma-i-shared sa inyong lahat sa paglipas pa ng mga panahon na magkakasama tayo dito.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Like (3)  ·  Report
O
otkep
June 11, 2020 (21 days ago)

i agree kay ricocruel.

OT. sayang tahimik si paulito ngayon sa pagsusulat. hindi na tuloy nasundan ung collections ko ng story nya. hehe

Like (1)  ·  Report
Mants
June 11, 2020 (21 days ago)

Thanks sa update Sir!!!

Matutulog na sana buti nag check at may update na... Puno na ng kalungkutan ang mga chapter pawakas na tlga. Request lang sir if ever lang nman na may mapili si Dan paki lagyan mo ng separate ending sa pagitan ng dalawang bidang babae...

Mix emotion ngaun ang chapter na to may part na masaya para sa aming team angela and malungkot para kay christine...


Thanks and keep always safe sir. Looking forward for a better ending of this story...

Team Angela

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 11, 2020 (21 days ago)

May ilan nga na nagre-request ng multiple ending. Mostly ay in favor of Angela, pero meron din kay Christine.

I will give this story the ending that I want it to have. I hope lang na sana ay magustuhan nyo ang ending na napili ko.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Mants
June 11, 2020 (21 days ago)

If ever lang naman sir since maraming fans naman yung dalawang bidang babae. pero siyempre whatever ending it is, still you are the master of this wonderful masterpiece. And ma appreciate namin namin if anoman and ending na iyong napili Thanks sir van...

Team Angela

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 11, 2020 (21 days ago)

Thanks din. Let's see na lang sa reactions sa final chapter. Sana nga ay mapahaba ko pa ito. Parang ayaw ko pa ding tapusin talaga. Nahihirapan na lang talaga akong mag-isip.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Like (2)  ·  Report
O
oblak
June 11, 2020 (21 days ago)

ang ganda boss next ha ha ha ha ha ha ha ha joke antay na lng nakaka excite

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 11, 2020 (21 days ago)

thanks, bukas ulit, sana matapos ko ng maaga yung kasunod.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
T
thug.lee
June 11, 2020 (21 days ago)

Ganda ng chapter na to kudos sayo sir galing hindi ko inakala na ganon mo mapapaikot yung kwento sobrang galing napakaganda thumbs up

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 11, 2020 (21 days ago)

Thanks. Sana nga mapahaba ko pa ito. I really love this story.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
genrose21
June 11, 2020 (21 days ago)

Nkakalungkot nman๐Ÿ˜ฃ. Prang nalalapit na ang katapusan..
mahirap mamili sa 3 girls kung cno ang papalarin kay Dan. Kht mamili ako or tau. na kay author ang pagpapasya.. sana mahaba haba ang mga chapter na susunod.
Keep it up..keep safe

"Were the Captain's of our own Soul. Were the Master of our own FATE".๐Ÿค—๐Ÿค—

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 11, 2020 (21 days ago)

I'll try. pero sa susunod na chapter ay alam nyo na so. Angela ang Dan moments muna tayo.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
raymondbr2013
June 11, 2020 (21 days ago)

Nice. Pahabain mo pa. Lagyan m threesome. Chrisdangela.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 12, 2020 (21 days ago)

Thanks, 3some though... batuhan ng unan malamang mangyayari. ^^

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
diegomadara
June 11, 2020 (21 days ago)

Habang binabasa ko kinakabahan ako na naiiyak, prang yung scene na nag laban si itachi and sasuke! Tagos puso

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Van_TheMaster
June 11, 2020 (21 days ago)

Ok yung reference,ย ย I am fan of naruto series. And the ending, ng kinasal sina Naruto at Hinata, habang nakatingin si Naruto sa nakaukit na mukha ng ama sa may parteng bundok, tapos nag play yung instrumental na sounds, grabe ! Goosebumps talaga ako that time.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
C
charles2700
June 11, 2020 (21 days ago)

GRRRRRRRRRR.....NAIINIS AKO SA GANDA NG CHAPTER NATO....mgkahalong lungkot at saya, lungkot para sa tatlong bida at saya sa tatlong goons.....ahahahha....parang mas nakakaawa si James walang lovelife.....ahahhaha...salamat sa update author at I'm excited for the next update.......god bless and more power.....

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Van_TheMaster
June 11, 2020 (21 days ago)

Thanks. Naisipan ko talagang lagyan something "light" since puro heavy na yung mga last chapters saka itong latest.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
blacksun20
June 11, 2020 (21 days ago)

Speechless ako sa episode na ito master . As in wow galing yun lang masasabi ko. Salamat ng marami sa update knina ko pa ito hinihintay... Stay safe and healthy Godbless

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 11, 2020 (21 days ago)

Thank you din sa patuloy na pagbabasa. Be safe.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
jempoy
June 11, 2020 (21 days ago)

damang dama ko kahit wala ako girlfriend wahahah ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 11, 2020 (21 days ago)

Makakahanap ka din ng isang Angela , Christine o Diane sa buhay mo sir. Kahit Mika o Arcelle ay wag mo na ding pakawalan.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
KusinerongMarinero
June 11, 2020 (21 days ago)

Thanks sa update boss. Team Angela whatever it takes. More power po sa inyo.

Life begins at sea

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
KusinerongMarinero
June 11, 2020 (21 days ago)

Thanks for the update boss. Team Angela for the win whatever it takes.. More power

Life begins at sea

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 12, 2020 (21 days ago)

Thank you din sir.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
K
kuatog
June 11, 2020 (21 days ago)

teka teka andami n agad comment a...saludo ako kay christine ...nagpaka martir basta huwag langย ย mawala c dan...christine andito naman ako e ...congratzz boss author ganda talaga ngย ย pagkakagawa mo ng story...
๐Ÿ‘๐Ÿ‘๐Ÿ‘๐Ÿ‘๐Ÿ‘๐Ÿ‘๐Ÿ‘๐Ÿ‘๐Ÿ‘๐Ÿ‘๐Ÿ‘

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
O
otkep
June 11, 2020 (21 days ago)

pareho naman nagpaka martir sila Angela at Christine. sarap maging si Dan. haha

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 12, 2020 (21 days ago)

Yeah, masarap talagang maging si Dan.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 12, 2020 (21 days ago)

Thanks. Wala pa akong masabi sa ending, pero nakapili na ako ng isa. Maari pa namang magbago, bahala na.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
O
otkep
June 11, 2020 (21 days ago)

namo anton! ipapaligpit na kita makita mo kasama si Lance. haha. salamat sa update kahit nakatulugan ko na kaka refresh ng browser, haha. worth every letter sa binabasa.

hmmn amoy threesome, nakakakiliti. hahaha

canโ€™t wait again for the shower moments na. hahaha.

walang katpausang pasasalamat sa muling pagpapasaya sa aming mambabasa mo...

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 12, 2020 (21 days ago)

Thanks. Ganyan talaga ang life ng tao, lagi may hardships at struggles. Hindi pa din nagsisimula sa next chapter. Pinapahinga ko muna isip ko. Expect less sa next chapter since it's mostly Dan ang Angela's moments. ^^

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
O
otkep
June 12, 2020 (21 days ago)

for sure it won't be any lesser in terms of content, lalo pa at moments ng team Angela ito! tu tambs ap!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 12, 2020 (21 days ago)

I'm hopeful. ^^

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Like (0)  ·  Report
P
Paul0403
June 11, 2020 (21 days ago)

Ang ganda talaga ng story... Magandang theme song dito tutal dalawa silang mahal ni dan.. Theme song nito SANA DALAWA ANG PUSO KO... Hahahahaah. Kahit p man ang ending kay angela man oh kay christine.. D pa din maitatanggi n npakaganda ng story n ginagawa mo sa story n to boss van..

Team DANGELA pa din

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 12, 2020 (21 days ago)

Thanks, let's see kung may kasama siyang isa, o baka naman dalawa sa ending. Pag wala, well, that's life. Minsan talaga, hindi ngyayari kung ano ang mga gusto natin.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
E
ecchimanga
June 11, 2020 (21 days ago)

Master pogi na author isang malupit na threesome bago ending please

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 12, 2020 (21 days ago)

Haha, I can't promise that.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
E
ecchimanga
June 12, 2020 (21 days ago)

please master ahahaha

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 12, 2020 (21 days ago)

Sa next project siguro, mas applicable kasi yun sa more on erotic story. Give it a pass on this story since lalayo tayo sa concept na gusto ko talaga.

But, libre naman sa imagination ng lahat, so why not do it in your mind while thinking of our wonderful characters.

Anyways, hindi man mangayri dito ay mangyayari malamang sa iba ko pang gagawin , if ever na magsimula ulit akong mag-isip at magtype.

Pero kailangan ko n talaga ng pahinga.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Like (0)  ·  Report
O
otkep
June 11, 2020 (21 days ago)

comments ulit after 2nd reading.

the storm is about to make landfall. gayunman ay napapangiti ako ng posibilidad na magkakatuwang na haharapin ng love triangle ang bagyo laban kila Anton (si paquito ito sa isip ko haha), Brandon, Lance, at iba pang kontra-bida. tutal hindi pa naman niya kailangan pumili. hihi.

sana may eksena ng pag-confront nila Dave at Carlo sa mga babae ni Dan tungkol sa love letters, at magka-dialog pa si James. haha

muli, isang malaking pasasalamat sa obra mo, otor. isa kang tunay na master.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 12, 2020 (21 days ago)

Tingnan natin Sir. Ang ngyari kasi sa series na ito ng nagsisimula pa lang ay 4 to 6 hours lang yung time na invest ko sa pag-iisip. Now umaabot na ako ng morethan 10 minsan ay 12 pa. Medyo nakakarecover lang ako pag lovescene scene it's mostly actions than progress of the story.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
H
headstone
June 11, 2020 (21 days ago)

Galing ng writer!!! A+ ang grado

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 12, 2020 (21 days ago)

Thanks.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
J
jojowszxckie
June 12, 2020 (21 days ago)

Ang ganda talaga ng story na to, sana d ka na mahirapan author.

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Van_TheMaster
June 12, 2020 (21 days ago)

Thanks. But TBH, mahirap na talaga mag construct ng story. Madali naman magtype at basta na lng maglabas ng kahit na anong kasunod. Pero kung hindi ako magbibigay ng mahabang time para mag-isip, for sure hindi kayo makakaramdam ng ganito sa bawat chapter na binabasa ninyo.

Mahirap sa totoo lang. Mas mahaba pa yung time na invest ko dito sa iba pang dapat kong ginagawa.

But since nasimulan ko na, mahirap man ay kailangan kong tapusin.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
L
Love09
June 12, 2020 (21 days ago)

alyssa and dan scene naman :-)

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
O
otkep
June 12, 2020 (21 days ago)

pwede siguro sa mini series, with Mika, Ella at iba pang darating. haha

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 12, 2020 (21 days ago)

Tingnan natin, baka magawan ko ng paraan sa ibang aklat ng mundo ni Dan. I cant promise though. I need a long rest pagkatapos nito.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Van_TheMaster
June 12, 2020 (21 days ago)

We'll see, pero no promises, if may chance, why not?

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
richie47
June 12, 2020 (21 days ago)

Sa tingin ko idol hindi naman klangan pa mamili ni Dan kay Christine at Angela.. OK lang naman ang ending kung silang tatlo ang magkatuluyan.. Dahil ramdam ko ang pagmamahal ng dalawang babae para kay Dan at ang pagmamahal ni Dan para sa mga ito. Sila lang din ang dalawang babae na nasa cathleya ni Dan.

Kaya para sakin hindi klangan mamili sa dalawang babaeng tapat at buong buo ang pagmamahal para kay Dan. Lahat ay gagawin at isasakripisyo para sa minamahal na binata.

Kapag silang tatlo ang nagkatuluyan idol isa na siguro ito sa pinaka magandang ending.. Kahit na hindi dapat at Mali ang ganung klaseng relasyon ay ipaglalaban ng dalawang babae alang-alang sa pinakamamahal nilang si Dan.

At makakasigurado akong walang malulungkot sa mga team Angela at team Christine sa bandang huli at mag iiwan ito ng maganda at masayang ala-ala para sa mga mambabasa.

Maraming salamat author sa napaka gandang akda sa buhay ni Dan.. Ano man ang maging desisyon mo.. Patuloy parin ang pag idolo ko sayo.

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Van_TheMaster
June 12, 2020 (21 days ago)

Thank sa iyong magandang insigt. May ending na naman sa isip ko, ending na baka hindi pabor sa lahat. Let's wait and see na lang sa final chapter kung kailan man yun dumating.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
berto26
June 12, 2020 (21 days ago)

nice story,, sana mapahaba mo pa sir,,, isa ako sa palaging naghihintay ng update ng story mo,,, tnx ๐Ÿ‘Œ๐Ÿ‘Œ๐Ÿ‘Œ๐Ÿ‘Œ

p.s may mangyayari kayang threesome kila dan angela at cristine ๐Ÿค”๐Ÿค”๐Ÿค”๐Ÿค”

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 12, 2020 (21 days ago)

Thanks. I'm not sure. Imagine that, baka batuhan ng unan ang mangyari sa loob ng kwarto.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Mants
June 12, 2020 (21 days ago)

Wag na po tayo mag imagine ng 3some sa love story na ito. Nasagot na ni Sir van nung nakaraan. And besides po di akma sa series nito kasi if basahin sa unang chapter andun yung year. Lets keep nalang sa mga imahinasiyon ng bawat isa sa may mga gusto ng 3some.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 12, 2020 (21 days ago)

I agree. 3some better keep sa imagination na lang. Maaaring mangyari pero sa isipan na lang ng bawat isa.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Like (1)  ·  Report
KusinerongMarinero
June 12, 2020 (21 days ago)

Thanks for the update boss.Team Angela for the win whatever it takes.More power.

Life begins at sea

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 12, 2020 (21 days ago)

Thanks din sir.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
J
jhessvhince21
June 12, 2020 (21 days ago)

"What a masterpiece story"
Sana ma publish to in the near future
parang kasing veteran na manunulat ang gumagawa nang storyline

pero sabi ko nga sa unang comment ko
" Ang Tragic nang ending"
hahaha

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 12, 2020 (21 days ago)

Thanks. Pero Isang hamak na OFW lang po ang iyong lingkod na nasa middle-east.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
stevex8520
June 12, 2020 (21 days ago)

Mas bet ko c christine.. yung ugali ni christine... May pagka maldita...yan yung mabilis ka ma inlove at ma challenge at mamahalin mo talaga...

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 12, 2020 (21 days ago)

Nice take sa character ni Christine. I like her too. Sa real life kung magiging kasing swerte ako ni Dan ay si....... ang pipilin ko.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
stevex8520
June 12, 2020 (21 days ago)

sa real life like ko yung pagka maldita ni christine.. At sa nabanggit niyang mag papakamatay siya kung mawala sa buhay niya si dan. Hamakin mo sa sobrang ganda at yaman na niya pero mag papakamatay lang siya sa isang lalaking iniibig nya.. Sana sa huli or ending sila ni christine mag kakatuluyan...

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Van_TheMaster
June 12, 2020 (21 days ago)

The decision making para sa ending na gusto ko ay nagiging mas komplikado sa bawat comments at suggestions na nababasa ako. Let's see na lang.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Like (1)  ·  Report
D
delacruz1270
June 12, 2020 (21 days ago)

Bossing ang ganda talaga ng istorya mo.
Di ka sana magsawa sa pagsusulat, much better sana kung magkaroon ng chapter 2 hangang chapter 3.
In case naman gusto mo ibenta pdf file nito bibili ako.
Thanks you very much.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 12, 2020 (21 days ago)

Thanks. Plan ko ito i-upload sa YT then try ko din dalhin sa kahit saang publishing house pag ready na ako.ย ย Gusto ko talagang makitang naka-publish ito sa papel.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
I
Icarus
June 12, 2020 (21 days ago)

Naku malamang mabisto na din si Angela at Dan dahil nakaabang lang si Lance. Lumiliit na nag kanilang mundong ginagalawan.

Shukran Sir.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 12, 2020 (21 days ago)

Lalo na at parang mas nagiging aggressive na yung style ni Lance. By force na lang si Angela, love nya din kasi talaga. Parang basta mapasakanya lang , kahit wala ng love na kasama.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
I
Icarus
June 12, 2020 (21 days ago)

Selfish Sir si Lance, ganoon ka desperado, wala sya pakialam sa pakiramdam ni Angela. Iniisip lang nya ay ang sarili nya. Lalo na kapag nalaman nya na si Dan ang tumalo sa kanya, at lalo na kung malaman din ni Brandon ba yun na si Dan ang naglampaso sa kanilang dalawa.

Haaay, ano ba yan, kalalaki kong tao, nahilig sa love story.

Tsk tsk tsk.

Maraming salamat uli sir.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 12, 2020 (21 days ago)

Ok lang yan sir. Love story is pangpagodd-vibes din sa atin. To the point na muli tayong kiligin gaya ng panahon ng ating mga kabataan.

Lance at Brandon, anong gagawin nyo kapag nalaman nyong ang mga pangarap nyong dalaga ay mga tapat na nagsisiibig kay Dan?

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Like (2)  ·  Report
I
Icarus
June 12, 2020 (21 days ago)

Manghula ako sa ending,

Dahil hindi kaya mapanindigan ni Dan na iwan si Christine in favor of Angela, malamang nyan ay makipaghiwalay si Dan sa kanilang dalawa, at lumayo sya. Tapos fast forward, kung sino ang makakapag hintay kay Dan amg syang magkakaroon ng happy ending.

Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 12, 2020 (21 days ago)

Keep guessing.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Like (0)  ·  Report
C
Cotto
June 12, 2020 (21 days ago)

Baka bandang huli c diane pa ang makatuluyan ni dan hahah.... Team dangela here...

Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 12, 2020 (21 days ago)

Si Diane, naalala ko na naman si Diane. I like her too. Paano kaya ang gagawin ko sa story ni Diane?

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Like (0)  ·  Report
M
mang_fredo
June 12, 2020 (21 days ago)

kala threesome ang aabutin nila kay dan e hahahaha

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
K
Kaplog69
June 12, 2020 (21 days ago)

Wag mo muna tapusin idol...wla pa 3some c dan baka pede angel at christine hahaha..subikan bka pumayag.. next na agad idol...kaabang abang tlaga storya mo..thanks sau lodi

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 12, 2020 (21 days ago)

Napapagod na me mag-isip, kung magpapatuloy ito, ay baka sa book 2 na.

Pwede naman ang 3some mga sir, sa imagination na nga lang.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
D
dose12
June 12, 2020 (21 days ago)

Husay mo talaga idol. Ang sakit na nun pero napagaan mo pa kalooban nilang tatlo. Ayus! Abanga abang ulit ng kasunod hehehe

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 12, 2020 (21 days ago)

Thanks, pero kailangan ng lumabas ang totoo para hindi na palaging nagtatago at nag-iingat sina Angela at Dan kay Christine.

Now, at ease na silang dalawa at kay Dan pa din si Christine.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
leonard
June 12, 2020 (21 days ago)

Wew... That was heart breakingly good...

Leonard,

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 12, 2020 (21 days ago)

Thanks... I put some lighthearted scene para mag ease up naman ng kaunti yung tension sa chapter na ito.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Stalker_Eyes
June 12, 2020 (21 days ago)

My fingers are crossing for the ending. Sabi nga nila, "There can be only one."

Parang feel ko, eh compatible naman sina Dan at Angela dahil mahal talaga nila ang isa't isa. Pero hindi magiging madali ang mga pagsubok ng ating bida. Naniniwala talaga ako na walang 3some na mangyayari, kasi isa lang talaga ang pipiliin ni Dan. But we don't know who...

When life gives you lemons, have a LEMONADE.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 12, 2020 (21 days ago)

Yes, that's very likely, you'll never know, baka dito magsimula yung kasabihan na "There can only be two", or three, or maybe zero. Haha. Let's see na lang sa ending na gusto ko.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
B
boytusok
June 12, 2020 (21 days ago)

Pwedi naman mapahaba ito boss yong magparaya ang mga babae na sabaysabay silang mahalin ni dan.schedule lang ang pag kantot.hahaha

I always like walking in the rain, so that no one can see me cry

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 12, 2020 (21 days ago)

Grabe, bka magwala na si Angela kapag nalaman. Kay Christine nga , bahagya ng pumayag. Tama na ang dalawa sa huli hangang sa maging isa, or wala ng matira.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
E
ewoksjay
June 12, 2020 (21 days ago)

bakit kaya kay christine ako pabor...gawan mo ng paraan boss,mas iba yung thrill pag si christine tlga yung makatuluyan ni dan..

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 12, 2020 (21 days ago)

Let's see na lng sir sa ending, malapit na po siguro ito.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
L
LuckyCJ
June 12, 2020 (21 days ago)

Another masterpiece na naman. Galing wala akong masabi. Salamat saย ย chapter na ito author.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 12, 2020 (21 days ago)

Thank you.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M
MR.SERIOUS
June 12, 2020 (20 days ago)

Van may napansin ako kay christine at angela parehong mababait mga pangalan na binigay mo sa kanila

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 12, 2020 (20 days ago)

Well, silang dalawa ang aking main lead, so I find those names very suitable to them. Tapos yung name na Dan, isang common at simple name lang na bagay naman sa lead natin.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
C
Cyanpile123
June 12, 2020 (20 days ago)

Ppara akong nag babasa sa wattpad ganda ngbstory nyo idol tuloy tuloy lang. ๐Ÿ‘

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
J
Jay0630
June 12, 2020 (20 days ago)

Ganda tlaga ng story na to , hehe , my favorite author , with Balderic, Claude, Anino and MissE ๐Ÿ˜‡

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
S
slick01
June 12, 2020 (20 days ago)

Ganda tlga nito idol ang galing wag lng sna sila mg 3 some prang hnd mganda ...ms ok un my rivalry kaabang abang keep it up lods

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
U
uvetim
June 12, 2020 (20 days ago)

SA palagay ko Lang not to spoil the readers si Mika ang wild card dito baka cya pa ang makatuluyan ni Dan.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
U
uvetim
June 12, 2020 (20 days ago)

Sa palagay ko Lang not to spoil the readers si Mika ang wild card dito. Baka cya pa ang makatuluyan ni Dan.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
U
uvetim
June 12, 2020 (20 days ago)

Sa palagay ko Lang not to spoil the readers si Mika ang wild card dito, Kaya Baka cya pa ang makatuluyan ni Dan

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Y
YuGender21
June 13, 2020 (20 days ago)

NAKU DAN MAHIRAP YAN!
AUTHOR BAGO MATAPOS, 3SOME NAMAN DYAN HAHAHAHAH

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
R
Rendezvous0828
June 14, 2020 (18 days ago)

Salamat ng marami boss van.... Avid reader here in Dubai..... Keep safe always boss van๐Ÿ™

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments