M
E
N
U

Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan - Chapter 28 - Resolve

Posted in
Story: Fiction, Taglish · Categories: Romance · Tags:
Date: June 10, 2020 (25 days ago)


Chapter 28

Habang nilalandas ang daan pabalik sa tahanan ni Angela ay hindi mapigilan ni Lance ang sarili na palihim na sulyapan ang katabing dalaga. Hindi niya alam kung bakit ganito ang ayos ni Angela, medyo pawisan ang mukha nito at sa bandang leeg. At napalunok si Lance ng mapansin na hindi nakasara ng unang butones sa blouse ni Angela. Nakakaakit tingnan si Angela sa ayos ngayon ng dalaga, nakakapagpainit ng pakiramdam na lalong nagpapahirap sa damdamin ni Lance.

Habang nasa loob ng sasakyan ni Lance ay nasa isipan pa din ni Angela ang mainit na ngyari sa kanila ni Dan sa loob ng library. Mainit ang kanyang pakiramdam at parang ayaw na niyang humiwalay pa kay Dan kanina. Ngunit darating ang araw ng bukas at magkakasama na ulit sila, upang muling bigyang-laya ang pananabik at pag-ibig nila sa isa't-isa. Isang makahulugang ngiti ang saglit na sumilay sa mapulang labi ni Angela bago niya isinandal ang ulo sa likod ng kinauupuan.

Ang init na nararamdaman ni Lance ay napalitan ng pagkasuya ng mapansin ang ngiti sa labi ni Angela na alam niyang ibang lalake ang dahilan. Maingay niyang ginalit ang makina dahilan upang mapatingin sa kanya ang dalaga.

"Angela, I want to meet him, soon." ang malamig na sabi ni Lance habang sa daan nakatingin.

"Why Lance? Why bothered meeting him?" ang malamig ding sagot ni Angela.

"Maraming oportunista sa mundo Angela. You don't know anything how bad people can be. There's a huge chance na iba ang habol sayo ng kung sinuman ang lalakeng kinahuhumalingan mo." iritado ang boses ni Lance, hindi napigilan ang sariling damdamin.

Napailing na lang si Angela at ibinaling ang paningin sa labas.

"He's not like that Lance. Maybe I'm too naive for you but I know him well. He loves me bacause of who I am not for what I have." nasa tinig ni Angela ang pag-ibig.

Dahil sa narinig ay lalong nagalit ang damdamin ni Lance. Itinigil ang sasakyan sa gilid ng kalsada at saka tumingin sa katabing dalaga.

"If that's true Angela, ipakilala mo siya sa akin. Huwag syang magtago sa likod mo." ang madiin na sabi ni Lance.

Matiim naman na tumingin si Angela kay Lance.

"W-Why Lance? Why do you really want to meet him? Para ipakita sa kanya na mas higit ka. Fine Lance, I'm going to admit it to you now. Mas gwapo ka, mas may tindig, mayaman ka, nasa sayo na lahat Lance. Now, are you satisfied?" halata sa boses ni Angela ang magkakahalong emosyon na nararamdaman.

Napakapit naman ng mahigpit sa manibela sa Lance. At saka malungkot na tumingin kay Angela.

"Then why Angela? Bakit hindi ako ang minahal mo? Gayung tayo ang mas dapat na para sa isa't-isa." ang buong pait na sabi ni Lance.

"Lance, can you teach your heart to love someone else? Because I love him so much. Nalulungkot ako kapag hindi ko siya nakikita. Lagi ko siyang gustong kasama at kausap. Kapag magkapiling kaming dalawa, nasa langit na ako Lance. That's love."

Lalong bumigat ang pakiramdam ni Lance, ang pangarap niyang maramdaman sa kanya ni Angela ay ibang lalake ang nagtatamasa.

"Marami ang naghahangad sa katulad mo Lance at marami din ang higit sa akin. So please Lance, can't you just let me go?" ang buong pusong pagsamo ng dalaga sa binata, ang mga luha ni Angela ay nasa sulok na kanyang mga mata.

Nais maantig ng puso ni Lance sa nakikitang katapatan ni Angela. Ngunit ang kinabukasan na hindi sa kanya mapupunta ang dalagang labis na iniibig ay talagang hindi din niya kaya. Matagal ng panahon na minahal niya si Angela.

"Angela, I have love you since you were fifteen. Mula noon hanggang ngayon ay ikaw pa din ang mahal ko. At ang mga parents natin ay tayo ang gusto para sa isa't-isa. Mas mahalaga ba siya sayo kaysa sa sarili mong pamilya?" ayaw pa ding sumuko ni Lance, hindi niya kaya talaga.

Isang tapat at malungkot na ngiti ang ibinigay ni Angela Lance. Dahil sa katotohanang mas mahal niya si Dan kaysa sa mga magulang na nagpalaki at nagmahal din naman sa kanya, at kaysa sa kasaganaang nakagisnan at nakasanayan niya.

"Yes Lance, I love him morethan anyone or anything in this world." ang nakangiting sagot ni Angela kay Lance kasabay ng pagpatak ng luha sa mula kanyang mga mata.

Hindi na kaya ni Lance ang kanyang mga nakikita at naririnig. Muli niyang binuhay ang makina ng sasakyan ay tahimik na ihinatid si Angela sa tahanan ng dalaga. Tumigil ang magarang sasakyan ng binata sa tapat ng gate nina Angela. Tumingin si Angela kay Lance, at sa nangungusap niyang mata na nangingislap pa dahil sa luha ay muling nakiusap sa binata.

"If you really love me, if you truly believe in your heart that you love me Lance. Then let me go, hayaan mo akong maging masaya sa piling ng lalakeng mahal ko."

Napapikit at napayuko naman si Lance. Nakita naman ni Angela ang katapatan ng paghihirap ng kalooban ng binata. Simula ng sumapit siya sa edad na sampu ay lagi na niyang kasama si Lance at itinuring na matalik na kaibigan. Ngunit ng dahil sa nararamdaman ng binata ay narito sila ngayon sa ganitong sitwasyon. Wala namang kasalanan talaga si Lance. Tulad niya ay nagmahal lamang din naman si Lance. Paano niya magagawang magalit sa binata na alam nyang tunay ang pagpapahalaga sa kanya.

Hinawakan ni Angela ang braso ni Lance at saka ngumiti sa binata. Mula sa kanyang pagkakayuko ay nagtaas ng mukha ang binata at saka tumingin kay Angela.

"Lance, thank you, sa lahat ng sandali na naroon ka." at minsan pang pumatak ang luha ni Angela para kay Lance. Kasabay ng pagpatak ng luha na iyon ang mga alala ni Lance sa panahon ng kanyang kabataan.

At saka tuluyan ng lumabas si Angela sa sasakyan ng binata. Inantay na makalayo muna si Lance bago niya tinuyo ang mga luha sa kanyang mukha. Kinalma ang sarili at saka pumasok sa kanilang tahanan.

*****

Pagpasok ni Dan sa may resto-bar at nakita niyang masayang magkakwentuhan sa may counter sina Alex at Mika. Silang dalawa lang ni Alex ang madalas na nasa tabi ng counter kapag walang masyadong customers. Hindi naman kasi nakikipag-usap si Mika sa ibang staff ng tulad sa kanila ni Alex.

Ngumiti sa kanya sina Mika at Alex ng makita siya. Itinuro naman ni Dan ang direksyon ng locker room at tumango lang ang dalawa. Nang nasa locker room na siya ay mabilis siyang nagpalit ng damit. Pagawi niya sa pinto papasok sa bar ng marinig niya ang malungkot at malambing na tinig ni Arcelle.

"Dan..."

Lumingon si Dan at pumihit patalikod. At nakita niya ang lungkot sa magandang mukha ni Arcelle maging ang bahagyang pamumugto ng mga mga nito.

"Mag-usap muna tayo saglit, sa office ko." ang mahinang pakiusap ni Arcelle.

"Yes Mam.." ang sagot ni Dan. Alam nyang nais ni Arcelle na tawagin nya ang kanilang manager sa pangalan nito kapag silang dalawa ang magkasama ngunit nais niyang ibalik ang dati nilang relasyon.

Nalungkot naman si Arcelle si narinig. Para bang nais ni Dan na dumistanya sa kanya. Ngayon pa namang kailangan niya ang binata sa panahon ng kanyang kalungkutan.

Magkasunod silang naglakad papunta sa office ni Arcelle. Pagkapasok nilang dalawa ay nakababa na ang blinds at ini-lock ni Arcelle ang pinto. Kinabahan naman si Dan ngunit alam nyang walang dapat magaganap pa sa kanila.

Yumakap si Arcelle kay Dan, naghahanap ng pagmamahal sa binata.

"D-Dan.. Kailangan kita... Ngayong gabi.., gusto kong magkasama tayong dalawa." nasa tinig ni Arcelle ang pananabik at ang lungkot na nadarama.

"Mam..."

"Arcelle ang itawag mo sa akin Dan.. Please.." ang muling pakiusap ni Arcelle, wala na ang pagbabanta.

Huminga ng malalim si Dan.

"Arcelle may ngyari ba sayo?" ang tanong ng binata.

Nagsimula ng humikbi si Arcelle sa pag-alala sa ngyari ngayong araw. Sa kanyang nagtatalong damdamin para kay Arman at kay Dan. Sa kanyang nalamang kapwa pala sila nagtataksil ng asawa sa isa't-isa.

"Iniwan ko na ang asawa ko Dan. Maaari na tayong magsimulang dalawa."

Natigilan naman si Dan, ito ang kinatatakutan niyang sitwasyon.

"Dan..."

Inilayo niya ang katawan ni Arcelle mula sa kanya. Hindi siya ang kailangan ni Arcelle kung hindi ang init ng kanyang katawan. Pilit nyang pipigilan ang sarili na muling makasiping si Arcelle at ito ang simula ng kanyang mahirap na pagpipigil. Nangako siya kay Angela na malapit ng maging silang dalawa at wala ng iba pa. Kailangan na niyang magsimula ngayon upang itama at ayusin ang bawat lihim na relasyon. Hindi niya bibigyan ng ligaya si Arcelle tapos ay paluluhain din naman niya pagkatapos.

"Arcelle, hindi ko alam ang katiyakan ng pinagdadaanan mo ngayon. Ngunit nakita ko ang lungkot sayong mga mata. Alam kong kailangan mo ng kadamay ngunit hindi ako iyon." ang tapat niyang sabi kay Arcelle.

Nagtaas naman ng mukha si Arcelle, nais na makita ang maamong mukha ng binata.

"Hindi ba ako naging mahalaga sayo Dan? Tinikman mo lang ba ko?" ang malungkot na sabi ni Arcelle, ang luha ay nasa gilid ng kanyang mata. Dahil ang katotohanan ay walang kasalanan si Dan dahil siya ang tumukso dito at nagpilit na magtampisaw sila sa kasalanan.

Hinaplos ni Dan ang buhok ni Arcelle.

"Isang alaala kang hindi ko malilimutan Arcelle. Ngunit ayaw kong maging dahilan ng mga susunod mo pang pagluha. Kung makikilala mo ang tunay mong kailangan ay sa kanya magpunta. Huwag mong hanapin sa akin ang huwad na kaligayahan na yun lang ang kaya kong ibigay sayo. Ngunit hindi ko gagawin dahil may tunay na minamahal din ako." ang malungkot na sabi ni Dan, nais niyang tugunan ang pangangailangan ni Arcelle ngunit kung patuloy siyang lulusong sa apoy ng kasalanan ay tuluyan na siyang hindi makakaahon dito.

Banayad niyang hinalikan sa pisngi si Arcelle. At saka kumalas sa pagkakayakap nito, gumawi sa may pinto at nilingon si Arcelle.

"Balik na ako sa loob Mam... Kung... Kung wala na po akong trabaho bukas... "

Ngumiti si Dan sa kanyang magandang manager.

"Tanggap ko po ang desisyon ninyo. Sa saglit ko pong pananatili dito ay maraming masasaya din po akong alalala na babaunin sa pag-alis ko. Mali at kasalanan man pong isipin, isa po kayo sa mga alaalang nagpasaya sa akin dito. Sana po Mam Arcelle..., ay matagpuan nyo din ang kaligayahan na nakita ko, na para lamang talaga sa inyo. At naniniwala po akong pong makakabangon kayo sa inyong kalungkutan, naroon man ako o wala ay makakapagsimula ulit kayo."

At tuluyan ng lumabas si Dan sa opisina ni Arcelle. Mabigat din naman ang kanyang loob dahil alam nyang malungkot si Arcelle at may pinagdadaanan talaga ito. Ngunit hindi siya ang tamang lalake na kailangan ni Arcelle. Ang sandaling sarap sa init at laman na kaya niyang ibigay kay Arcelle ay hindi makakatumbas sa tunay na kaligayahan na kayang ibigay na lalakeng para talaga kay Arcelle. Sa isang sulok ng kanyang puso at isipan ay tapat niyang hangad na lumigaya si Arcelle. At ngayon ay mas magaan ang loob niya dahil natapos na niya ang isang relasyon na simula pa lang ay mali na.

Pagpasok niya sa bar ay si Alex agad ang nakita niyang naglilinis ng lamesa. Mula sa kanyang kinatatayuan ay napangiti siya ng makitang hindi maitago ni Alex ang mga palihim nitong tingin kay Mika. Siya naman ngayon ang tumingin sa counter na kinaroroonan ni Mika. Sa nalalapit na panahon ay ang relasyon naman nila ni Mika ang kailangan niyang tapusin, masakit man sa kanilang kalooban, lalo na kay Mika, na alam niyang mahal siya talaga. Muli siyang napatingin sa kaibigan na si Alex at napailing. Kailangan niyang tanggapin dalawa o higit pang ibibigay sa kanya ni Alex. Ngunit kung tutulungan siya ng tadhana ay ang nais niyang ipalit sa ibibigay na mga suntok sa kanya ng kaibigan ay isang kapalit na hindi nito malilimutan.

*****

Kanina pa wala si Dan at naiwang nakatulala sa kawalan si Arcelle. Ubos na ang kanyang mga luha at masakit na ang kanyang mga mata. Hindi na niya alam ang gagawin. Iniwan na niya ang asawa at ngayon ay iniyawan naman siya ni Dan. Hindi niya masisisi si Dan sa ginawa nito. Dahil sa simula pa lang ay alam niyang may kasintahan ang binata at nakiagaw lang siya ng atensyon at pagmamahal dito. At ng kanyang magawa na ang kanyang pagnanasa ay naghangad pa siya ng mas higit pa sa kayang ibigay ni Dan. Hindi naman siya dating ganito kahinang babae. Ngunit tunay pa lang dumarating sa atin ang panahon ng pagsubok. Na magbabago ang isang tao dahil sa pang-aakit at kahinaan sa tukso. Ngunit hindi matatapos ang lahat dahil sa isang pagkakamali. Dahil ang tao ay may kakayahang bumangon at magsimula ulit.

Tumayo na si Arcelle at nagpasya ng umuwi. Malungkot siyang naglakad hanggang sa makarating sa bar. Iginala niya saglit ang kanyang paningin at hinanap si Dan, at saka nagsimulang lumakad sa direksyon ng binata.

Kasalukuyang nagliligpit si Dan ng mga naiwang pinag-inuman sa lamesa ng natigilan siya. Dahil narinig niya banayad na sinabi ng nagdaan sa tabi niya.

"Salamat Dan." ang paalam ni Arcelle sa kanya.

Itinuloy na niya ang kanyang ginagawa ng hindi na tumingi...

About the Author :

Joined: April 21, 2020 (2 months old)
Writings: 58
Male  ·  Online
Description:
A Writer who loves to tells a story about love, lust and life lesson.

In my real life, I have a lots of regrets and painful decisions, and I live in my cold and lonely world.

So I create different worlds, where I can do whatever I like and whatever I please, where my fantasies happens.

These are my worlds, and I am The Master.


Author of:

Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan

Ako Si Diana

Wedding Anniversary
Website: Signature Text:
My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan
26  ·  56  ·  29  ·  4,767
 · 

Comments
N
nejnej
June 10, 2020 (25 days ago)

Ang sakitttttt

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 10, 2020 (25 days ago)

Ramdam kita sir, yan din na-feel ko habang nagta-type ako.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
B
Booglee
June 10, 2020 (25 days ago)

Yown thanks author sa update

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 10, 2020 (25 days ago)

Thanks din.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
J
jeck2
June 10, 2020 (25 days ago)

Hi author... thanks for sharing ur stories... mgnfa at magaling ka... salamat for sharing with us ur readers... what about mix and match sila brandon, lance, alyssa, christine & angela? Same way na dan went through the irresistible situations? just a thought sir...

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 10, 2020 (25 days ago)

Thanks. Let's see, hindi pa din ako sure kung paano ito magwawakas, pero parang malapit na kahit ayaw ko pa.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
W
war10ckkantotero
June 10, 2020 (25 days ago)

salamat sa iyong walang sawang pag update sir Van.  .palagi ko akong nakasubaybay sa story na to. . mukhang kahandaan na ito ng papalapit na pagtatapus.  . pero sabi nga ni mika "HUWAG MUNA NGAYUN". . .hahaha

Reply  ·  Like (3)  ·  Report
Van_TheMaster
June 10, 2020 (25 days ago)

Nalulungkot din naman ako since I really love this story. Let's see n lang.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
blacksun20
June 10, 2020 (25 days ago)

Salamat sa update master nalalapit n ang climax , sa gathering na mangyayari doon magkakaalamanan, baka dun sasabihin ni angela at dan ang lahat tapos susuportahan ni alice.. Goodluck author at sa mga bida, obra na sobra ganda stay safe and healthy Godbless..

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 10, 2020 (25 days ago)

Thanks, sana makaabot pa tayo ng campus night.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Mants
June 10, 2020 (25 days ago)

Thanks author you nailed it...

Ramdam ko yung sakit ng bawat character like nung nagpa alam si diane kay dan. This is it ang nalalapit ng pagtatapos. Sana at the end of this story author eh piliin ni dan yung talagng kaya siyang ipaglaban ika nga ni angela "more than in this world".

Yes next update sa time na nila dan at angela. And hopefully si anton eh tumigil na din. Kaya di na pansinin at kausapin ni angela as a sign of rebellion sa kanyang ama.

Thanks and more power...

Team Angela hanggang sa dulo

Reply  ·  Like (3)  ·  Report
Van_TheMaster
June 10, 2020 (25 days ago)

Thanks, tingnan natin kung si Angela at Dan or si si Christine at Dan, since sila naman talagang dalawa sa simula pa lang. Sana meron kahit isa man lng, pero kung wala, well, that's life.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
J
Jacobgavin
June 10, 2020 (25 days ago)

Ganda talaga ng storya nato. Isa ito sa dahilan but ako napadpad sa site nato. Tuloy lang idol sa paggawa nd keep safe lagi nd more power

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Van_TheMaster
June 10, 2020 (25 days ago)

Thank you. Sana pagkatapos nito ay sipagin pa akong gumawa ng kasunod.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
genrose21
June 10, 2020 (25 days ago)

Wow.. senti ang drama.. labasan ng emosyun... good for arcelle at indi natuloy ang paghihiwalay nila mag asawa..
at pra nman kay Dan.. ganda ng desisyun na  ginawa nya pra sa
kanila ni arcell.. indi inuna ang libog... nice..keep it up.. sir

"Were the Captain's of our own Soul. Were the Master of our own FATE".🤗🤗

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 10, 2020 (25 days ago)

Thanks. Gusto ko talagang bigyan ng happy ending si arcelle. Atleast nalaman nilang mag-asawa ang pagkakamali ng bawat isa at nalaman nilang mahal pa din nila ang isa't-isa

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
K
kuatog
June 10, 2020 (25 days ago)

boss author bakit mo ako sinaktan?!!! anlupit a mukhang  madamdamin amg nalalapit n wakas ...

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 10, 2020 (25 days ago)

Keep you expectations low sa ending. Dahil baka ang ending na nasa isip ko ay iba sa ending na nasa isip ng nagbabasa. Hati pa din ako now kung ano ba talaga ang gusto ko.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
I
Icarus
June 10, 2020 (25 days ago)

Maraming salamat dito Sir,

Pero paano kung sabay sabay na nabuntis ang mga chicka babes, at lahat yun ay panganay ni Dan. Sigurado ikot si bida sa pagiisip.

Maraming salamat uli dito, at isa ako sa araw araw na nagaabang sa kwento mo.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 10, 2020 (25 days ago)

Haha, mahirap nga yun. Hindi naman siguro.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
stevex8520
June 10, 2020 (25 days ago)

Yun.. Masakit man tanggapin ang katutuhanan pero yun ang tama..

Sana author may out of town scene po sila.. Mga classmates and friends..

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Van_TheMaster
June 10, 2020 (25 days ago)

Iba talaga kapag totoo, minsan masakit pero kailangang tanggapin.

Try natin ihabol or gawing special chapter, let's see.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
D
Dragonheart2018
June 10, 2020 (25 days ago)

Totoo ang cnabi mo utor na bawat cmula ay may wakas.nkaka lungkot dhil gnun din ang mangyayari sa kwento mo..pero maraming salamat pa din at naibahagi mo sa amin ang isang kwento na kapupulutan ng aral ng bawat isa na nagbasa ng iyong obra.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 10, 2020 (25 days ago)

Thank you. Sana nga ay magkaroon ulit ako ng motivation na maggawa ulit ng panibagong story pagkatapos nito.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
O
otkep
June 10, 2020 (25 days ago)

salamat sa madamdaming kabanata. mabuntis nga kaya si Mika?o maging si Arcelle? hehe

can’t wait for the “Thursday” update.
boom boom boom para sa isa pang panganay ni Dan.haha

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 10, 2020 (25 days ago)

Thanks. Hindi pa ako nagsisimula para sa Thursday update. Mamaya pag-uwi ko sa bahay. Naka break me ngayon now lang me nakapag-reply sa mga comments. Sana nga makabuo ako agad ng update para bukas. I'm hopeful.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
O
otkep
June 10, 2020 (25 days ago)

the most anticipated "thursday". round 1, then shower, round 2, then shower... hahaha

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Y
yuuna
June 10, 2020 (25 days ago)

salamat sa update sir .nnakakaiyak naman pano kaya nya mahihiwalayan ang bebe kong c Christine 😊😊😊

Christine wag ka pumayag na iwan ni dan 😊

god bless sir van_TheMaster...

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 10, 2020 (25 days ago)

Thanks din sa patuloy na pagbabasa. Sa tingin ko ipaglalaban talaga ni Christine si Dan. Love nya  talaga eh.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
jempoy
June 10, 2020 (25 days ago)

wow ganda salamat boss

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 10, 2020 (25 days ago)

thanks.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
ravenrr06
June 10, 2020 (25 days ago)

Galing mo talaga boss.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 10, 2020 (25 days ago)

thanks.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
I
ilyong36
June 10, 2020 (25 days ago)

salamat po sir sa isang napagandang obra,

napakaraming salamat po.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 10, 2020 (25 days ago)

thanks

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
KusinerongMarinero
June 10, 2020 (25 days ago)

Salamat sa update boss.More power. Team Angela all the way...

Life begins at sea

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 10, 2020 (25 days ago)

thank you sir sa pagsubaybay

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
rag.fss
June 10, 2020 (25 days ago)

"Angela, I have love you since you were fifteen."
-Lance, 2020

"Bakit Arman? Masakit ba? Anong pakiramdam ng malaman mong nagtaksil ang asawa mo sayo? Masarap ba?"
-Arcelle, 2020

"Gusto kong mabuntis mo muna ako bago tayo maghiwalay. Yun lang Dan ang hiling ko sayo."
-Mika, 2020

Mga linyang tumatatak sa aking isipan, bagamat malulungkot na pahayag... subalit maaari din baunin bilang mga natatanging alaala 🙂

#TeamAngela  #BlueCattleya  #TeamLibrary

PS.  finally Thursday na bukas (sa mundo natin)... di ko lang sure sa panahon nila Dan at Angela 😅

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 10, 2020 (25 days ago)

Parami ng parami yung mga quoted line. ^^

Pag-uwi ko pa lang mamaya ako mag-start para sa Thursday update. I'm hopeful na makabuo ako ng maayos at matapos ko.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (3)  ·  Report
J
Jade022
June 10, 2020 (25 days ago)

Ganda lods. As in wow na lang masasabi ko. Pero lods. I suggest para pagkakitaan mu story mu. Gawa ka YT channel para re upload dun. Para ikaw mismo kumita sa sarili mung obra. Magiging subscribers mu kami.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 10, 2020 (25 days ago)

Thanks. Ito ang gagawin ko kapag natapos na yung story ni Dan. Ako n lang mag-upload sa YT kesa yung iba na akala mo ay sila ang mga nagpakahirap talaga.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
R
richie47
June 10, 2020 (25 days ago)

Nakakalungkot naman idol mukhang nalalapit na talaga ang pagtatapus.. Pero sana pahabain mo pa idol.. Parang hindi ko pa kayang matapus agad ang isang napakagandang likha, Na nagbibigay inspirasyon sa bawat mambabasa.

Pero kung ano man ang maging desisyon mo para sa kabanata ng buhay ni Dan.. Patuloy parin ang paghanga at pag suporta ko sayo Author mabuhay ka at God Bless.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
R
richie47
June 10, 2020 (25 days ago)

Nakakalungkot naman idol mukhang nalalapit na talaga ang pagtatapus.. Pero sana pahabain mo pa idol.. Parang hindi ko pa kayang matapus agad ang isang napakagandang likha, Na nagbibigay inspirasyon sa bawat mambabasa.

Pero kung ano man ang maging desisyon mo para sa kabanata ng buhay ni Dan.. Patuloy parin ang paghanga at pag suporta ko sayo Author mabuhay ka at God Bless..

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 11, 2020 (25 days ago)

Well, if ever na matapos na nga ang story ni Dan, dalawa ang maaaring mangyari sa hinaharap. Magsusulat ulit ako ng panibagong story or ipagpapatuloy ko yung story ni Dan, maybe ilang taon ang lumipas, like 5 or 6 years.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
C
charles2700
June 10, 2020 (25 days ago)

Salamat sa update sir, muntik na akong maluha sa episode nato ang sakit..At feel ko nalalapit na rin ang katapusan ng istorya. Kung sakali man na wala syang makatuluyan eh sana may sequel sa story na Dan, parang fast forward na magiging sikat na sya na engineer at may sarili na rin syang construction firm na hindi lang sikat sa Pilipinas pati na rin sa ibang bansa. At sa hindi inaasahang panahon at lugar may mgkikita silang lima Cristine, Angela, Lance at Brandon pero hindi alam ni Dan na hindi pa kasal kahit sino sa dalawang babae at saka ang pagbabalik ni Diane sa buhay ni Dan...More power to you and god bless you.

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
O
otkep
June 10, 2020 (25 days ago)

mas maganda yung magkatuluyan sila Dan at Angela, tapos fast forward nga eh makakatagpo ulit ni Dan ang mga tukso sa buhay niya at ang mga naging bunga nito. hahaha. so babalik ang mga tukso, baka makasingit na pati si alyssa. haha labo labo na

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Van_TheMaster
June 11, 2020 (25 days ago)

Maaari, tingnan natin.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Van_TheMaster
June 11, 2020 (25 days ago)

Thanks, marami pa namang possibility since unpredictable ang future.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
P
Paul0403
June 10, 2020 (25 days ago)

Ang ganda ng story... Nlalapit n ang pagtatapos... Unti unti n nyang mareresolbahan ang problema ang pinakamahirap n part n pakikipaghiwalay nya kay christine...
Salamat boss van sa update.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 11, 2020 (25 days ago)

Thank you. Sa totoo lang ay ayaw ko pa ding matapos dahil I really like this story. we'll see na lang.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
T
tambakol69
June 10, 2020 (25 days ago)

naging part na ng buhay ko ang story mo sir..isipin ko pa lng na matatapos naba?..nalulungkot Ako..Sana pahabain mo pa ang story mo sir..actually binasa ko ulit ang story mo sir fr the begining haha ganon kaganda ang creation mo sir..thank you again

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 11, 2020 (25 days ago)

Thanks. Ang good thing dito ay kung may matatapos ay maroon ulit magsisimula.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
P
palaiyouth
June 10, 2020 (25 days ago)

Salamat sa update sir!galing mo talaga..
Team angela all the way😊

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
P
palaiyouth
June 10, 2020 (25 days ago)

Salamat sa update idol!the best ka talaga idol😊#teamangela

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 11, 2020 (25 days ago)

thank you.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
C
Cj082812
June 11, 2020 (24 days ago)

The decision is final, ganun talaga ang buhay, masakit ngunit kailangang tanggapin, sgro ang maganda sa final chapter ay ung inaalala ni Dan habang sinasabi Kay Angela Kung sinu sino ang mga babaeng Naging part ng buhay niya.
Inaasahan na natin na mamumuhay sila ng simple Lang dahil un naman talaga ang gusto Angela.

Basta team Angela ako hehehe

Reply  ·  Like (3)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments