M
E
N
U

Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan - Chapter 25 - Love, Friendship And The Lies

Posted in
Story: Fiction, Taglish · Categories: Romance · Tags:
Date: June 5, 2020 (1 month ago)


Chapter 25

Napasarap ang tulog ni Mika sa tabi ni Dan, malapit ng mag six ng umaga ng magising ang dalaga. Habang nakahiga ay saglit muna niyang pinagmasdan ang maamong mukha ni Dan. Saka banayad na hinaplos ang labi ng natutulog na binata.

Naramdaman ni Dan ang banayad na paghaplos sa kanyang labi. Masarap ang paghaplos na iyon, banayad at puno ng pagmamahal. Marahan siyang nagmulat ng mata at nasilayan niya ang magandang mukha ni Mika.

Ngumiti naman si Mika ng magmulat ng mata si Dan. Tinigilan na niya ang paghaplos sa labi ng binata at akmang ilalayo na ang kanyang kamay ngunit hinawakan iyon ni Dan habang nakatingin sa kanya.

"Lipat na ako Dan, malapit ng mag six, kailangan ko pang magluto para kay Ate."

"Dito ka muna Mika sa tabi ko, saglit na lang." si Dan habang nakatingin pa din kay Mika at hawak ang kamay nito.

Muling ipinikit ni Dan ang kanyang mga mata.

"Gisingin mo ulit ako Mika after ten minutes. Maaga ako ngayon, kailangan ko pang dumaan sa library." si Dan na muling naidlip dahil sa talagang matinding pagkaantok.

"Ok Dan." si Mika na hindi na nakita ni Dan na nagpasilay ng isang masayang ngiti.

Masaya si Mika dahil makakasama pa niya si Dan kahit saglit pa, maayos na nakakapagpahinga si Mika dahil walong oras lang siyang nagtatrabaho at kung lumampas man siya ay hindi naman madalas. Samantalang si Dan ay nag-aaral maghapon at nagtatrabaho pa sa gabi. Nag-init ang kanyang pakiramdam na may kasamang kaunting lungkot ng maisip ni Mika na sa halip na dapat ng matulog si Dan ay pinaliligaya pa muna ng binata ang kanilang mga katawan bago sila magpahinga na magkatabi.

Mula ngayong araw ay pagsisilbihan niya si Dan, siya na ang gagawa lahat ng ibang gawain ng binata, pagluluto, paglilinis at paglalaba. Para pag-aaral na lang at trabaho ang intindihin ni Dan, at ang mga katawan naman nila sa pagsapit ng gabi bago sila magpahinga. Dahil sa isiping ito ay nakaramdam ng matinding kasiyahan si Mika. Para na sila talagang tunay na mag-asawa na ni Dan.

Puno ng pag-ibig sa mata ng dalaga habang mabagal na hinihintay ang pagsapit ika-sampung-minutong sinabi ni Dan. At ng sumapit na ito ay pinalampas pa niya ng dalawa, upang mapagmasdan pa ng kaunti ang maamong mukha ni Dan habang himbing itong natutulog at gayudin naman ay madagdagan ng kaunti ang pahinga nito.

Pagkatapos ay hinalikan ni Mika ang labi ni Dan hanggang sa magmulat ulit ito ng mata. Nakatingin ngayon sila sa isa't-isa habang magkahinang ang kanilang mga labi. Si Mika na ang kusang naglayo ng kanyang mukha ngunit hinabol ng labi ni Dan ang kanyang labi at muling pinaghinang ang mga ito. Ngunit ngayon ay kapwa na sila nakapikit habang nakahiga pa din.

Ngumiti sila sa isa't-isa ng maghiwalay na ang kanilang mga labi.

"Salamat Mika. Mamaya na talaga ako magigising kung hindi mo ako ginising sa halik. "

"Ok lang naman sa akin maging taga gising mo sa umaga. Basta panggabi lang si Ate."

Isang banayad na halik pa ang iginawad ni Dan sa nakaawang na labi ni Mika.

"Bangon na tayo Dan. Maligo ka na at papasok ka pa, maghahanda naman ako ng agahan. Pauwi na si Ate Ella."

Marahang tumango si Dan. Hindi maaaring magtagal sa kwarto niya si Mika. Ayaw nilang malaman ni Ella ang lihim nilang relasyon. Tiyak na hindi matutuwa si Ella sa klase ng relasyon na namamagitan ngayon sa kanya at bunso nitong kapatid.

Inilapit ulit ni Dan ang kanyang labi kay Mika at minsan pang masuyong hinalikan ang labi ng dalaga. Kita naman kay Mika ang labis na kasiyahan.

At halos magkasabay na silang bumangon sa kama. Hindi maiwasang hindi tingnan ni Dan ang magandang kahubaran ni Mika, lalo na ang nakatayo nitong malulusog na dibdib. Gayundin naman ang ginawa ni Mika, mainit ang kanyang pakiramdam habang nakatingin kay Dan at sa ngayon ay naghuhumindig na pagkalalaki ng binata na parang galit na galit sa umaga.

Alam nila ang kapwa gusto ng kanilang mga katawan ngunit nagpigil pa din sila. Dumiresto si Dan sa banyo upang maligo at tuluyang palamigin ang mainit niyang katawan. Maaga ulit siya ngayon sa library. Si Mika naman ay isa-isang pinulot ang mga saplot na nasa sahig at nagsimula na ding magbihis. Nakangiti siyang mag-isa, mamayang gabi ay tiyak na paliligayahin na naman ang puso at katawan niya ni Dan. Nang matapos si Mika sa pagbibihis ay nilingon niya lang saglit ang banyo na kinaroroonan ni Dan. Kung hindi lang parating na ang kanyang kapatid ay talagang papasukin niya si Dan sa loob ng banyo. Napilitan na siyang lumabas ng kwarto ng hindi na nagpaalam sa binata.

Masayang naghanda na si Mika ng agahan para sa kanilang tatlo. Paglampas ng tatlumpung minuto pagkatapos ng alas-sais ay dumating na din si Ella. Ngumiti si Mika sa puyat na kapatid ng makita niya ito.

"Kumain ka muna Ate bago ka matulog."

Pagkatapos magpalit ni Ella ng pangbahay ay nilingon niya si Mika, natutuwa siya sa ibang sigla ng kapatid na alam niyang dahil kay Dan. Ngunit sa isang parte ng kanyang puso ay naroon ang nakatagong kaba dahil parang walang nararamdamang espesyal si Dan para kay Mika.

Pang-isang tao lang ang ihinain ni Mika ngunit napansin ni Ella na pang-dalawang tao ang tinakpang pagkain ng kapatid. Saglit niyang pingmasdan si Mika na masigla sa mga gingawa nito. Kailangan niyang makausap si Dan ng sarilinan. Dapat niyang malaman ang saloobin nito pagdating kay Mika. Alam nyang wala siya sa lugar para pakialaman ang binata ngunit nag-aalala siya sa kapatid.

*****

Masayang bumangon si Christine sa kanyang higaan. Nag-inat at saka nagtungo sa banyo upang maligo. Nang matapos ay pumili ng isang set na sexy na lingerie bra at panty habang nakangiti. Isang medyo hapit na blouse at hapit din na slacks ang pinili niyang isuot para lalong lumitaw ang mahubog niyang katawan at maging kapansin-pansin ang malusog niyang dibdib. Pagkatapos mag-pulbos at ayusin ang sarili sa harap ng salamin ay isang mapanuksong ngiti ang ibinigay sa sariling magandang repleksyon.

"Perfect!" ang masayang nasabi ni Christine sa harap ng salamin.

Masaya at mainit ang pakiramdam ni Christine dahil sa kanilang napag-usapan ni Dan at nakatakdang gawin. Mamayang hapon ay muli na naman nilang pagsasaluhan ni Dan ang masarap at mainit na pag-iisa ng kanilang mga katawan. Hindi na siya makapaghintay. Sabik na sabik na siya.

*****

Nakapagbihis na si Dan ng marahang kumatok si Mika sa nakabukas na pinto. Pumasok na si Mika na may dalang agahan para sa kanilang dalawa. Inilapag iyon sa isang maliit na lamesa at saka ihinain ng maayos.

"Kain na tayo Dan, may oras ka pa naman."

Umupo na silang magkatabi.

"Salamat Mika. Kaunti na lang talaga oras ko." si Dan habang nagsisimula ng kumain.

"Wag kang mag-alala, ako ng bahala sa lahat ng gawin mo dito sa bahay." ang nakangiting sabi ni Mika na nagsimula na ding kumain.

Sasansalain pa sana ni Dan ang nais na mangayari ni Mika ngunit alam niyang hindi din niya maaawat ang dalaga. Idagdag pang malaking ginhawa sa kanya ang pagkukusa ni Mika.

"Salamat ulit Mika. Pero kailangan kong mag-ambag sa pagkain saka sa ibang gastusin."

"Wag na Dan, ako na-"

"Mika." si Dan na hindi na pinatapos ang sasabihin ng dalaga kung hindi nakatingin lang sa mata nito.

"Sige na nga." ang wala na ding nagawang si Mika, gusto sana niyang siya na din ang bahala sa lahat ng pangangailangan ni Dan. Dahil apat na oras lang si Dan kung magtrabaho, madalang itong magdagdag ng oras dahil sa pag-aaral nito sa umaga. Ngunit sa isip ni Mika ay kaunti lang ang hihingin niyang ambag ni Dan, siya ang magpupuno ng kakulangan, tulong na niya sa binatang minamahal.

Nagpatuloy na silang kumain at ng matapos ay si Mika na ang nagligpit. Sumaglit naman si Dan sa banyo upang ayusin ang sarili. Kinuha ni Dan ang bag at isinakbit iyon sa balikat. Lumapit kay Mika na nasa lababo at hinalikan sa pisngi ang dalaga.

"Alis na ako Mika." ang nakangiting paalam ni Dan.

"Bye Dan. I lo-." si Mika na bahagyang natigilan dahil sa sinabi na hindi na niya naituloy.

Hinawakan ni Dan ang pisngi ni Mika, tiningnan nito ang nangungusap na mata ng dalaga at saka niya ginawaran ng banayad na halik ang labi ng nakapikit na dalaga.

Nang maghiwalay ang kanilang labi ay saka muling nagsalita si Mika.

"Dan, maaari ba akong mag "I love you" sayo kahit wala tayo sa kama?" ang pakiusap ni Mika, nasa mata ng dalaga masidhing pag-ibig na walang hinihintay na kapalit.

Tumango si Dan, yun man lang ay maibigay niyang dagdag kasiyahan kay Mika dahil sa lahat ng ginagawa nito sa kanya.

"Basta dapat tayong dalawa lang ang magkasama Mika." ang paalala ni Dan.

Tumango naman si Mika na labis ang saya.

"Pasok na ako Mika."

"Dan... I-I love you."

Ngumiti lang si Dan, nais sana niyang magsalita ngunit umiling si Mika sa kanya. Alam niya kung bakit siya pinipigilan ni Mika na sumagot sa tuwing sinasabi iyon ng dalaga, dahil kung hindi din naman tapat na maririnig ni Mika ang salitang "I love you" mula sa labi ni Dan ay mas nais pa ni Mika na huwag na lang itong magsalita.

Hinalikan ko si Mika sa pisngi at nakangiti kaming naghiwalay.

Habang naglalakad ay nasabi ko sa aking sarili na sadyang napakapalad kong lalake dahil inibig ako ng mga babaeng hindi ako karapat-dapat. Kung sana nga lang ay maaaring magmahal ng higit sa isa at walang dapat iwanan ay gagawin ko para sa kanila.

Hindi ko alam ang mangyayari sa araw ng bukas na walang katiyakan na darating sa bawat isa sa atin. Dahil ang bukas ay hindi natin pag-aari upang ipangako sa ating mga sarili.

Gagawin niya ang kaya niyang gawin upang mapasaya ang mga dalagang nagmamahal sa kanya. At sa takdang panahon na hindi niya alam kung kailan ay saka naman niya haharapin ang pait ng kaniyang pakikipaghiwalay sa mga ito alang-alang sa tunay niyang pag-ibig na si Angela.

*****

Pagkarating ni Angela sa pamantasan ay mabilis siyang nagtungo sa library. Maaga siya ngayong araw dahil alam niyang naroon na si Dan. Pagpasok niya sa loob ng silid-aklatan ay tahimik na hinanap ng kanyang mga mata si Dan. Nang makita ang binata na sa pinaka dulong parte ay marahan siyang lumapit. At sa isang shelf na lagayan ng mga aklat malapit sa lamesa ng kasintahan ay patagilid na isinandal ni Angela ang katawan habang nakatingin dito. Masaya niyang pinagmasdan si Dan na abala sa ginagawa nitong pagbabasa at pagsusulat. Talagang napaka-simple ng mundo ni Dan kapag may libro ng kaharap na kahit ang kanyang presenya na malapit lang sa binatang iniibig ay hindi nito maramdaman.

Abala si Dan sa kanyang ginagawang pag-aaral ng maramdaman niya ang paglapat sa kanyang balikat ng isang malambot na palad. Nag-angat siya ng paningin at sumaya ang kanyang puso na makita ang maamong mukha ni Angela na nakangiti sa kanya. Ibinaba ng dalaga ng mga librong yakap nito sa lamesa at saka yumukod sa kasintahan.

"Dan... Sunod ka sa akin..." ang mahinang sabi ni Angela.

Nauna ng nagtungo si Angela sa tagong parte ng aklatan at kasunod naman si Dan. Sumandal si Angela sa isang shelve at inantay na makalapit si Dan. Nang magkaharap na sila ay niyakap niya si Dan, puno ng pananabik ang kanyang puso at katawan.

Yumakap din si Dan sa katawan ng dalaga. Hindi nagtagal sa ang kanilang mga mata sa isa't-isa at muling naglapat ang kanilang mga labi. Matagal at mainit, kapwa nila ramdam ang pag-ibig at pananabik.

"Two days na lang Dan.. M-Mararamdaman na ulit kita." ang buong pananabik na sabi ni Angela habang nakatingin sa mata ni Dan.

Ngumiti naman si Dan, kita niya sa maamong mukha ni Angela ang hindi nito maitagong pananabik. At sa kanilang mga mata ay makikita ang labis nilang pag-ibig sa isa't-isa. Na para bang ang mundo ay sadyang ginawa upang magkakilala lamang silang dalawa.

Ngunit sa isipan ni Dan ay biglang naglaro ang mga larawan ng mga dalagang lihim din niyang karelasyon at ang posibleng suliranin na dulot ng mga iyon.

"Angela, paano kung dumating ang ikalawang araw at wala ako?" si Dan na inaalam kung ano ang gagawin ni Angela sa sandaling may dumating na pangyayari na hindi niya gusto.

Nangilid ang luha sa mga mata ni Angela, sa isipin pa lang na iyon ay nalulumbay na siya.

"M-Maghihintay pa din ako." ang kalungkutan ngayon ay nasa tinig ng dalaga.

"Kung wala pa din ako sa ikatlo at ikaapat at sa mga susunod pa. Maghihintay ka pa din ba?" si Dan nakatingin sa mata ni Angela na ngayon ay nangingislap na.

Umiling si Angela at tuluyan ng bumagsak ang butil ng luha mula sa kanyang mga mata.

"Then I'm going to look for you na. And when I found you. Sasamahan kita at hindi na ako papayag na magkalayo tayo."

At nagyakap sila ng lalong mahigpit at dinama ang malakas na pagpintig ng puso ng bawat isa. At sa minsang pang pagkakataon ay buong pag-ibig na naghinang ang kanilang kapwa mainit na labi.

Inilipat ni Dan ang kamay sa magkabilang pisngi ni Angela at pinalis ang mga luha ng dalaga.

"Angela... Tahan na, darating ang araw ng Huwebes at magkasama na ulit tayo. I'm sorry. Napaiyak pa kita." nalungkot din naman si Dan, sa dami ng maglalaro at sasabihin ay kung bakit yun pang mga iyon ang naglaro sa kanyang isipan.

"I'm really sorry." at idinikit ang kanyang noo sa noo ni Angela habang hawak pa din ang mukha ng dalaga.

Ngumiti naman si Angela at saka kinuha ang panyo sa bulsa at ibinigay kay Dan.

"Ang bad mo talaga Dan. You makes me cry then you makes me happy afterwards."

Tinuyo naman ni Dan ang mga luha sa mga mata at pisngi ni Angela. At pagkatapos ay muling yumakap sa dalaga.

"I love you Angela."

"I love you Dan. Promise me na hindi ka kailanman mawawala sa akin. Na you'll always be there when I need you, when I want you." si Angela na muling nakayakap kay Dan at ang kanyang mukha ay nasa dibdib ng binata.

"Pangako Angela. Hindi ako kailanman lalayo sayo."

Nanatili pa silang magkayakap at saka naghiwalay matapos ng isa pang paghihinang ng kanilang mga labi.

"Dan, can we hold hands habang naglalakad pabalik?" ang naglalambing na tanong ni Angela.

Saglit na natigilan ang binata. Paano na lang kung may makakita sa kanila habang magkahawak-kamay ni Angela. Tiyak na ang balitang iyon ay mabilis pa sa apoy na kakalat sa buong pamantasan at maaga niyang haharapin ang galit na damdamin ni Christine, maging ang malamang na pagtutol ng mga magulang ng dalaga sa kanilang relasyon.

"You makes me cry kanina." ang malambing na paalala ni Angela kay Dan.

Ngunit hindi kayang pahindian ni Dan ang naglalambing na si Angela. Hinawakan niya ang malambot na kamay ng dalaga at nagsimula na silang maglakad pabalik sa kanilang upuan. Kinakabahan si Dan, kahit iilan pa lamang ang mga tao sa loob ng library ay baka mayroon pa ding makapansin sa magkahawak nilang kamay.

Masaya naman ang pakiramdam ni Angela habang hawak kamay sila ni Dan na naglalakad. Sa ganito man lang ay maramdaman niya kahit saglit ang relasyon na para bang hindi nakatago sa iba.

Nakahinga naman ng maluwag si Dan ng maupo na sila at naghiwalay na ang kanilang mga kamay.

Ibinaling ni Dan ang paningin sa kasintahan na abala sa ginagawa nitong pagbabasa at pagsusulat. Na para bang balewala dito ang ibinigay na matinding kaba sa kanyang dibdib. Ngayon ay tiyak na ni Dan ang kahandaan ni Angela, na handa nitong harapin ang mundo na magkasama silang dalawa.

"I love you Angela." ang buong pusong sabi ni Dan.

Nag-init ang pakiramdam ni Angela ng marinig ang sinabi ni Dan, dahil hindi iyon mahina o pabulong, kung hindi malinaw ang pagkakasabi. Na para bang saglit na nawala ang takot at pag-aalala ng kasintahan na may makaalam ng kanilang lihim na relasyon.

Nagtaas si Angela ng tingin, sa matang nangungusap at sa tinig na punong-puno ng pag-ibig ay sumagot kay Dan.

"I love you too Dan. You're my life and my happiness, always remember that."

Hindi napigilan ni Dan ang kanyang sarili dahil sa nakitang pag-ibig at katapatan sa maamong mukha ni Angela at sa nangingislap nitong mga mata. Tumayo si Dan at itinukod ang kanyang mga kamay sa lamesa at saka inilapit ang kanyang mukha kay Angela upang gawaran ng saglit na banayad na halik ang labi ng Dalaga.

Nakangiti at nangingilid ang luha sa mata ni Angela ng maghiwalay ang kanilang mga labi. Kaysarap palang umibig ng buong puso at ibigin din naman ganun, walang kapantay na kaligayahan ang kanyang nararamdaman.

*****

Maagang naghintay sa harap ng kanilang pinto si Alyssa sa pagdating ni Dan, ngunit mahigit sampung minuto na ang nakalipas ay wala pa din ito. Nagpasya na siyang magtungo sa tirahan ng binata. Malayo pa lang ay nakita na niyang nasa labas si Mika at nagsasampay ng mga damit. Hindi naman siya dating nasusuya kay Mika, mabait naman ang dalaga sa kanila maging ang kapatid nito. Ngunit ng dahil kay Dan ay bakit parang naglagay sila ng harang sa kanilang pagitan gayung pareho lang naman sila ng sitwasyon. May girlfriend na si Dan at makikiagaw na lang silang dalawa ng atensyon mula sa binata.

"Mika..."

Natigil sa ginagawa si Mika at lumingon sa dalagang malapit na pala sa kanya. Sa isip ni Mika ay talagang maganda si Alyssa, nasa lima at anim na pulgada malamang ang taas ng dalaga, balingkinitan ang katawan at kapag nakabihis ng maayos ay talagang pansinin. Mabuti na lamang at magkasama silang dalawa ni Dan sa trabaho at magkatabi din ang kwarto. Nagkaroon sila ng mas maraming pagkakataon na maging malapit sa isa't-isa. Kung hindi gayun ang mga ngyari ay hindi sana niya mararanasan ang kaligayahan sa piling ni Dan tuwing gabi bago sila magpahinga.

"Alyssa, may kailangan ka ba?" si Mika na ngayon ay itinigil na muna ang ginagawa at nakaharap kay Alyssa.

Saglit na pinagmasdan ni Alyssa si Mika, naka-simpleng pangbahay lang ito. Maganda din naman si Mika kahit walang ayos ang mukha at ang buhok. Mas mababa lang si Mika sa kanya ng hindi naman malaki. Ngunit ang isang kapansin-pansin kay Mika ay ang biyaya sa dalaga na malulusog nitong dibdib na nakatayo at pansinin talaga. Hindi naman magpapahuli ang kanyang dibdib kay Mika, ngunit sadyang mas mayaman lang talaga ang sa kaharap na dalaga.

"Mika, anong oras naalis si Dan?"

"Bago mag seven, maaga daw siya dapat sa library ngayon." ang kaswal na sagot ni Mika. Wala naman siyang dahilan upang masuya kay Alyssa. Kahit pa may gusto din ito kay Dan ay kapwa nila alam na may girlfriend na ang binata. Sa katayuan pagdating kay Dan ay mas higit na malaki na ang pagkakaiba nila ni Alyssa dahil nagtatabi na sila ni Dan.

"Salamat Mika." si Alyssa na bahagyang mgumiti at saka ito tumalikod at lumakad na palayo. Hindi na nahintay kung may huling sasabihin pa si Mika.

"Sorry Alyssa, pero kami na din ni Dan." ang sinabi ni Mika sa kanyang isipan para kay Alyssa. Sila naman talaga ni Dan, kahit na hindi patas ang kanilang sitwasyon ay hindi maitatanggi na may relasyon na sila ng binata ng higit sa magkaibigan.

*****

Kaaagad nagtuloy si Alyssa sa library pagdating niya sa pamantasan. At tahimik na hinanap si Dan, naglakad pa siya hanggang sa malapit sa pinakadulong parte ng makita niyang nasa iisang lamesa si Angela at Dan. Ngunit natigil siya ng paglapit ng tumayo si Dan upang halikan si Angela habang nakapagitan pa din sa kanila ang lamesa. Nakaramdam siya ng lungkot at pagseselos na wala siyang karapatang maramdaman. Ngayon ay tiyak na tiyak na niya na si Angela din ang dalagang kasama ni Dan ng unang beses silang magkita sa library.

Saglit pa siyang nanatili sa kanyang pagkakatayo at saka nagsimulang lumapit sa dalawa.

"Hi Angela." ang nakangiting bati ni Alyssa sa kaibigan.

Nagtaas naman ng tingin si Angela at ngumiti din kay Alyssa.

"Hi Alyssa."

Naupo naman si Alyssa sa tabi ni Angela. Tumingin kay Dan binati din ito.

"Hi Dan." si Alyssa na nakangiti kay Dan.

Ngumiti lang si Dan kay Alyssa at saka ipinagpatuloy ng binata ang kanyang ginagawa

Inilabas ni Alyssa ang isang notebook at binuksan ang dalang libro at nagsimulang mag-aral sa tabi ni Angela. Nawala naman ang atensyon ni Angela sa ginagawa, nag-iisip kung ngayon na ba sasabihin kay Alyssa angt totoo. Napatingin siya kay Dan na nakatingin pala sa kanya. Saglit na nag-usap ang kanilang mga mata at tumango si Dan sa kanya.

Pagkatapos ibigay kay Angela ang kanyang pagsang-ayon ay tumayo na si Dan at nagsimulang ayusin ang mga gamit na nasa harapan. Nakatingin naman sa kanya ang dalawang magkatabing dalaga.

Isinakbit niya ang bag sa balikat at tumingin kay Angela.

"Angela, mauna na ako, may dadaanan pa ko." pagdadahilan na lang niya na alam naman niyang nakuha ni Angela ang ibig niyang sabihin.

"Later Dan, see you na lang mamaya sa class." ang nakangiting sabi na lang ni Angela.

Kay Alyssa naman ngayon nakatingin si Dan.

"Alyssa.." si Dan na bahagyang itinaas ang kamay at isang beses na kumaway ng pamamaalam sa dalaga.

"Bye Dan." ang nakangiting sabi naman ni Alyssa.

At tuluyan ng iniwan ni Dan ang kasintahan at si Alyssa sa loob ng library.

Saglit na namayani ang katahimikan sa pagitan ng dalawang dalaga na nagmamahal sa iisang binata. Patuloy lang si Alyssa sa kanyang pagsusulat samantalang kinakabahan naman si Angela. Ayaw niyang lumayo ang loob sa kanya ni Alyssa, ngunit ayaw din naman niyang lagi na lang nag-aalala dahil nasa iisang lugar ang kasintahan at ang kaibigan na pakiramdam niya ay may pagtingin din kay Dan.

Huminga ng malalim si Angela at saka tumingin sa direksyon ng kaibigan.

'A-Alyssa...."

Tumigil naman si Alyssa sa kanyang ginagawa at tumingin sa maamong mukha ni Angela.

"May sasabihin ka Angela?"

"About me and Dan..." ang pauna ni Angela.

Malungkot namang ngumiti si Alyssa, ihinahanda ang sarili sa mapait na katotohanan na kanya na namang nalalaman.

"We are in a relationhsip. I'm sorry na hindi ko kaagad nasabi sayo." ang malungkot na sabi ni Angela.

"Napansin mo pala ang feelings ko kay Dan." si Alyssa na hindi talaga maitago ang lungkot sa kanyang magandang mukha.

Tumango naman si Angela at nag-aalangang hinawakan ang kamay ni Alyssa.

"Are you okay Alyssa? I'm really sorry." si Angela na ngayon ay malungkot ding nakatingin sa kaibigan.

Napakasweet talaga at caring ni Angela. Sa isip ni Alyssa ay paano niya magagawang magalit o magdamdam sa dalagang wala namang kasalanan sa kanya. Siya ang nagkagusto ng kusa sa boyfriend nito, ngunit ngyari iyon ng wala siyang alam tungkol sa relationship ng dalawa.

"Ok lang ako Angela." si Alyssa na kinuha mula sa bulsa ang panyo at pinahid ang namuong luha sa kanya mga mata. First love niya si Dan, gusto niyang ipaglaban ang kanya first love ngunit hindi niya magawa. Sobrang gusto din niya si Angela, kung wala siyang pag-asa na maging sila ni Dan ay masaya na din siya kung magiging tapat na kaibigan pa din niya Angela. Hindi na masamang kapalit.

"Are we still friends Alyssa?" ang nag-aalalang si Angela, nagbabadya ang luha sa kanyang mga mata.

Nais namang bahagyang matawa sana ni Alyssa dahil sa nakikitang ekspresyon sa maamong mukha ni Angela. Na para bang may ginawa itong masama sa kanya gayung wala naman.

Pinilit ni Alyssa na ngumiti at tumingin sa mata ni Angela.

"Pwedeng payakap Angela. Friends pa din tayo kapag pumayag ka." ang nakangiting sabi ni Alyssa habang patuloy na pagpapahid ng luha.

Saglit namang natigilan si Angela, pero pumayag na din siya, girl din naman si Alyssa.

"S-Sure Alyssa, go ahead and give me hug." ang nakangiting paanyaya ni Angela.

Lumapit si Alyssa ng pagkakaupo sa tabi ni Angela at niyakap ang dalaga. Hinaplos naman ni Angela ang likod ng kaibigan.

"Angela, first love ko si Dan. Pero tanggap kong ikaw ang love niya. Nag-give up ako para sa happiness nyong dalawa. Kaya dapat lang na friends pa din tayo." ang buong katapatang pahayag ni Alyssa, tapat niyang isinuko ang kanyang unang pag-ibig kay Angela.

"Thank you Alyssa. Of course friends pa din tayo. I like you naman talaga." ang nakangiting sabi ni Angela. Ngayon ay maluwag na ang kanyang dibdib at hindi na siya mag-aalala pa para sa kaibigan.

Naghiwalay na silang dalawa at saka nahihiyang napa-giggle sa isa't-isa. Kapwa nagpapahid ng mga munting luha sa kanilang mga mata.

"Alyssa, I need a favor from you." si Angela na nakatingin sa mata ni Alyssa.

"Tell me..."

"Please, keep my relationship with Dan a secret from everyone." ang pakiusap ni Angela.

Alam naman iyon ni Alyssa dahil sa una palang ay napansin na niya iyon sa dalawa. Alam niyang may mabigat na dahilan kung bakit nakalihim ang relasyon ng dalawa, maaaring may kinalaman ang estado ng buhay ni Angela.

Ngumiti si Alyssa kay Angela at nagtaas ng kanang kamay.

"Promise Angela. I'll keep your secret. Wala akong pagsasabihan." ang pangako naman ni Alyssa sa kaibigan.

"Thank you ulit Alyssa."

"Angela, friends tayo and I want us to be friends forever. Hindi mo kailangan na mag thank you sa akin, ok?"

Muli silang nagkangitian at ipinagpatuloy ang kanilang ginagawa sa library. Masaya si Angela. Masaya na malungkot si Alyssa dahil sa kanyang pagkabigo sa una niyang pag-ibig. Ngunit sa tuwing mapapatingin sa maamong mukha ng kaibigan ay napapangiti na lang siya. "Hindi na masamang kapalit" ang masayang nasabi na lang...

About the Author :

Joined: April 21, 2020 (2 months old)
Writings: 58
Male  ·  Online
Description:
A Writer who loves to tells a story about love, lust and life lesson.

In my real life, I have a lots of regrets and painful decisions, and I live in my cold and lonely world.

So I create different worlds, where I can do whatever I like and whatever I please, where my fantasies happens.

These are my worlds, and I am The Master.


Author of:

Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan

Ako Si Diana

Wedding Anniversary
Website: Signature Text:
My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan
27  ·  59  ·  27  ·  5,897
 · 

Comments
Archie198727
June 5, 2020 (1 month ago)

muntik na akong ma indespair kala ko d na mag uupdate si bossing 😊😊,joke lang,,take your time boss,salamat sa sipag at tyga mong pag update ,, more power

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Van_TheMaster
June 6, 2020 (1 month ago)

Nahihirapan talaga sa story na ito, lalo na habang tumatagal. Kaya hintay-hintay lang sa kasunod. Publish ko naman agad pag ready na yung kasunod.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
A
Akashi123
June 5, 2020 (1 month ago)

Sana magkaron din ng chance si ella kay dan

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 6, 2020 (1 month ago)

I'm not sure sir, tingnan natin, pero for now, malabo pa siguro.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
C
Cj082812
June 6, 2020 (29 days ago)

Gugulo ang story Kapag ella at Dan. Yun nga magkatikiman mukhang malabong maisingit sa story.

Dun sa sinabi ni arcelle na balak magpabuntis bahala kana boss author Alam ko Kaya mo yung paikutin. Parang navivision ko na ang gagawin mo para tuloy tuloy ang ikot ng story. Mas maganda Kung maisasama ung first love ni Dan sa kwento. Panhimagas Lang ba. Sa aking nakikita. Mahaba haba talaga ang kwento na ito. Sa tingin ko aaabot ito hanggang 40 something. Maganda kasi ang flowing ng kwento. Andun ang libog at love Story. Kumpleto rekado ika nga.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
O
otkep
June 5, 2020 (1 month ago)

pota lungkot ng araw kahapon ser! salamat sa update today. comment muna bago basa. haha

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 6, 2020 (1 month ago)

thanks, keep on checking lang, nauubusan na talaga ako ng setup at hirap na ako sa structure, mahaba na kasi.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
epsilon1963
June 5, 2020 (1 month ago)

next...

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
jempoy
June 5, 2020 (1 month ago)

grabe nakakadla tlaga storya mo author

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 6, 2020 (1 month ago)

that's my goal ^^

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
crisostomo.5678
June 5, 2020 (1 month ago)

Panay check ko kahapon kung may post ka..grabe kaabang abang ang mga tagpo...

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 6, 2020 (1 month ago)

thanks

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
K
kuatog
June 5, 2020 (1 month ago)

akala ko 2 araw mawawalan ng update sir author...babagsak na luha ko e..😁😁😁😁

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 6, 2020 (1 month ago)

tawa namn ako dito.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
K
kazuya11
June 5, 2020 (1 month ago)

Nice Ganda ng story pero sana magka threesome

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
K
kazuya11
June 5, 2020 (1 month ago)

Nice Ganda ng Story sana magka threesome

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 6, 2020 (1 month ago)

hindi ko sure sir, who knows, pero set your expectations low

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
S
shizuoka
June 5, 2020 (1 month ago)

next idol...

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Y
yuuna
June 5, 2020 (1 month ago)

keep it up sir 😊god bless...pa balik2 ako silip kung my update kahapon😊😊buti nag update ka ngaun keep it up sir van_TheMaster😊

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 6, 2020 (1 month ago)

thanks , keep on checking lang... try kong mabilis na mag update, pero nung kasi , talagang till chapter 12 lang ito, tapos plan ko 16, then 25, now still ongoing, ramdam ko ang pressure kaya talagang nahihirapan ako, kalaban ko now ang sarili ko tapos may full time work pa ako at ilang gawain.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
D
Dosuno
June 5, 2020 (1 month ago)

Solid yung flow ng story sir, walang masyado nawawala, Kudos sir!! More power!!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 6, 2020 (1 month ago)

thanks, keep reading

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
Rendezvous0828
June 5, 2020 (1 month ago)

Salamat sa update boss van.... The best ka tlaga👍 more power and God bless you always 🙏

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 6, 2020 (1 month ago)

Thanks for the support.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
genrose21
June 5, 2020 (1 month ago)

Tnx sir sa Ud.. grave si dan indi nababakante.. sana all🤗🤗

"Were the Captain's of our own Soul. Were the Master of our own FATE".🤗🤗

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 6, 2020 (1 month ago)

lucky guy Dan, what else..

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Mants
June 5, 2020 (1 month ago)

Ayun thanks author at di mo kami binigo. Wow ang bait naman ni alyssa sa friend niya. Sana isa siya sa makakatulong ng dalawa pag dumating na ang suliranin na kakaharapin nila.

For this chapter, makikita ang palaban na character ni arcelle. At ang handang mag sakripisyo sa pag ibig ni dan sa katauhan nina mika at angela.

Napawi yung lungkot namin sa kakahintay sa chapter na to author.

More power sayo, keep safe always!

Team Angela solid fan.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 6, 2020 (1 month ago)

Salamat din sa patuloy na pagbabasa, Im not sure kung hanggang kailan ko kakayanin na bigyan ng buhay ang story na ito, hindi pa natatapos yung semester pero chapter 25 na agad.

Sa mga makakapansin nga pla n parang malayo sa tunay na college life yung setup, pasensya na po, hindi ko pa na-experience na mag-college, vocational lang po ako.

But since it's fiction, palampasin na lang po ninyo.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Mants
June 6, 2020 (29 days ago)

Ok lang sir van, di naman yung error ang tinitgnan namin dito. May talent ka sa pag sulat ng mga gantong stories sarap basahin.

Napapatili mo yung wholesome image ng mga character tama sa flow ng story since ang theme ay college life. Kaya kahit na detailed ang sex scene di nakakasawang basahin ulit dahil sa blending ng lovestory ng mga character sa bida.

Keep it up and more power sayo author. Ang galing ng imagination mo kasi nakukuha mo kami sa emotions na gusto mong iparamdam sa bawat chapter na post mo.

Team Angela solid dan

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
M
mrvillarda
June 5, 2020 (1 month ago)

Lupet mo tlga Dan ikaw na idolo ko 😁

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
B
Benz2566
June 5, 2020 (1 month ago)

Ganda talaga flow Ng story kala ko Wala ulit update hehehe take ur time author Thanks po a update...

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 6, 2020 (1 month ago)

thanks

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
J
joeltagaloguin
June 5, 2020 (1 month ago)

The best talaga to ka abang abang. Author thank you update, sana hahaba pato hehe

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 6, 2020 (1 month ago)

thanks, tignan natin kung makalampas tayo sa first sem, may gathering, campus nigt, may second sem pa, pasko, bagong taon, valentine, next year, OJT, fourth year, last year, may trabaho na sila, kasalan na? pero kanino at sino-sino?

GRABE! BAKA UNA PA AKONG MABALIW KAY DAN!

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
C
Cj082812
June 6, 2020 (29 days ago)

Mahaba habang kutkutin talaga Yan boss author.
Mapapaisip talaga Kung papano ang Tamang way or deriksyon ng story. Basta ako once writer always a writer. Kahit Walang bayad tuloy ang pagsusulat.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
blacksun20
June 5, 2020 (1 month ago)

Salamat sa update master , lumugar  ako sa sitwasyon ni dan kahit ako tutukain ko pero tanong hanggang saan at kailan syan ganyan at sino ang papanindigan nya sa huli bka mabuntis pa nya si arcelle hay hirap ng kalagayan mo dan.. Dami pede gawin twist master ikaw na bahala sa huli hehe. Salamat master stay safe and healthy Godbless

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 6, 2020 (1 month ago)

tingnan natin sir sa ending, sana lahat kayo ay naroon pa ding nagbabasa at sabay sabay nating alamin kung ano ang pinakadulo ng istorya sa buhay ni Dan at ng mga  babaeng nagmahal sa kanya

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 6, 2020 (1 month ago)

thank you

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
KusinerongMarinero
June 5, 2020 (1 month ago)

Buong araw ako nag hintay boss. Thanks sa update finally.More power.Kahit marami karibal still-Team Angela all the way..

Life begins at sea

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 6, 2020 (1 month ago)

thanks , keep on shipping, nothing is set in stone.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
rag.fss
June 5, 2020 (1 month ago)

Naka 3 pts. na si Christine!

ABANGAN.... #TeamAngela naman sa Thursday at ang kanyang famous words of wisdom:

“We make love first, then we take a shower, then we make love again, then we take a shower again.”
-Angela, 2020

Reply  ·  Like (3)  ·  Report
Van_TheMaster
June 5, 2020 (1 month ago)

Tuwa talaga ako dito. Quoted na yung words of wisdom ni Angela sa Year 2020.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (5)  ·  Report
S
SisigAdobo
June 5, 2020 (1 month ago)

idol may ganap ba si cherry at rose?? iba kasi pumasok sa imahinasyon ko hindi si dan kundi yung dalawang umaasa kay angela at christine.. also for sure mahaba pa to story d pa pinapakilala yung first love ni dan papasok kaya yun?? pero na iintriga ko what if nabuntis ni dan si arcelle damnnn parang end of story na agad wag naman sana

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 5, 2020 (1 month ago)

Since naka-freestyle po ako dito sa series na ito, as in walang plano at bahala na kung anong nasa isip ko sa kada araw ay mahirap po sa akin ang magbigay ng pahayag sa bawat characters.

Kaya pag po walang update, ibig sabihin hindi po ako makabuo ng magandang structure. Pwede naman akong magsulat na lang ng kahit na ano para may ma-i-post lang na kasunod. Pero ang kapalit lang ay mawawala yung essence ng writing na nagpapaganda sa story.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (4)  ·  Report
Mants
June 5, 2020 (1 month ago)

Worth it naman Author van, yung paghihintay namin ramdam mo yung love ng bawat character sa ating bida.

More event, characters, incidents mas lalong magiging complicated ang stories na iyong likha. Take your time and make your stories as it fullest masterpiece. Andto lang kami nakasubaybay.

Team Angela solid fan

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
C
charles2700
June 5, 2020 (1 month ago)

Tuloy mo lang ang magandang kwento nakakaadik. ..A great masterpiece...god bless you......

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 6, 2020 (1 month ago)

salamat

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
K
kabayan
June 6, 2020 (1 month ago)

Worth waiting idol, pls. Continue

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 6, 2020 (1 month ago)

i'll try my best po, hintay hintay lang po sa update at medyo nahihirapan na din po ako.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
O
otkep
June 6, 2020 (1 month ago)

Christine and Arcelle are alike, bossy! Sounds like Arcelle means trouble, hehe.
Dami scenarios na kumikiliti sa utak ko, hihi. salamat otor and pls continue writing this love story

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 6, 2020 (29 days ago)

Ipagpapatuloy ko po ang story na ito, kahit po talagang nahihirapan na ang author. Kaya po be patient sa update at labis  na pong nag-struggle talaga ako.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
T
tambakol69
June 6, 2020 (1 month ago)

Thank you sa update sir another great story hinintay ko to haha..waiting again goodluck sir

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 6, 2020 (29 days ago)

Thank you.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
C
Cj082812
June 6, 2020 (29 days ago)

Napakaganda ng pagkaka gawa sa story na ito. Un bang bawat chapter aabangan mo talaga. The best ka talaga author, I salute you

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
June 6, 2020 (29 days ago)

Thank you. Hintay-hintay lang po tayo sa update. Nahihirapan na po ang kawawang author na ngayon lang napasulat ng ganito kahabang story na walang plano o mga nakahandang setup.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
ricocruel
June 6, 2020 (29 days ago)

Mabigat kalaban si arcelle.

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Van_TheMaster
June 6, 2020 (29 days ago)

Parang mas mabigat yung kalaban ng author kesa kay Arcelle.

My Twitter: https://twitter.com/ThemasterVan

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
T
Tiktik12
June 7, 2020 (29 days ago)

May nauna ng gf si dan sino kaya yon.... ang ganda love story salamat boss sana danangela

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
P
palaiyouth
June 7, 2020 (28 days ago)

Ang galing!ang lupet! Kakaiba ka idol...

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments