M
E
N
U

Ang Pamilya Samaniego (Chapter 1A)

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Erotic Couplings, First Time, Mature, One Night Stand · Tags: , , , , , , ,
Date: June 3, 2020 (1 month ago)


ANG PAMILYA SAMANIEGO
©2020 littlekitty

Paunawa: Ito ay isang malikhaing kathang-isip lamang.

.

.

Chapter 1. Discharge (Part 1)

ISANG TANGHALI, naglalakad ang bagong nurse intern na si Nica pabalik ng medical wing nang mapadaan ito sa harap ng isang cottage na nagkataong nakabukas ang pintuan. Napa-doubletake siya sa nasilayang hubad na likod ng isang lalaking nag-aayos ng mga gamit, dahilan para matigilan siya sa kanyang paglalakad. Tumabi siya sa kalapit na poste na nasa lima o anim na metro ang layo sa pintuan at pasimpleng tinanaw ang kakisigan ng binata habang abala ito sa pag-iimpake.

Wala itong suot na pang-itaas kaya malayang napagdiskitahan ng mga mata ng batang nurse ang batak nitong katawan. Matangkad ang lalaki at may kaputian. Mukhang malinis ito at walang bahid ng anumang tinta sa katawan na karaniwan sa ibang pasyente. Seryoso din ang hitsura.

Nang mapansin ni Nica ang numero sa cottage ay naisip niyang pamilyar iyon sa kanya. Binuklat niya ang hawak na binder ng mga for discharge sa linggong iyon at hinanap mula doon ang file na nagkocorrespond sa assigned cottage ng pasyente. Wala sa sariling nabasa ni Nica ang ibabang labi nang makita ang file ng isang 30-anyos na Sebastian Samaniego.

Alcohol and drug addiction ang nakalagay na dahilan ng boluntaryong pagpasok ng lalaki sa isolated rehab facility na may kalayuan sa sibilisasyon. Sumailalim ito sa 90 day recovery program at noong nakaraang linggo pa natapos at nakiusap lamang na mag-extend pa ng isang linggo sa compound. Marahil para dahan-dahang iadjust ang sarili sa paglabas, naisip ni Nica. Isa pa ay may dumaan na bagyo noong nakaraang mga araw, bagaman mahina lang. Ngayong bumuti na ang panahon, malamang ay tuluyan na nga itong aalis.

Bahagyang napangiti si Nica sa larawan ng lalaki na nakaattach sa file. Gwapo ito kahit seryoso ang mukha. Single pa ang nakasaad na civil status. Hindi gaanong nakakaguilty-ng halayin sa isipan. Tiyak na maiinggit ang kaibigan sa kanyang ichichika. Mahina siyang natawa sa naisip.

Napasinghap siya nang sa pag-angat ng ulo ay nagtama ang kanilang mga tingin. Sandali niya itong pinagmasdan ng mabuti bago tumango ng may ngiti at naglakad paalis, lihim na kinikilig. Alam niyang makikita niya ito muli pag dumaan ito sa medical wing para sa huling check up.

Samantala, natapos na ni Sebastian ang pag-aayos ng mga gamit. Makalipas ang ilang buwan ay makakalabas na rin siya ng pasilidad. Bagaman malayang umalis o lumabas-labas, mas pinili niyang manatili sa loob ng compound sa duration ng kanyang treatment para makaiwas na din sa anumang maaaring maging tukso sa labas. Nanatili siya sa isa sa mga residential cottages doon na nakalaan para sa mga pasyente at naging cooperative sa lahat ng pinagawa at iminungkahi ng mga doktor at therapist sa kanya.

Matagal nang nagpapakalango ang binata sa alak. Halos walang araw na hindi ito naglalasing. Bagaman hayskul pa ito nang magsimulang uminom-inom ay nagsimula ang kanyang alcohol abuse noong hiwalayan siya ng kababatang naging kasintahan niya na si Nathalie. At ang tuluyang ikinagunaw ng mundo ni Sebastian, na naging dahilan ng kanyang pagpapabaya sa sarili kabilang na ang pagdudroga, ay ang pagpapakilala ng kanyang Kuya Marco kay Nathalie sa buong pamilya nila bilang misis nito.

Hindi matanggap ni Sebastian na nagpakasal ang kanyang kuya at ex, samantalang wala pang isang taon ang nakakalipas mula noong iwan siya ng huli. Pahamak ang naidulot ng adiksyon sa binata dahil maraming beses na magigising nalang siya sa kung saang lugar. Minsan...

About the Author :

Joined: January 23, 2020 (5 months old)
Writings: 9
Female  ·  Offline
Description:
I write poetry on Wattpad and erotica on FSS.

1997 baby. Cat lover. Loud writer, timid speaker. Frustrated but persevering writer. Full of aspirations yet risk averse. Often playful but quite reluctant. Nice with a touch of attitude.

I'd rather you don't confine me within the limits of your perception about me. I am so much more than what you think I am.
Website: Signature Text:
Sorry, not interested.
8  ·  7  ·  8  ·  3,557
 · 

Comments
S
SilentRead3r
June 3, 2020 (1 month ago)

Please continue... Interesting ang story kasi may love story sya.. Eto mga bet ko na mga story sa site na to eh.. Ty

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
littlekitty
June 3, 2020 (1 month ago)

Salamat po 🤗

Sorry, not interested.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
R
ricocruel
June 3, 2020 (1 month ago)

Mataas ang challenge ng inumpisahan mong kwento ,pumapasok agad sa puso ng kwento, but Kung makukuha mong tamang aura nito Isa itong tatatak sa isip ng tao.
Kuyang traydor ,gf na pinagpalit ,nurse plygirl ,lalaking simpleng mangarap.its between both respect and dedecation.( Two main interesting plot)
Gl ...sana mabigyan mo ng justice Ito .
Ilalagay ko sa bookmark Ito. Tulad ng aguinaldo ,mga tukso sa buhay ni Dan,etc....

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
littlekitty
June 3, 2020 (1 month ago)

The pressure is real haha. But I always tell myself, Go for what makes you grow. Ang mga feedback na gaya nito ay malaki ang maitutulong sa akin. Maraming salamat po. 😇

Sorry, not interested.

Like (0)  ·  Report
P
pilyopenduko
June 3, 2020 (1 month ago)

nice story tuloy mo lung

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
littlekitty
June 3, 2020 (1 month ago)

Thank you 😊

Sorry, not interested.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Dickiesfubu88
June 5, 2020 (1 month ago)

Ganda...update agad hehe!

maginoo pero medyo bastos

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments