M
E
N
U

Continuation...

Tahimik na nag kakape ang magkaibigan habang nag iisip sa mga posibilidad na angulo sa mga nakalap na ebidinsya ni inspector agoncillo, matagal na katahimikan ang nag daan sa mag kaibigan.. Kapwa tahimik habang humihigop ng kape ang bawat isa..

"ano ka pala oras umuwi kagabi rob? Ang basag sa katahimikan na tanung ni Tony kay robin...

Di nakasagot kaagad si robin sa katanungan ni tony.. Nag isip sya nang isasagot sa kaibigan.. Di nya alam kung mag sasabi sya ng totoo sa kaibigan o sadyang mag sisinungaling sya dito dahil halos mag aalasdos na ng umuwi si robin sa kanyang bahay sa mga oras na yun..

Nag isip ng maisasagot si robin habang humihigop ng kape.. Nang mag tanung ulit si tony sa kanya...

"rob?.." ang tanung ulit ni Tony habang nakatingin ito sa kanya..

"mga alas onsi ako umuwi ton.. Natulog kana kasi kaya ipinasok ka nalang namin ni linda sa loob ng kwarto nyo at pag katapos ay umuwi na ako".. Ang salaysay ni robin habang humigop ulit ng kape...

"ahh ganun ba? Talagang bagsak na talaga ako noon wala na talaga akong naalala.. Mahirap talaga pag nalasing ako kasi di ko talaga maalala ang lahat..".. Ang iiling iling na turan ni tony habang humigop ulit ng mainit na kape...

"maiba ako rob pupunta ka ba sa sakahan mo?".. Ang tanung ulit ni tony..

"di muna ako pupunta sa ngayun ton kasi mag lilipat pa kami ng mga gamit ni Angelica sa kabilang bahay..".. Ngayung araw ang lipat namin, sinabi ko na sa kanya yun nakaraan palang ".. Ang turan ni robin na nakatingin kay tony...

" ahh ganun ba? Sige mauna na muna ako rob at akoy pupunta muna sa palayan.."

"ok sige ton".. Salamat ulit sa kape ".. ang turan ni robin sabay ubos ng inum ng natitira nyang kape sa tasa at inabot nya pabalik kay tony ang tasa..

" ayos rob ikaw pa".. Ang nakangiting turan ni tony..

Matapos makaalis ni tony ay pumasok na din si robin sa loob ng bahay...

Pagkapasok nya ay nakita nyang nakaupo si Angelica sa lamisa at nag kakape ito.. Nakatingin ito sa bintana at animoy malalim ang iniisip..

Painagmasdan muna saglit ni robin si Angelica..nabighani nanaman sya ulit sa ganda nito.. Ngunit mahahalata sa mukha ni Angelica na parang may bumabagabag sa kanyang isipan.. Nakitingin ito sa kawalan..

"hindi pweding magagawa iyun ni Angelica..".. Ang bulong ni robin sa kanyang sarili..

Humakbang sya palapit kay Angelica.. Dahan dahan habang nakatingin ito kay Angelica na nakatingin pa din sa bintana ngunit sa malayo ito nakatingin.. Di halos naramdaman ni Angelica ang paglapit ni robin sa kanya...

"magandang umaga Angelica.. Ang lalim ata ng iniisip mo ah.. May problema ba?".. Ang turan ni robin kay Angelica..

Napabalikwas si Angelica at napatingin sa direksyon ni robin kung saan sya nakatayo.. Tila nagulat ito at di naramdaman ang pagdating ni robin sa kanyang tabi.. Di nya napansin na matagal nang nakamasid si robin sa kanya..

"ahh.. Haha.. Wa.. Wala naman rob.. Dyan ka na pala.. Di kita napansin.. Nabighani lang ako sa palayan na natatanaw ko sa labas ng bintana.. Napakaganda tingnan at luntian ito at napaka presko sa mga mata..".. Ang turan ni Angelica na pilit pinapasaya ang mukha para di mahalata ni robin ang kanyang pagkagulat...pilit nyang itinatago ang katotohanan ng kanyang pagkabalisa...

" ahh ganon ba? ".. Oo talagang magandang pagmasdan ang luntiang palayan.. Yan ang maganda dito sa probinsya na di makikita sa syudad.. "ang nakatawang turan din ni robin.. Ngunit pansin nya ang pagkagulat ni Angelica at paputol putol nitong salita..

" ahh nakakape kana ba rob?.. Ipag titimpla kita sandali lang.. ".. Ang turan ni Angelica sabay nya tayo sa pagkakaupo..

" ahh nagkape na ako Angelica.." ang turan ni robin sabay nya hawak sa braso ni Angelica para pigilan ito sa kanyang pag tayo..

Napalingon si Angelica kay robin at nagkasalubong ang kanilang tingin at halos isang dangkal lang ang layo ng kanilang mga mukha..

Nag katitigan silang dalawa.. Mata sa mata.. Halos parang nabato balani si robin habang nakatitig sa mukha ni Angelica... Ganun din si Angelica ay nakatitig din sa mata ni robin at palipat lipat ang tingin sa mata at labi ni robin.. Nabato balani din si Angelica kay robin.. Napagmasdan nya ang gwapong mukha nito.. Di nya maiwasan na di mabighani dito.. Hindi makikita sa mukha ni robin ang pagkahayok sa laman na nakikita nya dito sa tuwing nakikita nya ito na nakikipag lampungan kay Raquel...

Saglit din silang nag katitigang dalawa ng biglang iniwas ni Angelica ang kanyang tingin kay robin at muling umupo pabalik sa lamisa..

Bigla ding inalis ni robin ang kanyang pagkakahawak sa braso ni Angelica at tumabi sa pagkakaupo kay Angelica sa lamisa..

"ahh pasensia pala Angelica.." ang turan ni robin kay Angelica..

"wa.. Wala yun rob..".. Ang nakangiti lang na tugon din ni Angelica kay robin..

---------------------------------------

Sa isang banda ay nakita ni tony na nakaupo sa lamisa si danny habang nag kakape ito..

"oh danny magandang umaga".. Ang bati ni tony kay Danny habang nakangiti itong nakatingin sa kanya..

"magandang umaga din kuya.. Saan ka galing? Ang aga mo yata sa labas ah".. Ang nakangiti ding turan ni Danny habang nakatingin kay tony na umupo din sa lamisa kaharap nya..

"ahh.. Nanggaling ako kina robin doon ako nag kape..".. Doon ako palagi nag kakape kasi nakasanayan ko na na doon mag kape at sabay na din kwentuhan.. ".. Ang turan ni tony ngunit mababakas sa kanyang mukha ang malalim na iniisip dahil sa seryusong mukha nito..

"parang malalim ata yung iniisip mo kuya ah.." ang tanong ni Danny kay Tony dahil nahalata nya ang seryusong mukha nito na tila may iniisip..

"ahh napag usapan lang namin ang napakaagang bisita ni robin na si inspector agoncillo... Ang turan ni tony kay Danny...

Nagulat ng bahagya si Danny sa tinuran ni Tony at nag karoon sya ng interest dito kung bakit bumisita ito ng maaga kay robin.. Gusto nyang malaman kung anong dahilan ng pag bisita nito ng maaga kay robin dahil sa isang banda ay kilala ni Danny si inspector agoncillo...

" si inspector agoncillo?" bakit daw kuya?... Bakit daw bumisita ng maaga kay robin? ".. Ang tanung ulit ni Danny kay tony..

" kilala mo ba si inspector agoncillo? ".. Ang tanung ni Tony kay Danny..

" oo kuya.. May project ako na gusali ng pulisya sa bayan at nakausap ko na si inspector agoncillo dahil sya ang chief inspector doon at naimbitihan nadin nya ako sa birthday ng anak nya kamakailan lang.. ".. Ang tugon ni Danny kay Tony..

" ahh ganun ba? ".." tungkol kasi sa namatay na dalawang trabahanti sa palayan ni robin...

About the Author :

Joined: February 5, 2015 (5 years old)
Writings: 103
Male  ·  Offline
Signature Text:
Sex is art...
5  ·  18  ·  6  ·  2,996
 · 

Comments
O
otkep
June 1, 2020 (1 month ago)

aw nakakalungkot naman na kailangan pa lumipat...

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
blacksun20
June 1, 2020 (1 month ago)

Anong site sir , ganun kailangan pa lumipat?  Inaabangan ko din iong kwento mo sir? Goodluck at salamat sa update stay safe and healthy Godbless

Reply  ·  Like (5)  ·  Report
aaronski
June 1, 2020 (1 month ago)

anong website??

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
R
redphoenix90
June 1, 2020 (1 month ago)

Anong website po sir

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
C
cjeromet
June 1, 2020 (1 month ago)

ano site

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
cutekoza
June 1, 2020 (1 month ago)

anong site po ?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
K
khareem1231
June 1, 2020 (1 month ago)

anong site po?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
K
kantaloy
June 1, 2020 (1 month ago)

Sadiin ta masundan nga website migo....

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
ravedeacon
June 1, 2020 (1 month ago)

anong website otor para ma follpw ko yun story

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
torpilyo
June 1, 2020 (1 month ago)

penge link

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
S
sulpicomandy
June 1, 2020 (1 month ago)

Penge dn po link

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
T
tony4u
June 1, 2020 (1 month ago)

Nice Author pa send po ng Link , thanks po

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
W
Wawaako123
June 2, 2020 (1 month ago)

Link

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
M
Mangraki
June 3, 2020 (1 month ago)

Anong site sir kau lilipat, pahenge po ng link salamat po.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Packz
June 6, 2020 (1 month ago)

Mga kuys penge naman po ng link or website please.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
S
sako23
June 7, 2020 (1 month ago)

Sir...pa share nman ng link. Salamat!!!

Reply  ·  Like (4)  ·  Report
A
avast
June 15, 2020 (24 days ago)

Anong website po

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Z
Zackleynes
June 25, 2020 (13 days ago)

Anong site po sir ?? Maganda po yung kwento .

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments