M
E
N
U

Gift

Posted in
Blog: Tagalog · Categories: Non-Erotic · Tags: , , ,
Date: May 25, 2020 (1 month ago)


This is a work of fiction. This is just a pure product of imagination. Whatever similarities in real life are just mere coincidence and it has nothing to do with the names, places, and events appeared in the story.

----------------

"Honey, hindi ko kaya ang sinasabi mo. Ikaw ang bestfriend niya so dapat ikaw ang magbigay o mag-abot sa kanya."

Nakaupo siya sa aking tabi, patuloy na umiiling iling at nagmamakaawa na bawiin ko ang sinabi ko sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Please, gusto kong ikaw ang mag-abot ng espesyal na regalo ko kay Annabelle. For sure matutuwa yun dahil noon pa man ay kuya na ang turing niya sayo simula ng maging tayo, Albert."

Bigla niyang binawi ang kamay niya na hawak hawak ko at biglang napakunot noo.

"Honey, ano bang nangyayari sayo? Ngayon naman, tinawag mo na ako sa pangalan ko. Di ba napag usapan na natin ito na walang ibang itatawag kundi Honey at hindi natin tatawagin ang isa't isa sa pangalan. At kapag tinawag sa pangalan, ibig sabihin nun, may problemang dapat pag-usapan. Nababaliw ka na ba Honey? Tapatin mo ko. May problema ba? Ano ba kasi ang nakain mo at bakit ito ang pinapagawa mo sa akin?"

Napayuko ako at biglang nagtakip ng mukha. Pinipigilan kong bumuhos ang aking mga luha. Antagal bago nabasag ang katahimikan.

"Pag ginawa mo ang ipinag-uutos ko, papayag na ako sa matagal mo ng inuungot sa akin, ang matikman ang katawan ko, ang mabuntis ako at makapagsimula ng pamilya kahit hindi pa tayo kasal. Alam kong noon pa man ay gustong gusto mo ng magkapamilya pero ako lang itong umaayaw dahil feeling ko, hindi pa tayo handa. Pero ngayon, sige papayag na ako."

Ngumiti siya sa akin, tiningnan mabuti at hinalikan sa aking mga labi.

"Mahal na mahal kita, honey. Alam mo naman kung gaano ako kasidhing magkapamilya na tayo. Pagkagraduate pa lang natin noong kolehiyo, iyan na ang hiniling ko sayo. Pero sabi mo, gusto mo munang mag abroad kahit 3 years para at least may ipon tayo. Huwag kang mag-alala, may matatag naman na akong trabaho bilang engineer sa isang malaking kumpanya."

Ngumiti lang ako sa kanya.

"Gagawin ko ang lahat honey. Ganyan kita kamahal. Maano lang bang ako ang mag-abot ng regalo mo sa bestfriend mo. Sa wakas, magkikita na din kayo. Simula nung dumating ka, hindi ka pa nagpakita sa kanya."

"Oo. Sinadya ko talagang hindi magpakita sa kanya para espesyal yung pagkikita namin sa birthday ng bestfriend ko. Kaya hanggang ngayon, hangga't maaari, puro tawag na lang muna kami. Sabik na din akong makakuwentuhan siya. Tatlong taon kaming di nagkita at malamang kulang ang isang linggo sa dami ng aming pagkukuwentuhan."

-------------

Ilang gabi ding hindi ako nakatulog sa kakaisip. Mahal na mahal ko ang bestfriend ko at ang gusto ko, pinakaespesyal sa lahat ng mga regalo ang regalo ko sa kanya. Kada birthday niya ay hindi ko nakakaligtaang magbigay ng regalo sa kanya kahit pa nasa South Korea pa ako. Kaya ngayon, pinag-isipan kong mabuti ang regalong karapat-dapat sa kanya na walang sino man sa mundong ibabaw ang makakapagbigay kundi ako lang. Ganyan ko kamahal ang bestfriend ko.

-----------------

Apat na araw ang dumaan at isang araw na lang ay birthday na ni Annabelle.

Biglang tumunog ang aking phone. Tinignan ko ito at si bestfriend ang tumatawag. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba o hindi.

Kalauna'y mas pinili ko pa ding sagutin ang kanyang tawag. Kilala ko na si bestfriend. Hindi yan titigil hangga't hindi ko sinasagot.

"Hello beshy, antagal mong sagutin ha. Busy ka na naman ba kay kuya Albert?"

Hindi muna ako sumagot. Nagpakawala muna ako ng buntong hininga at saka sumagot, "Hello beshy, napatawag ka. May problema ba.?

"Grabe ka beshy. Problema agad??? Di ba puwedeng miss na miss na kita kasi di ka pa nagpapakita since nung dumating ka mula South Korea. Feeling ko tuloy, wala akong pasalubong mula sayo."

Ang ingay-ingay sa kabilang linya. Malamang sa malamang ay busy ang mga tao sa kanilang magarbong bahay para sa paghahanda ng kanyang kaarawan. Kada selebrasyon niya ay bumubuhos ang pagkain. Pero netong nakaraang mga birthday niya ay di man lang ako nakadalo gawa ng trabaho ko. Ilang beses akong nagpaalam sa boss ko pero hindi talaga ako mapagbigyan.

"Siyempre may pasalubong ka beshy. Ikaw pa ba eh bestfriend kita. To make it special, si Albert ang mag-aabot sayo habang nagbibigay ako ng speech."

"Oh talaga beshy???? si kuya Albert pa talaga ha??? Parang pinaghandaan mo naman ang pagkikita natin beshy. Pati regalo ko eh, mukhang special pa ha. Ako na yata ang pinakamaswerteng bestfriend sa mundong ito dahil ikaw ang naging bestfriend ko. Lagi mo talaga akong pinasasaya."

Damang-dama ko ang ligaya sa boses ni bestfriend habang nakikinig ako sa kanya. Totoo naman kasi na ako ang bestfriend niya at naging kuya na niya si Albert at ganun din naman si Albert sa kanya na tinuring na siyang nakababatang kapatid. Magkapatid na ang turingan nila simula ng maging kami nung kolehiyo.

Isa na sigurong rason doon ang pagiging unica hija ni bestfriend dahil sa naoperahan sa matris ang mommy niya sa ikalawang pagbubuntis niya at sa kasamaang palad, hindi na siya pwede pang magbuntis muli.

Samantalang si Albert naman, namatay ang mama niya sa panganganak sa kanya. Hindi na din nakapag-asawa ng bago ang papa niya.

"Sige beshy, kailangan ko ng ibaba ang call kasi kailangan na kailangan ako ni mama at ate ngayon. May tinatapos kasi kami dito sa shop para wala ng gagawin bukas at makapunta ako sa birthday mo."

Hindi ko na inantay na sumagot pa si bestfriend. Ayaw kong marinig niya ang paggaralgal ng boses ko.

-------------

Buong gabi kong pinag isipang mabuti ang sasabihin ko sa bestfriend ko. Nagawa ko pang isulat ang mga sasabihin ko ng sa gayon ay hindi ako malito.

Kinabukasan, bandang alas singko pa lang ng hapon ay naghahanda na ako. Nakasuot na sa akin ang black dress na binili ni Albert nung isang araw.

Nakapaglagay na din ako ng pulbos, konting make up at lipstick. Noon pa man ay wala na talaga akong kahilig hilig sa paglalagay ng kung ano-anong kolorete sa aking mukha.

Paikot ikot ako sa harap ng salamin at pansamantalang napatitig ako sa repleksiyon ko. Spaghetti strap ang suot ko at nakalantad ang mapuputi kong hita. Tinernuhan ko gintong kuwintas na may pendant na letrang M. Ito ang regalo sa akin ng ama ko nung ako ay magdebut.

Naalala ko tuloy nung ilang beses din akong kinukuha na maging muse ng koponan namin ng basketball nung high school at college ako pero lahat ng mga iyon ay tinanggihan ko. Halos hindi ko maisip ang sarili ko magsusuot ako ng maiiksing palda o shorts at nakalantad ang pusod habang pumaparada sa school o kalsada pero heto ako ngayon at suot suot ang bestidang itim na animo'y lantad na ang katauhan ko.

Di naglipat minuto ay narinig ko na ang pagtawag ni Albert sa labas. Dali dali kong kinuha ang regalo ko at nagmamadaling lumabas. Dala ni Albert ang sasakyan niya.

"The most beautiful girl in the world is i...

About the Author :

Joined: May 12, 2017 (3 years old)
Writings: 6
Female  ·  Offline
Description:
I am who I am.
Signature Text:
I don't believe in second chances.
7  ·  19  ·  6  ·  1,401
 · 

Comments
Choobs
May 25, 2020 (1 month ago)

That last part *shocks in disbelief. Na hhook na ako sa mga emotional stories lately ewan ko ba lalaki naman ako hahaha. Salamat otor

Dream is not something you see while you sleep, it is something that doesn't let you sleep

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
angel.in.distress
May 25, 2020 (1 month ago)

thank you.. Mostly ng mga stories na nasa drafts ko are in the emotional side.

I don't believe in second chances.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Jhon_eyecatcher
May 25, 2020 (1 month ago)

Awts Ang sakit para sa isang lalaki na ipamigay siya Ng babaeng pinakaka mamahal Niya sa best friend pa....ramdam ko agad na iyun Ang regalo eh pero ok Ang pag kaka sulat para sakin nakulangan ako bakit Niya nagawa un Hindi nasabi Ang malalim na dahilan......

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
angel.in.distress
May 25, 2020 (1 month ago)

ay sorry kung medyo hindi ko nakiha ung target konh implied ang ending.

I don't believe in second chances.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
hannahsexy
May 27, 2020 (1 month ago)

nagkaroon ng relasyon si bf at bestfriend niya nung wala siya..sila ay mga takssiiiillllll!!!!!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
crisostomo.5678
June 3, 2020 (1 month ago)

Ang boyfriend ko ay boyfriend mo rin pag wala ako...means dalawa silang tinuhog at nagpaubaya na yong isa...

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
louie_14
May 25, 2020 (1 month ago)

emotional ang dating nya pero di ko maintindihan how she came with that decision, and if he even ask the guy about it. kase prang dating nyan pinahiya nya un friend nya n lumabas n mangaagaw pa un friend nya..

just always do the right thing in a right way,

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Jhon_eyecatcher
May 25, 2020 (1 month ago)

Tama un Rin hinahanap ko eh

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Triple_777
May 25, 2020 (1 month ago)

Nice one 👍 nasa huling linya ang twist...

kudos Ms Angel
More stories👍

Never cheat on someone that is good to you. Karma is a bitch.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
LeonAguila
May 25, 2020 (1 month ago)

Anyare?!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Bebeko
May 25, 2020 (1 month ago)

"Ang boyfriend ko ay boyfriend mo din pag wala ako." Yun na yon.

"Freedom is absolutely necessary for the progress in science and the liberal arts." - Baruch Spinoza

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Danelle
May 25, 2020 (1 month ago)

Woah!

Art is never finished, only abandoned. - Leonardo da Vinci

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Danelle
May 25, 2020 (1 month ago)

Please don't let this end here. Maganda ang character build-up. I would love to see how they will move along.

Art is never finished, only abandoned. - Leonardo da Vinci

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
M
Mr.M
May 25, 2020 (1 month ago)

Mukhang noong nasa South Korea si bida e kumaliwa ang magaling na BF sa kaniyang BFF....😐Sigh...What a good and better way to end a relationship with a childhood friend and a jerk for a boyfriend.Nice build up author;you get the reader's full attention from the very start.

Married yet related to many who try to

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
angel.in.distress
May 25, 2020 (1 month ago)

medyo kulang pa daw

I don't believe in second chances.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
gentlemanyak
May 26, 2020 (1 month ago)

well done.. masigabong palakpakan.. straight to the point yung twist ng story.. well written and emotionally engaging..

ang moral ng story, huwag mag abroad, pag haliparot si besprend and babaero si boyprend.. haha..

thank you author..

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
E
EgoXentricc
June 1, 2020 (1 month ago)

Una kong nabasa yung 3 yrs old... Mahilig ka po sa plot twist.
Hhmmm.... Maganda yung kwento, pagkakakwento, at twist. Pero hindi ko alam, parang bitin. Pero keep it up. I know you will get better.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Stibayan
June 2, 2020 (1 month ago)

Shiit.. Lalaki ako pero bkit naiiyak ako dito? Hayys.. Galing mo otor👏👏👏

Ttbayan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
katsuisai
June 17, 2020 (26 days ago)

got some hints middle of the story. well delivered.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments