You Are Trouble Part 2

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Romance · Tags:
Date: October 13, 2019 (1 month ago)


Kapag tinamaan ka nga naman talaga ng malas..

Yan ang sabi ko sa sarile ko habang nakaharap sa salamin ng c.r..napilitan ako pumunta sa c.r di para umihi or mag gebs..nandito ako para pakalmahin ang sarile ko.

"Baliw na babae yun sinu ba yun bakit ganun kalaki ang galit nya sakin" tanung ko sa sarile ko

After mag hilamos para bumalik ang kulay ng muka ko at kahit papanu ma wash away ang hiya..lumabas na ako ng c.r. at bamalik sa loob ng simbahan..

Pag balik ko tapos na ang kasal malamang walang tumutol, ayos na din siguro na di ko nakita na ng i do sila sa isat isa baka mag hagulgul pa ako ng iyak duon sa loob..masaya na din ako para kay anna atleast natupad na ang pangarap nya..

At marahil eh nag bago na din ang mapapangasawa nya..sana nga para di na sya nasasaktan..

Pag pasok ko sa simbahan naabutan ko nalang na palabas na ang ikakasal at sinsabuyan n sila ng bigas habang lumalabas ng simbahan..(pampaswerte siguro yun)

san ba nakakakuha ng bigas at isasabuy ko sa babaeng katabi ko kanina para mawala na ang malas sa buhay ko..

Naalala ko na naman ang babae na yun nasan na kaya ang babaita na yun..

"bakit ko ba sya hinahanap"sabi ko sa sarile ko

para na rin makaiwas sa kanya. kelangan lumayo ako sa babaing yun.

Habang nakatingin ako sa pag labas ng ikakasal sa simbahan,dahan dahan narin naluwag ang damdamin ko.masaya na si anna. panahon na siguro para maging masaya na din ako..at ang unang right move para maka move on ay umalis na sa simbahan na to at di na umattend ng reception nila..

Tumalikod na ako at humakbang palayo patungo sa isang pinto ng simbahan ng biglang may humawak sa likod ko,para pigilan ako makalayo..

"Lord please wag sya please ilayo mo ko sa sumpa at dilobyo sa araw na to please, wag sana yung baliw na babae kanina"sabi ko sa isip ko

Dahan dahan ako lumingon..

Mark: Pare long time no see kamusta kana..

"Uy pre kaw pala yan.ok lng pre."sabi ko

Mark: laki ng pinag bago mo pare ah di kana payatot at macho kana..

"Oo eh epekto ng tamang kain at tamang tulog pati gym ikaw din laki ng pinag bago mo"(nakatingin ako sa tiyan nya ilan buwan na yang dinadala mo pare?)

isa sya sa mga tinatawag nila na hunk nung collage sa batch nmin at marami talaga nag kakandarapa sa mokong na to..
Isa si mark sa mga malalapit na kaybigan ko dati maliban kay anna at jane..

Halos lahat sila iniwasan ko after ng pang babasted sakin ni anna..marahil di maganda ang disiyon na ginawa ko na lumayo at iwasan sila lahat pero yun ang inaakala ko na pinaka madaling way para maka move on.

Mark: pre anjan sila nikko at lance..tara sabay sabay na tayo pumunta sa reception para makapag bonding naman tayo.

"Ah balak ko na sana umuwi na eh"sabi ko

Mark: bakit naman pre masakit parin tyan mo?

Amputa talaga.akala siguro lahat ng tao kanina natatae ako..

Nikko: uy!!! Brad kaw pala yan!!

Bati sakin ni nikko(naku mukang mahihirapan ako makaalis nito)kasunudan nya ang isa pang kulokuy na si lance

Lance: pre kamusta ang tiyan mo nailabas mo ba lahat?

Nikko: kaya pala may naamoy ako kanina ikaw pala yun?

Mark: gusto mo diatabs?

Sunod sunod na tanung ng mga kolokoy..ganito talaga kami pag nag sama sama hindi matatapos ang araw ng walang napag tritripan at sa araw na to ako yun.(kasalanan to ng babae na yun)

"Oo eh nailabas ko na nakalimutan ko nga mag hugas ng kamay eh."sabi ko sabay pakita ng kamay ko na kinamayan nila kanina..

Nag katinginan sila at sabay sabay inamoy ang kamay nila..

Mark: gago ka talaga..(sabay tawa nya ng malakas)

nikko: ayos kompleto na nman ang strawhat pirate!!!

Strawhat ang tawag namin sa grupo namin. Nag kapalagayan kami ng loob ng malaman namin na meron kami iisang common interest (maliban sa panunuod ng bold at scandal) ay yun ang panunuod ng one piece.grupo ng mga pirate sa anime at ang pangalan ng grupo nila straw hat pirate.. kaya pag nag gagala kami or mag kakasama palagi nmin sinasabi kompleto na ang straw hat..

Sabay sabay kami ng punta sa reception,sumakay nalang kami lahat sa suv ni lance kasi sya lng ang may dalang kotse nuon.. habang nabyahe kwentuhan. Asaran at tawanan.

Nakarating kami sa reception area.. isang venue sa hotel hall.. maganda ang paligid gaya ng sa simbahan light pink ang kulay ng paligid.. sa pahabang hallway nasa dulo ang mahabang table kung saan naka pwesto ang bagong kasal at immediate family nila..nakaharap sila sa table ng mga guest.sa taas ng bawat table may nakasabit na chandeliers.pero sa gitna ng mga table ng guest may malawak na space para makasayaw ang mga guest.at sa dulo ng hallway may make shift stage na nkalagay 1ft ang taas mula sa sahig..may mga music instruments din na nakalagay malamang may live band na kakanta.. masasabi talaga na pinag handaan ang venue na to..

Lahat ng tao masaya sa celebration. Puno ng pag mamahal ang buong lugar. Kung may isang tao na malungkot dito sigurado ako un..

Sabay sabay kami mag kakabarkada pumasok sa hall at pumesto kami sa bandang bungad,malapit sa pwesto ng bagong kasal..

Nag umpisa na ang event nagsalita ang mga malalapit na kamag anak ng bride at grooms.nag sabi ng mga sweet msg para sa bagong kasal..

Naging abala naman ang mga kasama ko sa pag hahanap ng magagandang chicks halos lahat yata ng babae sa lugar na to. Di nman ako makasabay sa kanila kasi nakatuon lng ang atensyon ko sa mga bagong kasal pati narin sa nag bibigay ng message.

Hanggang sa natapos na ang lahat sa pag bibigay ng message ngayon oras na para ang groom nman ang bigay ng message para sa wife..

Ungoy:(di nya tunay na pangalan.sadyang iniba ng author ang pangalan para sa ikakabuti ng nakakarami.) Anna Alam ko marami na tayo pinag daan away bati pero eto parin tayo. We made it honey. Salamat sa paulit ulit mo na pag papatawad sakin. At sa walang sawa mo pag mamahal.. simula sa araw na to pinapangako ko na di kana iiyak pa..patuloy kita mamahalin hanggang sa pag tanda natin..

Palakpakan ang mga tao.. parang bilib na bilib sila lahat sa sinabi ng bakulaw na to.. kung tatakbong politicians to mananalo tong kumag na to.. nasa kanya ang dalawang basehan ng tipical na politician ang pagiging mang gagamit at pagiging manloloko..

Nag tama ang mga mata namin ni anna kung may tao dito na lubos na nakakaalam kung anu angpinag daanan nya sa piling ng kumag na to ako yun.. kita ko parin sa mga mata nya ang saya.marahil nag bago na nga ang napangasawa nya.. or patuloy parin sya umaasa at kumakapit sa idea na na mag karon ng masayang pamilya kasama ng ungoy nya na asawa..

Inabot na ng asawa nya ang mike kay anna..

Anna: honey.. no words can tell how much i love you.. simula nuon hanggang ngayon sayo lng ang puso ko.patuloy kita mamahalin at aalagaan. Mahal na mahal kita honey..

Part ng utak ko ang ng sasabi na maging aware ako sa surrounding, baka di ko mamalayan eh sumulpot na nman ang baliw na babae kanina sa simbahan..pero kung tutuusin maganda ang babaeng yun. Mala angel na ngite. Napaka amo ng muka.. petite na babae. At pansin ko rin kanina sa suot nya meron syang malusog na hinaharap.baliw nga lang..kung may boyfriend man ang babae na yun sigurado kawawa ang lalaki or pareho sila may sapak sa ulo..

habang abala ako sa pag iisip ang mga kasama kung kolokoy ay abala nman sa pag huhunting ng mga chicks,,daig pa nila ang mga professor namin school dati kung makapag rate ng grado,, kanya kanaya sila hanap sabay gagradedan ng 1 to 10..

bigla tinapik ako ni mark.

"pare anu palagay mo sa chicks na yun"sabay nguso nya sa babae na nakaupo sa katabing table.

agad ko nilingon ang babae at sa di sinasadyang pag kakataon nag tama mata namin..

nakita ko na nman ang mala angel na ngiti na yun,, ang babaeng ng lagay sakin
lubos na kahihiyan kanina..

at kumaway pa ang bruha na parang wala sya ginawang kasalaan sakin kanina..

"ang walang hiya mababawian din kita"sabi ko sa isip ko..

natapos na ang pag bibigay nila ng message sa bagong kasal at ng umpisa na kumain lahat ng bisita,, at ng mga busog na ay kanya kanya na kamustahan nameet ko narin ang iba namin kaklase dati at lahat sila nagulat sa pinagbago ng itsura at katawan ko..

habang abala kami ng kkwentuhan mag babarkada bigla nalang may tumapik sa likod ko,,sabay sabay kami napalingon.

"tropa musta?"

"tropahin mo muka mo.."sabi ko sa isip ko..

"pre may kaybigan ka pala magandang binibini di mo manlang pinakilala samin"sabi nman ni mark..

"di ko nga kilala yan at wag kayo maniwala jan baliw yan"sasabihin ko pa sana ng unahan ako ng baliw na babae na to

"Lyn guys glad to meet you all"

ah Lyn pala ang pangalan nya..pero di ko parin sya maalala,,

"ako ung tumulong kanina kay richard sa simbahn"...dadag pa nito

"may sapak talaga ang babae na to tumulong daw eh pinahiya mo ako."sa isip ko

"natatae na kasi sya ayaw pa nya sabihin"dadagdag pa nya

tawanan na naman ang mga kulokoy sa sinabi ni Lyn...

masaya nman ang takbo ng usapan nakatayo kami lahat habang may hawak hawak na red wine at sa hindi ko mapaliwanag na dahilan eh si Lyn ay hindi na umalis sa tabi ko pati pag kuha ko ng baso ko ay nakasunod sya.. mistula tuloy na sya ang ka date ko ng araw na yun.. ayos na rin kasi nawawala ang atensyon ko kay anna sa kakulitan ni Lyn para syang bata kung mag isip sasabihin nya lahat ng gusto nya sabihin ng hindi muna pinag iisipan ..

nakatayo kami lahat abala sa kwentuhan ng bigla may narinig akong pinung tunog..

"amputa may umutot"sabi ko sa isip ko..

napatingin ako sa direksyon ni lyn alam ko sya yun kasi namula ang muka nya ng tumingin sya sakin..

kumislap ang mga mata ko pakiramdam ko bumalik na ang swerte sakin oras na para makagante ako sayo..

nag katinginan ang tropa marahil naamoy na nila ang utot..

"amputa may umutot pre"

"ambaho parang patay n daga na tinapon sa imbornal"sabi nman ng isa

lalo kumislap ang mata ko nakangiti na akung nakatingin kay Lyn..

ang mga mata nya parang ng sasabi na wag ko sabihin,pero buo na ang loob ko..akin ang moment na to.. this is my super revenge sayo...

"umutot ka no?ikaw yung umutot diba?" pagkalakas lakas na boses nakaturo pa sakin ang mga dalire nya..

amputragis naunahan ako......ang tindi mo din ateng ikaw umutot tas ibinitang mo sakin. ako na walang malay at walang kamuwang muwang sa pasabog mo,, kung tutuusin ako ang biktima dito..ngayon ako pa ang nadiin,,

ding.. ding. ding.. ding..

(lesson learn mga tagasubaybay after nyo umutot mag turo kayo ng kahit na sinu sa katabi nyo, 100 percent magugulat ang tinuro nyo at di na makakapag salita. isang matinding palusot para sa mabahong utot)

ding.. ding.. ding.. ding..

at yun nga nag ng yari sakin..walang lumabas na na kataga sa bibig ko na kahit pag iling di ko nagawa,,, hindi ko iniexpect ang ganun senaryo.ang plano ko pag hihigante ay sakin ng yari..

ding.. ding.. ding. ding.....

(lesson learn mga taga subaybay karma is real at digital pa..minsan di mo pa ginagawa eh kinakarma ka na..)

ding.. ding.. ding.. ding.....

"halika na nga samahan na kita sa c.r sumama na naman ang tiyan mo.." sabay hatak sakin ni lyn

hawak hawak nya ang kamay ko hila hila ako papasok sa alleway kung saan andun ang c.r ng lalake at babae..

ng makarating na kami parang naluging instik ang itsura nya.. ng makita nya ang haba ng pila sa c.r ng mga babae..

at sa tingin ko sa kanya parang di na sya aabot. hawak hawak ang tiyan at nagpapawis ang nuo nya,,

"hahahahaha na karma karin!!!!" tawa ko sa isip ko..

sisipol sipol pa ako bumitaw sa kanya at nag tungo sa c.r ng lalake na walang katao tao..ng matapos ako umihi nabutan ko parin sya nakapila halos hindi manlang umusad ang pila nya..

hindi ko alam kung maawa ako or matatawa sa intsura nya nakasandal na sya sa pader nakapikit ang mata parang na nag dadasal na wag bumagsak ang pinipigilan nyang gebs..

dadaanan ko nlang sana sya at babalik na ako sa mga barkada ko kaso biglang umiral naman ang pag ka gentleman ko..

dahan dahan ko sya nilapitan humarap sa kanya nakapikit parin sya..

"gusto mo ng tulong?"tanung ko..

"panu?" balik nya sakin..

hinatak ko ang kamay nya at tinuro ko ang c.r namin mga lalake..

nanlaki ang mata nya sabay mabilis na iling..

"ayaw ko baka mabastos ako jan!!"takot nyang sabi sakin..

"ay ateng walang mang mamanyak sayo dun di ka kaakit akit haha!"pang aasar ko

"wag na nga dito nilang ako" inis nyang sabi..

hinatak ko na ang kamay nya..paalis sa pila nila, nag paubaya na sya sabay abot ko sa kanya ng puti kung panyo..

"anu gagawin ko dito?" inosente nyan tanung..

"icover mo sa mata mo anu pa ba, wag mo gagawing tissue yan ah," sabi ko..

"ha bakit bakit ko pa kelangan mag cover?"tanung nya uli..

"syempre malay ko ba kung manilip ka!" pang aasar ko..

"hoy ang kapal ng muka mo anu sisilipin ko sa inyo itsura mo yan.."
sabi nman nya..

"itsura ko mukang model!" pag mamalaki ko..sabay pakita pa sa kanya ng musscle ko..

"model ng ataul.. akin na nga yan susuot ko na.. alalayan mo ko baka maumpog ako dun!" sabi nya..

"opkurs opkurs lika na,, mukang lalabas na yan eh,"tawa ko sa kanya

"ok diretsyo lang diretsyo hawak hawak ko ang balikat nya..sya namn nakahawak sa piring nya.."

"oh takpan mo mabuti baka naninilip ka ah"pang aasar ko sa kanya.

"eto na nga oh di mo ba nakikita nakatakip pa ang kamay ko.." sabi nya..

dahan dahan kmi nag lakad hanggang makapasok na kami sa c.r ng mga lalaki at
hawak hawak ko padin ang balikat nya ng napadaan kami sa tapat ng salamin napatingin ako sa repleksyon ko tiningnan ko ang sarile ko sinuklay ang buhok gamit ang mga kamay ko.

nagulat nalang ako ng may marinig ako...

BAG.!!!

"Aray!!!! ang sakit!!"

nakita ko si lyn na hawak hawak ang noo nya.. nauntog pala sya sa cubicle ng c.r..

"buset kang lalaki ka sabi ko sayo iguide mo ako eh."pag mamataktol nya..

matatawa sana ako ng malakas pero nakita ko reaksyon nya mukang nasaktan talaga sya..
wala sa isip ko na lumapit sa kanya hinawakan ko ang ulo nya..inalis ko ang dalawang kamay nya na nakacover sa noo nya..

masuyo ko hinalikan ang namumula nyang noo,,

"sorry.. sorry di ko sinasadya..sorry sorry.."sabay dampi uli ng pinong halik...
nakatayo lang sya parang nagulat yata sa ginawa kung pag halik sa noo nya.. napansin ko pa sa pisngi nya ang pamumula...

muawwww..

isa pa uling halik ang lumapat sa noo nya.. sabay tingin ko uli sa kanya ngayon ay nakangiti na sya di ko makita ang mata nya pero sa labi nya nakita ko na nakangiti na sya..

kinikilig ba to sa ginawa ko?,,

dahan dahan nya inangat ang kamay nya para iangat ang piring nya lumingon sya sa paligid hinahanap nya siguro kung may tao.. ng napansin nya na walang tao sa loob ng c.r...inabot nya ang dalawa ko kamay at ngumiti ng pag kaakit akit..dinilaan pa nya ang mga labi nya..

sabay hila sa dalawa kung kamay palibot sa baywang nya,,

ng halos magkadikit na ang katawan tumingin sya sa mga mata ko lumaban din ako ng titigan..bahala na kung saan mapunta to..bahala na si batman...unti unti na ako ng iinit sa posisyon namin..

ng biglang...

RAPE!!!!!!!!........

pag kalakas lakas na sigaw ng baliw na babae na to...

ang putragis di ko malaman kung anu gagawin ko.di ko alam kung mag tatago ako sa loob ng c.r or tatakbo palabas.. putragis nag magandang loob na nga ako makukulong pa yata ako..

ang mga babae sa labas ng c.r eh sumilip na sa loob ng c.r namin..

"JOKE LANG!!!!"""........

bigla na nman nya sigaw ng napansin nya na may mga babae na sa pinto na nakasilip ,,

"badboy.. badboy... wait mo ko dito ah jan kalang.." nakatingkayad pa syang tapik tapik ang ulo ko na parang pag papa amo sa alagang aso,,
ngingiti ngiti sya na pumasok sa c.r...
naiwan ako nakatayo sa tapat ng pinto.. hinintay sya lumabas.

ng matapos na sya nakapikit nya binukksan ang pinto..inabot nya ang isang kamay nya sakin hinawa...

About the Author :

H

Joined: April 29, 2018 (1 year old)
Writings: 5
Send PM  ·  Male  ·  Offline

Suggested writings:

3  ·  13  ·  5  ·  2,935
 · 

Comments
J
Jerry_Dela_Torre
October 13, 2019 (1 month ago)

Ahem ahem

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
H
Hot2handle2
October 13, 2019 (1 month ago)

Salamat po sa pag basa

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
bad_denden
October 13, 2019 (1 month ago)

Looking forward to your story sir author

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
H
Hot2handle2
October 16, 2019 (1 month ago)

Salamat po sir sa pag subaybay.enjoy reading po

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
J
jero1978
October 13, 2019 (1 month ago)

Update boss author ganda ee Lodi

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
H
Hot2handle2
October 16, 2019 (1 month ago)

Opo sir susundan ko po kagad.. Salamat po

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
ronaldpestose
October 13, 2019 (1 month ago)

Wow..... na wow... next na po... ganda ng gawa mo.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
H
Hot2handle2
October 16, 2019 (1 month ago)

Salamat po uli.. Sundan ko po kagad

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
J
jhnenacz21
October 13, 2019 (1 month ago)

Up up up nxt chapter

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
H
Hot2handle2
October 16, 2019 (1 month ago)

Sge po sir sundan ko kagad.salamat po

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
P
Palaka69
October 14, 2019 (1 month ago)

Kinikilig ako! Ahaha next po ­čśé

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
H
Hot2handle2
October 16, 2019 (1 month ago)

Good to hear n kinilig po kau..salamat po uli

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
C
chords21
October 24, 2019 (26 days ago)

Kelan po ang susunod na chapter? Can't wait

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
Recent Comments