Project's Done 3

Posted in
Story: Fiction, Taglish · Categories: Romance · Tags:
Date: May 29, 2019 (2 months ago)


Cath's POV....

Nabigla kaming lahat ng magkatinginan. Kitang kita sa mukha ng magkapatid ang kaba na nakita namin kung anuman ang ginawa nila ngunit ang ikinabigla ko ay ang lalaking papalapit sa kanilang dalawa. Hindi din naman ito pulis at mukhang hindi pa mapagkakatiwalaan. Nakita din ito ng magkapatid kung kaya naman mabilis silang tumakbo papunta sa aming kinaroroonan.

"Boss, baka naman pwedeng ma arbor ang dalawang babae na nagshow dito kani-kanina lang." sabi ng lalaki sa amin.

"Sir, pwede bang malaman kung sino po kayo?" sagot naman ni Brent.

"Hindi na mahalaga yun, mukhang masarap kasi ang dalawang yun kanina kaya arborin ko sana."

"Hindi ko din po sila maibibigay at baka ano pa mangyari sa kanila."

"Kung hindi mo sila ibibigay, ibig sabihin lang nun kailangan muna kitang iligpit."

Nilingon ko ang dalawa at.....

"Tawag kayo ng tulong." sabi ko.

Sabay umalis ang dalawa upang humingi ng tulong.

Naglabas ng kutsilyo ang lalaki at sinimulang sugurin si Brent. Nagkabanggaan ang dalawa at nagkaagawan ng kutsilyo.

"Arrrrgggghhhh, arrrggghhh."

Nakita kong bumagsak si Brent, hawak2 ang duguang parte ng katawan nito. Pagkakita sa nangyari ay tumakbo ang lalaki. Saka din ang pagdating ng tulong.

"Brent, brent. Wag kang bumitaw brent. Huhuhu Andito na ang tulong." naiiyak kong sabi ky Brent.

Nakita ko ang pagkawala ng ulirat ni Brent. At saka siya kinarga ng mga tumulong upang maisugod agad sa hospital.

"Sino po ang kakilala ng biktima?" tanong ng nurse.

"Ako po, matalik niya pong kaibigan. Natawagan ko narin po ang mga magulang niya." sagot ko.

"Ano po ang nangyari dito?"

"Nasaksak po siya ng isang lalaking nagtangkang abusuhin ang dalawang babaeng kasama ko ngayon."

"Sige po, pakisabi nalang po ang lahat ng nangyari mamaya sa imbestigasyon."

"Sige po, please po gawin niyo lahat para maisalba ang buhay niya."

"Sige po kung maari ay maghintay nalang po muna kayo dito. Salamat."

Nagsimulang gamutin si Brent at ako naman ay kinuhanan ng statement maging ang dalawang babaeng kasama namin. Dito ay nilahad namin ang nangyari at ang kabayanihang nagawa ni Brent na nagsadlak sa kanya sa sitwasyon niya ngayon.

Natapos ang operasyon at masaya kaming lahat na nakaligtas siya ngunit hindi sigurado ang doktor kung kailan siya magigising. Matiyaga kaming nagbantay sa pag gising niya maging ang magkapatid ay panay din ang dalaw sa amin sa hospital.

Brent's POV....

Nagkatitigan kami dahilan upang malaman ng magkapatid na pinapanood namin sila. Ang ikinabigla namin ay ang lalaking lumabas mula sa kabilang dulo ng eskinita. Hindi ito katiwa tiwala at mukhang addict. Hiniling nito ang dalawang dalaga na siya namang pinalagan ko kung kaya naman nag-agawan kami ng kutsilyo hanggang sa malaman ko na dadalhin na ako sa hospital at naging blanko na ang paningin ko.

Nagising ako na magkausap si Cath at ang magkapatid na nakita namin sa eskinita. Hindi ko man marinig masyado pero alam kong importante ang kanilang napag uusapan.

"Pwede kana daw lumabas bukas."

"Mabuti naman at para bang madadagdagan sakit ko dito."

"Masamang damo ka yata ee."

"Hindi naman sinuwerte lang din siguro."

Kinaumagahan ay naghanda na kami para sa aking paglabas. Nagligpit sila ng gamot at saka kami umuwi. Sa ngayon ay patuloy ang pagpapahinga ko sa bahay kung kaya naman minabuti ko ng mag leave muna ng 2 buwan para sa aking pagpapagaling na siya namang pinayagan ng kompanya. Kaya naman inindorso ko ang mga natirang gawain sa project doon sa aking head.

Nagsimula naring mag review si Cath kung kaya naman naiiwan ako sa bahay minsan lalo na kapag wala sina Inay at Itay upang asikasuhin ang munti naming negosyo. Kaya naman pinilit ko ring gumawa ng gawaing bahay upang hindi rin ako manghina. Isang tanghali habang abala ako sa paghahanda ng pagkain ko ay dumating ang nakakatandang kapatid na natulungan namin upang bumisita. Regular silang dumadalaw magmula noong mailigtas ko sila sa panganib.

"Kumusta kana kuya Brent?" tanong nito.

"Okay narin naman......... " sagot ko.

"Oh, Jennifer po pala kuya. Mabuti naman po kung ganun. May dala nga pala akong makakain."

"Maraming salamat, pasok ka muna at ihahanda ko lang to upang mapagsaluhan natin."

Pumasok na nga siya at doon ko napagmasdang maigi ang ganda niya. Litaw ito sa suot na shorts at fitted shirt. Diretso ako sa kusina upang ihanda ang makakain namin.

"Halika kana Jen at kumain tayo. Pagsaluhan natin tong dala mo."

"Ikaw lang ba ang andito ngayon kuya?"

"Parang ganun na nga, may kanya kanyang lakad sila ee."

"Kaya mo na rin ba kuya? Patingin nga ako."

Tiningnan nga niya ang sugat ko.

"Kailangan na palang mapalitan ang dressing kuya para narin malinis. Hayaan mong ako na magpalit at nurse po ako kaya nasa mabuting kamay kayo."

"Sige ba, salamat."

Habang nililinis niya ang sugat ay nagkakwentuhan kami.

"Kumusta naman po yung nakababatang kapatid mo?"

"Si Cath ba, hindi ko kapatid yun. Si Cath ay ang babaeng nililigawan ko at dito siya nakatira ngayon para makatipid sa kanyang review."

"Akala ko po kapatid niyo, kuya ha. Mahilig din sa magagandang dalaga."

"Hindi naman sa ganun, mabait din kasi si Cath at may pangarap sa buhay. Ikaw ba may asawa na?"

"Yes kuya, nasa US na siya naka base kaya naman hinihintay ko lang na matapos niyang ma proseso papeles namin. "

"Oh ganun ba? Matagal na kayong nasa LDR?"

"Ganun na nga po, naiwan lamang kami ng anak namin dito."

Natapos na niyang linisin ang aking sugat. At naupo muna kami sa sala upang makapag kwentuhan habang nanonood ng tv.

"Kuya, maraming salamat nga po pala sa pagligtas mo samin ha. Di po talaga namin alam kung paano man lang makakabawi sayo."

"Ee dba sinagot niyo naman ang pagpapagamot ko, yun lang po ay sapat narin naman."

"Kasi kuya, nagbuwis ka po talaga ng buhay mo."

"Kahit sino naman siguro gagawin yun, bakit nga ba kasi doon niyo pa yun ginawa?"

"Nakakahiya man po kuya, masarap kasi ang dulot ng pangamba na may makakita sa inyo."

"Kaya nag explore kayong magkapatid?"

"Ganun na nga po. Kaya mo na kaya kuya?"

"Ang alin?"

"Ang susunod na gagawin ko sayo."

"Wag mong gawin yang nasa isip mo at baka magkagulo pag nahuli tayo."

"Yun nga ang masarap kuya, ang takot na mahuli tayo....

About the Author :

S

Joined: December 27, 2018 (7 months old)
Writings: 34
Send PM  ·  Male  ·  Offline
Description:
Newbie, just wanted to gain friends.

Suggested writings:

1  ·  0  ·  1  ·  5,325
 · 

Add New Comment
Recent Comments