Irresistible - II

Posted in
Story: Fiction, Taglish · Categories: Exhibitionist and Voyeur, Taboo, Reluctance · Tags: , ,
Date: March 24, 2019 (6 months ago)


Nangangatal ang buong katawan ko nang makita ang resulta sa baraha... Hindi pa rin ako makapaniwala na ang kahuli-huling isang daang piso sa loob ng wallet ko'y mauupos sa unang taya pa lamang!

"Oh 'yung mga talunan d'yan at wala nang pantaya umuwi na oh! Bigyan n'yo ng pwesto 'yong mga tataya pa," may himig ng pang-aasar na sinabi ng bangkero. Pakiramdam ko ay ako ang tinutukoy ng kupal na 'yon!

"Kasalanan 'to ni Linda, simula nang ikasal kami ay naging sunod-sunod na ang pagkatalo ko!" bulong ko habang nanggagalaiti sa galit.

Dapat kasi ay naligo muna ako bago nagsugal para nahugasan paalis ng katawan ko ang libag at malas galing kay Linda! Siya talaga ang peste sa buhay ko!

Masama ang loob kong tumalikod sa saklaan at mabigat ang hakbang na naglakad palayo. Bitin na bitin pa ako sa pagtaya, para akong batang inawat agad sa paglalaro! Para makataya ulit ay desperado kong kinapa ang lahat ng bulsa ko, pawisan kong hinalughog ang bag ko... sa kasamaang palad ay 'ni piso'y wala akong nakita!

Kahit pambili ng yosi ay wala nang natira sa akin!

Habang naglalakad ako ng hindi alam ang patutunguhan ay kung anu-anong pagkakaperahan ang pumapasok sa utak ko. "Ano kaya ang maibebenta sa bahay? Maghahalughog ako sa cabinet ni Linda! Baka may ilang alahas pa s'ya 'don na pwedeng isangla. Kung pwede lang na si Linda ang ibenta ng por kilo ay ginawa ko na!"

"Ibebenta ko na rin ang TV at ref kay Pareng Tolits bukas. Kailangan kong makalikom ng pera para makapusta ulit. Kailangang mabawi ko lahat ng lugi ko sa sabong..."

Dumadagundong ang tibok ng puso ko. Nararamdaman kong bumibilis ang aking paghinga. Hindi ko alam, pero sabik na sabik na akong umuwi para maghanap ng pwedeng ibenta. Alam kong sa pagkakataong ito ay makakabawi na ako, mananalo na ako ng sunod-sunod! 'Pag nangyari 'yon ay sasampalin ko ng pera ang pagmumukha ni Linda at palalayasin ko na s'ya.

Malalim ang pagpapantasya ko nang biglang may tumapik sa balikat ko... Lumingon ako para tignan kung sino iyon at nagsalubong ang kilay ko nang makita ang tatlong lalaki na hindi ko mamukhaan. Tila mga bagong laya sa Bilibid ang itsura nila, mga mukha na 'di pahuhuli ng buhay.

Kahit na dayo lang ay maangas ang dating nila, nakangisi, mayabang ang paghithit-buga ng yosi at mababa ang tingin sa'kin. Mukhang 'di nila alam na kilalang siga rin ako dito sa lugar namin! Ayoko pa naman sa lahat ay minamaliit ako lalo na ng dayo lang!

"Bossing, baka pwedeng magtanong?" tanong ng bigotilyong nakahawak pa rin sa balikat ko. Akala n'ya yata ay close kami.

"Nagtatanong ka na 'di ba?" pilosopo akong tugon sa maangas at pagalit na tono. Dala na rin siguro ng kawalan ng pera at pagkabitin sa sugal kaya sobrang init ng ulo ko. Kulang na lang ay maging dragon ako at magbuga ng apoy.

"Eh? Oo nga pala. Ginyus ka rin ano boss?" sarkastikong tugon ni bigote. "Magtatanong ulit ako ha, kilala mo ba si Mr. Oliver Gomez?"

"Ako 'yon," pagalit kong tugon. "Bakit ano'ng kaila---"

Bago ko matapos ang sinasabi ko ay isang matulis na suntok ang mabilis na dumapo sa sikmura ko!

Nagdilim ang paningin ko kasabay ang pagsulak ng hapdi at sakit na dumadaloy sa buong katawan ko... Namalayan ko na lang ang sariling nakalupasay sa kalsada, sapo ang tiyan habang tulo ang laway na namimilipit sa kalsada.

"Ikaw pala 'yan, tamang tama at hindi na kami mahihirapang maghanap sa'yo," wika ni bigote.

"S-sino kayo? Ano'ng kailangan n'yo sa'ken?" Pilit kong pinatatag ang loob ko at pinatapang ang aking boses sa kabila ng katotohanang sinusukluban na ako ng takot.

"May pinapasabi sa'yo ang Boss Gary namin," tugon ng isa sa mga goons. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang pangalan ng nagpapahanap sa akin! Bigla-bigla'y parang huminto ang pintig ng puso ko gayundin ang aking paghinga dahil sa labis na takot at pagkabigla.

"Natalo ka sa sabong sa Lucky Cockpit dalawang buwan na ang nakakaraan. Si Boss Gary ang nagmandang-loob na nagpautang sa'yo ng pera para kahit papaano eh makabawi ka..." maayos at magalang na lahad ng lalaking 'di ko mawari kung mataba o macho...

"Nangako ka 'non na magbabayad ka agad ng utang mo. Dahil natural na mabait si boss ay binigyan ka n'ya ng isang linggong palugit, nagtiwala s'ya sa'yo. Ano'ng ginawa mo?" Lumapit sa akin ang mala-bouncer na lalaki, lumuhod rin papalapit sa akin bago malambing na hinaplos-haplos ang aking buhok.

"Nawala ka bigla! Sinuba mo kaming tarantado ka!" asik ng lalaki matapos ay buong pwersa akong sinabunutan!

"W-wala kasi akong pa-pambaya---!" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay isang matunog na sampal sa pisngi ang dumapo sa aking pisngi. Halos matulig ako at mabingi sa sobrang lakas ng hataw sa'kin.

"Wala na akong pake kung wala kang pambayad, hindi ko problema 'yon gago," walang anu-ano'y naglabas ang maskuladong goons ng balisong at walang takot na itinutok iyon sa leeg ko. "Kung wala kang pera ay pwede naman naming ibenta 'yang lamang loob mo...

"S-saglit lang... Pag-usapan n-natin 'to mga pare ko," hindi ko mapigalan ang pangangatal ng aking boses. "Baka a-ano, baka pwedeng b-bigyan n'yo ako ng palugit. G-gagawa ako ng paraan... Hahanap agad ako ng mauutangan," pakiusap ko.

Mapang-insultong nagtawanan ang tatlong kamote nang makita nila ang kaawa-awa kong kalagayan. Gustuhin ko mang magalit ay hindi ko kaya... Wala ako sa posisyon na magmalaki.

"Sige, sige... Bibigyan ka pa namin ng isang linggo. P280,000 ang utang mo dati so bale P400,000 na ang dapat na bayaran mo kasama na ang interes at gastos sa abala..."

"Kapag hindi ka pa rin nakapagbayad sa takdang oras eh ibebenta namin ang lahat ng pwedeng ibenta sa'yo... Kahit 'yang pantog mo!" Pagkasabi noon ay nagtatawanan silang umalis habang kinukutya ang buong pagkatao ko.

Dali-dali akong tumayo at pasuray-suray na naglakad ng matulin pauwi sa bahay. Nagmukha akong malaking talunan dahil sa mga putang inang 'yon! Kagat-labi akong nagtimpi at tiniis ang lahat ng kahihiyan...

Ang dapat kong gawin ay gumawa ng pera at magbayad ng utang. Kilala ko si Gary, maluwag ang bulsa niya sa mga taong nangangailangan ng pera lalo na sa sabungero. Akala ng iba ay tatanga-tanga at madaling takbuhan pero lahat ng gumawa noon ay pulos nawawala na ngayon...

Alam kong hindi ako titigilan ng mga bataan niya hangga't hindi ako bayad sa utang ko. P280,000 lang ang perang nahiram ko sa kanya na naubos ko rin sa sabong... Baka sakaling pumayag siya kahit prinsipal lang ng utang ang mabayaran ko. Masyadong mataas na ang interes na gusto n'yang hingin.

Pag-uwi ko sa bahay ay napansin kong madilim at tila walang tao. Pagpasok ko sa loob ay mabilis kong hinanap si Linda, gayundin si Celine... Tinignan ko ang mga kwarto, ang kusina, pati na sa banyo ngunit kahit anino ng mag-ina ko ay hindi ko matagpuan!

Mapait akong natawa, kung kailan kailangan ko ang aking pamilya ay saka naman sila nawala! Mga walang kwenta talaga, mga walang silbi!

Napasalampak ako ng upo sa sahig at wala sa sariling tumitig sa kawalan... Paano ako makakalikom ng pera, ano ang gagawin ko para makabayad kay Gary?

Halos masabuntan ko ang aking sarili sa labis na pag-iisip! Lahat na yata ng pwedeng utangan ay pumapasok sa ut...

About the Author :

Joined: November 10, 2015 (3 years old)
Writings: 51
Send PM  ·  Male  ·  Offline
Description:
SEO Copywriter & Entrepreneur
Signature Text:
Certified Daydreamer

Suggested writings:

2  ·  11  ·  1  ·  5,166
 · 

Comments
sexymom07
March 24, 2019 (6 months ago)

Nice... Ur back

Be with someone who know's you worth bec. I know i deserve it......

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Regalia
March 26, 2019 (6 months ago)

Thanks sexymom, nice to see you again.

Certified Daydreamer

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Regalia
March 26, 2019 (6 months ago)

Thanks sexymom, nice to see you again. Sana nga tuloy tuloy na to

Certified Daydreamer

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
sexymom07
March 26, 2019 (6 months ago)

Im always a reader of ur stories sa wattpad

Be with someone who know's you worth bec. I know i deserve it......

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
User Not Found
March 24, 2019 (6 months ago)

Sir! Ngayon ko lang nadidiscover mga stories mo. Gaganda pala ewan ko ba bakit ko lang nahanap.
Pero anyways Mejo naguluhan lang po ako, bale si regalia at scanlator po ba ay iisa? :-)

Like (0)  ·  Report
Regalia
March 26, 2019 (6 months ago)

Yes Johan, iisang tao lang ang Scanlator/Regalia.Salamat pala sa appreciation and hope you enjoyed the stories.

Certified Daydreamer

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Jayem00
March 25, 2019 (6 months ago)

Nice one..
Welcome back sir.

Inaabangan ko every stories mo. And I prefer yung hard-erotic types hehe kaya di na gaanu nabisita sa wttpd

btw I'm a fan dun pa sa kabila, since nung cheating-wife types of series

More power

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Regalia
March 26, 2019 (6 months ago)

Thanks Jayem, thanks sa walang sawang pagsubaybay who knows makagawa ako ng hardcore na type mo? Haha

Certified Daydreamer

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Bebeko
March 25, 2019 (6 months ago)

Nagbabalik ang isang mahusay na manunulat. Wala pa rin kupas sa paglalahad ng kwentong erotika. More stories, Regalia!

"Freedom is absolutely necessary for the progress in science and the liberal arts." - Baruch Spinoza

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Regalia
March 26, 2019 (6 months ago)

Salamat sa warm welcome Sir Bebs! Malaki ang tulong sakin ang FSS nung nagsisimula ako. Hindi ko makakalimutan ang site na humasa sa'kin.

Certified Daydreamer

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
nivs21
March 26, 2019 (6 months ago)

Sa wakas nabuhay rin ang idol ko haha. Good read master!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
Recent Comments