Jeepney 6

Posted in
Story: True Story, Tagalog · Categories: Romance · Tags:
Date: February 8, 2019 (15 days ago)


Jeepney by EL Nunal: Part 6
"Ay ganun ba? sige sige nandito na naman ako eh naglalakad lakad lang ako, sige pupunta na ako"

pagkababa nya nang phone, she kissed me in the cheek

"oi sige bye bye na muna mamaya na lang text mo ko mamaya ha, andun daw si manager baka mayari ako pagnalate ako, babawi nga pala ako dun under time ako kahapon eh"

then she walks papunta sa work niya, so ako naman nagdecide nang pumunta sa office namin. Pagdating ko dun, hinanap ko si Amanda but she is no where to be found and makes me wonder, nilapitan ko yung mga kaberks niya

"Di ba kay Amanda to?"

Kinuha nila yung panyo at inamoy

"Uo kay Amanda nga to, saan mo nakuha?"

"Nahulog niya kanina sa mall, nasalubong ko siya kanina eh, kaso di ko na nahabol kasi ang bilis maglakad"

then iniwan ko na sila at nakihalubilo sa mga kagrupo ko, then maya maya sumulpot na yung trainer namin kasama si Amanda.
then inabot nung kasama nya yung panyo, she then looked at me then umupo, medyo nanibago ako kasi lagi siyang nagiismile kapag humaharap sa akin, pero that day, wala lang. Di ko na lang yun pinansin. Then nagbreak na kami, pumunta muna ako sa cafeteria to drink some coffee, yung sa vending machine. Nung natikman ko kasi yun, ayun, naadik na ako, then, biglang may lumapit sa akin na isa sa kabarkada ni Amanda

"Uy wala ka ba ginawa dun sa kaibigan ko?"

nagtaka naman ako kasi bakit ako bigla tinanong nang ganun

"Wala naman, bakit?"

"Kasi kanina pa yun tahimik eh, diba madaldal yun, pansin mo naman, pero since kanina, di pa siya masyadong nagiimik, umamin ka nga, ano bang ginawa mo dun"

"Hala! wala ako ginagawa sa kanya, ewan ko… baka naman masama lang pakiramdam"

then umalis na yung kaibigan niya then nilapitan ako nang kaibigan ko and asked me

"Pre, ano bang ginawa mo dun kay Amanda? Nakita kasi namin kanina sa banyo umiiyak, then, nabangit niya pangalan mo"

napaisip naman ako, wala naman akong alam na ginawa sa kanya so naisipan ko na hanapin siya, to ask her personally kung anong problema niya. Nakita ko siya sa may ministop, sa baba nang building, nilapitan ko siya

"Uy…" binati ko siya pero tumingin lang siya at di nagsalita

"sabi kasi nila, may ginawa daw ako sayo… eh di ko naman alam yung sina sabi nila na ginawa ko kasi wala naman talaga eh, bakit ka ba kasi umiiyak…"

then maya maya, kinuha nya yung panyong nakuha ko at sinauli niya at medyo naiiyak na naman siya

"Di ko alam… iihhh… kasi …. ihhh… basta… ikaw may kasalanan"

then umalis siya at ako eh nagtataka, I mean, what the hell just happened. So umakyat ako sa office, pinagtitinginan ako nang mga kaibigan niya at medyo nabadtrip ako, alam ko naman na wala akong ginagawa sa kaibigan nila. Then, maguwian na kami, ako eh diretsong umalis, ang alam ko pa nga nauna pa ako lumabas sa trainer namin. Tinext ko si Jamaica and asked her kung nasaan na siya, di siya nagrereply so medyo mas nabadtrip ako nun. Pumunta ako sa work niya, and waited near the shop, still badtrip. Then nagulat ako nang may tumabi sa akin, si Jamaica at napansin nya agad ang mood ko

"Oh bakit? anong problema? Meron bang nangyari?"

di muna ako nagsalita, ugali ko na talaga na kapag masama ang mood ko eh di ako nagsasalita. She then hugged me all of a sudden and kissed me, nagulat naman ako and she smiled

"Feel better?"

then ewan ko parang nawala yung badtrip ko, then I kissed her back

"thank you"

I said then she told me put up some make up and then she holds my hand

"tara na, siguradong trapik to pag di tayo pumunta nang maaga"

so naglakad kami, and not knowing kung saan ba siya liliko, nagulat ako, yung way na dinadaanan niya eh way papunta sa may work ko, kasi dun lang may dumadaan na jeep going to Eastwood. At tulad nga nang inaasahan ko, nagkita nga kami ni Amanda, pero di naman siya gumawa nang kung ano, pero pansin ko na umirap siya sa akin, di ko na lang siya pinansin at we head on sa sakayan. Madali lang makakita nang masasakyan, so nakasakay agad kami. Then nakarating din kami sa Eastwood, at ang dami talagang tao, di ko alam na ganun pala kadami ang nagaabang sa pagdating ng KimErald Love team… since medyo napaaga kami sa pagdating doon, she asked me if I wanted to go somewhere else since tatawagan naman siya nung naghire sa kanya that day, pumasok kami sa isang Club, i forgot the club pero madaming tao na nagpaparty that night. Then I saw her talking to the bar tender, at parang close sila, yun pala, si Kuya George pala yung kausap nya, nagtaka ako kasi nandito siya sa Eastwood

"Aba, andito ka din pala, teka, wag mong sabihin…"

"Oo, kuya, tama nga ang iniisip mo…"

napailing si Kuya George and he give me a free drink, so as Jamaica and he said

"Congrats! Akalain mo nabingwit mo tong si JamJam namin, hahahaha"

napangiti na lang ako, while Jamaica was texting , di pala nya narinig yung sinabi ni Kuya George, then inakbayan ako ni Kuya George and gave me a box,

"ano to?"

"mamaya sigurado, magagamit mo yan, hahahaha"

napangiti ako at sinabi ko with a smile in my face

"madami akong stock nyan kuya hahaha"

Natawa siya at binatukan ako pero di ko na sinauli at nang nagtaka si Jamaica at nagtatawanan kami. Then around 10pm na, dumating na din yung inaabangan namin, my God! ang cute talaga ni Kim Chui in person, I really love chinitas, ang cute kasi nila tignan, like Jamaica, kaso di siya ganun kachinita, medyo medyo lang. Then pinagaalog ako ni Jamaica nang makita niya si Gerald, sumisigaw pa siya

"Geral I love you!!!"

natawa naman ako kasi di lang siya ang nagsisigaw, almost all the girls there eh di magkamayaw sa pagtili. Then after noon, nagpaalam na sa akin si Jam na magaayos na daw siya. I don't remeber seeing her na may dalang bag na paglalagyan nang kanyang damit, then nagulat ako, kasi paglabas niya sa dressing room, nakasuot siya nang black sleaveless shirt na prang gown ang design and she's on a high heels at meron siyang leggings na may mga criss cross na designs, all I can say, I fall inlove with her again. Pinisil niya ang ilong ko at natawa

"Kung makatingin ka akala mo nakakita ka nang multo ah, hahahaha sige, wish me luck!"

then I waved to her and shout

"Kaya mo yan!!! AJA!!!"

nakakahiya man, sinigaw ko pa din yun, and when she sang, they listened to her kasi ang ganda nang boses nya, even Gerald gives her a credit for a beautiful song well sanged by Jamaica. Nagsigawan pa nga yung ibang fans nang "Kiss !!!" at ginawa nya na naman yung left and right na sway nang ulo niya kapag tuwang tuwa siya. He kissed her sa pisngi at nagsitiliian ang lahat. Pagbaba niya sa stage, hinanap niya ako at niyakap nang mahigpit

"IHH!!! nakita mo yun!!! kiniss ako ni Gerald!!!"

tuwang tuwa naman ako at nanatatawa kasi akala mo kung ano na ang napalanunan nya, then lumapit sa kanya yung nagmanage yata nang event that night and gave her an envelop and a calling card. Nang sinilip niya, napawow siya, she did not expected na ganun kalaki ang makukuha nya that night.

"Mukhang nagustuhan ata nang management ang voice and looks mo ahh"

sabi ko sa kanya and then holds her hand

"Ano, tara na ba? Kain tayo… Libre mo ko hahaha"

"Tara sige, maaga pa naman siguro diba?"

then we walk around and explore Eastwood, dami namin nakitang iba't ibang food stand, kainan, inuman, may call centers pa nga eh. Then sa one table, nagulat ako kasi nakita si Amanda na nakaupo magisa. She was drinking all alone, so I texted her.

"Are you ok?"

"huh?"

"It seems na malungkot ka, sensya nga pala kanina kung nasungitan kita, nagulat lang kasi ako sa mga nangyari eh"

"ok lang, san ka?"

"Eto, kasama ko GF ko dito kami Eastwood, meron kasi siyang gig tonight, sinamahan ko lang"

"Ahh ganun ba, sige enjoy the night"

nagulat ako sa ginawa niya kasi tinangal niya yung battery nang phone.

"sino ba yung tinitignan mo?"

tanong sa akin ni Jamaica, then tinitignan niya kung sino ang tinititigan ko. Then di ko alam kung bakit ang lakas nang instinct nang mga babae at nalaman niya na yung pangatlong table ang tinitignan ko, where Amanda is there drinking.

"Di ba yun yung model na kasama mo sa work?"

"Uu, di ko nga alam kung bat magisa yan eh, alam ko may mga kasama ako dyan na nanliligaw"

"Baka naman kasi choosy siya"

"Ikaw ba hinde?"

"Hinde kasi kung choosy ako papatulan ba naman kita hahahaha"

medyo na hurt ako nang konte pero it seems she's being honest. She never told me na gwapo ako, hahaha and it seems legit. She then asks me

"Gusto mo sama na lang natin siya sa paglilibot natin here? Look oh kawawa naman siya, parang ang sad niya"

"Wag na, hayaan mo na siya, alam mo, kumain na lang tayo, mukhang ayaw nya naman na may kasama eh, di ba? hahaha"

"Tutal, tara na nga"

then nalibot na namin ang lahat nang place, then medyo napagod na kami, so we sat somewhere comfortable at medyo maganda ang view. She noticed the Walk of Fame and she was like a child na nagpapatalon talon sa bawat tiles nang mga artista. Then she sit beside me again and ask me

"Pwede na ba tayo umuwi, pagod na ako eh"

"oo naman, ikaw lang naman hinihintay ko eh, ano ka ba? ano tara?"

at sumakay na kami pauwi. Mabilis ang biyahe namin, kasi di man lang kami inabot nang 2 hours para makauwi sa Binangonan. Then, hinatid ko siya hanggang sa kanila. I asked her,

"Pwede ba ako dyan matulog sa inyo, natatakot kasi ako eh, magisa ka lang dito, tapos, liblib pa yung lugar"

"Sure! Ayos na naman yung higaan eh, pinaayos ko na sa pinsan ko, pero teka, ay sorry, di pala pwede next time na lang, nandyan pala si pinsan ko"

"Ay ganun ba? Sige sige, atleast I know may kasama ka, sige good night, Love you.."

" Love you din, halika nga dito at nagtatampo ka ata"

"Di noh, ahahaha", natawa ako, pero lumapit pa din ako, then she kissed me, about a minute I guess basta matagal yun"

then all of a sudden someone shout sa bahay ni Jamaica,

"Huy! Ate tara na dito! Bukas na kayo maglambingan dyan!"

natawa ako at natawa din siya, binatukan nya ako and she said good bye at ako naman eh umuwi na, theh I recived a text from Bianca

"Pwede ba kita kausapin bukas? Ministop ha, text mo ko pag nandun ka na"

magrereply sa na ako but I ran out of load so tinago ko na lang ang CP ko sa bulsa
Paguwi ko sa bahay, inabutan ko na may ilaw sa bahay, then di na ako kumatok since meron naman akong susi, pagpasok ko, nandun si ate sa sofa natutulog. Mukhang hinintay ako, nakita ko din na may mga pagkain sa lamesa, so kumha ako at kumain. Maya maya, nagising ang ate ko, iihi pala, then kumuha siya nang isang throw pillow at binato ako, di yun biro kasi malakas eh, parang may halong galit. Paglabas niya nang banyo, bigla siyang nagsalita nang galit

"San ka natulog kagabi? Di ba sabi ko umuwi ka at ipapasundo ko sayo yung mga bata sa Pampanga?"

"Bat ako? Di ba may training pa ako?"

biiglang natigilan ang ate ko, then, ngumiti,

"ay sorry bunso uu nga pala, pagkatapos mo kumain, matulog ka na anong oras na"

pumasok siya sa kwarto at parang napahiya, then, nakita ko ang phone niya

"Ate pa text ha!" ang paalam ko, at tinext ko si Amanda

"Nakauwi ka na ba?"

"nope, still here with my friends"

napaisip ako, siguro nga dumating din yung mga kaibigan nya. Then she called

"Hello?"

"Hello… El Nunal?"

"Oh bakit?"

"Bat iba number na gamit mo?"

"Sa ate ko to, ano, kumusta ka naman dyan? may kasama ka na ba?"

"Uo, yung mga kaibigan ko nung highschool, nagwowork kasi sila sa isang callcenter dito, malapit sa East wood and I'm planning on transfering."

"I see, edi ayos, malaki naman ata offer dyan ah, tapos may backer ka pa diba …"

nagulat ako kasi biglang nacut ung line. Naghintay ako nang susunod na tawag pero wala nang Amandang tumawag, pero may Jamaica na nagtext

"Sleep tight, sayang nandito kasi 2 pinsan ko eh, sinamahan nila ako, bukas sabay tayo pumasok ha?"

"ok"

"bat iba number na gamit mo?"

"Sa ate ko to, nakitext lang sige, paload na lang ako bukas"

then di na siya nagreply at natulog na ako.

Kinabukasan, nagising ako around 7am, so naglakad lakad muna ako, dinala ko na din yung cp ko at baka sakaling may madaanan akong paloadan. Habang naglalakad ako, may napansin akong isang pamilyar na mukha, nakakabwisit ang araw na yun, nakita ko si PJ, nagsisigarilyo at malayo ang tingin.

Di na ako tumuloy pa nang lakad at naghanap nang ibang way para makaiwas lang sa kanya. Sa nilukaan ko meron akong nakitang tindahan at swerte may load sila. Itetext ko palang si Jamaica, may narecieved na ako from her

"Morning, sakit nang ulo, medyo kulang pa sa sleep, kahit konti pala nakakalasing yung alak na naiwan mo dito"

then I remembered, meron nga pala akong alak na dala noon.

"May natira pa ba?"

"Meron pa, wala naman sa kalahati nabawas kagabi, natripan lang nang mga pinsan ko maginom, ayun, mga lasing"

"What time ako pwede pumunta dyan Jamaica?"

"Ikaw, wag na kaya, kita na lang tayo along the way?"

"Sige sige, text mo ko pagpaalis ka na sa inyo ha para makapaghintay ako"

then paguwi ko sa amin, may agahan na, yung pagkain kagabi, ininit lang nang ate ko, at natawa ako kasi ganito bumawi ang ate ko pag nagkakamali siya nang bintang sa akin. Then, someone called me, nakita ko number ni Amanda so di ko na muna sinagot

"Sino yun? bat di mo sagutin mamaya importante yan" ang sabi nang ate ko habang nagsasangag pa nang kanin

"Wala to teh",

nagulat ako nang kunin nang ate ko yung phone at sinagot

"Hello? Sino to?"

then binalik sa akin nang ate ko at binato ako nang konting kanin

"Ikaw ha! Sino yang Amanda na yan?"

"Wala nga to teh, kasama ko lang sa work"

"Eh bat hinahanap ka anong oras pa lang?"

"Ewan ko dun", anong oras na ba?"

"Malapit nang mag – 9am, quarter bakit?"

then tumayo ako at naligo. Then kumain nang konte at umalis na. Tinext ko si Jamaica

"Jamaica, can I go there now? Medyo nabobored ako eh, 2 hours pa bago ako pumasok, same din tayo diba?"

"El nunal, paalis na ako, tumawag yung manager namin sa work ko, need daw kami kausapin lahat, mu...

About the Author :

Joined: January 31, 2019 (23 days old)
Writings: 16
Male  ·  Offline

Suggested writings:

0  ·  9  ·  0  ·  2,117
 · 

Comments
K
koreanlovers
February 8, 2019 (15 days ago)

Ayus tong kwento no El nunal.. natapos q n to matagal na... Ung 2 story no bogs ang hinahanap q Kasi putol ung story nun

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
S
SisigAdobo
February 8, 2019 (15 days ago)

Nexttttt!! Sundan ng mabilisan!! Aja!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
J
jero1978
February 8, 2019 (15 days ago)

Boas author bka kumpleto syu ang series ng tsenelas share mo nmn dto tnx

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
meaculpa
February 8, 2019 (15 days ago)

Hanggang ilang book ba to?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
koleidoscopeworld
February 8, 2019 (14 days ago)

Hanggang sa pinaka last na napost po ni sir el nunal po

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
A
acuxieonig
February 8, 2019 (15 days ago)

di naman natapos yong kwento ni el nunal.  ganda pa naman.  kakaiyak

i love listening to lies when i know the truth

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
elly02
February 8, 2019 (14 days ago)

Naramdaman ko un sakit sa last chapter nito..

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Shadowxx18
February 8, 2019 (14 days ago)

San ko kaya Pwedeng mabasa yung book series nito? Eto palang Jeepney nabasa ko e. Book 1 ba to?

3 Cheers For Sweet Revenge

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
A
Ash2ash
February 9, 2019 (14 days ago)

dn nsundan..huling series n nbasa q hnggang series 6..dn nsundan p..sayang ang gnda p nman e2..

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
Recent Comments