Paupahan Last Part

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Fetish, First Time, Romance, One Night Stand · Tags:
Date: September 18, 2018 (1 month ago)


"Magbihis ka na at susunduin ko ang asawa mo sa baba ng makapagpahinga ng maayos." Ani ni Mang Kanor habang isa-isang sinusuot ang mga damit.

"Sige ho" tugon naman ni Thara.

"Oh siya ako'y papanaog na." sabi ni Mang Kanor at binuksan ang pinto.

"Arg!" Biglang daing ni Mang Kanor ng pagbukas niya ng pinto. Hindi inaasahan na may kamaong dadapo sa kanyang mukha.

"Putang Ina ninyo!!! Putang ina ninyo!!!" Hinagpis ni Lawrence habang inuundangan si Mang Kanor na nakahiga na sa sahig.

Halos hindi naman makahuma si Thara sa pagkaibigla. Napatulala sa bilis ng pangyayari. Nang tila mahimasmasan ay dali daling tumayo at inawat ang asawa.

"L-lawrenceโ€ฆ Tama na! Baka mapatay mo siya." Pagmamakaawa ni Thara sa asawa.

"Tangina! Papatayin ko talaga tong gagong to!" ani ni Lawrence sabay tabig sa asawa.

"T-tama na parang aawa mo na Lawrence. Mapapatay mo siya!" umiiyak ng sabi ni Thara.

"B-bakit?" sabi ni Lawrence ng tinantanan ng suntok si Mang Kanor.

"Bakit nagawa mo sakin to?" hinagpis ng asawa.

"Patawad Lawrence" di makatingin ng deretso si Thara sa asawa.

"Pinatawad kita ng mabuntis ka! Kahit alam ko at alam mo na hindi ako ang ama ng batang yan! Ganyan kita kamahal Thara! Pero tangina! Sana pinatay mo na lang ako. Hindi yung gantong makikita ko pa mismo ang kahayupang ginawa mo!" Tumatangis na sabi ni Lawrence. Puro hagulgol lang si Thara ng mga oras na iyon.

"Oo alam ko na hindi ako ang ama ng batang yan! may kulang sa akin, pero hindi ako baog. Pero sa kabila non tinanggap kita! T-tinangap kita" Mapanumbat na sabi ni Lawrence.

"S-sorry Larwrence hindi ko sinasadya. D-dinahas niya lang ako kaya nabuntis ako. Patawarin mo ako."

"D-dinahas ka niya? Sa nakita ko kanina hindi ganon Thara! Hindi ganon! Sana una pa lang sinabi mo na sakin. Baka sakaling paniwalaan pa kita. Pero ngayon patawad. Magbihis kana i-uuwi na kita." Sabi ni Lawrence.

Pagdating sa bahay ay agad dumeretso si Lawrence sa kwuarto, kinakabahan si Thara sa pananahimik nito habang nasa byahe. Hindi man lang siya sinaktan o sinumbatan pa ng asawa. Bagkus tahimik lang ito at tila malalim ang iniisip. Kaya mas lalong hindi mapalagay sa asal ni Lawrence.

"S-saan ka pupunta?" habol ni Thara sa asawang may dalang mga gamit.

"Wala ka ng pakialam doon, sa tingin mo ba pakikisamahan pa kita pagtapos ng lahat ng ginawa mo?" malamig na turan ng asawa.

"M-maawa ka Lawrence, wag mo akong iiwan" Pagmamakaawa ni Thara.

"Sorry" sabi ni Lawrence at tuluyan ng lumisan ng bahay.

Mabilis lumipas ang buwan. Nabalitaan na lang ni Lawrence na namatay si Mang Kanor sa isang inuman. Napaaway daw at hindi na naisugod pa sa hospital kaya tuluyan ng binawian ng buhay. Kahit na ganon ay hindi maiwasan ni Lawrence na maawa sa matanda. Sadya ngang may inintuang puso si Lawrence. Hindi rin maiwasan ni Lawrence na isipin kung kamusta na ba ang asawa buhat ng iwan nya. Wala na siyang naging balita buhat ng gabing maghiwalay sila.

Isang araw ay nagulantang na lang si Lawrence na may kumakatok sa pintuan ng apartment na kanyang tinutuluyan. Bagamat walang inaasahan na bisita ay pinagbuksan pa din nya ng pinto ang panauhin.

"Sino po ang hanap nyo?" tanong niya sa babaeng nasa harapan na may kargang bata.

"Si Lawrence po?" anang babae.

"Ako po iyon. Ano pong kelangan nila?" nagtatakang sabi ni Lawrence.

"Kuya kayo po ba yung asawa ni Ate Thara?" anang babae

"O-oo" napipilitang sagot ni Lawrence.

"K-kuya!" sabay iyak ng babae at yakap sa kanya.

"Ano bang problema?" taka ni Lawrence.

"Wala na si Ate Thara." Malungkot nabulalas ng babae.

"P-panong wala na?"

"Namatay po sya sa panganganak" hagulgol nito.

Hindi naman malaman ni Lawrence ang mararamdaman tila napako ito sa pagkakatayo pati ang pagbigay ng dalaga sa kanya ng sanggol ay hindi na nakapag react pa ang balong si Lawrence. Nang makita ni Lawrence ang bata ay hindi nya maipaliwanag ang nararamdaman. Naawa siya na sa murang edad nito ay mararanasan nito ang magisa. Hindi niya maatim na bigay naman ito sa ampunan. Naisip niyang wala namang muwang ang bata sa ginawa ng mga magulang nito at wala itong kasalanan kaya hindi niya dapat gawan ng masama. Naisip niyang angkinin na kanya na ang bata. Palalakihin niya ito at mamahalin na tulad ng pagmamahal ng isang tunay na ama. Ibibigay lahat para sa bata. Buhat non inilaan na ni Lawrence ang kanyang oras at panahon sa kanyang anak.

-End-

----------------
The reproduction or u...

About the Author :

Joined: September 16, 2018 (1 month old)
Writings: 13
Send PM  ·  Female  ·  Offline
Description:
chubs, fair skin, malibog
Signature Text:
"I don't know the question, but sex is definitely the answer" Woody Allen

Suggested writings:

5  ·  3  ·  4  ·  9,546
 · 

Comments
junkabul
September 18, 2018 (1 month ago)

Nakakalungkot man ang naging kapalaran ni Lawrence at si Thara ay sana maging maayos naman ang future ng batang walang muwang sa mundo at sa mga naging kasalanan ng kanyang ina at sa naglapastangan sa kanya na si Mang Kanor. Salamat sa kwento mo author.

You will never appreciate a simple composition not unless you have created a single piece of work.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M
makemelove
September 18, 2018 (1 month ago)

naku may kasunod to pagdadalaga nung bata... d ny anak dba? hmmmm

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Maleficent
September 23, 2018 (1 month ago)

beautiful story author...a bit tragic but beautiful...keep it up and more power...

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment