What if...

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Romance · Tags: , ,
Date: July 9, 2018 (3 months ago)


Dear Claire,

"What" and "If" are two words as non-threatening as words can be. But put them together side-by-side and they have the power to haunt you for the rest of your life: What if? What if? What if? I don't know how your story ended but if what you felt then was true love, then it's never too late. If it was true then, why wouldn't it be true now? You need only the courage to follow your heart. I don't know what a love like Juliet's feels like - love to leave loved ones for, love to cross oceans for but I'd like to believe if I ever were to feel it, that I will have the courage to seize it. And, Claire, if you didn't, I hope one day that you will.

All my love,
Juliet

-Letters to Juliet, 2010-

"Oo na! Sige na! Naduwag ako e! Ang tanga tanga ko talaga!!!"

"Oist Claire! Tumigil ka nga dyan! Taon taon na lang tuwing dumadating ang April 9 lakas ng trip mong panuorin yang sine na yan tapos hahagulgol ka na maghapon."

"Ate Beshie bakit ang sakit pa din? 7 taon na bakit parang kahapon lang yun?"

Lumapit si Michelle sa kaibigan at binatukan. "Ugok! Ikaw ang di sumipot sa tagpuan nyo!"

"Aray ha!"

"Ang drama ko kasi! Pasalamat ka batok lang kaya ko gawin sayo. Gusto ko sana i-umpog ka sa pader baka sakali magising ka sa katotohanan."

"Kasalanan ko ba talaga? Di ko naman ginusto yung mga nangyari..."

"Alam namin. Alam mo din yun. Aksidente yun. A freak accident."

"Pero siguro kung sumipot nga ako on time...kung di ako naduwag for a moment...e di sana wala sya dun sa lugar na yun...mahal na mahal na mahal ko si Renz...bakit ba kasi natakot ako makipagtanan after ko pumayag?"

"Claire, walang nakakaalam ng mga mangyayari pa lang. Di natin alam kung yun talaga ang panahon nya. Dumating ka man on time or hindi. Sino ba naman magaakalang may kotseng bigla na lang pumasok sa loob nung resto na tagpuan nyo at di sya nakaalis agad kasi nakatalikod sya at di nakitang masasagasaan sya?"

"Baka yun din ang panahon ko...kaya ako naghihirapan ngayon...ang hirap mabuhay ng wala si Renz...wala ako matakbuhan kapag masaya ako...or gustong umiyak or may gustong pataying tao sa gigil. Wala akong makasama mag food trip kapag dinadatnan ako with matching 10 growing anaconda sa tyan sa siba"

"Beshie..."

"Oo na. Baka nalagpasan ko na ang lalaking magiging best friend kong muli...ang tatanggap ng kabaliwan ko..."

"Maaaring higit pa sa pagmamahal ni Renz..."

"No! Walang pwede ikumpara sa Renz ko. Nag-iisa sya."

"Sorry pero hindi natin alam ano ibibigay pa sa atin ng buhay. Be open minded Besh...patawarin mo na sarili mo...it's not your fault"

"Tao po."

"Beshie...may tao. Tago muna ako baka pagkamalang sinasaktan mo ako sa itsura ko"

"Wow ah! Paano kaya yun? Sa payat kong ito? Takot ko lang dambahin mo ako hahahaha sya sya tagu sa kwarto"

"Delivery po para kay Ms.Claire de la Torre"

"Ako na lang tatanggap, pwede ba? Kaibigan ko sya."

"Papirma na lang po dito. Salamat po."

"CLAIREEEEEEE!!!!"

"Lakas mo pa Beshie! Yung abot sa bawat sulok ng Pinas"

"Kasi naman ang ganda ng bulaklak na pinadala for you. Buksan mo na yung card na kasama dali!!!!"

"Isang sunflower?"

"Pero kabog ang lapad ng fez mo Beshie!"

"Langya ka! Salamat ah"

"Close sayo yang sender tyak."

"Assumera! Teka lang hirap buksan ng envelop e...paabot nga nung gunting sa lamesa please"

"Ano yan? Hinulaan lang fave flower mo?"

"Tulips fave ko."

"At sunflower! Wag magdeny."

"Fine! Sorry...bigo ka. Wala name nakasulat kanino galing. Di mo ba tiningnan yung sa delivery kung kanino galing?"

"Wala din dun nakalagay e. Pabasa nga ng laman ng card"

Dear Claire,

April 9 na ulit. For sure nanuod ka...

About the Author :

Joined: March 24, 2017 (1 year old)
Writings: 32
Send PM  ·  Female  ·  Offline
Description:
Don't love me 'cause I'm beautiful (kapal muks lang)Love me 'cause I'm crazy!
Signature Text:
To love is a decision.

Suggested writings:

0  ·  5  ·  0  ·  2,532
 · 

Comments
A
astigako101
July 9, 2018 (3 months ago)

huwow bitin nga. nxt pls. ehehe. slmat po!!!!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
A
astigako101
July 9, 2018 (3 months ago)

huwow bitin nga...eheheh. nxt pls. slamt po!!!!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Shymalandi
July 11, 2018 (3 months ago)

hehehe 😇

To love is a decision.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
frozenwars
July 10, 2018 (3 months ago)

Best thing I've read so far. Keep it up author

By the time you learn the rules of life, you’re too old to play the game.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Shymalandi
July 11, 2018 (3 months ago)

thanks po

To love is a decision.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
Recent Comments