Virtual Na Pagibig

Posted in
Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags: ,
Date: July 6, 2018 (2 months ago)


Sa umpisa'y patingin tingin,at ako'y iyong napansin
Kalibugang nadarama, ating pinagtagpo't pinag-isa
Gadget nating ibig, piping saksi sa ating pagniniig
Araw at gabi'y ating kadamay, Saya't ligaya'y walang humpay

Panahon man ay saglit, kasabikan natin lalong uminit
Daloy ng usapan at tinig, tuwi tuwina'y may sumisirit
Mga kataga nating nasasambit, kay sarap ihaplos sa mga laman at litid
Ang asam sa bawat lambingan, kalasapan ay magpakailanman

Ngunit sa pag-inog nitong panahon, balon ng pagnanasa'y may umusbong
Sa puso ay may sumibol, pag-ibig na tunay ito'y dumaloy
Tuwa't ligaya ay nadama, pagkat asam mo'y ganun din pala
Estado natin di naging hadlang, ang mahalaga'y ating pagmamahalan

Di alintana ang gulo, galit at panghuhusga ng virtual na mundo
Ating hinabi ang bagong pangarap, na ang forever ating malasap
Sa duyan nitong ating nais, malalasap natin ang tamis
Sa virtual na pag-ibig, tunay na pagmamahalan ating makamit

Bagamat sa alapaap ng saya ay mapayapa, sadyang ulap ay laging nagbabadya
Ulap ito'y yumabong, kulog at kidlat sunod dumagundong
Unos ay naging madalas, gusto nya'y bida ayaw paawat
Hinabi nating mga pangarap, unti unti ay nawasak

Ano nga ba't nangyari ito, isipan natin madalas di magtagpo
Bagamat batid ko ang iyong nakaraan, selos at hinala di maiiwasan
Pagkat mundo mo'y sadyang mainit, dating gawi minsan ay bumabalik
kaya ako'y naging makulit, ngunit dating sayo'y pasakit

Ngayon unos ay natapos din, ngunit iniwan ang iyong kinikimkim
Iyong pagmamahal ay kanyang tinangay, napalitan ng galit at pagkaumay
At iyo ngang napagtanto, binigkas ang huling nais mo
Virtual na pagmamahalan, ating tapusin at tuldukan

Ah di ko alam kung paano ko natanggap, huli mong kataga na parang sibat
Puso ko'y kanyang dinurog, mundo ko'y tumigil sa pag-inog
Napadalas sa batis ng empy, maibsan man saglit pusong sawi
Nangangarap tuwina pag lango na, pagmamahalan nati'y madugtungan pa

Virtual na pagibig nga naman, gawa ng ating malikot na isipan
Panandaliang saya na dulot, nagiiwan ng parusang kay hirap malimot
Ngunit sa bawat umaga ika nga nila, liwanag ay masisilayan pa
Na sa tamang panahon at paraan, aking asam iyong pagbibig...

About the Author :

T

Tatangj

Joined: June 19, 2018 (3 months old)
Writings: 1
Send PM  ·  Male  ·  Offline
0  ·  2  ·  0  ·  303
 · 

Comments
starst1949
July 6, 2018 (2 months ago)

Galing bro

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
T
Tatangj
July 6, 2018 (2 months ago)

thanks bro

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
Recent Comments