M
E
N
U

One Sided Love Affair

Posted in
Poem: Tagalog · Categories: Non-Erotic · Tags: , ,
Date: June 15, 2014 (8 years ago)


Yung ibinibigay mo ang lahat kahit wala kang natatanggap.
Yung pinapahalagahan mo sya kahit tingin nya sayo walang kwenta.
Yung tanda mo birthday nya kahit sya edad mo lang nakalimutan pa.
Yung inaalagaan mo sya kahit binabalewala ka lang nya.

Yung may picture sya sa wallet mo kahit ex nya yung nasa wallet nya.
Yung ipinagtatanggol mo sya kahit pinapabayaan ka lang.
Yung inilaan mo ang lahat ng oras mo sakanya kahit wala syang panahon sayo.
Yung nananatili kang tapat sakanya sa kabila ng lahat ng kasinungalingan nya.

Yung lagi kang nandyan para sa kanya kahit hindi mo sya mahagilap sa twing kailangan mo sya.
Yung nakangiti ka parin kahit nakasimangot na sya.
Yung humihingi ka ng patawad kahit wala ka namang kasalanan.
Yung nagpapatawad ka kahit hindi sya umaamin ng pagkakamali.

Yung pinagbibigyan mo sya kahit sinasakal ka nya.
Yung patuloy kang nagsasakripisyo para sakanya kahit hindi nya yon nakikita.
Yung pinapaniwalaan mo pa rin sya kahit alam mong niloloko ka lang.
Yung pinapasaya ka nya pero iba ang nagpapasaya sa kanya.

Yung kuntento ka na habang sya may hinahanap pa.
Yung wasak na wasak ka na masiguro mo lang na buong-buo pa rin sya.
Yung papayungan mo na nga sya sa ulan tapos makikisilong pa sya sa iba.
Yung pinapakitaan mo parin sya ng kabutihan kahit minamasama ka nya.

Yung walang sawang pagsisilbi mo kahit puro sya reklamo.
...

About the Author :

Fiction-Factory's Profile Picture

Joined: July 10, 2013 (9 years old)
Writings: 196
Male  ·  Offline
Description:
I dreamt of being a published writer of inspirational and motivational stories, cause I want to inspire those who have physical disabilities and less fortunate people whom are downhearted. I want to bring hope into their hearts and I want them to see a beautiful world that's full of dreams.I also want to share my thoughts about unconditional love, life's regrets and marital failures through Erotic stories. I may not change your world, but I wish, with my simple works, i've touched your hearts.
Signature Text:
To be honest, i'm a liar. ♥♞♬♂⚄☜†∇
3  ·  17  ·  2  ·  3,011
 · 

Comments
MidLifeCrisis's Profile Picture
MidLifeCrisis admin
June 15, 2014 (8 years ago)

Ouch!

Captcha = breaks (pati si captcha nang-aasar)

Nice one Ef-ef...

It’s okay if you don’t like me. I was not born to impress you.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
antoinette's Profile Picture
antoinette
June 15, 2014 (8 years ago)

Fic fac nice poem... i dont know if i got this correctly... parang nagreverse yong role... all the while akala ko yong ibang tao yong manhid... yong pala ikaw mismo... tapos nagsawa na siya sa pagiging doormat, saka na lang na realize yong value nya.  

Hmmm.. All i can say is that the people who love more, is responsible for telling the other party that they dont receive any or they receive less love. Instead of accumulating all those sacrifices.  You cannot fake love if it wasn't really there. Raise it to the partner and discuss, manhid talaga yong taong di nya masyado mahal yong isa.  Better discuss or get out of that one-sided affair.  If one is willing to work it out though... know that this is a huge effort to bring love in the same level... kaya dapat patient din yong partner who loves more.

i wanna run to you... ohhhh

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Fiction-Factory's Profile Picture
Fiction-Factory
June 15, 2014 (8 years ago)

Well said miss An. Nag-twist nga sya, minsan naghahangad tayo ng mga bagay na matagal na palang naibibigay pero di lang natin alam. Thank you for reading, you just saw what I saw. The secret is being 'open' to each other, that leads to 'closeness'. ;)

To be honest, i'm a liar. ♥♞♬♂⚄☜†∇

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
antoinette's Profile Picture
antoinette
June 15, 2014 (8 years ago)

In addition, you have to know and anticipate what your partner wanted emotionally...  they will love you more for that. Even if you do many things for your partner, never lose yourself in the process.  Never lose the supply of love for yourself (re-charge if you must), so you can continually love others and see through their pain without getting hurt yourself.

thanks for the poem idol fic-fac... it is worth reflecting.

i wanna run to you... ohhhh

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
iamcarla's Profile Picture
iamcarla
Status: Suspended

June 15, 2014 (8 years ago)

hays...tumulo luha ko dito..me naalala ko...

Anything worth having for is worth waiting for.., even it takes a lifetime.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
anakarenina's Profile Picture
anakarenina
June 15, 2014 (8 years ago)

relate much.. YUNG TIPONG WALA KANA SAKA KA LANG NYA MAAAPRECIATE.. :(

sexguru

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
somebodyuused2know's Profile Picture
somebodyuused2know
June 15, 2014 (8 years ago)

"Yung wasak na wasak ka na, masiguro mo lang na buong-buo pa rin siya..." PI talaga, tungunang linya yan, napaiyak ako. Napacomment na naman, iba ka talaga Sir FF. Haylabyumats!

I'M A NICE PERSON. JUST DON'T PRESS THE BITCH BUTTON.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
BBKfss's Profile Picture
BBKfss
June 16, 2014 (8 years ago)

May pinagdadaanan??? Nyahaha

Wag seseryosohin!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
somebodyuused2know's Profile Picture
somebodyuused2know
June 16, 2014 (8 years ago)

Tse! Wala. Wala nga. Sabing wala. Ay naku, ang kulit, wala nga!!! :-D

Ok, eto totoo, malapit na malampasan, dinadaanan pa nga lang, pero wala akong balak tumambay. Tatlong vodka lang yan. Goodluck sa Heats mo boss,  ay, World Cup nga pala peg mo ngayon hehehe

I'M A NICE PERSON. JUST DON'T PRESS THE BITCH BUTTON.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Bebeko's Profile Picture
Bebeko
June 16, 2014 (8 years ago)

Tapos na ang NBA finals. World Cup na at may laro ang USA at kalaban ang Ghana. Sana manalo!!!

"You learn nothing from life if you think you're right all the time." - Prof. Richard Feynman

Like (0)  ·  Report
somebodyuused2know's Profile Picture
somebodyuused2know
June 16, 2014 (8 years ago)

Haha sorry naman, oo nga pala, di ko na kasi tinapos ang game eh, yoko maiyak kc, :-P.

Sige goodluck sa Ghana. Este US pala. Peace boss. :-D

I'M A NICE PERSON. JUST DON'T PRESS THE BITCH BUTTON.

Like (0)  ·  Report
unresponsive's Profile Picture
unresponsive
June 16, 2014 (8 years ago)

ang sakit nun ah..

I was born a god.. raised as a king.. i bow down to no one..

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M
Mr.M
June 18, 2014 (8 years ago)

Pawang katotohanan,ibinigay ang lahat dahil mahal mo.Minsan,nag hihintay ka rin na magbunga ang lahat nang ginawa mo alang alang sa isang tao.Sadya lang talaga na may iba walang iniisip kundi pang sariling kapakanan.

Minsan na namatay pero muli nabuhay

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
janaramos's Profile Picture
janaramos
June 18, 2014 (8 years ago)

I can relate to this. Yung tipong pinagsisiksikan mo na sarili mo pero wala padin, yung kulang nalang eh magpakamatay ka na sa harap nya. Mahirap talaga. Nakakapagod at nakakasawa.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
pilyangpasaway's Profile Picture
pilyangpasaway
June 19, 2014 (8 years ago)

ito yun sir fic-fac lol kaso huli na nga... wala na siya :(

You never know how Strong you are until being strong is the only choice you have.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
lourdes_42's Profile Picture
lourdes_42
June 21, 2014 (8 years ago)

yay! FF

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
B
Boy_Bastos12
June 25, 2014 (8 years ago)

...ang tunay na deskripsyon ng pagmamahal...

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments