M
E
N
U

Yapos

Posted in
Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags: , ,
Date: September 2, 2023 (29 days ago)


Aking mga mata'y nakapikit
Habang nakabalot sa iyong bisig
Ang paghinga mo'y aking naririnig
Ganito pala pakiramdam kasama ka sa silid.

Mahimbing ang naging tulog
Katabi ang siyang iniirog
Mapagabi man o sa pagdating ng umaga
Hindi mapagkakaila ang sobrang saya.

Magkahawak kamay na namalengke
Ang bawat titig sa isa't isa'y may sinasabi
Ramdam ang paghanga't pagkagusto
Oh kaysarap damhin pagmamahal na totoo.

Sa bawat oras at bawat minuto na lumilipas
Ika'y nagnanakaw ng halik na matamis o halik na mapangahas
Tapos bibiglain na lamang ako ng mahigpit na yapos mo
Sabay sambit ng, "Mahal na mahal kita, sa'yo lang ako."

...

About the Author :

Zheen728's Profile Picture

Joined: June 27, 2023 (3 months old)
Writings: 65
Female  ·  Offline
Description:
It's you still, always will. πŸ₯°
Signature Text:
YungSinayangMoπŸ’– LagunaBoyπŸ’–
5  ·  0  ·  6  ·  144
 · 

Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks β€˜n Conversations
Recent Comments