M
E
N
U

Paalam..... Na.....

Posted in
Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags:
Date: November 3, 2022 (29 days ago)


Sabi natin, tayo'y magtatagal.
Sabi natin, ito usapan natin.
Nangaako, napako.
Nagmahalan, nasaktan.
Nadurog sa kalungkutan.

Nung una maayos, pero bakit nung tumatagal nawalan ng sigla?
Sigla na, sa alaala na lang makikita.
Sigla na kung saan, nasa puso na lang nakatira.

Mahirap tanggapin, ngunit kailangan tanggapin.
Tatangapin kasi walang ibang paraan.
At wala na rin magagawa.

Paalam....
Mga katagang sinabi sa isa't isa...
Habang ang bawat isa nagmamatigas na kayang mag-isa.
Paalam...
Habang ang pusong durog, ay dinudurog pa...
Damdaming nagpupumiglas, at parang sasabog sa sakit at lungkot.
Paalam....
Habang pinipigilan tumulo ang tubig sa mga mata.

Apat......

About the Author :

T

Joined: September 3, 2022 (2 months old)
Writings: 3
Male  ·  Offline
2  ·  6  ·  2  ·  314
 · 

Comments
La-petite-mort's Profile Picture
La-petite-mort
November 3, 2022 (28 days ago)

"Paalam" salitang sadyang mahirap bitawan, ngunit minsan ay kailangan.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
T
Thetest
November 4, 2022 (28 days ago)

"Paalam", mahirap sabihin, ngunit kailangan sabihin.
Kasabay sa pag tanggap sa katotohanan, na tayo'y  naglaho na.

PAALAM NA.....

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
La-petite-mort's Profile Picture
La-petite-mort
November 4, 2022 (28 days ago)

Still, tuloy ang buhay. Kung may aalis, meron ding darating... Tiwala lang 😊

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
T
Thetest
November 4, 2022 (28 days ago)

yah people come and go, parang karinderya lang bukas sa lahat ng gustong kumain haha
darating sa tamang panahon? o sa maling panahon? lets wait and see.
but wait there's more haha

Like (0)  ·  Report
T
thighknee
November 17, 2022 (15 days ago)

Lahat ng paalam ay may kurot na hatid.
Ngunit kailangan tanggapin ang nais ipabatid.
Kaya kailangan ang isipa'y hwag makitid.
Paalam ay kailang ng tanggapin kapatid.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
T
Thetest
November 18, 2022 (13 days ago)

Wow nagcomment hehe

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments