M
E
N
U

Kamusta Ka Na?

Posted in
Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags:
Date: May 24, 2022 (1 month ago)


Kamusta ka na?
Ikaw na noo'y lagi kong kasama.
Ikaw na naging kapangakuan sa lungkot at ligaya.
Hirap at ginhawa.
Ngiti at luha
Tagumpay at pagdurusa.

Itinuring kong langit at tahanan.
Matibay na sandalan.
Payapang kanlungan.
Di mang-iiwanan.
Hanggang kamatayan.

Nasaan na ang haplos sa aking mukha na palaging gumigising sa umaga?
Ang dampi ng iyong labi.
Ang liwanag ng iyong ngiti.
Ang bulong sa aking tenga na nagsasabi
Ng isang libo't isang salitang sa puso ko'y walang humpay na bumibighani.

O kay sakit isipin na sa likod ng bawat pangako mo ay may nagtatago.
Nagtatagong munting ningas na naging alab na syang nagpasuko.

Oo...
Sumuko ka sa tukso.
Tukso ng isang panibagong pangako.
Pangako ng isang nakagiliwang estranghero.
Na ngayo'y syang bago mong kasama't kasalo.

Kasalo...
Di ba noon iyon ay ako?
Kasalo, kasama.
Kapuyatan, katawanan.
Kakampi sa tuwing ika'y may pinagdaraanan.
Ang lagi mong takbuhan.
Ang tangi mong sumbungan.
Na ni minsan ay di ka iniwanan.

Ilang taonnating pinagsamahan na isang iglap lamang binitawan.
Wala man lamang alinlangan.
Walang lingunan.
Walang panghihinayang.

Ganun na lamang ba iyon?
Na pag sawa ka na, pwede nang itapon?
Lahat ng alaala, oras at panahon.
Kapalit ng akala mo'y mas masayang relasyon.

O kay tagal kong iniyakan ang iyong ginawang paglisan.
Paulit ulit na tinanong ang sarili kung saan ba ako nagkulang.
Ako ba'y totoong minahal o nagpanggap ka lamang?
O sadyang may dumating lang na mas nabigyan ka ng kasiyahan.

Nagwala, nagmukmok, napariwara at nagalit.
Lumayo, nagtago, at umiwas din subalit,
Ang anino ng alaala mo'y sumusunod sa 'king pilit.
Ang isiping masaya ka na sa iba'y syang pasakit.

Ganyan ako nang bigla mo na lamang lisanin.
Nang wala man lamang kahit anong babala ay iyong sasabihin.
Na ayaw mo na,
at di ka na masaya,
Na nadarama mo'y lumamig na
at nais mo munang magpahinga.
Na kalimutan na lamang kit...

About the Author :

Serial_Quiller's Profile Picture

Joined: August 28, 2021 (10 months old)
Writings: 2
Bisexual  ·  Offline
1  ·  1  ·  3  ·  192
 · 

Comments
Abet_29's Profile Picture
Abet_29
May 24, 2022 (1 month ago)

Kamusta?
Relate ako

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ā€˜n Conversations
Recent Comments