M
E
N
U

Hinabing Mga Salita

Posted in
Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags:
Date: December 15, 2020 (1 month ago)


Ramdam ko ang dampi ng hangin sa aking pisngi,
Habang minamasdan ang iyong mga ngiti.
Habang sinisisid mapupungay mong mata,
At kinakabisa ang detalye ng iyong mukha.

Dinig ko ang lagaslas ng maingay na batis,
Habang pinanonood kita sa iyong pagbibihis.
Habang unti-unting umiinit ating katawan,
Naghahanda sa gabing ating pagsasaluhan.

Dama ko ang lamig nitong hatinggabi,
Habang kinakagat, tinitikman ang iyong labi,
Habang gumagapang ang aking hininga,
Mula sa iyong ulo hanggang sa iyong paa.

Sa wakas katawan natin ay naging isa,
Habang nagpapalitan tayo ng hininga.
Habang sabay ang pag-indayog kahit walang musika,
Habang nilulunod ang katawan at kaluluwa.

Kay tagal kong pinangarap na makasama ka,
Langit ang kisame at damuhan ang kama.
Saksi ang buwan at mga bituin,
Sa mainit na pagsasanib ng katawan natin.

Narating natin ang rurok ng ligaya,
Habang pilit hinahabol ang bawat paghinga.
At sa gitna ng bukid na ginawa nating kama,
Ikaw ay nangakong ako lang at wala nang iba.

...

About the Author :

R

Joined: November 27, 2012 (8 years old)
Writings: 21
Male  ·  Offline
2  ·  1  ·  0  ·  279
 · 

Comments
morbucks
December 15, 2020 (1 month ago)

👏🏼👏🏼👏🏼

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments