Paunawa: pagtapos basahin simula hanggang dulo, pakibasa ng dulo pasimula. Naway magustohan ninyo. Maraming salamat po.

Salamin

Tagusang salamin sa aking pagtingin
Malaki ang gulat ko sa aking nakita
Imahe ng sarili ang bumungad inatake
Lungkot ang pumukaw sa banayad na dalaw

Sinarili ang pag abuso, di alintana nag patukso
Nagliyab nag-alab, tumalab binagabag
Binasag ang katahimikang inalay sa libingan
Napagtanto, nagising naalimpungatan ang himbing

Sinuyod ang dilim, lahat naging sakim
Puno ng tukso, ang isang baliw nagkagusto
Sumambulat umatungal lahat ay napagal
Nabingi, narindi sa ingay na binili

Hati-hating binuo, pira-pirasong natuto
Dikit-dikit inayos, hiwa-hiwalay na binugkos
Sa isip kong magulo, Ikaw bay naging totoo
Nabuo ka ng maayos sa isipan kong hikahos

Itinama, isinama sa tamang kamalian
Merong kagulohan sa diwang hiwalayan
Bumangga sa liwanag, may nag paliwanag
Saktong nanguna sinapul ang tadhana

Tunog ng ingay, maingay na tunog
Sakit sa tenga ng mga ugong na dala
Pighate, pasakit at galit pilit iginiit
Anong galaw ang kaya, kung ikaw ay na kahon na

Sa banayad na dalaw, l...

About the Author :

M

Joined: March 12, 2018 (1 year old)
Writings: 8
Send PM  ·  Male  ·  Offline
Description:
Maharot na may sense....

Suggested writings:

2  ·  5  ·  3  ·  272
 · 

Comments
DadiNoli
September 11, 2019 (1 month ago)

ang lalim, brad!

ang sarap basahin...pumupukaw sa damdaming nasaktan...ang ganda ng pagkakalahad!

salamat sa tula, brad!

kakayanin natin ito!

carpe diem! make that moment count!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Kimbie101
September 12, 2019 (1 month ago)

Ang danda hihihi

"Don't HURT the HEART that doesn't HURT your HEART. But HURT the HEART that HURT your HEART" ____________________________________________________________β™₯ReD_Daysβ™₯

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Aphrodite101
September 12, 2019 (1 month ago)

Maganda baliktaran.

Nginunguya ko pa ang laman ng iyong tula sa totoo lng. Give me more time to digest your poem.

Although I sense a deep pain. Yung feeling na tagos sa puso at kaluluwa na sakit. Prang nakatingin sa salamin ng kabaong ang then the irony is you see yourself inside. "Dead inside" na feeling un ang kapupulot ko sa tula mo.

Need ko pa balik balikan para maintindihan ng husto... Or pabulong na lng ng easy version πŸ˜‚.

The best eraser in the world is a good night's sleep. ~ OA Battista

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Aphrodite101
September 12, 2019 (1 month ago)

I'll take it line by line na lang muna 😁. Sorry sa typos sa taas nyahaha walang edit...πŸ˜‚

The best eraser in the world is a good night's sleep. ~ OA Battista

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
M
Mr.M
September 26, 2019 (26 days ago)

Malalim may mensahe sa atin

Married yet related to many who try to

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Add New Comment
Latest Writings
Recent Comments