Uwak

Posted in
Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags:
Date: July 16, 2019 (1 month ago)


Ang sarap sa feeling nang gan'to.
'yung tamang chill lang habang nakikinig sa mga kuwento.
Sa mga kuwentong wala naman talagang kabuluhan.
Mga kuwentong barbero lang.
Pero hindi na importante 'yun.
Ang mahalaga, masaya ka.
"hoy tol! Tagay mo na."
Ay oo nga pala.
Sorry, sorry. Akin.
Ganito ang madalas na eksena.
Nagkukumpulan kaming magtotropa sa tuwing may nasasawing palad sa nililigawan nila.
Medyo batrip din kung minsan, feeling ko sa tuwing may nababasted sa mga kaibigan ko,
Ang talagang nagdudusa ay ang atay ko.
Pero payr lang nang payr!
Payting!
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
"Bwaaarrkk!"
Owo! Tangina, bagsak.
Nagtatawag na ako ng uwak.
Feeling strong kasi si gago.
Akala kaya lahat ng problema sa mundo.
Ngayong sinampal na ng katotohanan,
Tumiklop ang buntot at walang magawa na daig pa ang may kapansanan.
Tsong! Ang alak nakakatulong kung minsan.
Oo, makakalimot ka pansamantala,
Pero ang problema'y hindi nawawala at paniguradong nandiyan pa rin kinabukasan.
"Tol lugaw muna tayo, pampatanggal amats."
Sakit sa ulo ng hangover.
Lakas pa ng tama ko.
Parang lugaw pa ang katawan ko.
Latang lata.
"tol. May yosi ka pa ba?"
"oh? Akala ko ba nagquit ka na?"
"akala ko nga rin e...

About the Author :

Joined: January 6, 2015 (4 years old)
Writings: 32
Send PM  ·  Male  ·  Offline
Description:
An ishvalan.
Tall, dark, and troublesome.
Messed up.
A living potato lying on a couch.

Suggested writings:

1  ·  0  ·  1  ·  167
 · 

Add New Comment
Recent Comments