Malaya

Posted in
Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags:
Date: May 17, 2019 (4 months ago)


Kapwa di naghahanap, kapwa naman masaya
Walang ibang nais kundi ang makilala sya
Sapat na'ng makausap, bagong kaibiga'y makilala
Di inaakalang tadhana'y may ibang dala

Sa simula pa lamang, atensyon ko'y napukaw na
Higit sa taglay na karisma, ang kanyang pagiging kakaiba
Lalim ng pag-iisip, agad na aking napansin
Kaya't di na naiwasang sya'y mapalapit sa akin

Sadya sigurong may taong sa unang pagkakakilala
Dama agad ang koneksyon, dulot agad ay saya
Palitan ng kuro-kuro, karanasan, at kaalaman
Kaya't mabilis lumipas, oras ng di namamalayan

Muli't muli'y nasundan ang pagdadaupang-palad
Pagkakaibiga'y lumalim ng walang ibang hinahangad
Gayon pa ma'y di maitatanggi, damdamin na namumuo
Panahon na bang pagbigyan ang kanilang mga puso

Di na kailangan i-komplika, kapwa na nagkaaminan
Iisa ang sinasabi ng puso at nararamdaman
Dulot sa isa't isa'y tuwa at labis na kagalakan
Makatagpo ang isang taong, pag-ibig ay ilalaan

Ngunit di lamang damdamin ang sa kanila'y napukaw
Kundi maging senswalidad, buong layang pinatanaw
Bawat dampi, bawat haplos, dulot ay kamalayan
Nanunuot sa pagkatao at gumigising sa kamunduhan

Sa bawat ungol at daing, na dulot ng ibayong sarap
Tumatagos sa mga kaluluwang noon pa may hinahanap
Sa bawat kabig at diin, sumasagad sa kanilang pagkatao
Ang di masukat na kaligayahan na ngayon lamang natamo

Bawat pantasya, bawat laro, bawat estilong sinubukan
Kapwa nila nilasap at kapwa nila nagustuhan
Buong-buong tinanggap ng walang panghuhusga
Ito marahil ang kahulugan ng pagiging tunay na malaya

Mapangahas, mapusok, kabaliwan man para sa iba
Malaya nila nalalasap, malaya nilang nagagawa
Bawat sandaling kapiling ay lalong nag-aalab
Mga damdaming humuhulagpos, pagnanasang lumiliyab

Sa mga nagdaang panahon na pilit na nilabanan
Pagnanasa'y sinupil, itinago, nangambang mahusgahan
Ngayo'y malayang pinamamalas, bagsik na itinatago
Bagsik na sya namang hinahanap at hinahangad ko

Sa piling mo aking sinta, ako'y mananatili
Walang pag-aalinlangan, walang pag-aatubili
Lahat ay ating susubukan, lahat ay ating lalasapin
Wag sanang mag-aalala pagka't i...

About the Author :

Joined: April 14, 2019 (5 months old)
Writings: 15
Send PM  ·  Female  ·  Offline
Description:
Writes fiction as an artistic expression while drawing inspiration from personal experiences and fantasies

Suggested writings:

7  ·  2  ·  5  ·  533
 · 

Comments
Jayem00
May 20, 2019 (4 months ago)

Alipin ng kalibugan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Magicfingerchatter
June 9, 2019 (3 months ago)

maganda sya 😀

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
Recent Comments