Dalawang Panig Sa Iisang Mundo

Posted in
Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags:
Date: April 19, 2019 (2 months ago)


Totoo nga pala talaga 'no?
Laging dalawa ang mukha ng bawat kwento.
Maaaring ang isa ay krus
At ang kabila'y kara.
Ganito tumakbo ang buhay nating mga tao.
Parang sugal kung tayo'y tumaya.
Minsan panalo, madalas ay talo.

Lintek na desisyon 'yan.
Umasa pang magkabalikan.
'yung naipong pagmamahal sa isang tao'y binitawan.
Para lang sa isang taong inakala mong pangmatagalan.
Siguro'y ganun talaga.
Makakasakit ka, anumang desisyon ang iyong piliin.
Pumanig ka man sa inaakala mong tama,
Maaaring ito'y mali para sa atin.

Minsan ang pagsagip mo sa isang tao,
Ay siya namang pagpatay para sa iba.
Sa bawat pagkapanalo,
Kapalit nito'y pagkatalo't luha sa mga mata.
Oo, maaring hindi sa'yo.
Pero baka para sa iba.
Balang araw ikaw ang hihingi ng balato,
Luluhod, yuyuko, hihingi ng tawad at magpapakumbaba.

Para sa mga taong umasa.
Sa mga hindi pinili at binalewala.
Mga naiwan sa ere na parang tanga.
Masakit, hindi ba?
Ganyan ang pakiramdam ng mga taong hindi natin naramdaman.
'yung mga taong nasa kabila ng kwento't kinalimutan.
'yung mga taong nagsilbing anino sa ating kinang.
'yung mga biktima sa ating kahunghangan.
Sa pag-aakala nating tayo lamang ang nasasaktan....

About the Author :

Joined: January 6, 2015 (4 years old)
Writings: 30
Send PM  ·  Male  ·  Offline
Description:
An ishvalan.
Tall, dark, and troublesome.
Messed up.
A living potato lying on a couch.

Suggested writings:

0  ·  1  ·  1  ·  356
 · 

Comments
honeybunch19
April 19, 2019 (2 months ago)

Sa lhat nman ng bagay sugal lalo na Sa larangan ng pagmamahal. Masakit pero isipin mo na lng mga bagay na nagpasaya sa inyo.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
Latest Writings
Recent Comments