Puso

Posted in
Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags:
Date: April 16, 2019 (1 month ago)


Sa ating unang pagkikita,
Puso ko ay nabihag mu na..
sandali na ating pinagsasaluhan,
Hindi ko alam kung hanggang kailan..

Ngunit ano nga ba ang matimbang?
Puso ko na mahal ka,
O puso mo na nakatali na...

Daliri mo na nakabalot ng singsing,
hindi na kailanmay maaring alisin..
Habang ikay nasa kanyang piling,
Ako'y naghihintay sa iyong pagdating?

Sadya nga bang tadhanay mapaglaro,
Madami na ang pinaglalaruang mga puso..
Ngunit paano mo masasabing akoy masaya,
Kung sa piling ko ikaw ay wala na..

Noon pang ikaw ay aking nakita,
Nasabi ko sa aking sarili 'ikaw na'..
Luha man ay pumatak mula sa aking mga mata,
Puso koy walang ibang babanggitin, kundi pangalan mo,
At wala ng iba..

Sa mga pagkakataon na ako ay nagiging mahina,
Mapatawad mo sana sinta...
Wala man akong karapatan kahit sa iyong pangalan,
Mamahalin pa rin kita hanggang sa dulo ng walang hanggan.

Pinapangako kong wala akong gagawin,
Wag mo lamang akong lisanin..
...

About the Author :

Joined: March 22, 2019 (2 months old)
Writings: 34
Send PM  ·  Female  ·  Offline
Description:
_owned

Suggested writings:

0  ·  0  ·  0  ·  359
 · 

Add New Comment
Latest Writings
Recent Comments