Mario...Saan Ka Nagtago?

Posted in
Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags:
Date: April 5, 2019 (2 months ago)


Mario...saan ka nagtago?
Doon ba, diyan o dito...
Akala nila ikaw ay basta naglaho
May iniiwasan ka ba o ano?

Wag ka ng magtago
Lalo nilang iisipin na ika'y nanggago
Muling ilitaw ang mukha mong gwapo
Na akala nila'y gamit mo sa panloloko

Umpisahan ulit ang pagbibiro
Humalakhak, tumawa, makigulo
Hayaang isipin nilang ikaw ay buo
Kahit sa likod ng ngiti ika'y guho

Mario, sakit na dala mo'y dama ko
Tulad din kita, nasasaktan ang puso
Matapos ang isang relasyong matagal binuno
Kung sino ang may sala ay di matanto
Akuin mo na lang mali man o totoo
Sa kabila ng pagdaramdam maging maginoo

Nakatutuwa pa pag ika'y naglaho
Iniisip nilang ika'y may binigo
Nagpaasa daw o di kaya'y nanibugho
Tayo lang ang may alam ng totoo

Tanggapin na lang ang mga sumbat na binabato
Ang pag iwas ay hindi sagot Mario
Harapin mo sila na taas noo
Habang binubuo ang nawasak na puso

Isang araw pag gising mo
Mga ngiti'y magiging lehitimo
Nakasakit...

About the Author :

Joined: September 2, 2015 (3 years old)
Writings: 184
Send PM  ·  Male  ·  Offline
Description:
Its just me, so nevermind :)
Signature Text:
If life's a joke, then why aren't you laughing :))

Suggested writings:

0  ·  12  ·  2  ·  346
 · 

Comments
ren0014
April 6, 2019 (2 months ago)

Tama, Mario!itaas mo lang iyong noo!Andto kami para sayoπŸ‘ŠπŸΌBumalik ka na Oh,Mario!sa mundo wag kang magpapatalo!

"Whoever is trying to bring you down is already below you."

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
layo_edad
April 6, 2019 (2 months ago)

Yup, tuloy Lang and buhay.
Mamats Ren..

If life's a joke, then why aren't you laughing :))

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Padr3
April 6, 2019 (2 months ago)

Madalas kailangan natin madama ang sakit, upang tayo ay mabuong muli.
nice one otor

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Padr3
April 6, 2019 (2 months ago)

magiba.... Instead of sakit..my apology****

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
layo_edad
April 6, 2019 (2 months ago)

Sakit o magiba, same Lang father. Mas intense pa nga yung magiba.
Salamat Father..

If life's a joke, then why aren't you laughing :))

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
sexymom07
April 6, 2019 (2 months ago)

Hmmmm....

Im a sweet person n sincere to be ur real friends....

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
layo_edad
April 6, 2019 (2 months ago)

Hmmmm... Ka din mommy!
Hahaha..

If life's a joke, then why aren't you laughing :))

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
sexymom07
April 7, 2019 (2 months ago)

πŸ˜‚

Im a sweet person n sincere to be ur real friends....

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
pilyangpasaway
April 6, 2019 (2 months ago)

Hayaan nyo muna mag tago si Mario, pagkatapos magnilay nilay paniguradong magbabalik at hindi makakatiis na kayo'y batehin... este batiin ☺️

At para sayo Mario, walang taong perpekto, may pagkakamali man sayong nagawa ika'y bumangon at wag magpakalugmok

You never know how Strong you are until being strong is the only choice you have.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
layo_edad
April 6, 2019 (2 months ago)

Yup maam PP, matutong bumangon sa pagkakalugmok.
Thanks sa pag komento maam PP...

If life's a joke, then why aren't you laughing :))

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
JacktheStripper
April 6, 2019 (2 months ago)

Tangna may shoutout talaga eh no πŸ˜‚πŸ˜‚
Muli isa na namang malupit na paglaro ng mga salita para sa isang panulat na pangmalupitan ang tama.
Sunod sunod mga tula iniisip ko Abril ba ay Buwan ng Paasa?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
layo_edad
April 6, 2019 (2 months ago)

Caviar mwuahh...
Lahat naman ng ginagawa ko para sayo hihihi. At di lang salita kaya ko laruin, alam mo yan *wink wink
Bwahahahaha, mamats sa pagbasa pre!

If life's a joke, then why aren't you laughing :))

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
Latest Writings
Recent Comments