Bago Vs Luma

Posted in
Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags: , ,
Date: November 25, 2018 (15 days ago)


di ko alam kung pwede to dito hehe pero la lang.
trip ko lang ishare :)

spoken poetry ko nga pala to hehe.

ENJOYY!

**************************

Naaalala mo pa ba nung una?
Una tayong nagkakilala?
Siguro nalimutan mo na.
Hayaan mo, sayo'y aking ipaalala.

Pero teka! Mukang nalimutan ko na rin pala.
Gaya nang paglimot mo sakin nung tayo pa.
Lagi akong nag hihintay na ako'y iyong maalala.
Na ay! "May girlfriend palang sa aki'y nag hihintay pa!"

Malungkot... Oo sobrang lungkot pala.
Na yung taong mahal mo, may oras sa iba.
Pero sayo, wala na...
Sabi ko, "Maghihintay pa rin ako sa kanya."

Kasi nung una hindi ka naman ganyan pa.
Halos kalimutan mo na ang kumain,
Makausap lang natin ang isa't isa.
Pero bakit nagbago lahat sa atin?

Ah! Alam ko na...
Kasi bumalik siya.
Bumalik yung taong iniwan ka.
Pagbalik niya, yung taong tumanggap sayo, kinalimutan mo na.

Ganyan ka bang talaga?
Handang talikuran yung bago para sa pinaglumaan mo na?
Pinaglumaan mo na... Pero ginamit mo pa.
Sira sira na nga't may dumi na.

Pero pinili mo pa rin siya,
Akong bago na nag hihintay sayo, andito.
Sana nung una palang di mo na pinansin pa.
Edi sana una palang di na ko umasa.

Nung una lang pala yun no?
Nung wala pa siya sayo at hawak pa ng iba.
Nung limot ka pa niya dahil meron na siya.
Nung ginawa mo lang pala akong pamalit niya.

Pansamantala.
Na pag nawala siya, ako muna.
Tapos kapag bumalik na,
Iiwan mo na at sasamang muli sa kanya.

Ayoko na, suko na.
Mahal mo lang ako nung una.
Teka? Minahal mo nga ba?
O ginamit mo lang talaga para maipakita sa kanya?

Na may bago ka at kinalimutan mo na siya.
Na hindi naman siya kawalan kapag iniwan ka.
Kasi andito naman akong sayo ay nag papakatanga.
Tanga ka!

Kasi may pinili mo yung iniwan ka,
Kaysa sakin na handang gawin ang lahat para mapangiti ka.
Ayoko na. Gaya ng ginawa mo,
Kakalimutan na kita.

May bago naman diyan at hindi...

About the Author :

Joined: October 11, 2018 (1 month old)
Writings: 12
Send PM  ·  Bisexual  ·  Offline
Description:
I AM SO MYSTERIOUS :)
But once na nakilala moko.
You'll know everything about me.
I am cheerful, serious, joker sometimes, crazy, imaginative, and kind outside.
Im letting you guess what I am inside 😈.
Signature Text:
Ican'tfvckinsleep!

Suggested writings:

0  ·  0  ·  0  ·  199
 · 

Add New Comment
Recent Comments