First Move?

Posted in
Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags:
Date: October 31, 2018 (16 days ago)


First Move?

Tanggap ng karamihan na lalaki ang unang dapat kumilos
Huwag palipasin ang araw na problema ay di natatapos
Suyuin ang kasintahan o asawa sa iba't-ibang paraan
Magkabati lang kahit mapagod ng sobra ang katawan

Matagal ng gawi ang ganito
Kahit alam natin na dapat ay pantay pantay tayo
Babae man o lalaki ang iyong pagkatao
Maging maintindihin sana tayo

Kaya ang pakiusap ko sa mga babae
Nauubos din ang pasensya naming mga lalaki
Kahit hindi namin kasalanan pero nasa amin pa din ang sisi
Pero bakit ba ganito na lang palagi?

Wala naman masama ang manuyo kahit hindi namin kasalanan
Pero sana malaman nyo na lahat ay may hangganan
Pag dumating yun ay siguradong kayo ay masasaktan
Masasabi sa sarili kung bakit kami ay pinabayaan

Huwag nyo ipadama sa aming mga lalaki na kayo ang laging tama
Kahit alam naman natin na kayo ang nagkasala
Ang panunuyo ay huwag binabalewala
Dahil hindi dahilan ang pagiging babae para umarte na walang sala

Pahalagahan ang nararamdaman ng bawat isa
Kaya matuto kayong mga babae na unang kumilos para maayos ang problema
Tanggapin na iba na ang panahon ngayon
Kaya kumilos kayo ng naaayon sa panahon

Huwag masamain ang nilalaman ng tulang ito
Nais ko lang sabihin na mag...

About the Author :

Joined: September 9, 2018 (2 months old)
Writings: 8
Send PM  ·  Male  ·  Offline
Signature Text:
Real men use three pedals

Suggested writings:

2  ·  0  ·  0  ·  144
 · 

Add New Comment
Recent Comments