Tapos Na

Posted in
Blog: Tagalog · Categories: Non-Erotic · Tags:
Date: March 24, 2018 (6 months ago)


Tapos na.

Nandito na talaga tayo sa dulo.

Dito sa hangganan na noon hindi ko naman natatanaw, pero ngayon dito tayo parehas napadpad. Masakit, oo. Nakakapanghinayang. Pero may mga bagay talaga na hindi na natin kayang ipilit at ayusin kapag ayaw na talaga.

Parang tayo, sinubukan naman nating ayusin di ba?

Mahal pa rin naman natin ang isa't isa... pero hindi na gaya noon.

Ang saya natin. Bakit biglang nasira?Bakit biglang nagkulang? Nasobrahan ba ako? O hindi ka lang nakuntento? Sagutin mo naman. Maghihintay ako.

Yung mga tawa at kulitan natin, napalitan ng away at sigawan. Yung halakhak, napalitan ng iyak. Hindi ko alam kung paano tayo maaayos kasi hindi ko naman alam kung saan nagkaproblema. Sabi mo ikaw ang may diperensya, sayo may problema, kaya sa huli ang sabi mo, palayain na kita..

Siguro nga hindi ka na masaya sa sakin. Pasensya ka na mahal ko kung hindi naging sapat yung Ako para Sa'yo.

Hindi ko alam kung ilang buwan o taon ang kailangang lumipas para makalimutan kita kasama lahat ng sakit na nandito pa rin sa dibdib ko hanggang ngayon. Pero alam ko, magiging masaya ulit tayo. Hindi man sa piling ng isa't isa, pero sa piling ng iba.

Sa ngayon, paniniwalain ko muna yung sarili kong hindi kita namimiss, hindi kita naaalala, at hin...

About the Author :

Joined: January 8, 2016 (2 years old)
Writings: 19
Send PM  ·  Female  ·  Offline
Description:
I don't think all writers are sad. I think it's the other way around --- all sad people write.
Signature Text:
Mahirap maghanap ng taong pangmatagalan sa sitwasyong pangmabilisan.

Suggested writings:

0  ·  15  ·  0  ·  1,073
 · 

Comments
alexander11
March 25, 2018 (6 months ago)

Are you ok?

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Filipiniana
March 26, 2018 (5 months ago)

Hi! Please check your settings, I can't send my reply to you. Btw, okay na ko. Okay na Sir, kahit papano. Thank you. :)

Mahirap maghanap ng taong pangmatagalan sa sitwasyong pangmabilisan.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
rednaxel947
March 25, 2018 (5 months ago)

Takbo ka na din.focus ur mind out there.there's someone for you.it happens.may mga naghahanap ng relationship dito na ready to commit but not lucky enough.as time pass by keep ur option open.makakamit mo din yon and get happy forever

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Filipiniana
March 26, 2018 (5 months ago)

Yes. I'll run as fast I can. Away from illusions.
Thank you. Looking forward to that "happiness." :)

Mahirap maghanap ng taong pangmatagalan sa sitwasyong pangmabilisan.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
User Not Found
March 25, 2018 (5 months ago)

Babagalan ko ang takbo. Para mahabol mo ako.Β Β Lilingunin kita panakanaka, sisiguraduhin kong hinahabol mo ako.

Malaya ako. Malaya kong bagalan ang pagtakbo ko. Para sayo.

"Virtual is like everything else. Assume nothing. Only then can you truly see what you're dealing with." - Quellcrist Falconer , Altered Carbon

Like (0)  ·  Report
Filipiniana
March 26, 2018 (5 months ago)

Huwag mo na akong lingunin at tumakbo ka nalang nang matulin. Mas gugustuhin ko pang tuluyan mo kong lisanin, kaysa makita mo pa akong nananangis.

Husto na ang sakit...

Makakalimutan din kita. Maniwala ka.

Mahirap maghanap ng taong pangmatagalan sa sitwasyong pangmabilisan.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
User Not Found
March 26, 2018 (5 months ago)

Hmmmmmmmmmmmm.

Geh. Lilisanin nyan. Pinili mong alisin
Manangis? Pinili mo na nga umalis. Humagibis?
Sakit ? Kaninong hinanakit ? Na mapait?
Maniwala? Saan? Sa paalala?
No sarili mo nga ayaw kumawala.

"Virtual is like everything else. Assume nothing. Only then can you truly see what you're dealing with." - Quellcrist Falconer , Altered Carbon

Like (0)  ·  Report
Filipiniana
March 27, 2018 (5 months ago)

:)

Wala akong pinilit alisin. Ikaw ang nagpumilit kumawala.
Ilang beses kitang pinigilan at tinanong kung anong dahilan pero wala. Wala akong napala.
Siguro nga pagkakamali ko rin...

Sobra kasi kitang minahal.
Lahat nga pala ng sobra masama...

Mahirap maghanap ng taong pangmatagalan sa sitwasyong pangmabilisan.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
User Not Found
March 27, 2018 (5 months ago)

:)

Di ka man lang nagpaalam. Yun ay labis kong dinamdam
Isanawalangbahala bigla mga ipinunlang alaala
Katahimikan mo noon ngayon ay aking naliwanagan
Kung pagkakamali nga ang sa akin ay manatili at sa iba'y mawili
At kung ang labis na pagmamahal sayo ay kalabisan na at sobra
Wala na nga sigurong dahilan kung di ikaw ay pakawalan.

Mahal pa din kita, yan ay alam ko kahit sakin ika'y nagpapaalam.

Char !

"Virtual is like everything else. Assume nothing. Only then can you truly see what you're dealing with." - Quellcrist Falconer , Altered Carbon

Like (1)  ·  Report
Akela143
March 27, 2018 (5 months ago)

Ganda ng palitan!! Ang kulit!! Ipagpaumanhin ninyong dalawa at aking nasira....

No inhibition. Less depression.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Filipiniana
March 28, 2018 (5 months ago)

Sa wakas... Narinig ko rin.
Narinig ko rin kahit huli na, na ako'y iyong minahal,
At mga alaala nati'y iyong pinahalagahan.
Salamat.
Huli man na ito, nais kong malaman mong...

Pinakilig mo pa rin ako. :)
**
Thank you paulgwaposhet! You made me smile here. At least, you've said what I long to hear though not from him...
My claps are all for you. πŸ‘πŸ‘πŸ‘

Mahirap maghanap ng taong pangmatagalan sa sitwasyong pangmabilisan.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
User Not Found
March 28, 2018 (5 months ago)

Was it the him before me or the him after me ?
Is that yet another feigned smile that I now see ?
Thanks for the claps laced within your unreal whims
Realize soon that to be with him's only in your fancy dreams.


:)

Have a good life and so will I.

char !

"Virtual is like everything else. Assume nothing. Only then can you truly see what you're dealing with." - Quellcrist Falconer , Altered Carbon

Like (0)  ·  Report
angeleyes.sky
March 29, 2018 (5 months ago)

Yun ohhh! May nakita akong pusa 😁😁😁ramdam ko ang bawat kataga. I feel you sis.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Filipiniana
March 29, 2018 (5 months ago)

Yay. Thanks! ❀

Mahirap maghanap ng taong pangmatagalan sa sitwasyong pangmabilisan.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
DadiNoli
July 24, 2018 (2 months ago)

breakups are too painful to bear especially if one truly loves the other more than oneself..=(

carpe diem!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
Recent Comments