Sinampalukang Realidad

Posted in
Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags:
Date: March 27, 2018 (5 months ago)


Ako'y sinampal ng hanging masakit sa katawan
may dalang bigat kaya ako'y natauhan.
Bakit nga ba nagugulumihanan
Kung sa realidad ko'y wala kang kaganapan?

Nakakatawa, di ko lubos maisip.
Bakit ka tumatambay sa aking panaginip?
Makailang beses kang dumalaw,
Ngunit sa alaala'y biglang pumanaw.

Bakit nga ba katotohanan ay kay talim?
Tumutukso, sumasaksak pailalim.
Tignan mo ang ulap, tulad ng pag-iisip, malabo at madilim.
Paningi'y nandidilim, di maikubli pait ng damdamin.

Kaya't dahan-dahan akong bibitaw
Sa kamay mong di ko naman nahawakan.
Panalangin ko na lang...
Na sana katulad ng sugat kapag nahipan...
Gumagaling agad at biglang nakakalimutan.
...

About the Author :

Joined: April 29, 2017 (1 year old)
Writings: 5
Send PM  ·  Female  ·  Online
Description:
Chill
Signature Text:
Hey there, smile! 💛

Suggested writings:

0  ·  10  ·  0  ·  639
 · 

Comments
User Not Found
March 27, 2018 (5 months ago)

at gumaganyan ka na din ha ? talande !

"Virtual is like everything else. Assume nothing. Only then can you truly see what you're dealing with." - Quellcrist Falconer , Altered Carbon

Like (0)  ·  Report
starst1949
March 27, 2018 (5 months ago)

ganda naman ng pinapaitan mong tula.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
cunTrina01
March 27, 2018 (5 months ago)

Tulad din ng sugat na sariwa na pag hinipan mahapdi, ganern effect ng sulat mo gerr! Isa ka rin mapanakit and i love et!

Smile :)

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
gary_lising
March 27, 2018 (5 months ago)

Awwwts...sakit roash

life is beautiful!!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
jemem
March 28, 2018 (5 months ago)

Ang pait ng sinampalukang realidad mo roash

Imagination mo ang limit.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Rex_Jones
March 28, 2018 (5 months ago)

Every once in a blue moon we get caught by surprise with a poem of this level. It truly is a treat to read such from beginning to end until that surprise becomes a shock after reading who wrote it! Someone out of nowhere and unexpected that she is too very much capable. Wow!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
BoboyAlega
March 28, 2018 (5 months ago)

+1

Carpe Diem

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
arkie
March 29, 2018 (5 months ago)

haha di ko alam kung sasampalin kita o yayakapin may pinaghuhugutan ka pala

The best way to ignore you is by pretending i did'nt see you.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
RoashDf
March 29, 2018 (5 months ago)

The best way to ignore you is by pretending I didn’t see you. 😂

Hey there, smile! 💛

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
rednaxel947
April 7, 2018 (5 months ago)

Tama yan.ilabas mo yan,wag kimkimin.mabigat dalhin yan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment