Realidad

Posted in
Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags:
Date: May 16, 2018 (5 months ago)


utak na walang alam....

Parang kailan lang, nang unang humabi
Nang mga taludturang ang tema ay sawi
Nag aakalang eto'y makapapawi
Nang ibayong lungkot at pag ka duhagi

Taludturan ngang, walang halong kamanyakan
Ang sa aking isipan ay nagsasalimbayan
Para bang mga sasakyan na nag uunahan
Para bang sa espasyo, sila'y mauubusan

Ngunit san nga ba hahantong ang malayang taludturan
Kung sa ritmuhan, laglag sa kalakaran
Na para bang laruang walang patutunguhan
Tulad din ng relasyon, sa hiwalayan ang hantungan

Sadyang kay bangis ng utak na hubad
Kayang paikutin kaluluwang babad
Pusong puno ng siphayo, kanyang binabaliktad
Sanglaksang galit kanyang pinatutuwad...

About the Author :

Joined: August 15, 2015 (3 years old)
Writings: 26
Send PM  ·  Male  ·  Offline
Description:
Pusang gala ang sa aki'y turingLaman ng kalsada, bangketa pa man dinNgunit kahit gala, utak ko ay timawaSang laksang punyal, balaraw na isipan

Suggested writings:

0  ·  0  ·  0  ·  385
 · 

Add New Comment
Recent Comments