Noon at Ngayon

Posted in
Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags: ,
Date: June 21, 2018 (3 months ago)


Noon ...

Para kang kape ko sa umaga,
Kasabay ng itlog at sinangag,
Binubusog ang araw ko't pinapaganda.

Para ka rin yung unan kong malambot at mabango,
Isama mo na rin yung kumot at kulambo,
Palaging nahihimbing ang tulog ko kapag nasa tabi mo.

Para kang yung paborito kong panyo,
Na humahaplos sa mukha ko sa tuwing napapagod ako.

Narating ko na ang langit sa'yo,
Ngunit bakit walang sabi-sabi'y iniwan mo?

Pero teka. Bakit biglang nagbago?

Parang karayom na yung pangalan mo,
Marinig ko palang parang tinutusok na dibdib ko.
Anong ginawa mo...

Yung pabango mong paborito ko,
Para ng sibuyas sa pang-amoy ko,
Nakakaiyak. Umiiyak pa rin ako... Dahil sa'yo.

Ayaw ko ng yakapin ng mahigpit yung unan ko,
Naaalala ko kung paano mo ako yakapin noon,
Nasasaktan lang ako.

Bakit di ka nagsabing bibitaw ka na?
Paano ka namili sa aming dalawa?
Wala na ba talagang nakukuntento sa isa?
O sadyang gago ka lang para paasahin ako sa wala?

Siguro nga ikaw yung pinakamagandang bangungot ko,
Kahit alam ko na yung dulo, pipikit pa rin ako.
Hahanapin kita sa panaginip ko hanggang sa magtagpo tayo,

At sa muling pagmulat ng aking mga mata,
bakas man ang luhang natuyo sa aking mukha,
In...

About the Author :

Joined: January 8, 2016 (2 years old)
Writings: 19
Send PM  ·  Female  ·  Offline
Description:
I don't think all writers are sad. I think it's the other way around --- all sad people write.
Signature Text:
Mahirap maghanap ng taong pangmatagalan sa sitwasyong pangmabilisan.

Suggested writings:

1  ·  5  ·  0  ·  542
 · 

Comments
rednaxel947
June 21, 2018 (3 months ago)

Ah apo ka pala ni Balagtas..Francisco Baltazar.nice

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
G
Guest0
June 23, 2018 (3 months ago)

nice poem po...

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
DadiNoli
July 24, 2018 (2 months ago)

one thing for sure..

ung noon mo ay mapapalitan ulit ng magandang ngayon..

buksan mo lang ulit ang iyong puso at isipan, darating din ang magmamahal sa iyo tulad ng iyong pagmamahal..

hindi lageng ikaw ay malulungkot..hindi lageng malupit ang panahon sa taong nagmamahal na tulad mo..

carpe diem!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Filipiniana
July 24, 2018 (1 month ago)

Aww. Thank you sir! Napakasarap mabasa sa ganitong malamig na umaga. :)

Mahirap maghanap ng taong pangmatagalan sa sitwasyong pangmabilisan.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
DadiNoli
July 24, 2018 (1 month ago)

i meant every word of it..i went through the same heartaches & pains..the only difference was, i suffered through it alone & lonely..

i'm glad it gave you warmth in your cold morning & will hope to warm you through other cold mornings..

carpe diem!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Add New Comment
Recent Comments