Muli

Posted in
Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags: , ,
Date: March 6, 2016 (2 years ago)


Kung maaari lamang na maititik at maisulat,
Ang mga pangyayari sa ating buhay at maging aklat-
Sa aking tingin ang ilang kabanata ay di sasapat;
Upang maikuwento ng walang pagsisinsay ang lahat.

Pagkat madaming pinagdaanan ating pag-iibigan;
Mga panahong nagtalo'y di na din mabilang kung ilan,
Dumating din sa punto na pag-ibig ay pinalamigan-
Sa sobrang lamig ay muntik nang humantong sa hiwalayan.

Kung sa panahong yaon ay muling tumibok ang puso mo;
HIndi kita masisisi pagkat gayon din naman ako,
Sadya nga yata talagang marupok ang mga puso-
Na dumadanas ng di kawatang kalumbayan sa mundong ito.

Ngunit tama nga ba sila sa kanilang akala?
Na ang tinatawag na tadhana ay mapaglaro talaga?
Pagkat pagkatapos ng lahat at ang bagyo'y humupa na-
Ay heto na tayong dalawa muli gaya noong umpisa

Sa Kanya nga'y aking pinapanalangin at hinihiling;
Na nawa'y sa 'ting mga mata'y mawaksi ang mga tabing-
at ikaw ay huwag nang mahiwalay pa sa aking piling:
Loobin Mo nawa na dinggin ang aking mumunting daing.

XXXXXXXXXXXXXXXXxxxxxxxxxxXXXXXXXXXXXXXXxxxxxxxxxxxxxxxXXXXXXXXXXXxxxxxxx

Poems, like jokes, should be shared freely. that said, this poet would just like to...

About the Author :

Joined: July 14, 2013 (5 years old)
Writings: 50
Send PM  ·  Male  ·  Offline
Description:
"I love Halloween. the one time in a year where everyone wears a mask not just me. people think its fun to pretend that youre a monster. me, i spend my life pretending im not."
Signature Text:
"The character's attitude is more important than plot." - Stephen J. Cannell

Suggested writings:

1  ·  7  ·  0  ·  1,194
 · 

Comments
somebodyuused2know
March 6, 2016 (2 years ago)

Ang lalim ng hugot Dark, sinlalim ng mga tagalog na ang iba'y talaga namang nasa kailalalim na ng baul ni lola haha.

But it's a nice poem. Sana nga maraming ganyan. Napo-fall out of love na halos. Pero huhugot lang, sila pa rin sa ending hehe. Sige, emo-emo din pag may time. :-D

I'M A NICE PERSON. JUST DON'T PRESS THE BITCH BUTTON.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
darkcipher
March 7, 2016 (2 years ago)

Hehehe salamatssss

may nagrequest lang dun sa fbpage.

Mukha kasing iba ang age bracket kaya ganyan kinalabasan hehe

"The character's attitude is more important than plot." - Stephen J. Cannell

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
sexymom07
March 7, 2016 (2 years ago)

Nice poem... Sadyang nga tlgang mapaglaro ang tadhana..

Im a sweet person n sincere to be ur real friends....

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
darkcipher
March 7, 2016 (2 years ago)

Salamat po.

Sadyang mapaglaro kaya dapat lagi dintayong hands sa mga percent mangyari. Hehe

"The character's attitude is more important than plot." - Stephen J. Cannell

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
safari
Status: Suspended

March 8, 2016 (2 years ago)

Pagkatapos ng bagyo
Dalawang resulta pwede maabangan
Hiwalayan dahil di kinaya
O manatili sapagkat kaya pa.
Pero napakasarap sa pakiramdam
Na pagkatapos ng bagyo
Magkasama pa kayo
Lambingan manunumbalik
Katulad nung umpisang sa isa't isay muling sabik.

Call me a curse or just call me blessed. If you can't handle my worst, you ain't getting my best.

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
darkcipher
March 9, 2016 (2 years ago)

Niiiiiccceeee!!!!

galing po ah!

"The character's attitude is more important than plot." - Stephen J. Cannell

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Only_GOD_KnoWs_Why
March 8, 2016 (2 years ago)

maraming salamat po s ng-sulat po ng poem...Loobin Mo nawa n dinggin ang aking mumunting daing,..sna humupa n ang bagyo s buhay ko...s kanya ngay aking pinapanalangin at hinihiling Na naway s'ting mga Mata'y Mawaksi ang mga Tabing..araw2x ganito ang aking panalangin...

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Add New Comment
Recent Comments