Mga Patak ng Luha

Posted in
Poem: Tagalog · Categories: Non-Erotic · Tags:
Date: December 20, 2015 (2 years ago)


*isang malayang tula*
*libre lait*
*medyo balbal yung ibang words*
Pero...

Sa dinami-dami na ng luha
Na inilabas palabas,

Ng aking mga mata.

Sa dinami-dami ng mga araw na iginugol ko sa paghikbi,mahal,

Ni hindi ko man lang napagtuonan ng pansin
Na ang pilat pala na iyong idiniin,

Ay sadyang napakalaki.

Maraming Salamat at Patawad,
Oo , Maraming Salamat at Patawad.

Salamat sa mga oras na ako ay nasa iyong tabi.
Patawad sa mga oras na hindi mo naman pala talaga sa akin pagintindi.

Salamat sa mga panahong ako ay iyong pinasaya.
Patawad sa mga panahong hindi ko sa'yo pagpapaubaya.
Ng inaasam mong galak sa bawat pagpatak.

Ng mga panahong sya pala talaga ang nais mong makasama.

Oo, alam kong ako'y naging makasarili kaya...
Para sa'yo ito na ang magiging huli.

Mahal sa mga huling pagkakataon ay nais kong pakinggan mo,

Ang huli kong pagsumamo

Ang mga huling pagbagsak

Ng tubig galing sa mga mata ng isang pusong minsan mo nang winasak.

Sabi nila! Ang pinakamasakit na paalam ay iyong mga hindi nasabi.

At para sa akin ito ay noong ikaw ay umalis na tila wala ng paki.

Pero wag ka ng magaalala
Dahil sa mga pagkakataong ito susubukan kong kalimutan ka na.

Oo Hindi ka na...

About the Author :

K

Joined: December 16, 2015 (2 years old)
Writings: 2
Send PM  ·  Male  ·  Offline
Description:
*Just a typical poet, writing some typical poems.*
Signature Text:
"You'll never know what will happen next"

Suggested writings:

0  ·  4  ·  0  ·  845
 · 

Comments
antoinette
December 20, 2015 (2 years ago)

ouch ang sakit naman nito author. tagos hanggang buto2x.

i wanna run to you... ohhhh

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
K
kaloks.
December 21, 2015 (2 years ago)

di ko na po maramdaman ang sakit parang naubos na lahat?

"You'll never know what will happen next"

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
somebodyuused2know
December 20, 2015 (2 years ago)

Woah ang lakas ng pitik, sana ang tinamaan ang taong iyong tinutukoy hehe. Please write more. In Tagalog. Sarap basahin eh.

I'M A NICE PERSON. JUST DON'T PRESS THE BITCH BUTTON.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
K
kaloks.
December 21, 2015 (2 years ago)

Salamat po marahil naipaabot ko sainyo ang mga damdamin na ibinuhos ko sa tulang ito.

"You'll never know what will happen next"

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
Recent Comments