Kwentong G*G*

Posted in
Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags:
Date: April 2, 2018 (5 months ago)


Ito yung kwento nating dalawa
Nagumpisa sa di maganda
Aksidente man ang pagkakilala
Nagkasundo at naging tropa

Sinadya mo ba yun? Ako naman si tonta
Simpleng text na oist, kung saan-saan na napupunta
Sa ating dalawa, ako yung siraulo
Syempre alam mo na, Ikaw yung gago

Inaabot na tayo minsan alas kwatro
Ikaw kasi madamot. Atensyon ko, gusto mo laging solo
Madaling araw at manok natilaukan na
Ayaw pa 'ko tantanan, nakaka-putang ina

Mantakin mo inabot tayo ng dekada
Ininda ko, mga kwento mo na laging pabida
Kinikilig ako, hangang matris at sinapupunan pa
Akala ko totoo, akala ko tunay, akala ko kakaiba

Ang saya ko nun, di ko na alintana ang pagod
Mabasa lang message mo'y parang hinahagod
Lahat ng lumbay ko at mga alinlangan
Kay sarap sanang balikan ating nakaraan

Ang iyong halik lagi sa aking isip.
Pangalan mo laging bukambibig
Ikaw na dating panaginip
Ngayon kahit pangalan mo ayokong marinig

Nangako ka pang ikukulong ako sa 'yong mga bisig
Hindi ko na maalala kahit anung pilit
Kelan ba nagsimulang lumamig ang ating pag ibig?
Kelan natapos ang init, yung tamis naging mapait.

Sabi mo ikaw ang bida at ako ang iyong prinsesa
Ang ending pala ay iba, ako'y naging extra
Ang kwento nating dalawa ay naging...

About the Author :

Joined: February 23, 2016 (2 years old)
Writings: 6
Send PM  ·  Female  ·  Offline
Description:
Bitch Inside so back off!!!
Signature Text:
The best way to ignore you is by pretending i did'nt see you.

Suggested writings:

3  ·  35  ·  0  ·  948
 · 

Comments
User Not Found
April 2, 2018 (5 months ago)

BT ka napasulat ng ganyan. BT ka nag-eemo. BT lagi ka na lang bigo. BT andamin kong tanong.

Hahaha ! Nice ink Stranger ! Well done !

Gumaganyan ka na  din ha !

"Virtual is like everything else. Assume nothing. Only then can you truly see what you're dealing with." - Quellcrist Falconer , Altered Carbon

Like (0)  ·  Report
arkie
April 2, 2018 (5 months ago)

bat ganyan ka magtype?sira ba keyboard mo? yung bat naging bt? palitan mo na yan.
Salamat isa ka sa nagpaganda nyan.

The best way to ignore you is by pretending i did'nt see you.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
layo_edad
April 2, 2018 (5 months ago)

Aba... at may tumutula, BT kaya?
Hindi malaman kung BT biglang naging makata
Yan kasi BT pa umasa
Alam naman natin ang dahilan kung BT lumuluha

Bati tayo bunso, wag mo ko awayin hahahahaha!

If life's a joke, then why aren't you laughing :))

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
arkie
April 2, 2018 (5 months ago)

pareho kayo ni Paul may sira ang keypad? Itapon nyo na yan. Di kita isasama pag kami lumabas.

The best way to ignore you is by pretending i did'nt see you.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Ayeen
April 2, 2018 (5 months ago)

BakiT may hugot hahaha sagot BT!!! Ai Bunso pala hahaha labyu

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
arkie
April 2, 2018 (5 months ago)

Napapala ng kulang sa tulog.haha minsan lang humugot achi. Labyu din

The best way to ignore you is by pretending i did'nt see you.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
somebodyuused2know
April 2, 2018 (5 months ago)

Eto yung tipo ng tula na bitter pero hindi mapait ang dating, ma-emo pero hindi mabigat basahin. Yung klase ng tula na kahit wala kang balak may maalala, di mapipigilang mamasyal pabalik sa nakaraan ang isip. Ang ganda lang.

I'M A NICE PERSON. JUST DON'T PRESS THE BITCH BUTTON.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
arkie
April 4, 2018 (5 months ago)

thank you for dropping by.haha kinilig ako kasi yung kras kong writer nagandahan  sa poem ko :)

The best way to ignore you is by pretending i did'nt see you.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
gentlemanyak
April 2, 2018 (5 months ago)

BT sumusulat ka na ganda? :) Mahusay!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
arkie
April 4, 2018 (5 months ago)

Romy!!!!! bat ganyan ka din magtype?

The best way to ignore you is by pretending i did'nt see you.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
pepe-007
April 22, 2018 (5 months ago)

ate, gawa ka naman ng may 'metaphor', 'analogy' & 'contrast'...

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
Recent Comments