Ikaw!

Posted in
Poem: Tagalog · Categories: Non-Erotic · Tags: , , , ,
Date: June 22, 2014 (4 years ago)


Ikaw! Oo, ikaw. Ikaw nga tinutukoy ko. Kelan ka ba matututo? Ayan ka na naman eh. Paulitulit ka na lang.

Ilang beses mo na bang sinabi ang mga katagang "ayoko na" at "suko na ako"? Ilang beses mo na bang sinabi na "Last na to, pramis. Pagkatapos nito, titigil na ako."? Ilang beses na di ba? Pero heto ka na naman. Sa tuwing lalapit sya sayo, di mo naman mahindian.

"Nandiyan ka na naman
Tinutukso-tukso ang aking puso
Ilang ulit na bang iniiwasan ka
Di na natuto"

Naku! Bagay na bagay sayo ang kantang yan. Di ka na kasi natuto.

Naku, huwag mong sabihin na in-love ka sa kanya. Akala mo lang yun. Marahil nalulungkot ka lang kasi karamihan ng mga taong nasa paligid mo ay may asawa, may kabit, may inaasawa, may kinakabit, may nobyo, may nobya—ikaw lang ang wala.

Tatawagan ka nya kasi badtrip sya at wala syang makausap. At ikaw namang si gaga, nagkukumahog kang sagutin ang tawag niya. Pag di mo naman nasagot, tatawagan mo sya agad o kaya ite-text ng "Sorry I missed your call." And you wait for him to call you back counting every minute until he does and hating yourself for missing his call.

Eh ano kung tumatawag sya sayo? Naku, wag kang kiligin. Wag mong kulayan ang isang bagay na walang kulay. Wag mong bigyan ng kahulugan ang isang bagay na walang kahulugan. Hindi ikaw ang una niyang naisipang tawagan. O siguro nga naalala ka niyang tawagan kasi alam niyang sasagutin mo tawag niya at may makikinig sa kanya. Ayan… Tagapakinig ka lang!

Iimbitahan ka nyang lumabas. It is nothing special. Nagugutom lang yun at naghahanap ng makakasamang kumain. Lahat naman tayo kailangan kumain, di ba? Ibalik so sa cabinet ang little black dress mo. Wag ka nang mag-aksayang maglagay ng make-up o kung ano pang pagpapaganda. Hindi niya yan mapapansin. Magpapaseksi ka lang at magpapaganda sa wala.

Hindi ikaw ang dahilan kung bakit suot nya ang polo na yun. Hindi rin ikaw ang dahilan kung bakit yun ang ginamit nyang pabango.

Tama na nga ang drama. Tumigil ka na sa pagiging emo dyan. Buksan mo ang mga bintana mo. Papasukin mo yung hangin. A burst of fresh air could be just what you needed.

Lumabas ka ng bahay. Wag kang magkulong sa kwarto. Magpaaraw ka. Baka pag naarawan ka matauhan ka na.

"You should never be an option."—isaksak mo yan sa isip mo.

© DropDeadDiva, 2012. Unauthorized use and...

About the Author :

Joined: April 7, 2014 (4 years old)
Writings: 48
Send PM  ·  Female  ·  Offline
Description:
What is a Writer? A good writer is also a good storyteller. He/she must ensnare the minds of the readers, trap them in a mind world that would make them believe what is happening is real, make them feel every stroke, feel every kiss, feel that final blow, and feel that explosion. THE MIND IS A VERY POWERFUL THING. A CREATIVE MIND, well now that’s A DEADLY TOOL.
Signature Text:
Let there be pleasure on earth and let it begin with me.

Suggested writings:

1  ·  27  ·  0  ·  2,223
 · 

Comments
User Not Found
June 22, 2014 (4 years ago)

wwwaaaahhhahhaha sapul DDD..galing

Like (1)  ·  Report
dropdeaddiva
June 22, 2014 (4 years ago)

Sapul ba sis? Haha. Konting ilag.. Para iba naman matamaan. :D

Let there be pleasure on earth and let it begin with me.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
User Not Found
June 22, 2014 (4 years ago)

hahahaha next time

Like (0)  ·  Report
daffodil
June 22, 2014 (4 years ago)

Pwde pa-post neto next month na lang? Hahahaha nooooooooo!
hashtag feels nyahaha :D

"I prefer to be crazy and happy rather than normal and bitter" -Paulo Coelho

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
altds
June 22, 2014 (4 years ago)

Ay ako nga... bat hindi ako umilag? hahaha... Nice DDD.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
miz.ria
June 22, 2014 (4 years ago)

panalo yung last line! :-)

galeng ddd!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Padr3
June 25, 2014 (4 years ago)

prang meat shop lang eh..meat options....mka apply nga jan pwede nyo ako optionin...lol

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
dropdeaddiva
June 25, 2014 (4 years ago)

Padre, my fren, di ka option. I choose you.. Haha.. Misshooomuuch...

Let there be pleasure on earth and let it begin with me.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Padr3
June 25, 2014 (4 years ago)

missyoutoofren..senya na...( haiyan ) wentuhan na lang pag me time... kape tulad ng dati kasama grupo

Like (0)  ·  Report
dropdeaddiva
June 25, 2014 (4 years ago)

Sureness fren. Sabihan mo lang kami kung kelan. At nang makilala mo din si Ms. Somebody in person. Kaso hindi pwede sa weekend ang beauty mo. Hehehe.. Pag nagkita tayo, hug kita ng matagal!

Let there be pleasure on earth and let it begin with me.

Like (0)  ·  Report
User Not Found
June 22, 2014 (4 years ago)

"Marahil ay nalulungkot ka lang at kailangan mo ng taong magpapasaya sa'yo. OK lang na maghanap ng taong magbibigay-ngiti sa iyong mukhang pinagsakluban ng langit at lupa, basta tandaan mo lang ang ibig sabihin ng 'PAGMAMAHAL' at 'KALINGA'. Magdala ka ng diksyunaryo araw-araw kung kinakailangan. Hindi porke't siya na ang taong nagpapangiti sa iyo sa panahong akala mo'y katapusan na ng mundo ay siya na ang taong mamahalin mo bilang makakasama habangbuhay."

They said my head is big. I asked them back, "Which HEAD?"

Like (1)  ·  Report
Samantha
June 23, 2014 (4 years ago)

Yeah, wag nang sumali sa multiple choice... Nice one DDD!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Samantha
June 23, 2014 (4 years ago)

Anubey! Sasabihin ko lng nmn na wag ng sumali sa option, hays nahilo ko dun.. Sapul kasi DDD eh.. :(

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
dropdeaddiva
June 23, 2014 (4 years ago)

Naku... Andami palang tamaan. Wag kayong mag-alala mga kapatid... Ako ang pinakaunang natamaan ng sinulat ko na ito.

I needed to be reminded that I am not an option. Sa sobrang sama ng loob ko sa sarili ko, ito ang naging resulta.

Maraming salamat sa mga nagbasa at naka-relate. :)

Let there be pleasure on earth and let it begin with me.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
User Not Found
June 23, 2014 (4 years ago)

You should never be an option. You must be a choice. :))

They said my head is big. I asked them back, "Which HEAD?"

Like (0)  ·  Report
dropdeaddiva
June 24, 2014 (4 years ago)

"So pick me, chose me, love me." Haha. :D

Let there be pleasure on earth and let it begin with me.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
User Not Found
June 30, 2014 (4 years ago)

Nyahaha. Sure! :P

They said my head is big. I asked them back, "Which HEAD?"

Like (0)  ·  Report
pilyangpasaway
June 24, 2014 (4 years ago)

from top to bottom.... sapul na sapul... toink! boinks! togoinks! togodoinks! basta sapul lol!

You never know how Strong you are until being strong is the only choice you have.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
dropdeaddiva
June 24, 2014 (4 years ago)

Dapat ilag ka ng ilag habang binabasa mo ito Ms. Pilya. Haha...

Let there be pleasure on earth and let it begin with me.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
pilyangpasaway
June 25, 2014 (4 years ago)

bukan kong umilag kaso nag bounce back para sapulin pa din ako lol

You never know how Strong you are until being strong is the only choice you have.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
somebodyuused2know
June 25, 2014 (4 years ago)

Pinost mo na to sa FB before. Sana inattach mo din yung same pic of the pointing finger mas pak lalo ang effect sis hehehe.

Eto yung piece mo that made me realize I'm way too smart and beautiful to be just  his second choice. (Friend mo din yung his na un hmp). Echos lang yung beautiful sis, hihi. Naarawan lang ako ngayon kaya lakas-tama.

I'M A NICE PERSON. JUST DON'T PRESS THE BITCH BUTTON.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
dropdeaddiva
June 25, 2014 (4 years ago)

Haha. Sinulat ko to sa sobrang sama ng loob ko sa sarili ko. Weak eh. If I remember correctly, I think pinost ko din ito sa Definitely Filipino.

Sometimes we needed reminding. At totoo naman talaga! You are too beautiful and smart to be anyone's second choice or anybody's option.  "Kung ayaw mo, wag mo." sabi nga.

Let there be pleasure on earth and let it begin with me.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
somebodyuused2know
June 25, 2014 (4 years ago)

Aww labs mo talaga ako. Lika na sis, kape-kape na ulit tayong 3 nina Scorp, wag na paabutin next month hehe. Its my off today sis kaya habang labandera ang peg, tambay mode din dito. Tulog pa si koyah eh kaya libre pa ko :-))

I'M A NICE PERSON. JUST DON'T PRESS THE BITCH BUTTON.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
dropdeaddiva
June 25, 2014 (4 years ago)

July 5! Long weekend ako nun. U.S. Holiday eh. :D

Let there be pleasure on earth and let it begin with me.

Like (0)  ·  Report
daffodil
June 25, 2014 (4 years ago)

"Kung ayaw mo, wag mo" tama nga naman.. :)) Re-reading.. Tsk tsk :D

"I prefer to be crazy and happy rather than normal and bitter" -Paulo Coelho

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
HONEY_7
June 27, 2014 (4 years ago)

Huwag iasa ang kaligayahan sa iba. Make your own happines.

If you do not know where you are going, you will probably end up somewhere else.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
boobsy
June 27, 2014 (4 years ago)

Such a great reminder. Thanks for sharing ddd 😉

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Add New Comment
Recent Comments