Friday Club 1

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Exhibitionist and Voyeur, First Time, Wife Lovers, Mature, Reluctance, Romance · Tags:
Date: June 1, 2018 (3 months ago)


Itago niyo na lang ako sa pangalang Marissa, isang 34-year-old na stay at home mom na may masayang pamilya, mapagmahal na asawa at dalawang anak na nasa elementarya na. Sa mahigit sampung taon naming pagsasama ng aking mister na si Rocco ay masasabi mong isa kaming modelong pamilya, may sapat na pinagkukunan ng pera at matiwsay at bihirang makaranas ng matinding pagsubok.

Nagsimulang magbago ang simple naming buhay nung ma-promote ang aking mister na manager ng engineering Division sa isang malaking electronics company na pinapasukan niya. Hindi naman sana problema sa akin ang mas kumonti niyang oras sa amin dahil sa dagdag na responsibilidad niya ngunit dahil na rin sa kailangan niyang mamuno at makuha ang loob ng mga bagong kasama ay nagsimula siyang makasama sa Friday club. Noong una ay ako pa ang nag encourage sa kanya na lumabas kasi naman likas talagang homebody lang kami ngunit may mga pagbabago akong nakita sa kanya na hindi ko masyadong nagustuhan simula ng napalapit siya sa dalawa niyang tauhan si Roy at Marco.

Mga entry level na engineer sina Roy at Marco at nasa early 20s pa lang kaya ang hilig talaga ay mag night life. Mga galing sa mabuting pamilya pero mga tipong nageenoy pa ng pagkabinata kaya kung saan saan naisasama ang mister ko. Noong una ay okay pa ngunit ng mga nakalipas na linggo ay inuumaga na ng uwi ang asawa ko at minsan hindi ko pa makontak sa callphone.

Okay pa rin naman ang romantic life namin. Yun nga lang yung Biyernes at minsan Sabado ng gabi na sana ay date night na namin ay minsan nacacancel pa para sa lakad niya. Hindi naman ako masyadong sabik sa sex. Sapat na nga sa akin yung romansahin ako ni Rocco sa leeg at dibdib at pag naginit na kami ay sa missionary position ay masaya na ako.

Hindi kasi ako masyadong adventurous sa sex kaya minsan nga ay parang nadudumihan ako pag bumababa doon ang asawa ko o kaya naman pag pinapasok niya ako ng galing likod. Siguro mga 2 times pa lang ako nag try na halikan ang kanya pero naiintindihan naman niya kung ayaw ko. Masuwerte nga ako sa asawa ko kasi hindi ito tulad ng ibang lalake na puro sex ang nasa isip.

Kaya hindi ko masyadong inintindi nung mga dalawang linggo na kaming walang siping. Kaso lang nung huling Biyernes na siya'y umuwi kakaiba ang amoy ng katawan niya ng tumabi na sa akin. Parang cheap na sabon na di ko maintindihan at halatang bagong ligo siya dahil medyo basa pa ang buhok. Inisip ko na lang na baka nag out of town sila at nagkayayaang magswimming.

Ang siste lang pati ba naman nung sunod na sabado ay lumabas pa rin si mister, ani niya birthday ni Roy at may plano raw mag out of town. Ang resulta umaga na naman umuwi si Rocco, wala na yung cheap a amoy pero nung inaayos ko na ang cp niya ay biglang bumuka at lumabas ang screen pattern password. Nagtaka ako kasi hindi naman naglalagay ng lock ang asawa ko kahit sa mga email niya at social media ay alam ko rin ang password.

Simula noon may kakaibang duda akong nadama sa loob loob ko. Kaya ako nagdesisyon na kilalaning mabuti ang mga bagong galaw ng asawa ko. Para hindi siya mag isip ng masama ay nagsuggest ako na kung puwede sa sunod na Bi...

About the Author :

E

Joined: December 18, 2012 (5 years old)
Writings: 11
Send PM  ·  Male  ·  Offline

Suggested writings:

2  ·  0  ·  1  ·  4,907
 · 

Add New Comment
Recent Comments