Enslaved Mind (Chapters 12 & 13)

Posted in
Story: Fiction, Taglish · Categories: Erotic Couplings, Romance · Tags: , ,
Date: February 28, 2017 (1 year ago)


Chapter 12

WHAT the fuck have I done?!

Naihilamos ni Raffy ang kanyang mga palad sa kanyang mukha. Napatingin siya kay Monique na ngayo'y hinahaplos ang namumulang pisngi.

Habang papasok siya sa lobby ng condominium building nito ay nakita niya si Michael. Kaya naman nagpupuyos siya sa galit habang paakyat sa unit ng dalaga.

Ano'ng ginawa ng mga ito? Did they have sex while he was out comforting his bestfriend, Rebecca?

He's turning into a monster. No, he is already a monster. How could he do this to his fiancee? How did he end up resorting to physical violence?

Muli niyang nilapitan si Monique at inalo. Napapitlag pa ito sa pagdapo ng kanyang kamay sa balikat nito. He heaved a sigh as he hugged her tight.

"I'm sorry, b-baby..." Mahinang usal niya.

Kumalas siya sa pagkakayakap dito. He cupped her face and wiped away her tears.

"I'm so sorry, 'Nique." Hindi na rin niya napigilan ang pagtulo ng kanyang luha.

Everything that he's done to her these past few days... every physical pain he inflicted... every hurtful word he said... it all flashed before him and echoed in his mind.

Napatiim-bagang siya. Ngayon niya lang napagtanto kung gaano siya kagago. Oo, pinagtaksilan siya ng kanyang fiancee pero hindi pa rin tamang saktan niya ito. Sana lumayo nalang muna siya. Sana hinayaan niya nalang munang humupa ang init ng kanyang ulo at ang poot sa puso niya.

Kung sana kayang pawiin ng halik at yakap ang bawat sampal, ang bawat masasakit na salitang kanyang binitawan. Pero hindi. Huli na ang lahat. Napakasama niyang nobyo. Alam niyang habang buhay siyang uusigin ng kanyang konsensya sa lahat ng kanyang ginawa kay Monique.

Ang malambot nitong palad ay humaplos sa kanyang pisngi. Hinawakan niya iyon at hinalikan. How could she still be this sweet?

"Ako ang dapat h-humingi ng tawad, R-Raff..." anito. Hilam ng luha ang mga mata.

"Sssshhh.. You made a mistake, but that doesn't give me the right to hurt you," he said as he surveyed all the parts of her body that has bruises. Umigting ang kanyang panga nang makita ang namuong pasa sa palapulsuhan nito.

Siya, at wala nang iba, ang may kagagawan no'n.

You're a bastard, Raffy! Aniya sa kanyang sarili.

Pinangko niya si Monique at dinala sa kwarto. Pagkalapag sa kama ay kinumutan niya ito.

"Rest. I'll cook you breakfast and I'll bring it here," aniya pagkatapos ay hinalikan niya ang noo nito.

Pagkalabas niya ng kwarto ay halos suntukin niya na ang pintuan upang mailabas ang lahat ng kanyang kinikimkim na emosyon.

Wala nang patutunguhan pa ang kanilang relasyon ni Monique. Kung ipagpapatuloy pa nila ito ay magkakasakitan lang sila. If they continue with their relationship, they might end up not just hurting each other but hating each other as well.

MASUSUYONG haplos sa kanyang buhok ang nagpagising kay Monique. As she opened her eyes, she saw Raffy smiling at her. But his smile didn't reach his eyes. Alam niyang nasasaktan pa rin si Raffy.

Despite all the violence and the physical pain he caused her, she believes that he's still the same Raffy she knew. The same Raffy who loves her dearly. The same Raffy who supports her and believes in her. The same Raffy whom she wanted to spend her lifetime with...

Nakangiting isiniksik niya ang sarili sa dibdib nito. She inhaled his manly scent and took him all in. His familiar scent filled her senses. The same scent which gave her all sorts of feelings. Love, longing, and even security.

"'Lika na? It's already lunch time. Pagbalik ko dito kanina, himbing na himbing ka na, kaya hindi nalang kita ginising," anito sabay ngiti.

Ginagap niya ang kamay nito at sabay na silang lumabas ng kwarto. May nakita siyang take-out bags sa mesa. Nang mamataan niya ang mga nakasulat roon ay natutop niya ang kanyang bibig.

"Oh my God! I totally forgot about my restaurant!" Bulalas niya.

Raffy chuckled. "'Wag kang mag-alala. Tinututukan naman iyon ng mga magulang mo. And I went there earlier so I ordered for our lunch."

Talagang tumigil ang pag-ikot ng mundo niya dahil sa mga pangyayari. Halos makalimutan niya na ngang may gourmet restaurant nga pala siya sa BGC.

Napapailing iling siya habang inililipat ang mga pagkain sa bowls at mga plato. Sana ganito nalang palagi. Sana hindi na sila mag away ni Raffy. Sana makalimutan nalang nila ang lahat.

WEEKS passed and everything went well between her and Raffy. They never had a fight. He was very attentive to her. The cheating issue was never brought up. And everything was perfect, as if nothing happened. It's as if they were under a spell.

But that spell was broken when he went home one day, tipsy. Naungkat na naman ang lahat. Lahat ng kanyang pagkakamali. Lahat ng nagawa niyang kasalanan. Lahat ng kataksilang ginawa niya na ikinasira ng relasyon nila.

Nanginginig siya sa takot nang gabing iyon. Inakala niya kasing nagbago na ang lahat at hindi na sila mag aaway pa ni Raffy sapagkat ni hindi na naulit pa ang pananakit nito sa kanya. Kaya naman nang makita ang panlilisik ng mga mata nito habang tila lasing na isinusumbat sa kanya ang kanyang kasalanan ay halos hindi na siya tumitingin dito. Baka kasi saktan na naman siya nito.

Pero hindi naman iyon nangyari. Kitang kita niya ang ibayong pagpipigil ni Raffy na saktan siya. Nang humupa na ang galit nito ay natulog sila sa magkaibang kwarto.

Kinabukasan niyon ay tila pinagsakluban siya ng langit at lupa dahil sa mga katagang namutawi sa bibig nito.

"This isn't working anymore, Monique." anito sa paos na boses.

"R-Raff..." nanginginig niyang turan. May nagbabadya nang mga butil ng luha sa gilid ng kanyang mga mata.

"I tried... I tried so fucking hard, 'Nique." tila nagsusumamong wika nito pagkatapos ay umiling iling.

"But every time I remember it... I... I just spiral down to my violent streak. Kapag magkasama tayo, kapag niyayakap kita at hinahalikan, when we make love... I can't help but think about what happened between you and..." pumiksi ito. It's as if Michael's name is poison to his lips.

"H-hindi ko kaya, 'Nique... So let's just part ways. Mahal kita... Mahal na mahal pa rin kita. Despite everything, I know that I still love you. Pero hindi gano'n kadaling kalimutan ang lahat, babe. If we continue this, we'd end up hurting each other more. Ayokong saktan ka... God knows kung gaano ako nagsisisi sa ginawa kong pananakit sayo." Mahabang paliwanag nito habang umiiyak sa kanyang harapan.

"So, let's just end this while we still can... that way, we could still cherish our happy memories, baby." His voice was almost pleading.

Unti unting nag sink in sa kanya ang mga pangyayari.

Iiwan na siya ni Raffy. Hindi pa rin pala siya tuluyang napapatawad nito. Akala niya may pag asa na talagang maging okay sila sapagkat naging maayos naman ang takbo ng relasyon nila nitong mga nakaraang linggo. Pero... Bakit? Paano?

Sunud-sunod ang pagpatak ng kanyang mga luha.

"Raff... Raffy, baby please don't do this..." Pagmamakaawa niya habang nakayakap dito.

Hindi. Hindi siya makakapayag na tuluyan na silang maghiwalay. Hinding hindi niya hahayaang mangyari iyon.

"Raff, please!" sigaw niya nang pilit nitong kinakalas ang pagkakayakap niya rito.

"Raffyyyyy!" Hysterical niyang sigaw.

Ngunit tila binging tinungo nito ang pintuan. Kaya mabilis siyang tumakbo sa kinaroroonan niyon at iniharang ang sarili doon.

"Baby, please... Saktan mo 'ko, okay lang. Slap me, beat the hell out of me! It's okay, I deserve it. I deserve all of it. Saktan mo ko... 'wag mo lang akong iwan..."

_________

Chapter 13

"Baby, please... Saktan mo 'ko, okay lang. Slap me, beat the hell out of me! It's okay, I deserve it. I deserve all of it. Saktan mo ko... 'wag mo lang akong iwan..."

Lumuhod siya sa harapan nito. She clung onto his knees. Pleading and crying her heart out as though it's the only way to make him stay.

Ngunit tila buo na ang desisyon ni Raffy na tapusin na ang kanilang relasyon. At iyon ang hindi niya kayang tanggapin. Mahal na mahal niya si Raffy. Hindi niya kayang mawala ito sa buhay niya. What kind of life would she live if he's not by her side?

"M-mahal na mahal kita..." she whispered in between sobs.

"If you really did love me, you wouldn't have cheated on me."

His words were like a thousand daggers slicing through her heart. The coldness in his voice was like a slap to her dignity. Mas masakit nga pala talaga ang mga salita kung ikukumpara sa pisikal na pananakit. Agad siyang nanghina. Dahan-dahan siyang napabitiw mula sa pagkakakapit sa mga binti nito.

Gusto niyang tumawa ng pagak. Gusto niyang pagtawanan ang sarili. Gusto niyang ipamukha sa kanyang sarili na kagagawan niya ang lahat ng ito. Na kung iiwan man siya ni Raffy ay nararapat lang iyon sapagkat masama siyang babae. Nagpatalo siya sa kaway ng tukso. Nasaan na nga ba ang sinasabi niyang pagmamahal niya para rito? Nasaan na ang naturang pagmamahal noong maka-ilang ulit niya itong pinagtaksilan?

She hugged her knees as if it's the only way to gather all the broken pieces of her soul. Binalot siya ng kahihiyan, ng pagsisisi, at pagkamuhi sa sarili.

Unti-unti niyang naramdaman ang pagluhod ni Raffy sa kanyang harapan. He cupped her face until their gazes met.

"I... I was caught off guard. I didn't mean what I said, 'Nique. I'm sorry." Anito habang hinahalikan ang tuktok ng kanyang ulo.

"Y-you're right. You're right. I don't deserve you... I deserve to be alone and miserable."

"No... Ssshhh. Please..."

She smiled bitterly as she wiped her tears. Kailangan niyang tanggapin ang mapait na katotohanan. The thought of losing him forever pains her but then again, she deserves all the pain.

Nag-aatubiling iniangat niya ang kanyang kamay upang haplusin pisngi nito.

Will this be the last time that she would get to caress his face?

Habang nakatitig sa mukha nito ay may sumaging alaala sa kanyang isipan...

Walang pagsidlan ang tuwa sa kanyang puso habang tinititigan ang princess cut diamond engagement ring na binigay sa kanya ni Raffy nang magpropose ito sa kanya kani-kanina lang. Nasa isang bahay bakasyunan sila ngayon sa Tagaytay. Ang akala niya ay dinala lamang siya doon ni Raffy bilang sorpresa para sa kanya. She just graduated with Latin honors on her business management degree. Ipinaalam siya nito sa kanyang mga magulang na dadalhin diumano siya sa Tagaytay para magkapag-relax.

Hindi niya naman akalain na magpo-propose ito. Sabay silang nakatanaw sa papalubog na araw nang bigla itong lumuhod sa harapan niya. Tandang tanda niya pa ang mga katagang namutawi sa bibig nito.

"I know this is too soon, but I can't wait any longer. When you were in high school, when you asked me to be your escort to your prom even though I'm already in college, I knew back then that you're the one. Kinaya kong maghintay, at kaya ko pang maghintay. But I want to wait while fully knowing that you're mine to keep. Kung hindi ka pa handa, okay lang. Maghihintay pa rin ako... Just, please spend your lifetime with me, Monique Valerie Velez..."

Sunud-sunod ang pagpatak ng kanyag luha. Ano pa bang maihihiling niya? Napakabait nitong boyfriend. At sa loob ng limang taon nila bilang magnobyo ay iginalang siya nito.

Hinaplos niya ang pisngi nito at tumango tango. "Yes, I'll spend my lifetime with you, Rafael Ephraim Gamboa." Hilam ng luha ang kanyang mga mata ngunit nakangiti siya. The near-crimson hue of the setting sun casted shadows upon his handsome face. Kaya naman hinaplos niyang muli ang pisngi nito.

"Have I ever thanked you, baby? Thank you for being so understanding, so gentle... I love you..." Puno ng emosyong turan niya habang hinahaplos pa rin ang mukha nito...

"I love you..." Tila wala sa sariling bulalas niya habang hinahaplos ang mukha ni Raffy.

He stared at her intently like he wanted to look deeper into her consciousness. She was like awakened from a trance. Hindi niya namalayang naibulalas niya pala ang mga katagang iyon. Perhaps, to him, those words mean nothing, especially because it's coming from her. It's coming from a lying, cheating bitch named Monique.

"I'm sorry... I'm so sorry..." wika niya habang dahan dahang tumayo. He helped her stand. She held his hand and gathered all the courage left of her to smile at him as she bids farewell.

"Before you leave, a-...

About the Author :

Joined: July 26, 2014 (4 years old)
Writings: 22
Send PM  ·  Female  ·  Offline
Description:
Sheen Yu [shobe.sheen] of FSS [shobescribbles] of Wattpad, FB & Twitter ✔️ Half-Filipina, Half-Chinese, Pure Crazy since 1993 ✔️ Law Student/Caffeine Dependent
Signature Text:
Imperfect understanding is often more dangerous than ignorance.

Suggested writings:

0  ·  29  ·  0  ·  4,227
 · 

Comments
R
rdenz37
February 28, 2017 (1 year ago)

ang ganda ng istorya mo mam. pwedeng gawan ng pelikula.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
shobe.sheen
February 28, 2017 (1 year ago)

I'm glad you liked it. Thank you, Sir rdenz37!  😃

Imperfect understanding is often more dangerous than ignorance.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
arkie
February 28, 2017 (1 year ago)

bat ang sakit ng mga update na nabasa ko this morning?. Tagos yung emosyon. Keep it up shobe.



Captcha: "shofar" so far so good

The best way to ignore you is by pretending i did'nt see you.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
shobe.sheen
February 28, 2017 (1 year ago)

Thanks, Arkie! 😍😘

Imperfect understanding is often more dangerous than ignorance.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
starst1949
February 28, 2017 (1 year ago)

Iba ka talaga Sobengsingkit...pang international na  ....haahaha  way to gooooo!!!

BTW, I like Sheen Yu  more.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
BellaVictoria
February 28, 2017 (1 year ago)

Ang hyper mo ngayon, 'lo!

Follow me on Facebook: www (dot) facebook (dot) com/bellavictoria88/

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
starst1949
February 28, 2017 (1 year ago)

Bella.  naka robust kaya?  lol

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
shobe.sheen
February 28, 2017 (1 year ago)

Thanks, pops! Username lang naman yang shobengsingkit 'coz sheen yu's taken. Haha 😘

Imperfect understanding is often more dangerous than ignorance.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
starst1949
February 28, 2017 (1 year ago)

dapat lang Shobe, sayang naman ang beauty mo.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
shobe.sheen
March 1, 2017 (1 year ago)

Haha pops talaga eh! 😂

Imperfect understanding is often more dangerous than ignorance.

Like (0)  ·  Report
inang.grasya
February 28, 2017 (1 year ago)

Bunsooooo... Imishu!

May naaalala akong ex-friend tulad ni Monique. Ok lang sa kanya na bugbugin sya ng jowa dahil feeling nya she deserved it. Nagkarelasyon kasi sya sa tomboy. Nong huli nagdesisyon na rin syang makipaghiwalay.

Amazona kung tagurian pero malambing naman.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
shobe.sheen
March 1, 2017 (1 year ago)

I miss you too, FGM! Halaaaa, talaga? Pero teka ba't ex-friend? Di na kayo friends? Hihihi mwah. Super hug!

Captcha: thinks

Luh? Hahaha

Imperfect understanding is often more dangerous than ignorance.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
jerikho
February 28, 2017 (1 year ago)

Ang shaket naman sa puso nito! I feel bad to both of them hayssst...mahirap na talagang ibalik ang dati, it will take herculean effort to do that pero walang kasiguraduhan. Love, respect and trust isa lang mawala dito mawiwindang na talaga ang isang relasyon para kay Raffy right decision na maghiwalay na lang sila mahirap nga talagang pagtaksilan ka ng babaeng labis mong minahal para kang binabangungot ng paulit-ulit pag lagi mo itong naaalala. Time can only tell kung kelan maghihilom lahat ng sugat maybe to the near future baka sakali magkaroon pang pag-asa ang pag-ibig nilang dalawa...me naalala tuloy ako:( Thanks a bunch for the great update Miss Shobe!

Retiradong Playboy...pwedeng TUMINGIN pero never ang TUMIKIM ;)

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
shobe.sheen
March 1, 2017 (1 year ago)

Aww :( maraming salamat sa pagsubaybay, sir Jerikho. Sana nga in the near future baka sakaling magkaroon pa ng pag asa ang pag-ibig ni Raffy and Monique. Sana naman hindi masamang alaala yan sir. :( Thanks for reading!

Imperfect understanding is often more dangerous than ignorance.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
BellaVictoria
February 28, 2017 (1 year ago)

Isipin na lang ni Monique na everything happens for a reason, at kagaya nga ng theme rin ng story ko, kailangan na mag move on kung sobra na rin ang nagiging effect sa tao.

Thanks for this UD Shobe, despite your busy schedule nagawa mong isingit pa rin :) mwah!

Follow me on Facebook: www (dot) facebook (dot) com/bellavictoria88/

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
shobe.sheen
March 1, 2017 (1 year ago)

Yes, kailangan na talagang mag move on chi kung sobra na. :(

Singit singit nga to sa sched ko te. Therapeutic sakin ang pagsusulat. 😘

Imperfect understanding is often more dangerous than ignorance.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
somebodyuused2know
March 1, 2017 (1 year ago)

I have a friend who once said trust doesn't equate to respect. And at that time, I believed him. Pero napaisip ako ngayon. I think trust and respect would always go hand in hand. For how could you respect someone you don't trust? Or vice versa?

Sa case ni Raffy, it wasn't really total disrespect why he laid a hand on Monique. It was pain. But then again, it's always possible that the pain may lead to disrespect, unless he gives his feelings a break. And leaving is the only way to do that.

I just can't imagine that this would have the same ending as the original post thou, that Monique and Michael would end up together. If that would happen,  I just hope you would be able to justify it bebe, kasi nga haggang ngayon, wala pa ring justification ang pagtataksil na ginawa nilang dalawa.

Sana masundan agad kahit alam kong super busy ka. Amishu yangnu!

I'M A NICE PERSON. JUST DON'T PRESS THE BITCH BUTTON.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
shobe.sheen
March 1, 2017 (1 year ago)

Indeed moms, for me, leaving is the only option. It's as if i had an epiphany, i feel like this story would take a totally different turn. I'll try my best to update this as soon as may free time na ako. Miss you and love you, moms😘

Imperfect understanding is often more dangerous than ignorance.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
O
Oric123
March 1, 2017 (1 year ago)

Keep it going as the flame is still hot shobesingkit your achi will be proud of you have one

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
shobe.sheen
March 1, 2017 (1 year ago)

Thanks, Sir Oric! 😃

Imperfect understanding is often more dangerous than ignorance.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Bebeko
March 1, 2017 (1 year ago)

Ito pa ang isa kong ima-marathon. Later na ang full comment, Shobe.

Good job!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
shobe.sheen
March 1, 2017 (1 year ago)

No problemo, tito! 😀 Thanks for dropping by!

Imperfect understanding is often more dangerous than ignorance.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
K
kantotera
March 1, 2017 (1 year ago)

N3xt na pls..super bitin

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
shobe.sheen
March 1, 2017 (1 year ago)

Soon, Miss K! Keep posted.  😃

Imperfect understanding is often more dangerous than ignorance.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M
ManilaBoy
March 1, 2017 (1 year ago)

Author has definitely got talent, experience and some more.....  thanks for the update!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
T
Tigazin10
March 3, 2017 (1 year ago)

Next pls. :) True story ba to?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
clue11
March 4, 2017 (1 year ago)

pang telenovela

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
A
albertDazo4
March 18, 2017 (1 year ago)

Sakit shet

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
A
Adobo_Sisig
May 22, 2017 (1 year ago)

I'm Raffy also but damn! bitin ako ganito rin kaya magiging kapalaran ko with my fiancee. pero kung ako yan pinatay ko na yung michael hahaha just kiddin. well, good story. I hope soonest update na next chapter. Keep it up!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
Recent Comments