A Spoken Poetry

Posted in
Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags: ,
Date: May 23, 2018 (4 months ago)




Pero posible nga ba?
Na magtagpo ang dalawang karakter sa magkaibang kwento.
Yung mahulog si beast ni belle kay cinderella
Yung magkakilala sila at magsama
Yung magmahalan na para bang itinadhana

Oo, sa kwentong ito
Sa istoryang hindi pa man nauumpisahan ay natuldukan na
Once upon a time si beast ni belle ay ay minahal si cinderella

Ding ding ding! Nako ayan na!
Hatinggabi't nawalan na ng bisa ang majika.
Takbo! Takbo si cinderella.
Sa kamamadali naiwan ang kapares ng sapin sa paa.
Tugudogtugudug! Ayan na ang yabag ng mga paa ng kabayo ng palasyo.
Naguunahan nagkukumahog sa paghabol sa misteryosang dalaga na nakasayaw ng mahal na prinsepe nila.

Sa taranta sa gilid ng daan sa may kagubatan si cinderella nagpunta.
Di nya namalayan sa bilis ng kanyang takbo
Isang estranghero kanyang nakabunggo
Isang katakot-takot na nilalang
Na may mga matang malalamlam
Nagkatinginan at nagkatitigan
At doon sa gitna ng kagubatan, saksi ang mga bituin sa kalangitan at sa ilalim ng buwan
Nagkatagpo ang dalawang karakter sa magkaibang kwento.

Mabilis ang mga pangyayari
Parang ipo-ipong niragasa ang kanilang mga damdamin
Kaanyuan ay hindi naging hadlang
Sa kabila ng matutulis na pangil
At matatalas na kuko
Pagibig ay patuloy pa ring namuo
At doon sa pagitan
Sa pagitan ng pagiisa at kalungkutan
Doon ni beast si cinderella natagpuan

Sila'y nagdiwang
Kasama ang hawakang kandila, takure at tasang nagsasalita
Lunas sa sumpa
Sa wakas kanila ng natagpuan
Ngunit nang si Beast ay hinagkan
Nanatili pa rin ang katakot-takot na kaanyuan
Habang si cinderella ay nanatiling nakayapak
Pagkat walang kahit anong sapin sa paa ang maaaring magkasya sa kanya

Kaya si beast ay nabalisa
Hindi maaaring habangbuhay nakayapak ang kanyang prinsesa
Kailangan nya ng sapin sa paa
Proteksyon sa mga bubog na maaring makatinik sa kanya
Proteksyon sa anumang bagay na maaaring makasakit at makasugat
Na maaaring magiwan sa kanya ng marka at pilat

Kaya labag man sa kanyang kalooban
Puso man ay nasasaktan
Isa't-isa'y kailangan ng pakawalan
Istorya nila'y kailangan ng wakasan

Si cinderella puno man ng luha ang mga mata ay bumalik sa bayan nya
At doon maghihintay sa kanyang prinsepe
At si beast na muli ay naiwan sa pagitan ng pagii...

About the Author :

Author info not found!
0  ·  3  ·  0  ·  297
 · 

Comments
cunTrina01
May 23, 2018 (4 months ago)

And they lived happily ever after.... separately.

Smile :)

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
somebodyuused2know
May 23, 2018 (4 months ago)

Wow, just wow.

I'M A NICE PERSON. JUST DON'T PRESS THE BITCH BUTTON.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
starst1949
May 23, 2018 (4 months ago)

good millennial version of fairy tale.ย ย very imaginative

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
Recent Comments