M
E
N
U

The Love That Never Was

Posted in
Confession: True Story, Tagalog · Categories: Romance · Tags:
Date: September 14, 2022 (23 days ago)


Ako si Lando. And this is how I began my kalandian.

High school days to. 3rd year. I was 15. Younger and dumber. Didn't know any better. Maliit lang mundo ko noon. Bahay, school, library, computer shop. I was a bit tall for my age, pero major nerd. Nagka-cutting classes ako to finish a book—bagong labas pa lang mga Harry Potter novels noon. Pero minsan, counter strike. O kaya bilyar.

Madalas din akong tambay sa opisina ng campus paper of which I used to write for. Safe haven ko ang opisinang yun. Most of my time in high school, andun lang ako. Tambay. Kunwari productive.

Obviously, ang grades ko, just enough to pass. Wala namang bagsak. Pero consistent ako sa bottom five ng class ko. But I never cared. I had the campus paper to attend to. I have my books to read. Im quite content with the status quo.

I never bothered for relationships noon. Wala akong pake na crush ni ganito si ganire o kaya eh nililigawan ni ganyan si ganoon. I never cared much for anyone—until I met 'Danica.'

Transferee student sya. Same year level as me. 2nd grading period na nung lumipat ng school. Wala syang kakilala. Walang friends. Pero dahil alphabetical ang seating arrangement, magkatabi kami.

Nalaman-laman ko, kapwa ko pala nerd. Potterhead din. Pero Ravenclaw sya, Slytherin ako. Kapwa ko walang pake sa grades. Pareho naming isinusumpa ang math. Kapwa ko nagsusulat for the school paper. She applied for ours a day before. We hit it off agad. In a month, akala mo lumaki kami ng sabay. Akala mo we have been the best of friends for years. Sabay kami mag recess, sabay kami umuwi. Minsan isinasama ko mag counter strike.

Months passed. We grew ever closer. Lunch break ako minsan sa kanila. Or siya sa amin. Tampulan na kami ng tukso at kantyaw. We never cared. Basta ang sa amin, palabas na ang Potter Book 6, at kung bida ba talaga o kalaban si Snape.

Soon, natapos na school year. Summer break na. After last day ng pasok, nagkausap kami ni Dani while having ice cream sa opisina ng campus paper. Regular naming tambayan. Kwento ng kung anu-ano. Ano plans for the next two months. Saan gala. Ano reading list. Mga usual kwentuhan namin.

Umuwi kami ng sabay, inihatid sya, then I went home.

Two months na ang sunod naming pagkikita.

Excited ako first day ng pasok noong graduating year ko. Last time I felt that, Kinder pa ko.

I had another growth spurt the past two months. I stood at 5'8"or 5'9" by 16. Soon enough, nalaman kong hindi lang pala ako may pinagbago physically.

Sa flag ceremony, palinga linga ako. I was looking for Dani. Wala ko pake sa tsismisan ng mga kaklase namin. Where the fuck is Dani?

Ayun? Nope. Ayun? Hindi rin.

Then, there she is. Walking towards me.

Dumating sya just before Lupang Hinirang.

Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi dahil magbabayang magiliw na. Kundi dahil sobrang ganda ng best friend ko. Tumangkad din. Nagkakurba ang katawan.

Nagulantang ako. In two months lang? Really?

Baka dati na, ngayon ko lang napansin?

Ganito na ba sya kaganda noon? Ganito na ba ayos nya? Ganito na ba ngiti nya sa akin when she saw me?

Lumapit sya sa kin. Fist bump kami. Di ako nakaimik agad. Nag loading utak ko. Sya unang bumati. Nagkwento.

Shit. Namiss ko best friend ko. Namiss ko ka-kwentuhan. Namiss ko ka-tawanan.

Day in, day out, back to normal na. Or relatively normal. May nag iba na. May bumubulong na sa puso ko.

Sa classroom, magkatabi pa rin kami. Kopyahan pa rin. Yung kodigo ko, kodigo nya. Anything she asks, I'll provide. Wala ng teasing, wala ng murmuring. Basta hiningi nya, bigay agad—nanginginig pa.

Sa recess, ice cream pa rin trip namin. Pero Im paying more attention to her smiles. To her lips. To her tongue.

Sa tambay sessions sa campus press office, mas pinagtutuunan ko na ng pansin mga kwento nya. Tawang tawa ako sa mga jokes nya. Mas ramdam ko na mga haplos nya, o kaya mga palo.

Next thing I knew, I'm falling in love. Hard. With my best friend.

Dahil baguhan sa pag-ibig, di ko alam gagawin. Sabihin ko na? Aminin ko ba? Tangina, pano kung nag assume lang ako? Sayang friendship.

So I did the next best thing.

I wrote poems for her. Secretly, syempre.

Ang corny pa kasi sa colored paper ko isinusulat. Bumili ako kalahating ream ng blue. Type written ko ginagawa mga tula. Kabisado nya sulat kamay ko eh. Twice a week, I write poetry for her.

It went on for months. Dahil magkatabi sa classroom, madali ko naipapasok sa bag nya. O kaya sa opisina.

Ipinapakita nya sa akin mga isinusulat ko once she saw it on her bag. Kinikilig. She was wondering sino kaya 'secret admirer' nya.

Everytime she reads it, she smiles. Ang sarap sa pakiramdam. Puta, in love na in love ako kay Dani.

Pero di ko kayang aminin. Like I said, I was younger and dumber. Bagito pa noon. Inosente pa. Nagkakamuwang pa lang.

Then came December. Last two weeks ng pasok, walang pormal na klase. Foundation week, Intramurals, Christmas parties. May pausong mga booths. Mga patweetums ng high school student government.

Gift booth. Game booth. Jail booth. Wedding booth. Etc etc.

Noon pa talaga, malandi na mga teenager.

As it happens, pinagtripan kami ng mga kaklase namin. Pinagtulungan kaladkarin sa wedding booth. And voila! "Kasal" na kami and may you please kiss the bride.

Namumula kami ni Dani sa hiya, pero game lang. I kissed her on her cheeks. Nangiti lang sya.

Hiyawan. Kantyawan. Tuksuhan. Bagets eh. Teenagers.

Tumakas kami papuntang opisina. May gago akong kaklase sumigaw:

"Uy, honeymoon nyo na?!"

Tarantado.

Nagtago kami dun for the rest of the day. Yung mga kasama namin sa school paper, may kanya kanyang lakad din. Labas pasok lang. Kami lang tao sa office, most of the time.

Nagtawanan kami ni Dani sa nangyari. Yung tawanang di ka na makahinga? Yung sumasakit na tyan mo kakatawa? Tapos huhupa. Magkakatinginan kayo, tapos tatawa na naman?

Ang saya lang. Until now, it's one of my most cherished moments. Pag low morale ako, I'll just remember that day and I'm good again.

Yung araw na yun kasi, yung araw na nai-"kasal" kunwari kami, yun ang araw na umamin ako kay Dani.

I was riding the high of what happened the past couple of hours. Nagkalakas loob ako. Nangingiti pa si Dani sa mga nangyari nang may kinuha ako sa bag ko at may inabot sa kanya—a folded blue colored paper.

Tulang isinulat ko para sa kaniya.

Natigilan sya. Tiningnan nya inaabot ko. Heto na. Moment of truth. Make or break. Anuman sabihin nya tatangga—

"Akala ko di ka na magbibigay for this week eh," sinabi nya pagkaabot sabay tawa ulit.

Wait! Teka. Ano daw? Ha? Alam nya nang ako? All this time, she knew?

Nakita niyang natigilan ako. Lalo pa syang tumawa. Obvious daw kasi ako. Halatang halata. At nakita nya daw yung ream ng colored paper sa bahay one time nung nag lunch sya sa amin.

Well, shit.

"So, ano na? Tayo na?" Tanong ko, kabadong-kabado. Ramdam ko sa leeg tibok ng puso ko.

"Oo na," she answered. Ngumiti. Nang-hampas sa balikat ko. Tumabi ako sa kanya.

Then I kissed her cheeks.

Tahimik lang kami for a few minutes. Ninanamnam mga unang sandali na kami na.
...

About the Author :

LandoTirador's Profile Picture

Joined: February 27, 2022 (7 months old)
Writings: 11
Male  ·  Offline
Description:
Yes, nopen0tme was me.
20  ·  41  ·  25  ·  1,455
 · 

Comments
M
Marlon1964
September 14, 2022 (23 days ago)

Nice story and good writer salamat keep safe always

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
LandoTirador's Profile Picture
LandoTirador
September 15, 2022 (22 days ago)

Thanks!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
omegaxis12's Profile Picture
omegaxis12
September 14, 2022 (23 days ago)

A well written story. Ramdam ang emosyon at truthfullness sa bat scene sa kwento. Not the erotic type of story for this website, pero masarap basahin. Keep it up author 👍

Ciaossu

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
LandoTirador's Profile Picture
LandoTirador
September 15, 2022 (22 days ago)

Salamat:)

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Jen_love's Profile Picture
Jen_love
September 14, 2022 (23 days ago)

This is the best story I have read here ever. All the best dude ♥️

CrazyMilf

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
LandoTirador's Profile Picture
LandoTirador
September 15, 2022 (22 days ago)

That's high praise. Thanks, ma'am 😘

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Byutifoolly's Profile Picture
Byutifoolly
September 14, 2022 (23 days ago)

Ang ganda ng confession nyo sir.
Napangiti ako habang binabasa.
Thanks po!😊

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
LandoTirador's Profile Picture
LandoTirador
September 15, 2022 (22 days ago)

:)

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
J
jakecasro
September 14, 2022 (23 days ago)

Nice love story para akong bumata muli

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
LandoTirador's Profile Picture
LandoTirador
September 15, 2022 (22 days ago)

Thank you!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
maton28's Profile Picture
maton28
September 14, 2022 (23 days ago)

Galing ng writings

"There always 3 sides of story"

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
yulica's Profile Picture
yulica
September 14, 2022 (22 days ago)

nice story, made me remember my TOTGA.

a friend to all, a mom to some, a lover to one

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
LandoTirador's Profile Picture
LandoTirador
September 15, 2022 (22 days ago)

Each one of us got one, ano?

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
S
Sanji-kun
September 14, 2022 (22 days ago)

Bitter sweet..

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
E
Einard
September 14, 2022 (22 days ago)

Love, libog at lungkot. Nakakapanghinayang. Kung naging matatag sana si Danica.

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
O
onidantonio
September 14, 2022 (22 days ago)

Wow, a very nice story. Naka relate ako sa yo bro. Napakahirap lumimot but kailangan. We need to love ourselves and those experiencess will strengthen us. Thanks for sharing tour story.❤️✌️👍

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
LandoTirador's Profile Picture
LandoTirador
September 15, 2022 (22 days ago)

What doesn't kill us makes us stronger, no?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
TandangLigaw's Profile Picture
TandangLigaw
September 14, 2022 (22 days ago)

Sweet though may pinch in the heart. Ganda ng pagkasulat bro. Nice read

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
mountain786's Profile Picture
mountain786
September 14, 2022 (22 days ago)

Nice One!!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Pheromay's Profile Picture
Pheromay
September 14, 2022 (22 days ago)

Hello sir! I saw you kahapon sa lobby, and man, such a good read. I felt a slight pang in my heart after I read your confession.  I hope you're happy sir..and thank you as well for sharing this confession!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
LandoTirador's Profile Picture
LandoTirador
September 15, 2022 (22 days ago)

Nag hi po ako sainyo hehe

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
F
Fongskie
September 15, 2022 (22 days ago)

Relate….

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
K
kiterc
September 15, 2022 (22 days ago)

Galing Sir. Medyo relate lalo na during  high school days!!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
F
forte
September 15, 2022 (22 days ago)

maganda, masakit, nakakapanghinayang pero ganun talaga.. galing nyo po

loves to suck woman's nipples tg @forte0000

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M
Mr.M
September 15, 2022 (22 days ago)

The love that never was...BS!The old adage "Better to have love and lost.Than to have never loved at all."No man ever forgets the FIRST who you shared important intimate moments.

Minsan na namatay pero muli nabuhay

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
K
Kitty70
September 16, 2022 (21 days ago)

Agreed ako with all the positive feedback above. A refreshing departure from so many other stories with extended, repetitive sex scenes, from chapter 1 to ad infinitum. I hope you continue with your writing style. Thanks

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
LandoTirador's Profile Picture
LandoTirador
September 17, 2022 (20 days ago)

Minsan, masarap ang patakam :)

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
MidLifeCrisis's Profile Picture
MidLifeCrisis admin
September 16, 2022 (20 days ago)

Ang sarap basahin 😍 Regardless of how your story ended. Sana you’ll share more 😊

It’s okay if you don’t like me. I was not born to impress you.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
LandoTirador's Profile Picture
LandoTirador
September 17, 2022 (20 days ago)

Thank you! :)

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
C
carlorules
September 17, 2022 (20 days ago)

Hands down, one of the best confessions here in fss

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
minokawa03's Profile Picture
minokawa03
September 17, 2022 (20 days ago)

Ang sarap naman basahin nito..thank you author

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Bogmali-007's Profile Picture
Bogmali-007
September 17, 2022 (19 days ago)

Parang teleserye bangis

By:bogmali-007

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
A
ALASPOGI
September 18, 2022 (19 days ago)

Parang my naalala tuloy ako sa kwento mo author.. Da . 👍👍

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Dulce's Profile Picture
Dulce
September 18, 2022 (19 days ago)

Galing, relate ako ah

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
lavandera's Profile Picture
lavandera
September 18, 2022 (18 days ago)

Young love.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
R
Rex123
September 19, 2022 (18 days ago)

Snappy salute! Galing ng pagkalahad.. 👌🏻👌🏻👌🏻

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
B
boyguapo
September 24, 2022 (12 days ago)

Ang galingbmo magsulat tol, mapapabilis Ang pagbasa Namin.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
E
erotiko
September 27, 2022 (10 days ago)

nice, good read. fast paced pero detalyado. feel good ending too

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
BellaVictoria's Profile Picture
BellaVictoria
September 29, 2022 (8 days ago)

The love that never was is always bittersweet. And this is the love that no matter how many years has passed by, it still remains. The memory of the person is still vivid as the first day you saw him/her or the day the day you officially became together.

But the great part of this was that there was a proper closure, an end to a chapter and a possibility for another chapter (who knows)

Also, Always. #potterhead

Sorry, I can’t hear you over the sound of how awesome I am.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
LandoTirador's Profile Picture
LandoTirador
September 30, 2022 (7 days ago)

Slytherin commends your post. ;)

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
QSLeigh's Profile Picture
QSLeigh
Sunday, 2 October 2022 (4 days ago)

Nauna kong mabasa ang present Lando. You are different person here

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments