M
E
N
U

Nadarang - The Label

Posted in
Confession: True Story, Tagalog · Categories: Mature · Tags:
Date: May 16, 2022 (1 month ago)


So, I've been here in overseas for almost a week now. So far so good, di pa naman umiiyak ng todo todo dahil sa homesickness. Di pa naman ako totally sumabak sa gyera ng ward nila dito, malamang dun ako papaiyakin pero syempre laban lang para sa magandang ekonomiya. Haha. Pero, eto ha, may mas unexpected pala sa unexpected twist ko ngayong 2022, hmm, Lucky? Oo I feel lucky. When you accidentally found someone na complete package who will listen to your nonsense, understand where your hang-ups are coming from, laugh about almost everything, cry when you had to. A little complicated, pero go with the flow lang. Basta, masaya lang din talaga ako ngayon overall.

----

Last May 9, yung araw na paalis ako, dun kasi talaga ako maya't maya naluluha, syempre paalis. Malungkot, last day sa Pinas, may mga maiiwan, lalabas ng comfort zone, first long flight and first international flight ko din, takot maging shunga haha. Magkachat din tayo non, pero gawa ng busy ka din, election day, daming errands, sabi ko sayo maumay ka sa mga updates ko sayo throughout the day, pinusuan mo yon, so I took it as an approval, na di ka magagalit, na gusto mo ng updates from me. Mula pag alis ng Sta. Rosa, mga whereabouts ko parang reported sayo lahat, lunch sa RWM, hanggang sa hinatid ako sa T1. Tadtad ka ng updates non. Pero yung talagang nagkausap tayo ng matagal, when I passed the immigration. Sabi mo pa nga wag akong iiyak, ginusto ko to.

Habang nakapila sa immig, may sinend ka sakin na spotify link. Kako oopen ko after ko don.

You: I'm gonna miss those spot sa solenad and paseo....with you... the gate sa south forbes.... and ung dinaanan ntin.... "kanan kuya"...kingina.. *insert laughing emoji here*

Actually grabe kabog ng dibdib ko nung nabasa ko to, malungkot ka din, alam ko, butterflies sa tummy ko andami, tas pag open ko pa nung kantang sinend mo. Puta, Toni G - Catch me, I'm Fallin. Haha tangina sobrang korni nito para sakin dati, tho pinakinggan ko naman siya. Pero nung start ko na siyang pinatugtog, di ko alam, nahihilo ko nung mga oras na yon.

Me: Gagi Toni G? Hahaha gagi, ayoko mag jump sa conclusion. Pero totoo??

You: Sakto lyrics pag ikaw kumanta. .. nasa confe mo.... "this is madness..this is wrong".... how can something so wrong...feels so right all along.....

Me: I'm trying to control whatever it is actually kuya. Haha pero kasi, takot pala kong di ko nakikita pangalan mo sa screen, di maririnig boses mo. Haha lam mo yun

Y: Kalma ka lang ok.. Andito lang ako. Have to drive na in a bit.. I'll message pag nakauwi na kmi. I miss you K***...

M: Kalmado dahil sayo. Sige po kuya. Ingat pagdrive pauwi! I miss you so much kuya ko.
...

About the Author :

blahblah182's Profile Picture

Joined: March 10, 2013 (9 years old)
Writings: 9
Female  ·  Offline
Description:
Stfu
1  ·  4  ·  2  ·  974
 · 

Comments
Bebeko's Profile Picture
Bebeko
May 16, 2022 (1 month ago)

May label na nga ba?

"You learn nothing from life if you think you're right all the time." - Prof. Richard Feynman

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
blahblah182's Profile Picture
blahblah182
May 17, 2022 (1 month ago)

😅😅

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M
Mr.M
May 16, 2022 (1 month ago)

Hmmm...in detail kung "KILIGIN" 😄si Bud

Minsan na namatay pero muli nabuhay

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Cutiecute's Profile Picture
Cutiecute
May 18, 2022 (1 month ago)

Happy for you blah. Stay inlove.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments