M
E
N
U

Natalo Ng Tukso

Posted in
Confession: True Story, Tagalog · Categories: Mature, Romance · Tags:
Date: March 29, 2022 (1 month ago)


It's been a year since yung last story ko. Madaming nangyari after nun na hindi ko na maisasama dito sa kwento. Marahil pwede rin ito karugtong nung huli kong kwento. So umpisahan na natin.

Sabi nga sa kanta, "Oh tukso, layuan mo ako" pero ang sabi ng iilan, "ikaw mismo ang umiwas sa tukso". Pano kung may bagay na anong iwas mo ay yun din ang lalapit sayo para tuksuhin ka?

Isang taon na nakakalipas, na nagbreak kami ng GF ko, ng dahil sa pagtatapat ko sa kanya na aking ginawa sa kanyang nakakabatang kapatid. Oo kaFSS, nabasa ko ang mga chat nyo sa huli kong kwento, na sana hindi ko nalang sinabi ang katotohanan. Na sana pinigilan ko ang sarili ko na matukso. Napaisip din ako doon.

After namin magbreak ng GF ko, kasabay din nun ang pagputol ng kumonikasyon namin. Hanggang sa isang araw, may nagchat sakin sa FB, Si Bea. Nangamusta ito sakin kung okay na daw ba ako. Sinagot ko lang mismo ang tanong nya at balak ko na sana na wag na sya replyan. Dinagdagan pa nya yung chat nya na kung pwede daw ba kami magkita para makapag usap kami. Ayaw ko sana tanggapin yun pero pumayag ako.

Nagkita nga kami ni Bea, Sobrang ganda parin talaga nya at namiss ko sya. Anim na buwan na rin simula nung umalis ako sa pamamahay ng Ate nya. Nagkamustahan kami ni Bea. Kinuwento nya yung mga bagay na hindi ko na nalaman simula nung hiniwalayan ako ng ate nya. Nabanggit nya na nadepress ang ate nya dahil sa paghihiwalayan namin at kasabay pa nito ang pagtanggal nya sa kanyang tinatrabahuan, nangangayayat na daw sya at hindi na nya naalagaan ang sarili nya. Nalungkot ako sa mga kinuwento ni Bea. Nagiguilty ako dahil isa ako sa mga dahilan kung bakit nya dinadanas yun. Na dapat hindi na lang ako nagsabi ng totoo sa kanya. Kinamusta ako ni Bea, nabanggit ko sa kanya na after namin maghiwalay ng ate nya ay nagfocus nalang ako sa aking trabaho. After namin mag usap ni Bea at nagkayayaan na umuwi, inalok ako nito na kung pwede ay bumisita ako sa kanila. Tumango nalang ako.

Pabilisin na natin ang istorya, Nagpunta ako dun sa bahay ng Ex ko, humingi ng tawad sa mga magulang nito at pinatawad naman nila ako. Hinarap ko ang aking Ex at sabay ako nito niyakap. Pinapatawad na daw nya ako at kung pwede maging kami ulit. Sa totoo lang mahal ko talaga sya, hindi nawala yung pagmamahal ko sa kanya kahit na isang taon na kami hindi nagkita o nag usap. Pumayag ako sa gusto nya at nangako na babawi ako sa kanya.

Lumipas ang mga panahon ay nabawi ng GF ko ang lakas nya. Nakapasok na rin ito ng trabaho at naging masaya na ulit. Naging usapan namin na sa kanya nalang ako manuluyan dahil mas malapit ang pinagtatrabahuan ko sa bahay nya at gusto nya ako makasama araw araw. Pumayag ako.

Akala ko okay na ang lahat pero isang gabi, habang tulog na kami ng GF ko. Kinatok kami ni Bea, umiiyak ito. Tinanong ko kung bakit ang sabi nya ay niloko daw sya ng jowa nya at gusto nya muna dun sa bahay ng ate nya matulog. Pumayag naman ako.

Hindi nagising ang ate nya kahit na napapalakas na ang pag iyak ni Bea, sa hindi ko malamang dahilan ay niyakap ko sya. Nilabas nya ang mga sama ng loob nya sakin at hinayaan ko iyon...

About the Author :

M

Joined: December 7, 2020 (1 year old)
Writings: 2
Male  ·  Offline

Suggested writings:

4  ·  8  ·  4  ·  2,028
 · 

Comments
M
Mr.M
March 29, 2022 (1 month ago)

Maxie mahirap mag mahal ng 2 lalo pa kung magkapatid.I'm sure ang iba maiingit dahil magkapatid nagka gusto sa iyo at nakipagtalik pa.Delikado yan,baka iyan pa ang maging dahilan para makulong.Buti pa umalis ka na sa buhay nila.Lumayo at wag nang balikan.Kung mahal mo iiwan mo para sa ikabubutin nilang mag ate.

Minsan na namatay pero muli nabuhay

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M
maixe
March 29, 2022 (1 month ago)

pag iisipan ko yan salamat sa advice

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
W
Whitechoco
March 29, 2022 (1 month ago)

Iwas ka dito. Delikado yang ginagawa mo once mabuko kayo sureball watak gf mo and pamilya nila. Baka di na makarecover gf mo kung ganun.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Kuya_vin's Profile Picture
Kuya_vin
March 30, 2022 (1 month ago)

Ginusto mo padin yan brod. Una sa lahat alam na alam mo kung ano ang consequences ng ginagawa mo hindi mo maitatanggi yan sa sarili mo. Bukod sa nalaman mo at nakita mo sa ex mo pinagdaanan nyan nung una kayong naghiwalay wasak ang buhay tapos ginawa mo ulit. Malamang sa malamang gunaw na mundo nyan pre. Pero wag nman sana baka magpakamatay na yan at dadalhin mo habang buhay sa consensya mo yan. Bago ka umalis bigyan mo ng mabigat na dahilan kung bakit ka lalayo. White lies sa huling pagkakataon na gagawin mo yan sa dalawa. Sabi nga ni Mr.M delikado yan worse sinaryo makapatay ka o mapatay ka. Nakuha kang patawarin ng family nila baka wala ng next time.and baka last mo na yan.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M
maixe
March 30, 2022 (1 month ago)

salamat sa advice sir.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Power's Profile Picture
Power
March 30, 2022 (1 month ago)

Why not threesome nalang kayo? Open mo sa gf mo unti unti

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
PTmaharot's Profile Picture
PTmaharot
March 30, 2022 (1 month ago)

patay ka jan.. hirap ng pinasok mo

PTmaharot

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M
Mhdmclngcom
March 31, 2022 (1 month ago)

Pinatawad ka na nga pero inulit mo pa rin. Nasan kunsensiya mo par? Pano kong gawin yan sa kapatid mong babae. Ano mararamdaman mo? Masaya? Ang Karma nanjan lng sa tabi par, wag mo ng hintayin dumating pa. Base sa naobserve ko sobrang mahal ka ng GF mo kaya pinatawad ka, kung ibang babae yun baka kinamuhian kapa, wag mong sayangin tiwala niya par. Bihira ganyan babae sa panahon ngayon. Maniwala ka!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments