M
E
N
U

Friends, Families, Fantasy And Frustrations

Posted in
Confession: True Story, Tagalog · Categories: Romance · Tags: , , ,
Date: December 2, 2021 (1 month ago)


Sorry, sobrang tagal ng update. Ang dami kasi ng mga hinahabol na projects na ioopen before Christmas. Medyo may mga iba na patapos na. Puyat dahil sa kamamadali. Pero ok narin yan, stress na may kasamang pera naman.

Also, I was kind of hesitant na alalahanin yun nangyari sa amin ni misis during our turbulent times. Sabi nga ng Marriage Councilor namin nuon, "Kalimutan nyo na ang lahat ng kamalian. Lahat naman ng mag-asawa, dumadaan sa ganyang pagsubok. Maaring nadala kayo sa tukso, ang mahalaga ay pinatawad nyo na ang isa't isa ang si Kristo na ang nasa gitna ng inyong mga puso at pamilya". Kaya ituloy ko na yun istorya namin.

Karugtong ng Love, Lust And Labor

Nakita kami ni misis na kayakap ko si Architect Luisa sa labas ng bahay nya. Gated subdivision kami dito sa Cebu na nasa may bundok kaya galit na galit ako at bakit nakapasok siya. Nag iiskandalo si misis sa labas ng gate ng bahay nung nakita nya kami. "Layuan mo ang asawa ko!". Napakaingay ni misis at siguradong naririnig na yun ng mga kapitbahay. Maya maya, dumating ang mga guard ng subdivision at pinahihinahon si misis. Di sya natatahimik pero sa sinabi ni Luisa sya talaga nasaktan. "Ikaw ang lumayo sa kanya. Saan ka ba nya napulot? Sa basurahan. Akala mo ba di ko alam ang nakaraan mo? Nagpapahindot ka sa ibat ibang lalaki. Sa matanda, sa bata, sa mga pinsan mo. Ikaw ang lumayo sa kanya. Binihisan ka lang ng asawa mo pero basura ka parin. Alamn mo ba kung bakit ka nya iniwan? Napakabobo mo kasi. Di ka nya makausap ng nakakatulong sa trabaho nya. At sobra ka pang magastos. Ang pamilya mo, parang mga linta na kumakapit lang sa kanya para mahuthutan ng pera. He does not benefit for marrying you, you benefited on marying him. Isa kang pagkakamali sa buhay nya at pilit mo syang hinahatak pababa. Ako, itinataas ko sya sa kanyang tunay na kapasidad! Nakikinabang ka lang sa pera na pinaghihirapan namin!

Matindi ang sumbat na iyon ni Luisa sa kanya. Natahimik si misis at humagulgol ng iyak. Di ako naawa sa kanya nuon. Pakiramdam ko kasi sa panahon na iyon, laging tama si Luisa. Ang sinabi nya, tama rin. Tama lahat. Niyaya na ako ni Luisa na pumasok sa bahay. Sinabihan naman nya ang mga gwardya sa labas ng gate "Itapon nyo na yang basura sa labas. Napakabaho." Hinawakan ng guard si misis pero dalian na rin syang sumakay sa taxi na naghatid sa kanya. Ramdam ko ang sakit ng damdamin nya nun pero di ko yun pinansin. Nalulunod ang pakiramdam ko kay Luisa.

"Alam mo, pwede naman tayo pumunta sa US at dun patakbuhin ang company natin. Walang stress at solo natin ang isat isa." mungkahi ni Luisa sa akin. "Sige, pero paano ang asawa ko?" tugon ko. "Hayaan mo yan. Padalhan mo lang ng pera yan para sa anak mo. Kung gusto mo, ampunin natin ang anak mo. Lawyer ang tatay ko at nasa US. Madaming kilala yan dito. Makukuha nya anak mo kung gusto mo." sagot ni Luisa sa akin. Pakiramdam ko, tama palagi ang sinasabi ni Luisa. Para akong bata na sobra na ang pagtitiwala sa kanya.

Pagkatapos pala ng insidente na yun, pinuntahan pala ni misis ang mga barkada ko dun sa Cebu. Tumawag kasi si Erwin sa akin at tinanong kung meron kaming problema magasawa. Sabi ko kay Erwin na hihiwalayan ko na si Misis. Nanghinayang naman si Erwin sa amin at sa aming anak. Sabi ko nalang na susustentuhan ko sila kung gusto nila pero di na ako uuwi sa kanila. Kinuhaan nalang ni Erwin ng ticket pabalik ng Maynila si misis. Pakiramdam ko, lumayo narin ang barkada ko sa akin. Ang mga utos ko, sinusunod lang nila pero parang gusto nila agad umalis kapag kausap ko. Di narin nila ako tinitignan sa mata. Sinabihan ako ni Luisa na pabayaan nalang. "Nagtatrabaho sila sa kumpanya mo, at wala silang karapatan na kaibiganin ka. Basta trabaho nila, gawin nila." yun ang utos ni Luisa sa akin.

Lumabas na ang Schengen Visa namin ni misis para sa plano naming tour sa Europe. "Cupcake, para di masayang yan, tayo nalang magtour. Tapos nyan, diretso tayo ng US para dun naman tayo magikot at mameet mo parents ko." sabi sa akin ni Luisa. "Sige, di pa ako nakakapunta ng Europe at US e. Paano ang company natin dito?" tanong ko. "May mga kaibigan ako saka tao ni gov na pwedeng magmanage ng company natin dito habang wala tayo. Sila na ang bahala sa lahat. Tatawag naman sila kung may problema. Saka malakas yun kasi kaibigan namin si Gov diba?" sagot ni Luisa. Manghang mangha ako sa kanya. Alam nya lahat ng gagawin.

Nang maayos na namin ang company, Si Greg yun Engineer na kaibigan ni Luisa at tao ni governor. Sya ang ginawa naming General Manager habang board members kami ni Luisa at isa pang kilalang politician sa Cebu. Madami daw ipapasok na project itong politician habang wala kami sa Pilipinas. Since kaibigan din yun ni Luisa, wala naman akong tutol. Direct flight na kami from Cebu to Singapore. Nagstay kami ng 2 days dun para mamasyal bago nagdirect flight papuntang Dubai. Pasyal din kami dun. Nakapunta na si Luisa ng Dubai at Singapore kaya sya ang naging tour guide ko. Yun mga bagong buildings dun, tuwang tuwa ako. Para kaming magasawa na bagong honeymoon. Nameet ko din ang mga kaibigan nya Architects na nasa Dubai. Asawa ang pakilala nya sa akin. Masaya naman ang puso ko sa naririnig ko na mga magagandang bagay tungkol sa akin na sinasabi nya. Puro papuri sa akin at sa aming company.

After a week sa Dubai, lipad naman kami ng Rome, Italy. Ngayon ko lang nakita ang mga luma at magagandang mga structure na nakikita ko lang sa picture at napapanood sa movie. Iba talaga kung makikita mo ng personal yun mga buildings na yun. Then sa Paris kami para sa Eiffel Tower. Pang romance talaga ang tour namin. Halos 1 month kami sa Europe na dapat ay asawa ko ang kasama ko. Mistress ko ang nakikinabang sa pinagpaguran ko pero pakiramdam ko nuon, deserve namin ito kasi pinalaki namin ang company namin ng kami lang. Nakakausap namin si Greg sa phone at sinabi na madaming naaward na mga government projects sa amin. Pero matakaw itong si politician-friend ni Luisa. 50% ang hinihingi pagkaaward. Kaya wala kaming nagawa kundi dayain ang project. Di na rin gusto ng barkada ko ang palakad sa company ko kaya umalis na sila sa akin. Nabangit ni Greg sa akin na nagfile ng resignation si Erwin, Mike at Vincent. Sabi lang nila na magtatayo sila ng sarili na nilang company sa Maynila. Ok lang naman sa akin nung panahon...

About the Author :

desig's Profile Picture

Joined: August 1, 2021 (5 months old)
Writings: 30
Male  ·  Offline
20  ·  4  ·  16  ·  1,364
 · 

Comments
kuatog's Profile Picture
kuatog
December 2, 2021 (1 month ago)

namiss ko ang kuwento mo boss...welcum back 😁😁

a man with a plan ⚙️

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
PTmaharot's Profile Picture
PTmaharot
December 2, 2021 (1 month ago)

nice .. sana 2loy 2loy na... i like ung pagkakasulat👌

PTmaharot

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M
maredz
December 2, 2021 (1 month ago)

Araw araw ko inaabangan kung may update na. Buti nman at nasundan na kahit matagal

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Birdie's Profile Picture
Birdie
December 4, 2021 (1 month ago)

Eto talaga yung malungkot na bahagi ng pagtataksil, yung masira ang lahat ng pinaghirapan mo lalo na mawala pati pamilya mo. Sana d ako umabot sa ganito

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments